You are on page 1of 22

Sulating

Pansining
at Disenyo
Rebyu ng
Teleserye
Ang Kabilang Mukha ng Popularidad ng
Telebisyon
Mga Dahilan ng mga manonood kung bakit sila
sumusubaybay sa mga teleserye:

1. Nalilibang o nakapagpapalipas-oras sa manonood;


2. Tinatangkilik ang artista o mga artistang kabilang sa
teleserye;
3. Nagagandahan sa kwento at/o iskrip;
4. Naiuugnay ang sarili sa (mga) tauhan o sa (mga)
pangyayari sa teleserye;
5. Natututo sa teleserye kaya hindi lamang pampalipas-oras
kundi impormatibo at edukasyonal din.
Mga Kahinaan, Kakulangan at Kapintasang
Ipinatatanaw, Ibinabato sa mga Sangkot sa
paggawa ng Teleserye (Garcia et al.)

– Humihikayat ng pagpapantasya ang karamihan sa mga


teleserye;
– Namumutiktik sa deux ex machina o mga eksenang akala
mo’y di sadya ngunit sadya naman talaga ng manunulat;
– Nagpapakita ng sobrang pagmamalupit at karahasan;
– Paulit-ulit lamang ang mga detalye ng maraming kwento;
– Inuumpisahan ang kuwento sa panahon ng kabataan ng
mga bida;
Mga Kahinaan, Kakulangan at Kapintasang
Ipinatatanaw, Ibinabato sa mga Sangkot sa
paggawa ng Teleserye (Garcia et al)

– Saganang-sagana sa mga eksenang komprontasyonal (verbal at/o


pisikal);
– Babanatin nang babanatin o kaya ay daragdagan pa ang orihinal
na mga subplot kapag namamayagpag sa rating ang teleserye;
– Maraming batang tauhan ang hindi kapani-paniwalang mga bata
sapagkat tila nakatatandang mga tauhan kung magsalita;
– Kapansin-pansin din kapag may mga eksena ng nakaburol; at
– Napupuna ang galing sa pagganap ng mga artista lalo pa’t isa sila
sa mga pangunahing tauhan.
Kung susuriin ang 1-10 na inilahad, makikita na ang
diin ay kabuluhan at kalidad.

• Makabuluhan ba ang istorya sa pangkalahatan at


ang tema sa partikular?
• Makatotohanan at mahusay ba ang iskrip?
• Magaling ba ang artistang nagbibigay-buhay sa
mga tauhan?
• Mahusay ba ang direktor bilang musical director
ng kaniyang symphony orchestra?
Kahit ang isang disintonadong nota ay
nakasisira sa himig. Isang kolektibong
gawain ang panooring teleserye kung kaya’t
isang malaking hamon sa mga sangkot ang
responsibilidad at kalidad— kahit pa pang-
aliw na negosyong pagtutuuan ang
talagang hangad. (Garcia et al)
Movie and Television Review
and Classification Board
 Tungkuling tiyaking walang panoorin sa
telebisyon ang makakasama sa sensibilidad at
kapakanan ng mga manonood, lalo’t higit ang
kabataan. May mga panuntunan ito bilang gabay
kaugnay ng pelikula at telebisyon.
Movie and Television Review
and Classification Board
Apat na classification rating:
General Patronage

 10 segundo bago ang panoorin ay ipakikita


na ang pictogram (berde) kasabay ang voice
over na “Ang susunod na programa ay Rated
G. Ito ay puwede sa lahat ng manonood.”
 Sa pananaw ng MTRCB, ang materyal ay
angkop sa lahat, pati sa mga batang
manonood.
Parental Guidance/Patnubay
ng Magulang
 10 segundo bago ang panonoorin ay ipakikita
ang pictogram (asul) kasabay ang voice over na
“Ang susunod na programa ay Rated PG. Ito ay
nangangailangan ng patnubay at gabay ng mga
magulang para sa mga batang manonood.”
 Kailangang kasama sa panonood ang magulang o
nakatatanda para sa kailangang gabay at
patnubay.
Alituntunin ng MTRCB para sa
panooring may klasipikasyong
Rated PG
a. Tema – maaaring tumalakay ng mas seryosong mga isyu, ngunit sa paraang
naaangkop sa mga batang nasa edad 13 pababa.

b. Lenggwahe – pinahihintulutan ang pagmumura ngunit iyong tipong bahagyang-


bahagya lamang. Hindi pinahihintulutan ang mga pagmumurang kaugnay ng sex. Hindi
rin pinahihintulutan ang matagalan at/o sunod-sunod na pagmumura.

c. Hubad na katawan – maaaring pahintulutan ang ilang eksena ng pagpapakita ng


hubad na katawan sa kontekstong natural, at hindi sekswal.

d. Sex – ang lantarang pagpapakita sa gawaing sekswal ay hindi pinahihintulutan.


Maaaring ipahiwatig ang gawaing sekswal pero walang ipakikitang mga detalye.
Alituntunin ng MTRCB para sa
panooring may klasipikasyong
Rated PG
e. Karahasan – hindi dapat gawing kaakit-akit ang mga sandata at krimen. Dapat na
walang detalye ng labanan o ibang mapanganib na mga pamamaraan. Dapat na walang
detalye ng matagalang pagpapakita ng karahasan o pagdurusa.

f. Katatakutan – ang mga eksenang nakatatakot ay dapat na banayad at sandali lamang.

g. Droga – maaaring pahintulutan ang pahiwatig na nagpapakita sa mga bawal na


gamot at/o sangkap, o ang paggamit sa mga ito basta sa paraang hindi ito
nangungunsinti, humihikayat, o ginagawang kaakit-akit ang paggamit ng mga ito, at
kung kailangan lamang para sa tema at karakterisasyon.
Strong Parental
Guidance/Striktong
Patnubay ng Magulang
 20 segundo bago pa pumasok ang
panoorin ay papasok na ang pictogram
at voice over para sa SPG.
 Ang 20 segundo ay pagtiyak na
nabigyang-babala na ang mga magulang
para sa panooring hindi talaga angkop sa
mga bata.
Strong Parental
Guidance/Striktong
Patnubay ng Magulang
 May voice over na, “Ang programang ito ay Rated
SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang
ang kailangan. May maseselang tema, lenggwahe,
karahasan, sekswal, horror, at droga na hindi
angkop sa mga batang manonood.”
 Mas maselan sa panooring PG, mahigpit na sinusuri
at tinitimbang ng MTRCB ang layunin, genre o anyo,
oras ng pagpapalabas, pamamaraan, pagpapakita
ng tema, lenggwahe, karahasan, sex, katatakutan,
at droga.
Disapproved For Airing
on Television
 Anomang programa sa telebisyon na hindi makatutugon sa mga
klasipikasyong G, PG o SPG ay hindi pinahihintulutan ng MTRCB na
maipalabas.
 Gagamiting pamantayan ng MTRCB ang ating mga
pangkasalukuyang pagpapahalagang kultural.
 Mayroon itong katangiang imoral, mahalay, laban sa batas at/o
hindi magandang kaugalian, nakasasama sa dangal ng Republika
ng Pilipinas o ng ating lahi.
 Mayrong mapanganib na tendensiyang manghikayat na gumawa
ng karahasan, kamalian o krimen.
Disapproved For Airing
on Television

1. Ipinakikita sa paraang sadyang mahalay, nakasasama, o mapanlibak


ang mga gawaing pangkatawan (pag-ihi at pagdumi), gayundin ang
mga gawaing seksuwal;
2. Sadyang pagkalaban sa anumang lahi, pananampalataya, o relihiyon;
3. Kinukunsinti o hinihikayat ang paggamit ng mga bawal na gamot at
sangkap;
4. May tendensiyang wasakin ang paniniwala at tiwala ng sambayanan sa
gobyerno at/o lehitimong awtoridad;
Disapproved For Airing
on Television

5. Ipinagbubunyi ang mga kriminal o kinukunsinti ang mga krimen;


6. Nakasisirang-puri sa pangalan at karangalan ng sinuman, buhay
man o patay; at
7. Maituturing na pagkalaban sa isang malahukumang entidad o
kaya’y paglahok sa mga bagay-bagay na pinagdedebatehan pa sa
batas.
Tandaan…
Lahat ng programang ipinalalabas ng
mga TV Network ay nirerebyu at
kinaklasipika ng MTRCB. Ang MTRCB ay
maaaring magsuspinde, tanggihan, o
magkansela ng mga programa,
pero wala itong karapatang bawian ng
broadcast license ang alinmang TV
network. (Garcia et al)
Sanggunian:
Fanny Garcia et al. “Filipino sa Piling
Larangan”: (Sining at
Disenyo).(2011).

You might also like