You are on page 1of 10

PAGSULAT NG

REBYU DULA
Iskit, One-Act Play, Monologo, Cosplay, at
Imprubisasyon
DULA
Anyo ng panitikan na nagtataglay ng katangian ng
pananagisag sa isang kasaysayan o yugto ng tunay na
buhay. Nakapaloob sa anyong ito ng panitikan ang mga
kuwentong isinulat upang maitanghal sa entablado,
pagganap ng mga tagpo, at dahilan sa pagtatanghal.
Panumbas ang salitang dula sa play. Iniuugnay rin ito sa
palabas at pagtatanghal.
ISKIT
Isang uri ng dula na may layuning makalikha ng karikatura
ng isang tao . Maituturing din itong istilo ng pagsulat o
paraan ng pagkakaganap at pagbibigay interpretasyon sa
isang karakter. Maihahalintulad din ito sa isang parodiya.
Maituturing din itong maikling dula.
One-Act Play
Dulang ang istruktura ay binubuo ng isang yugto
lamang (Casanova, 1984). Maikli at madali itong
itanghal. Hindi nangangailangan ng malaking gastos sa
produksiyon dahil sa iilan lamang ang artista,
kagamitan, at iba pang kailangan sa palabas.
Monologo
Isang taong nagsasalita mag-isa. May manonood man o
wala. Karamihan sa mga dasal, lirika, at lahat ng
lamentasyon ay pawang monologo. Monolohista ang tawag
sa taong nagsasagawa ng monologo sa posibleng
nagsasalitang mag-isa, solong nakikipag-usap sa manonood
ng isang palabas gaya ng dula, nagsasalita sa dula na hindi
nakikita ang manonood.
Cosplay
Ito ay pinagsamang salitang Hapon na “kosupure” na nangangahulugang
kasuotan (kosu) at play o pagtatanghal (pure). Sa cosplay, karaniwang
ginagaya ang mga tauhan sa anime, computer games, manga, at tokusatsu.
Inimbento ang cosplay taong 1984 ni Nobuyuki Takakashi. Tinangkilik ito sa
Pilipinas bilang uri na rin ng fashion statement ng mga kabataan at lugar para
sa pakikipagkaibigan, lalo na sa mga nagkakahilig sa cosplay. Ang cosplay ay
sumikat sa Pilipinas simula taong 1991 at binigyan ng mga lumikha sa sariling
pangalan sa Pinoy Cosplay. Bahagi ng cosplay sa bansa ang convention ng mga
cosplayer.
Imprubisasyon
Isang paraan ng pagbuo ng eksena, diyalogo, aksiyon, o
buong dula na ang mga miyembro ng pangkat pandulaan
mismo ang lumilikha ng mga ito. Biglaan at walang iskrip.
Hamon ang talas ng isip, pandama, at husay at galing bilang
kabuuan. May mga pagkakataong nilikha rin ang mga
awitin, tunog, musika at maging mga kasuotan at mga props
na aangkop sa uri ng dula o produksiyong binubuo.
Rebyu ng Dula at Iba pang Pagtatanghal Bilang
Akademikong Sulatin

Ang kasanayan sa panood ang mabisang kasangkapan upang


makabuo ng isang komprehensibo at epektibong rebuy ng dula, iskit,
monologo, one-act play, cosplay, at imprubisasyon. Ngunit, hindi
nagtatapos sa panonood ang maayos na rebuy. Mahalagang
kasangkapin ang kasanayan sa pagsulat at pagbibigay ng akmang
interpretasyon upang makalikha ng makatotohanang akademikong
sulatin.
Panonood: Habang sa Pagrerebyu
Kaakibat ng panonood ang pagbasa at pag-unawa sa mensahe ng isang palabas o
anumang pagtatanghal. Ang palabas ay isang uri ng teksto na nasa anyong
audio-visual na kailangan lapatan ng pagpapakahulugan. Dapat abangan ng
manonood bilang mambabasa ang mga nakalutang na isinasagisag ng palabas
batay sa lingguwistika (salita) o biswal (larawan) na ibinibigay ng anumang
pagtatanghal o produksiyon. Samakatuwid, sa panonood bilang lunsaran ng
gagawing rebuy, magkasama ang iba’t ibang makrong kasanayang
pangkomunikasyon.
Umiikot ang rebyu sa:
Tema --- Bakit ito ang pamagat ng dula, pagtatanghal, o produksiyon?
---Ano ang pangunahing paksa o ideya at genre ng palabas?
Tauhan---Sino ang bida, kontrabida, at iba pang nagsiganap?
---Paano nagsiganap ang mga tauhan? Akma ba ang kanilang kilos, pahayag, at iba pa?
Banghay---Ano ang simula, gitna, at wakas ng kuwento o palabas?
---- Ano ang krisis, resolusyon, aral na hatid ng kuwento o palabas?
Iskoring/Musika---Ano ang mensaheng hatid ng musika?
---Paano naging epektibong o hindi epektibo ang ginamit na musika?
Disenyo ng Produksiyon---Ano-ano ang nagging pangunahing disenyo ng produksiyon?
---Paano pinabisa ng disenyo ang produksiyon ang kabuuan ng palabas?
Direksiyon--- Ano ang naging paraan ng direksiyon ng produksiyon?
--- Paano nagging epektibo o hindi epektibo ang produksiyon?

You might also like