You are on page 1of 16

ANG BROADCAST MEDIA: MEKANISMO NG PAGBABAGO

AT PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINO


Mga aralin
Ang Radyo at Pananaliksik
Kuwentuhang Media mula sa Online Balita
Konsepto ng Pananaw
Dokumentaryong Pantelebisyon
“Kislap ng Bituin” ni Jeystine Ellizabeth L. Francia
Dokumentaryang Pantelebisyon
Araling Pangwika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal
Broadcast Media
Panimulang Pagtataya: Paborito Ko!
Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang
iyong paboritong pinakikinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo
pinanonood o pinakikinggan ang mga programang iyong nabanggit.

Madalas na Pinanonood sa Telebisyon:


_________________________________
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:
___________________________________
___________________________________
_____________________________

Madalas na Pinakikinggang
Programa sa Radyo:
___________________
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:
______________________
_________________

Motibasyon: Pagkilala sa Media


Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na
ito. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang isinaad na datos upang maibigay ang
tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel.
Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili.
Isang palabas na maaaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa katotohanan ng buhay sa paligid.
Maaaring maghatid ng balita, talakayan, at impormasyon sa bayan man sa nayon.
Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami.
Maaaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o telebisyon.
T E L E B I S Y O N M V
L M N H I E A Y O A U M
E J O S H I D I E T S U
L I R A B A L I T A I S
E C A C R I S T Y S K A
O M A R I C A R R O A K
D O K U M E N T A R Y O

99
Gawaing Bahay: Mga Kilalang Boses sa Loob ng Media
Maraming tao ang lumalabas sa telebisyon at radyo. Karamihan sa kanila ay kilala hindi lamang dahil sa kalidad ng
kanilang mga pag-uulat kung hindi pati na rin sa paraan ng kanilang pananalita. Bumuo ng isang grupo at pumili ng isang
kilalang programa sa radyo o telebisyon, subukang pagaralan ang paraan ng kanilang pananalita at pagbabalita. Iprisenta
ang paraan ng pagbabalita ng mga nasaliksik sa klase.

Mula sa mga gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating buhay ang pakikinig ng radyo at panonood ng
telebisyon. Ngunit paano nga ba nito nabago ang ating kultura at panitikan? Paano ito naipakilala ang ilang bagay na
dapat talakayin sa ating bansa?

Pagkilala: RADYOrific ang Hatid

Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na
may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga
pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

nagpapahatid ng
mga panawagan
naghahatid ng nagpapalabas
musika ng pelikula

nagpapalabas nagpapalabas
ng variety ng teledrama

nagpapakilala ng nakikinig ng
isang produkto mga awit

naghahatid ng mga nagbibigay ng


talakayan / pulso ng opinyon kaugnay
bay ĥ ng isang paksa
naghahatid ng
napapanahong
balita

Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng radyo sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng
mamamayan. Matututuhan mo rin kung paano makasusulat ng isang komentaryong panradyo gamit ang iba’t ibang
konsepto ng pananaw. Sa ibaba ay mababasa mo ang ilang mga gabay na tanong na maaaring makatulong sa iyo upang
maging lubos ang iyong pag-unawa sa araling ito.

Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo
ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang popular? Ipaliwanag.

Sa bahaging ito ng aralin, basahin at unawain ang mga komentaryong panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng
isang isyung tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang “Freedom of Information Bill” bilang pokus ng isang
komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat.
Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

100
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina
Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang
mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang
mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito,
isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang
mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng
pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot
ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, “Pag hindi pa naipasa ang FOI bago
mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.” Roel: Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa:


http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/
Mga Gabay na Tanong

Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga pahayag mula sa binasang halaw na
pagtatalakayan sa radyo?

Mahusay ang iyong ginawang pagpapaliwanag. Ngayon na nabasa mo na ang isang uri ng programang panradyo punan
mo naman ang kasunod na tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Sasagutin lamang ang huling
kolum, na L pagkatapos na mapag-aralan ang araling ito.
Motibasyon: Radyopinyon

Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw?
Isulat sa bituin ang positibo
at sa bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.

K W H L
Ano ang alam mo na? Ano ang nais mong Paano mo makikita ang Ano ang iyong
malaman? nais mong natutuhan/
maunawaan? naunawaan?

101
Aralin: Ang Radyo at Pananaliksik

Isa sa mga mahahalagang gawain ng mga personalidad sa radyo at telebisyon ay ang pagpili ng paksang tatalakayin sa
palabas. Maaaring isipin na tulad din ito ng pagpili sa mga sasabihin sa pagsulat ng isang sanaysay o sa isang proyekto.
Ibig sabihin dapat na mahalaga rin ang pagpili ng mga makabuluhang paksa sa mga pag-uusap sa radyo o telebisyon. Sa
bahaging ito susuriin natin kung papaano tayo matutulungan ng ilang gawain nila sa ating pananaliksik.

Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:

Politika
Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
Mga pagdiriwang sa Pilipinas
Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinig

Hindi mahirap alamin ang interes ng mga tagapakinig dahil sa iba’t ibang pamamaraan ng mga istasyon sa pagkilala sa
manonood at tagapakinig. Subalit hindi nila maaaring kunin sa kung saan lang ang kanilang impormasyon. Dahil dito
dapat silang manaliksik tungkol sa mga gustong mapakinggan ng kanilang mga tagasubaybay. Ilan sa mga maaari nilang
gamitin sa ganitong pananaliksik ay ang survey at panayam.

Survey:

Gumagamit sila ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa kanilang mga programa. Maaari din silang kumuha ng
mga panayam tungkol sa kanilang mga programa. Ang sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey.

Multiple Choice – ito ang mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey. Mas madali itong sagutin kumpara sa
iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.

Tingnan nang mabuti ang mga sitwasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang sa
tingin mong sasabihin mo?

Katatapos lang ng inyong klase. Tinawag ka ng kaibigan mo para kumain ng tanghalian.


“Wait lang! May pinapakuha si Ma’am sa may Xerox.”
“Sandali lang! May pinapakuha si Ma’am sa may Xerox.”
“Please wait for me! I’ll just get something from the Xerox.”

Pumasok ka sa iyong klase nang ika-pito ng umaga ngunit matapos ang ilang minuto,
kinansela ang klase dahil sa bagyo.
“I hate the rain. I should still be sleeping at this moment!”
“Kainis naman tong ulan. Dapat tulog pa ako eh!”
“I hate the rain. Dapat tulog pa ako eh!”

Pinakuha mo sa iyong kaklase ang librong pina-photocopy.


“How much lahat? May barya kayo sa one thousand?”
“How much? Do you have change for one thousand?”
“Magkano lahat? May barya kayo sa isang libo?”

May pagsusulit kayo at wala kang panulat. Hihiram ka sana sa iyong katabi.
“May panulat ka pa ba na puwedeng hiramin?
“May extra kang pen? Puwede borrow?”
“Do you have an extra pen I can borrow?”
102
Pagkilala sa mga sinasang-ayunan – Bukod sa simpleng multiple choice maaari ding maglagay ng listahan na
nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan. Isang halimbawa ang sumusunod.

Punan ng ekis (X) ang SA kung sang-ayon, W kung Walang Sagot, at DS kung Hindi Sang-
ayon sa tapat ng mga pahayag na nakasulat sa kaliwa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Pahayag SA W DS
1. Napalalakas ng wikang gamit ko ang aking loob.

2. Madali akong naiintidinhan sa wikang ginagamit ko.


3. Hindi nakalilito ang wikang ginagamit ko.
4. Ang wikang gamit ko ay mas madaling gamitin sa labas ng
klase.

5. Naiintindihan ng lahat ang ginagamit kong pamamaraan ng


pagsasalita.
6. Madali kong naipapahayag ang aking mga ideya gamit ang
aking wika.
7. Pormal ang wikang ginagamit ko.

Likert Scale – Ang Likert scale ay isa sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.

Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas malapit sa Ingles
at 5 bilang mas malapit sa Filipino.

Ingles Filipino

1------------------2--------------------3------------------4-----------------5

Ilan lamang ito sa mga maaaring lamanin ng isang survey, maaari ding ayusin at pahusayin ang paraan ng pagtatanong.
Bukod sa mga ito maaari ding gamitin ang pagkuha ng panayam sa mga tagasubaybay.
Panayam

Sa paggawa ng isang panayam kailangang planuhin din ang mga dapat na gawin at tatanungin. Subalit kasabay nito ang
pagiging handa rin sa pagbuo ng mga pagpapalalim na tanong. Totoong may mga gusto tayong malaman subalit minsan
ay di natin makukuha ang nais nating sagot. Minsan may pangangailangan ng pagdedetalye subalit kailangan pa ring
tandaan na dapat ay nasa paksa pa rin ang mga tanong.
Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o mapagkukunan ng impormasyon. Maaaring kumunsulta sa mga libro
o sa internet subalit mas makatotohanan ang impormasyon na manggaling mismo sa isang mapagkakatiwalaang batis.
Ito ang tinatawag na pangunahing batis ng impormasyon.

BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK, BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG
MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

103
PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM
Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
Kilalanin ang taong kakapanayamin
Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
Teknik sa Pakikipanayam
Bago Magpanayam

PAKIKIPANAYAM
Maging magalang
Magtanong nang maayos.
Itanong ang lahat ng ibig malaman kaugnay ng paksa.
Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Teknik sa Pakikipanayam
Tagumpay sa Pakikipanayam

PAGKATAPOS NG PANAYAM * Magpasalamat.


Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
Pagkatapos ng Panayam

Pagtatasa: Telehanayan ng Kasagutan

Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga bagay na iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito.
Maging maingat at matapat ka sa pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na nasa kabilang pahina
sagutin ang unang apat na kolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin kaugnay
ng telebisyon.
Pagpapalalim: Pagbuo ng Sariling Pananaliksik

Bumuo ng grupong may tigatlo hanggang tiglimang miyembro at pumili ng isang gustong gawing paraan ng pananaliksik.
Mula dito bumuo o humanap ng paksa at bumuo ng isang concept web. Iprisenta ito nang tulad ng isang skit ng
talakayan o pag-uusap tao tungkol sa napiling paksa.

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin –


Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng
oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang
mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay
opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki
upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang
Ehersisyo: Radyomentaryo hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang
Bilang bahagi ng iyong gawain puntahan ang alin man sa mga pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng
link sa isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

104
loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.

http://www.tv5.com.ph/ click radyo5


http://www.interaksyon.com/article/42031/te
odoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraid-of-foi

tunein.com/ radio /Radyo-Patrol-630-s14674/


radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-92
3- news-fm-online/

Para sa mga walang internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa anumang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang
kasunod na teksto na kuwentuhang media.

Tandaan: Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa:

Pamagat ng paksang tinalakay,


Mga batayan ng mga salaysay, at
Mga paksang pinag-uusapan.

Mga Gabay na Tanong:


Tungkol saan ang iyong napakinggan?
Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga komentarista?
Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on June 2nd, 2012

Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan ng magaling na
coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay Tuesday Club sa Pasig City. Magagaling, matatalas, at
analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag
Shoal, at ni CJ Renato Corona.

Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris
“Jun” Icban; Butch Raquel, GMA Vice President for Communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez,
Tony Katigbak (Chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-
Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic Editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes
Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan, at kumustahan, nakapupulot
ka ng matatalino, magaganda, at sariwang opinyon, analisis, at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang
kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal.

Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine
Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon
kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations
Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito.
Maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling
ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.

105
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-
ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi
diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro
sa atin.

Mga Gabay na Tanong

Ano ang napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan?

May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye?

Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng
kasalukuyang lipunan?

Pagtatasa: Radyopormasyon

Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang
mga impormasyon. Gawin sa papel.

Mga nagpapahayag ng
impormasyon

Mga pahayag ng mga


personalidad

Sariling pananaw

Motibasyon: Radyotik na mga Titik

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon
ay tinatawag na “konsepto ng pananaw.”
Mula sa binasang teksto na Kuwentuhang Media, hanapin ang mga salitang tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw.
Isulat ang iyong sagot sa
mga bilog. Gawin sa sagutang papel.

106
Ugnay Wika
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na Konsepto ng
Pananaw.

1. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang ayon/ batay/ para/ sang-ayon
sa/kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip,
sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na
wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong
bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/ palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na
halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan
ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.

Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.


RADYOMENTARYONG MAKABAGO
Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga bagay ay pawang
gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng
kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.

Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi
ng L.

Pagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan, bigyang-pansin ang mga bagay na nagdulot sa iyo ng
maling pag-unawa. Hingin ang tulong ng iyong guro upang mas malawak at mas komprehensibo ang mga bagay na iyong
natutuhan.

Sa huli, gumawa ng isang komentaryong sanaysay na tumatalakay sa isang napapanahong isyu. Gawin ito ayon sa
hinihinging pamantayan.

Dalawang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng iyong sariling pananaw.


Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw.

Konteksto: Subukang gumawa ng pag-uulat sa susunod na sitwasyon

Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo ay inanyayahan kayong magpakita ng
pagtatanghal ng isang programang panradyo bilang pagbibigay-pugay sa isang award winning radio broadcaster/
komentarista na mula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya ng kaniyang ika-60, kaarawan; kasabay ng pagdiriwang ng
pagkakatatag ng Interact Club.

107
NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG
PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO

Pamantayan Napakahusay 4 Mahusay 3 Umuunlad 2 Nagsisimula 1 Kabuuang Marka

Masaklaw na Komprehensibo Masaklaw, Makabuluhan May


paglalahad ng at makabuluhan makabuluhan at napapanahon ang makabuluhan
napapanahong ang at napapanahon mga impormasyong at
impormasyon napapanahong ang mga inilalahad sa materyal napapanahong mga
mga impormasyong alinsunod sa paksang impormasyong inilahad
impormasyong inilalahad sa itinatampok ngunit sa materyal tungkol sa
inilalahad sa materyal alinsunod may mga detalyeng paksang itinatampok
materyal sa paksang hindi nailahad na higit ngunit limitado ang mga
alinsunod sa itinatampok. na ito.
paksang makatutulong
itinatampok. sa pagtatanghal.
Masining at Natatangi ang Masining at maingat Masining at maingat Masining na ginamit ang
maingat na paggamit ng na nagamit ang na nagamit ang wika wika ng kabataan sa
paggamit ng wika ng wika ng kabataan sa ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa
wika kabataan nang kabuuang karamihan ng nabuong
higit pa sa pagpapahayag sa pahayag sa nabuong materyal ngunit hindi
inaasahang nabuong materyal. materyal. maingat ang paggamit.
pamamaraan sa
materyal.
Mahusay na Tipong Taglay ang lahat ng Taglay ang mga susing Naipamalas sa materyal
aspektong propesyonal ang kailangang elemento sa ang minimal na antas ng
teknikal pagkakagawa sa elemento sa mabisang pagbuo ng pagtatagpitagpi ng
materyal dahil mabisang pagbuo materyal at elemento at teknikal na
sa husay ng ng materyal. naipamalas ang pagganap.
pagtatagpitagpi Naipapamalas ang angkop na teknikal na
ng mga kahusayan sa pagganap.
elemento nito. teknikal na
pagganap.
Pagkapraktikal Ang mga Malinaw at Makabuluhan ang May mga rekomendas-
ng inilahad na kapakipakinabang karamihan sa inilahad yong inilahad ngunit
rekomendasyon rekomendasyon para sa lahat ang na rekomendasyon. hindi malinaw ang
ay inilahad na iminumungkahi ng mga
nagmumungkahi rekomendasyon. kaisipan.
ng kaisipang
pangmatagalan
sa kamalayan ng
madla.

Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano nito naimulat ang iyong isipan sa
katotohanan ng buhay? Gawin sa papel.

Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino
ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas
sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time
na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita, at mga dokumentaryong pantelebisyon.
108
Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas
matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting
ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa
pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina Cheche Lazaro,
Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, Kara David, at iba pa.
Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagkatitiwalaang dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong
kakayahan?
Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang mahusay na dokumentarista sa
telebisyon - kung paanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang - kulay sa likod ng kamera, at kung
paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng
bawat mamamayan.
Panimulang Pagtataya: Paborito Kong Palabas!

Simulan pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba.
Alin ang pamilyar sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa madalas na panoorin. Ipaliwanag kung

Telembistiga

Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na mga kahon. Subukang panoorin o
saliksikin ang sumusunod na

palabas. Ipaliwanag ang pagkakatulad nila.

STORYLINE INVESTIGATIVE S. O. C. O.
DOCUMENTARIES

KRUSADA REEL TIME

REPORTER’S
NOTEBOOK

Mga Gabay na Tanong


Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan?
Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit?
Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa?
Paanong maituturing ang telebisyon, bilang salik ng panitikang popular, upang maging isang malaking impluwensiya sa
paghubog ng bagong kabataan? Pangatuwiranan at ipaliwanag.

Pagpapalalim: Gulong ng Buhay Telebisyon


Magbigay ng mga dahilan kung bakit pinanonood ang programang pantelebisyon. Subuking sagutin ang sumusunod na
tanong at ipaliwanag:

Ano ang nakaeengganyong bahagi ng programa?


Saan ako interesado sa isang programa? Sa kuwento? Tauhan? Lugar na pinagkuhanan?
Ano kaya ang genre na kinabibilangan ng programang gusto ko?
109
Panoorin: Teleisipan ng Buhay

Kung mayroon kang kompyuter at koneksiyon sa internet, panoorin ang dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE”
SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan sa http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=relatedǤ
Kung wala nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.

“Kislap ng Bituin”
Jeystine Ellizbeth L. Francia

Panganay ako sa aming magkapatid, at maagang iminulat ni mommy ang aking isipan sa tunay na takbo ng buhay.
Tinulungan niya akong buksan ang isip sa mga bagay na nagaganap sa labas ng aming tahanan. Ginagabayan niya ako
habang inuunawa ang mga ito. Bukod sa mga panonood ni mommy ng mga palabas nina Howie Severino isa ang
dokumentaryo ni Kara David na “Gamu-gamo sa Dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng
edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinatatatag.
Malaki ang iniiukit sa aking puso ng mga kaganapan sa Little Baguio isang lugar kung saan may mga guro at batang hindi
alam ang salitang pagsuko sa kabila ng kanilang sitwasyon sa buhay. Bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag
sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap, at lumalaban upang maging mas
maliwanag ang kanilang kinabukasan.
Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, at sa paggabay ni mommy upang unawain ko ang
mga ito, lalo kong pinatatag ang matagal nang pangarap na maging sa hinaharap.
Mula noon hanggang ngayon, pinangarap ko na maging isang tagapaglingkod ng mamamayan. Sumulat at maipakita sa
lahat ang tunay na kaganapan sa buhay ng tao. Pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga
taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensiyon.
Hawak ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa Dilim,” at ang pagiging guro
ni mommy, tutuparin ko ang makapaglingkod sa aking bayan at sa mamamayan.
Susulat ako ng mahahalagang impormasyong kakailanganin upang mamulat ang mundo sa katotohanan ng buhay.
Ipasisilip ko ang lente ng camera upang baka sakali ay makita nila ang mga bagay na dapat nilang makita, ang sakit ng
lipunang aking ginagalawan ay higit kong madama at maipadama sa buong mundo. Nais kong humawak ng panulat, baka
sakali, sa mga letrang isusulat ko sa papel ay higit na maunawaan at makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili
gayundin ang mga tao sa kanilang paligid. Hangad kong dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa
gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit na nilampasan ang lahat at naging isang
ganap na tanglaw at liwanag, naging isang makislap na bituin na magsisilbing gabay ng mga taong naglalakbay sa gitna
ng dilim.

Mga Gabay na Tanong:

Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang dokumentaryo?


Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?
Anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?
Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong magagamit mo sa susunod na gawain:

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang
sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon,
at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga
kaisipan, ugali, kabuluhan, at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng
pinanonood na mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at
estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.

110
Paksa: “Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong
kabataan?”

Mga Nalaman at Mga Patunay ng Katanggaptanggap na


Mga Nauna nang
Natuklasan Nalaman at mga Paglalahat
Nalaman
Natuklasan Kondisyon

Telementaryo
Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong napanood. Subukin mong dugtungan ang
kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel.

Dadalhin ang pagpag sa karinderya para _______________________.


Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain.
Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y _______________.
Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, _________________________________________.
Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa Dilim,”
_______________________.

Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang iyong napuna? Tama, may mga salitang ginagamit
upang makabuo ng mga ekspresyong nagpapahayag ng kaugnayang lohikal. Narito pa ang karagdagang impormasyon
hinggil sa mga ekspresyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal.
MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL
May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinagugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga
konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at
resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta


Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.
Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/ sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang
mga pangugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng
mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)

111
Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-
ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga
ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito, at bunga nito.
2. Paraan at Layunin

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang
halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang
arrow o palaso)

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.
Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit
ang resulta.
Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang
halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong
sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang
kapag, sandaling … o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
Pagtataya
Sinematotohanang Kaganapan
Gamit ang mga salita o ekspresyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat
larawan. Gawin sa papel.

Pagkatapos mong makita ang mga larawan, sagutin mo ang sumusunod na tanong.
Ano-ano ang paksa ng mga larawan?
Mahusay bang nabubuod ng larawan ang paksa? Ipaliwanag.
Ano pa kayang problema sa lipunan ang mahusay na gawing paksa ng ganitong mga paglalarawan?

Motibasyon: DokPantele
Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong
pantelebisyon na iyong natutuhan.
Sitwasyon:

112
Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong
Samahang Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang Pangulo
ng inyong samahan, ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang
kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong
itatanghal ay dapat a) gumamit ng wika ng kabataan sa kasalukuyan, b) may mga ekspresyong nagpapakita ng mga
konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng
kabataang tulad mo.
Bumuo ng isang plano kung papaano iprepresenta ang mga ito.
Bumuo ng balangkas ng takbo ng programa.

Pagnilayan at Unawain
Sa bahaging ito, subukang pagnilayan ang sumusunod na gawain upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa
mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Inaasahan na pagkatapos ng mga gawain, ang lahat ng iyong
maling akala o palagay ay naitama na dahil ito ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na sitwasyon ang
mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung paano
nakatutulong ang Broadcast Media sa
iba’t ibang kaparaanan sa ating araw - araw na pamumuhay.
BROADCAST MEDIA

RADYO TELEBISYON

1. pagbibigay ng impormasyon
2. pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon
3. pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin
4. paglalatag ng mga solusyon sa mga pangunahing suliranin
5. aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na mga suliranin
( serbisyo publiko )

Buuin ang pahayag


Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na pamumuhay
sapagkat______________________________________
________________________________________________________.

Pagpapalalim: Pagsasalin
Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo
ito. Kung mayroon ka pang hindi nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong guro. Sa pamamagitan ng mga
kasanayang iyong natutuhan mula sa mga aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak na matagumpay na naisakatuparan
ang mga gawaing iyong isinagawa! Batid din ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa paghahatid ng
mahahalaga at napapanahong impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng
mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong galing at talino. Nasa kabilang pahina ang isang gawaing tiyak kong kayang-
kaya mong isakatuparan.
Isa kang mamamahayag o journalist / broadcaster. Ikaw ay naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa
ating bansa.

Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay
para maging bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon.

113
Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa
batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng
wasto at mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o isyu.
Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa
radyo – ang KABOSES.
Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong Pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa
isang tao na makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang opinyon kaugnay ng paksa o isyung
iyong napili. Ang iskrip na iyong mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa KABOSES Station
Channel.
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo o dokumentaryong
pantelebisyon:

Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?


Ang Mundo Ba’y Sadyang sa Pera Umiikot?
Pamahalaan, Lagi Bang Handa sa Panahon ng Kalamidad?
Bagong Teknolohiya Sagot nga Ba sa Pag-unlad?
Katangiang Pang-Multimedia

Gumamit ng mga grapiko, video, Gumamit ng multimedia upang Gumamit ng multimedia upang Di-gumamit ng
tunog, at iba pang multimedia na maisagawa ang presentasyon. maisagawa ang presentasyon, ngunit multimedia upang
makatutulong upang higit na maging Sumunod sa batas kaugnay ng may mga pagkakataong nalalayo sa maisagawa ang
makabuluhan ang presentasyon. copyright sa paggamit ng tema. Sumunod sa batas kaugnay ng presentasyon.
Sumunod sa batas kaugnay ng copyright multimedia features. copyright sa paggamit ng multimedia
sa paggamit ng multimedia features. features.
Pagiging Malikhain
Ang presentasyon ay ginamitan ng Ang presentasyon ay ginamitan ng Sinubukang gamitan ng kakaibang Walang ginamit na
kakaibang mga likhang sining upang kakaibang mga likhang sining upang mga likhang sining upang mahikayat kakaibang mga likhang
mahikayat ang mga manonood, mahikayat ang mga manonood. ang mga manonood. sining upang mahikayat
makadaragdag sa pagpapalabas ng ang mga manonood.
layunin at tema ng paksa.
Pagtatanghal

Pinaghandaang mabuti ang bawat linya Pinaghandaang mabuti ang bawat May mga ilang pagkakataong Di-napaghandaan ang
at malinaw na binigkas ang bawat linya at malinaw na binigkas ang kinabahan habang nagsasalita. pagsasalita at pagganap.
salita. Naipakita ang kabuluhan ng bawat salita.
paksa at tema nito.
Bumuo muna ng concept web upang matulungan sa paghimay ng paksa. Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper.
Tiyakin na malinis at maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubrik na ginamit sa pagtataya
ng komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain.

Ipresenta sa klase ang nabuo, sa pamamagitan ng pagtatanghal ng script.


Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto:
Konteksto: Ipalalabas ang pinakaunang episode ng inyong programa sa susunod na linggo. Para dito kailangang makabuo ng
sumusunod:
Pamagat ng programa
Logo para sa programa
Script kung saan ipinakikilala ang layunin at punto ng programa.
Guhit ng sumusunod
Talk Show – hitsura ng set
Palabas tungkol sa krimen – hitsura ng set
Palabas tungkol sa isyu - guhit ng lugar na bibisitahin
Mga elementong kailangan isama ayon sa format ng mapipiling palabas
Talk Show – mga magsasalita at mga dahilan kung bakit sila iimbitahan
Palabas tungkol sa krimen – isang kaso (maaaring inimbento)
Palabas tungkol sa isang espisipikong isyu – lugar na bibisitahin at maikling paglalarawan dito. Kailangan ding magbigay ng dahilan
kung bakit ito ang napili.
114

You might also like