You are on page 1of 3

ANG EPEKTO NG KAKULANGAN NG EDUKASYON SA PILIPINAS

Ang mga batang Pilipino na kulang sa edukasyon ay patuloy pa ring dumarami,


at kakambal nito ang diskriminasyon at kahirapan. Sa katunayan, inanunsyo ng
Department of Labor and Employment (DOLE) noong July 2017 na 4.2 milyon o 21.7
percent ng kabataan ay hindi nag-aaral at nagtatrabaho. Isa sa mga dahilan kung bakit
maraming Pilipino ang walang maayos na trabaho ay dahil hindi nila kayang abutin ang
requirements na hinihingi ng kanilang pag tatrabahuan at isa roon ay ang pagkakaroon
ng sekondarya o pangatlong lebel ng edukasyon.

Tunay nga na ang maayos na edukasyon ang tanging mapapamana ng isang


magulang at wala silang ibang pinapangarap kung hindi ang mapag-aral ang kanilang
mga anak, Ngunit sa hirap ng buhay na mayroon tayo ngayon, ito lang ang tanging
kayamanan na maipapamana sa atin ng ating mga magulang at ito rin ay ang isang
bagay na hinding hindi makukuha ng ninuman at ito ang kailangan at hindi dapat
mawawala sa isang indibidwal dahil ito ang magiging susi at daan tungo sa isang
matagumpay na kinabukasan at magsilbing sandata na magagamit para magbago ang
isip ng mga taong mapanghusga. Subalit hindi naman lingid sa ating kaalaman na hindi
lahat ng tao ay may kakayahang makakuha ng maayos at pormal na edukasyon at may
mga tao din na may kakayahang makapag-aral at makapagtapos ng kanilang pag-aaral
ngunit kung sino pa ang nakapag tapos sila pa ang sarado ang isipan sa larangan ng
paggalang at pagpapakumbaba.

Datapwat ang mga taong hindi makapag aral ay may dahilan, ang unang dahilan
dito ay ang kadalasan at kinakaharap ng karamihan kundi ang salitang KAHIRAPAN,
kahirapan na mahirap labanan at dahil dito marami ang hindi nakakamit ang
EDUKASYON, ang EDUKASYON nga ba ay para sa lahat? Kung para sa lahat ito bakit
ang ibang mahihirap ay hindi ito makamit kamit, dahil ba walang sapat na pera na pang
tustos ng mga kailangan sa pag aaral o dahil ang kanilang mga magulang ay walang
maayos na trabaho para suportahan ang kanilang mga anak. Pangalawang dahilan ay
ang hindi naging prayoridad ang pag aaral dahil sa nararanasan na kahirapan at mas
mabuti pa na humanap na lamang ng trabaho kesa mag-aral at nawawalan na ng
posisyon sa lipunan ang mga mababa o walang pinag aralan sapagkat ang lipunang
kinagisnan natin ay mas binibigyang pansin at halaga ang nakapagtapos ng edukasyon
kesa sa pinaghirapan walang ambag ang edukasyon na mula lamang sa sipag at
dedikasyon.

Kung ikokonekta ito sa mga nagawa ni Rizal ito ay sa pangalawa niyang nobela
na El Filibustersimo na inalathala noong 1891. Ang napili naming bahagi dito ay ang
KABANATA 20, ito ay tungkol kay Don Custodio de Salazar y Sánchez
deMonteheredondo, siya ay kilalang tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila na
tinaguriang “Buena Tinta” o mahusay magsulat. Nakapag asawa siya ng isang
mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapag Negosyo sya kahit kulang
ang kanyang kaalaman sa mga tungkulin na kanyang hinahawakan.

Noong si Don Custodio ay magpunta sa Espanya, bagama’t masipag at mahusay


humawak ng negosyo, wala pa ring pumansin sa kaniya roon. Iyon ay dahil sa
kakulangan niya ng kasanayan at kaalaman, o kakulangan niya ng pinag-aralan. Kaya
dahil doon, nagbalik din siya agad sa Pilipinas. Makikita ang mga negatibong katangian
na maging hanggang sa ngayon ay isyu pa din sa lipunan ng tao. Ang mapanghamak
na pagtingin o pagtrato sa iba, may pinag-aralan man o wala. Kung minsan maging ang
kapwa nasa mababang kalagayan ay nagiging mapanghamak din sa kapwa nasa
mababang kalagayan.

Rekomendasyon

Ito, ang pagkakaroon ng adbokasiya para sa mga batang Pilipino na walang


kakayahang makapag-aral dahil sa kahirapan ay nais namin isulong. Ito ay
pinamagatan naming padayon o magpatuloy, sa pamamagitan nito, maaari naming
bigyan ng boses ang mga kapos sa lipunan upang tawagin ang atensyon ng gobyerno
upang pag tuunan pa lalo nila ng pansin ang mga batang hindi nakakapag-aral.
Maaaring gumawa ng grupo na naglalayon na matulungan ang mga taong kapos sa
pag-aaral dala ng kahirapan, maaari ding manghikayat sa iba o humingi ng tulong para
makalikom ng sapat na pondo para sa adbokasiyang ito.

Ating pakatatandaan na walang saysay ang mataas na katungkulan kung hindi


ito nagagamit sa isang magandang layunin. Gamitin natin ang ating kapangyarihan
upang makatulong sa kapwa at hindi mangmaliit.

References:

https://www.philstar.com/headlines/2017/10/09/1747326/dole-4-m-pinoy-youths-
unemployed-out-school

You might also like