You are on page 1of 8

Diocese of Imus Catholic Educational System

Modyul ng Pagkatuto sa Filipino 10

Apat na Buwan Ko sa Espanya


Tungkol saan ang modyul na ito?
Magandang araw! Panibagong kaalaman na naman ang iyong matutunghayan sa araw na ito.
Maghanda ka na at dadalhin ka ng ating aralin sa araw na ito sa isang bansa na kabilang sa
mga sumakop sa Pilipinas noong panahon ng ating ninuno. Malalaman mo sa modyul na ito
ang tungkol sa ilang paniniwala, kultura, at tradisyon ng bansang Espanya. Tatalakayin din sa
modyul na ito ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sanaysay sa pamamagitan ng mabisang
pagtukoy sa pamaksa at pantulong na pangungusap.

Aralin 1: Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya (Sanaysay)


Aralin 2: Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya sa Isang Talata

Ano ang inaasahan mong matutuhan?


 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan
F10Pt-Ic-d-63 (DepEd-MELC, DICES)
 Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda; pagiging
makatotohanan/ di-makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento.
F10PB-Ic-d-64 (DepEd-MELC, DICES)
 Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggang
impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media
F10PN-Ic-d-64 (DepEd-MELC, DICES, nF2F)

Paano mo matatamo ang pagkatuto sa modyul na ito?


Ito ang gabay upang matamo mo ang pagkatuto sa modyul na ito.

1. Basahin at unawain nang mabuti ang mga panuto.

2. Sagutin ang panimulang pagtataya. Ito ay nakalaan upang matukoy kung ano na ang
iyong paunang kaalaman sa aralin na tatalakayin.

3. Iwasto ang iyong sagot sa pamamagitan ng susing kasagutan na matatagpuan sa huling


pahina ng modyul.

4. Inaasahan ang iyong katapatan sa pagsasagot ng panimulang pagtataya upang malaman


mo kung ano na ang iyong nalalaman sa pag-aaralang aralin.

5. Isagawa ang mga Gawaing Pampagkatuto (Learning Activity Sheets), tiyaking sasagutin
at isusulat ito sa isang malinis na papel.

6. Isakatuparan lahat ng mga gawain sapagkat ang mga ito ay tutulong sa iyo upang higit na
maunawaan ang aralin.

1
Diocese of Imus Catholic Educational System

7. Sagutin ang pansariling pagtataya sa katapusan ng bawat aralin upang matukoy mo kung
gaano mo naunawaan ang aralin.

8. Bilang pagtatapos, sagutin ang pangwakas na pagtataya sa huling bahagi ng modyul.

Panimulang Pagtataya
Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay
sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala sa damdaming ipinahayag sa
bahagi ng parabula. Bilugan ang titik ng napiling sagot.

1. Ano ang sayaw na kinahihiligan ng mga Espanyol?


a. tango b. cha-cha
c. waltz d. flameco
2. Sino ang dalagitang bumisita sa Espanya sa loob ng apat na buwan?
a. Rebecca Dela Cruz b. Remedios De Dios
c. Rebecca De Dios d. Remedios Dela Cruz
3. Ano ang tawag sa mga pagkaing nakalagay sa maliit na lalagyan tulad ng platito na maaaring
damputin lang?
a. tipas b. topas
b. tepas d. tapas
4. Ano ang tawag sa karaniwang almusal ng mga Espanyol?
a. La Comida b. El Comida
c. El Desayuno d. La Desayuno
5. Saang lugar sa Espanya nagtatrabaho ang magulang ng dalagita?
a. Toledo b. Madrid
c. Barcelona c. Catalan

Aralin 1: Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya


Nasubukan mo na bang maglakbay o mamasyal sa ibang bansa? Kung nakapaglakbay ka na,
saang bansa o mga bansa ito? Ano-anong mga karanasan mo ang hindi mo kakalimutan sa
paglalakbay mong ito? Ang akdang babasahin mo ay isang paglalakbay ng isang dalagitang anak
ng parehong OFW na nagtatrabaho sa Espanya. Ang Espanya ay isang bansang sumakop sa
Pilipinas sa loob nang mahigit tatlong daang taon. Hanggang sa kasalukuyan, napakarami pa rin
sa mga impluwensiya ng bansang ito ang masasalamin sa ating wika, kultura, tradisyon,
pananampalataya at uri ng pamumuhay. Halika! Basahin at alamin natin kung ano-ano ang mga
malalaman ni Rebecca sa kanyang paglalakbay!

Pagganyak

2
Diocese of Imus Catholic Educational System

Anong gagawin mo?


Bago natin basahin ang ating akda, ay subukin ang inyong kaalaman sa mga salitang
magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan. Subukin ninyo ang inyong kakayahan sa
pagsagot ng gawain sa ibaba.

Gawaing Pampagkatuto blg. 1


Pamagat: Mga Talasalitaan
Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay
ang kahulugan.
Pagpapahalagang Pagkatuto: Mapagnilay at mapanuri sa pag-iisip
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10, Alma Dayag Pahina: 52-53

PANUTO: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin sa bawat
pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon at isulat ang mga ito sa patlang bago
ang bawat bilang.

_______________1. Makikita sa kanilang mga museo at mga lumang gusali ang mayamang
kasaysayang nag-ugat pa sa malayong nakaraan.

naglalagi nagtataglay nagmumula naiiwan

_______________2. Ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa mga toro sa


isinasagawa nilang bullfight.

nakikipagtiyagaan nakikipagpaligsahan nakikipag-isa nakikipagsabwatan

_______________3. Ang paa ng mga mananayaw ay singgaan ng hangin at hindi halos


lumalapat sa sahig.

lumalakad sumasayad sumasayaw lumilitaw

_______________4. Ang isang kaugaliang natatangi sa mga Espanyol ay ang paglalaan nila
ng tatlong oras para sa pananghalian at pagsi-siesta.

Naiiba nakadaragdag nakakapareho nagagawa

_______________5. Maraming putahe ang kanilang inihahanda sa tanghaliang tinatawag


nilang La Cena.
prutas ulam kanin at tinapay minatamis

Panlinang na gawain
Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o magkaugnay ang kahulugan.
Gamitin ang mga ito sa pangungusap. Isagawa ito sa isang malinis na papel.

3
Diocese of Imus Catholic Educational System

natutuhan dumarayo tanyag pakikipagtagisan kilala

bumibisita pakikipaglaban sakop saklaw nalaman

Anong gagawin mo?


(Lagyan ng panuto sa paraang may gurong nagsasalita sa harap ng klase. Tiyaking gumamit ng
mga nakapanghihikayat na salita upang magpatuloy ang mag-aaral sa gawain.)
LAS#2
Activity Title: Reaksyon sa Ideya
Learning Target/Competency: Nabibigayang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay
na akda.
Values/Graduate Attributes: Ang mga mag-aaral ay magiging mapagnilay at mapanuri sa pag-
iisip
Reference(s) & Author(s): Pinagyamang Pluma 10, Alma Dayag Page(s) No. 63

PANUTO: Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang lahat ng mga kaisipan o ideyang tinalakay sa
akda at ekis (x) naman ang ilagay kung hindi ito nabanggit sa akda.

1. Karaniwang hindi maagang nagsisitulog ang mga Espanyol dahil pagkatapos nilang
kumain ay karaniwang naglibot-libot pa sila.

2. Isang mahalagang bahagi ng kanilang kaugalisan ang mahabang pananghalian at


pagsi-siesta kaya naman ang halos buong bansa ay tumitigil at nagsasara sa mga oras
na ito.

3. Ang buwan Abril hanggang Mayo ay itinuturing na tag-init sa kanila na


maihahambing sa nararanasan sa Pilipinas.

4. Libreng nakapapasok sa kanilang mga museo tuwing Lunes, Miyerkules, Huwebes


at Biyernes mula ikapito hanggang ikasiyam ng gabi.

5. Bahagi rin ng kanilang makulay na kultura ang pagsasagawa ng bullfighting.

Magbigay-reaksiyon sa lahat ng mga pahayag na nilagyan mo ng tsek (/). Isulat sa linya ang
bilang at ang reaksiyon mo para sa bawat isa.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4
Diocese of Imus Catholic Educational System

Aralin 2: Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya sa


Isang Talata
Ngayong naisagawa mo na ang gawain na nagpapakita ng kahalagahan ng panitikan sa
paglalarawan ng isang kultura, alamin naman natin ang mga kaalamang nais ipahiwatig ng pag-
aaral na natutungkol sa sanaysay at ang pagtukoy sa mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa
isang talata.

Pagganyak

Anong gagawin mo?


Ang isang sanaysay ay binubuo ng mga talata. Ang bawat talata ay nagtataglay ng
kaisipang nais ipabatid ng may-akda upang mapagtibay ang isang paksa. Marapat lamang na
talakayin natin ang pangunahing paksa at pantulong na ideya upang matukoy natin ang
pangkalahatang kaisipan ng isang talata. Masisiguro rin nito na hindi lumalayo ang may-akda sa
paksang napili. Halika at basahin nang may pag-unawa ang gawain sa ibaba at sagutan ang
pagsasanay upang subukin ang inyong kaalaman.

LAS#1
Activity Title: Pangunahing Paksa at Pantulong na Ideya
Learning Target/Competency: Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga
ideya sa napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media
Values/Graduate Attributes: Ang mga mag-aaral ay magiging mapagnilay at mapanuri sa pag-iisip
Reference(s) & Author(s): Pinagyamang Pluma 10, Alma Dayag Page(s) No. 66-69
TALANG KONSEPTO
Ano nga ba ang talata?
- Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad
ng isang bahagi ng buong pagkukuro palagay o paksang diwa?
Ano ang pangunahing paksa?
- Lahat ng talata ay may pangunahing paksa o ideya. Ito ang pinakasentrong pinag-usapan sa
talata. Ito ay inilalahad ng tuwiran at nagbibigay-linaw kung saan natutungkol ang talata. Ito
ay sumasagot sa tanong na: “Tungkol saan ang talata?” o “Ano ang paksa o mensaheng
gustong ipaabot ng talata?”
- Taglay ng panunahing paksa ang mensaheng nais iparating ng talata. Ang pangunahing
paksa ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng talata subalit pangkaraniwang ito ay
nasa unang pangungusap.
Ano naman ang mga pantulong na ideya?
- Ito ang mga pangungusap na nagbibigay paliwanag o detalye sa pangunahing pangungusap.
Sinusuportahan nito ang pangunahing pangungusap sa pamamagitan ng mga detalyeng
5
Diocese of Imus Catholic Educational System

kaugnay nito.
- Madalas, ang mga pantulong na ideya ay pinangungunahan ng mga salitang naghuhudyat
ng pagkakasunod-sunod tulad ng mga salitang una, kasunod, pagkatapos, at sa wakas o
panghuli. Maayos o lohikal dapat ang pagkakasunod-sunod ng mga pantulong na ideya
upang mas madaling maunawaan ang mensaheng inilalahad ng mga ito.

HALIMBAWA
Kaming mag-asawa ay nagkaraoon na ng mga problema. Ang aking asawa ay mahilig
gumasta ng pera samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan
naman tulog na ako. Gusto rin niya ng isport pero ayaw ko naman ng mga iyo.

 Ang madiin at may salungguhit na salita ang pangunahing paksa sa talata sapagkat ito ang
mensaheng gustong iparating ng talata sa mambabasa.

Kaming mag-asawa ay nagkaraoon na ng mga problema. Ang aking asawa ay mahilig


gumasta ng pera samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan
naman tulog na ako. Gusto rin niya ng isport pero ayaw ko naman ng mga iyo.

 Ang nakahilig namang mga salita ay ang pantulong na ideya dahil ito ay nagbibigay
paliwanag sa pangunahing ideya.

PAGSASANAY
Basahing mabuti ang talata sa libro (pahina 68-69; Gawin Natin B). Maaaring lahat ng ito ay
isinagawa ni Rebecca bago siya lumipad patungong Espanya at nararapat mo ring tandaan kapag
ikaw naman ang magbibiyahe. Salungguhitan mo ang pangunahing paksa at isa-isa mong lagyan
ng bilang ang bawat pantulong na ideya. Sagutin ang mga tanong sa ibaba pagkatapos.

Bakit mo nasabing ang sinalungguhitan mo ay ang pangunahing paksa ng talatang ito?


Angkop ba ang mga nakalahad na pantulogn na ideya para sa sinalungguhitan mong
pangunahing paksa? Ipaliwanag.

Panlinang na gawain
Tukuyin ang paksa ng bawat talata sa pamamagitan ng mga pantulong pangungusap. Piliin sa
kahon ang inyong tamang sagot. Pangatwiranan mo ang napiling sagot.

1. Palala nang palala ang suliranin tungkol sa karahasan sa mga kabataan. Nararapat lamang na
tayo ay makisangkot sa isyung ito. Makatutulong ang inyong suporta sa pagpapadala namin sa
mga paaaralan ng mga materyales nang libre. Mabubuksan ang isipan ng mga kabataan sa
kanilang karapatan. Gayundin, matutukoy nila ang kanilang papel bilang kabataan sa lipunan.
Malayo ang mararating ng inyong donasyon sa aming institusyon. Nagpapasalamat ang aming
organisasyon sa patuloy ninyong pagsuporta.

Pagtulong sa Kabataan Pagtulong sa Biktima ng Karahasan


Pagkamulat ng Isipan Kabataan ng Bayan

Isulat ang iyong katwiran sa kahong ito.

2. Mahalagang paunlarin ang iyong sarili. Luma na ang kaisipang kung hindi ka matalino sa
linggwistika, matematika o sa agham ay bobo ka! Lumang kapaniwalaan. Maraming uri ng
katalinuhan bukod sa nabanggit na. Mayroong matatalino sa musika, sayaw, pag-arte,
pagguhit,pakikinig, pagsulat, pagsasalita at maging sa larangan ng isports. Sino nga ba ang

6
Diocese of Imus Catholic Educational System

walang ganitong kakayahan? Maaaring dalawa o higit pa ang mayroon ka! Ang gagawin mo lang
ay tuklasin at linangin ang mga ito.

Iba’t Ibang Uri ng Katalinuhan Tuklasin ang Iyong Katalinuhan


Kahalagahan ng Katalinuhan Katalinuhang Taglay

Isulat ang iyong katwiran sa kahong ito.


Isulat ang iyong katwiran sa kahong ito.

Journal
Ngayon ay may panibagong kaalamang nadagdag sa iyong kaisipan. Gamitin natin ito sa
totoong pangyayari sa ating buhay. Bakit mahalagang maging bukas at gumalang sa pagkakaiba-
iba ng mga tao sa mundo? Ano ang maaaring ibunga nito sa relasyon ng mga bansa sa isa’t isa?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Pangwakas na Pagtataya
PANUTO: Bilang pagwawakas, alamin natin ang iyong natutuhan sa araling ito. Basahing
mabuti ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng wastong sagot. Bilugan ang titik ng
iyong sagot.

Para sa bilang 1 hanggang 6, basahin ang talata saka piliin kung ano ang pangunahing paksa nito.
Ipaliwanag mo kung bakit ito ang napili mong sagot para sa kasunod na dalawang bilang.

Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Filipino ay ang salitang “nabansot.”
Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki,
ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang
pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso at ng diwa.

1. Ano ang pangunahing ideya ng talata?


a. Kahulugan ng Salitang Nabansot b. Nabansot sa Wikang Filipino
c. Uri ng Pagkabansot d. Pagkabansot ng Pilipino
2-3) Punan ng paliwanag ang patlang.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pinaniniwalaan ng isang bishop noong 1870 na wala nang maaari pang maimbento ang tao.
Sinabi niya ito sa isang presidente ng isang maliit na kolehiyo. Hindi sumang-ayon sa kanya
ang presidente at sinabing marami pang dapat tuklasin ang tao. Wika niya, darating ang
panahong ang tao ay makalilipad tulad ng ibon. Hindi naniwala ang bishop at sinabing iyon
paglapastangan sa Diyos. Ayon sa kanya, ang paglipad ay para lamang sa mga anghel!
Pagkaraan ng 33 taon, pinalipad ng magkapatid na Orville at Wilbur ang kauna-unahang
sasakyang higit na mabigat kaysa hangin. Ito ang pinagmulan ng eroplano. Sino ang bishop?
Si Milton Wright, ang ama ng magkapatid na umimbento ng eroplano.

7
Diocese of Imus Catholic Educational System

4. Ano ang pangunahing ideya ng talata?


a. Magkaibang Kaisipan b. Hindi Imposible
c. Pag-unlad: Bagong Imbensyon d. Patuloy na Pagtuklas: Talino ng Bawat Tao

5-6) Punan ng paliwanag ang patlang.


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Para sa Bilang 7-10, Piliin at ikahon ang salitang may naiibang kahulugan.

A B C D
7. matatag matibay maganda malakas

8. tumugon sumagot lumuha nagsabi

9. naantala nainip natagalan nahuli

10. hawig tulad pareho iba

Susing kasagutan:

Panimulang Pangwakas na
Pagtataya Pagtataya
1. d 1. c 6.
2. c 2. 7. c
3. d 3. 8. c
4. c 4. b 9. b
5. c 5. 10. d

You might also like