You are on page 1of 5

Talumpati

-Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan


o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na
ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.

Elemento ng Talumpati
1. Panimula, Pambungad o Introduksyon- Kung saan ang
pangunahing layunin dito ay makuha ang atensyon ng
tagapagkinig.Ang bahagi ng talumpati kung saan inilalahad
ang layunin o nilalaman ng mensahe nito.

2. Katawan-Ang pagkakasunud-sunod sa bahaging ito ang


mga makabuluhang puntos o patotoo.

Maaari itong isaayos sa mga sumusunod na paraan.

Spatial

Kronolohikal

Papaksa

Sanhi at epekto

Paghahambing at pagtutulad

Suliranin
3. Paninindigan

Bahagi ng talumpati kung saan pinatotohanan ng


Mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng katawan.
Ang Layunin nito ay hikayatin o mapaniwala ang
tagapakinig.

4. Konklusyon-Ang bahaging nagbubuod sa buong talumpati.


Upang mas maliwanagan ang mga tagapakinig sa mga
paksang tinatalakay.Ito din ang bahagi kung saan mag-iiwan
ng kakintalan sa isipan ng tagapagkinig.

Halimbawa ng Talumpati
“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” – mga salitang
halos araw araw mong maririnig mula sa mga matanda.
Sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos nakakabingi na
nga ‘di ba?Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon.
Ang kabataan ng makabagong henerasyon na maraming
alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa
buhay, maraming nais maabot.Ang totoo, maraming
kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang
hindi nakakakita nun dahil inaasahan nating maging
pareho sila ng kabataan noon. Hindi pa ipinapanganak,
nakakulong na sa ating mga ganito, ganun.Ano sa tingin
mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan natin silang
mamuhay sa mundo na kinamulatan nila? Mahirap.
Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa mundong ibang-
iba na rin.Iba man ang kabataan ng makabagong
henerasyon, tanaw pa rin nila ang pag-asa. Hindi man sa
paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang araw,
mas magiging maliwanag ang mundo dahil sa kanila.

Talambuhay ni Rizal
Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng
Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina
Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga


siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy
niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag
tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila
noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.

Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa


Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de
Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina
at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at
sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at
Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa
Paris, France at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El
Filibusterismo” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga
prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan
ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P.
Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga
Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng
mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo,
industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort


Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892.
Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan
nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang
mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya
ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba
upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong
Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa
pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort
Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng


kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na
nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang


“Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa
mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa
Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
Mga Pag-Ibig ni Rizal

You might also like