You are on page 1of 1

BAGUIO SEVENTH-DAY ADVENTIST SCHOOL

The School that Leads to Jesus


46 Bokawkan Road, Baguio City
JUNIOR HIGH SCHOOL

Yvann Kyru Bantigue Reaction Paper

Ang kalidad ng edukasyon sa pilipinas ay isa sa pinaka mababa pag


ikukumpara sa 80 na bansa ayon sa PISA results. Napakalayo ng diperensya ng
puntos na nakuha ng mga Pilipino kumpara sa nakuha ng tsina sa paksang
matimatika, science at reading.
Sa aking palagay ang panunahing dahilan ng pagka baba ng edukasyon sa
pilipinas ay ang mga mag-aaral mismo. Ang mga studyante ay masyado nang
nahihilig sa mga gadgets at modernong teknolohiya, kaya ang mga studyante ay
tinatamad na, na mag aral.
Isa ring dahilan ay ang kurikulum na ibinibigay sa mga mag-aaral. Hindi
natutunan ng mga estdudyante ang kanilang dapat matutunan. Hindi naituturo sa
mga estudyante ang kanilan dapat malaman. Hindi rin nasusunod ang kurikulum
na ibinibigay ng DepEd sa mga ibang guro.
Isa pang nakikita kong dahilan ng pagka baba ng kalidad ng edukasyon sa
pilipinas ay ang kakulangan ng pasilidad at mga guro. Ang kakulangan ng pasilidad
ay nagdudulot ng siksikan ng silid aralan at nagdudulot ng kawalan ng
konsentrasyon ng mga estudyante sa pag aaral. Hindi rin nabibigyan ng sapat na
sweldo ang mga guro kaya kakaunti ang mga nakakapag tapos na gusto magturo.
Ang kalidad ng edukasyon sa pilipinas ay napaka baba kumpara sa ibang
bansa, subalit ang pinaka rason ay ang mga mag-aaral marami nang mga
estudyante ang tinatamad na mag aral at humihinto nalang ditto. Ang mga ibang
estudyante naman ay walang sapat na kakayanan na makapag aral. Ang mga
estuyante ay wala nang ganang mag aral dahil ang gusto nalang nila ay ang mga
makamundong bagay.
Ang aking opinyon ay, dapat kumbinsihin ng mga guro ang mga estudyante
na ipagpatuloy ang kanilang pag aaral at kunin ang pagkakataon na makapag aral.
At dapat ay ayusin din ng gobyerno ang kanilang trabaho na mabigyan ng sapat na
badyet ang mga paaralan upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa pilipinas
dahil ang sabi nga nila, “Ang mga bata ay ang pag-asa ng bayan”.

You might also like