You are on page 1of 3

MGA KARAGDAGANG BABASAHIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

ARALIN 6

YUNIT 1: ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU


Kabanata 2: Mga Isyung Pangkalikasan
Paksa: FLASH FLOOD
LAYUNIN: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang kahulugan ng flash flood;
b. Nakapagbibigay ng mga dahilan kung bakit ang flash flood ay suliraning pangkalikasan;
at
c. Nakapagbabahagi ng kongklusyon sa mga epekto nito.
Video Link:
https://www.bing.com/videos/search?
q=bidyu+tungkol+sa+flash+flood&&view=detail&mid=52B059EE79BCCF102CCB52B059EE79
BCCF102CCB&&FORM=VRDGAR&ru=%2Fvideos%2Fsearch%3Fq%3Dbidyu%2Btungkol
%2Bsa%2Bflash%2Bflood%26FORM%3DHDRSC3
FLASH FLOOD

- Isang suliraning pangkapaligiran


- Ang maling pagtatapon ng basura ng mga iresponsableng Pilipino ang isa sa mga sanhi
ng pagkakaroon ng labis na pagbaha.
- Ito ay ang pagtaas ng tubig sa isang lugar, particular sa mabababang lugar, dahil sa
malawakan, malakas, at walang tigil na pag-ulan.
- Sanhi ng flash flood ang pagbabawas o pag-awas ng tubig sa mga dam at kawalan ng
disiplina ng mga mamamayan
- Taong 2010, sa Naujan, Oriental Mindoro ay nakaranas ng flash flood. Apatnapu’t apat
ang naapektuhan at dineklara ng pamahalaan ng lalawigan ng state of calamity.
- Ayon sa Official Gazette of the Republic of the Philippines, ang state of calamity ay
isang kalunos-lunos na kondisyon ng bansa dulot ng isang pangyayaring gawa ng
kalikasan.

Ang pagbaha ay isang delubyo na nangyayari sa hindi natin inaasahan. Ito ay isang
kumplikadong kumbinasyon ng panahon, climate at mgagawain ng tao.

Sinasabing ito ay lubhang mapanganip ngunit hindi sa lahat ng paraan ay pare-pareho.


Ang pagbabaha ay unti-unting lumalaki, habang ang ilan tulad ng mga flash flood, ay nabubuo
sa loob lang ng ilang minuto kahit wala pang nakikitang palatandaan ng ulan. Maraming
maaring mangyari kung ipagwawalang bahala natin ang pagbaha.  

Saint John Bosco College of Northern Luzon, Inc.Page 1


Sanhi ng Pagbaha

 Pagpuputol ng mga puno

Ang pagputol ng puno ay isa sa dahilan ng pagbaha dahil kung patuloy tayo sa
pagpuputol ng puno walang sisip-sip ng tubig na bunga ng pag-uulan pati na rin ang pagguho
ng lupa.

 Mga basurang humaharang sa mga kanal,ilog o daluyan ng tubig.

                Ang mga basurang humaharang ay nagiging sanhi ng pagbaha dahil hinaharangan


nito ang daloy ng tubig.

 Pagkakaingin

                   Pagsusunog sa bundok na pagkasira ng mga puno at pagguho ng lupa.

 Malawakang Pagpapaunlad na gawa ng tao.

                     Nababawasan ang kakayahan ng lupa upang sumipsip ng tubig na nagdudulot ng


pagbaha.Halimbawa nito ay ang mga eskwater na tinitirahan ang mga tabi ng dagat at ilog.

                     "Kaya nararapat na tayong maging handa sa anumang mangyayari sa ating


paligid. Huwag natin sirain ang kalikasan dahil kapag sila ang gumanti marami ang
masasalanta sa atin."

Sanhi at Bunga ng Pagbaha


    
    Ang ilan sa mga sumusunod ay ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon na
pagbaha at ang maaaring maging bunga nito sa tao.

Maraming basura na nakaimbak sa mga ilog, kanal at sa iba pang ng mga daluyan ng
tubig. Pagputol sa mga punong kahoy (illegal logging) na syang sumisipsip sa tubig na dulot ng
labis na ulan at syang nagpapatibay sa lupa o bundok para maiwasan ang landslide o soil
erosion.

Saint John Bosco College of Northern Luzon, Inc.Page 2


Ang sanhi ng baha ay pagragasa ng tubig ulan at pagtatambak sa mga lugar Ang epekto
naman nito ay pagdami ng mga ibat ibang uri ng sakit at pagkawala ng kabuhayan

Isa sa mga epekto ng pagbaha ay tulad ng landslide, Pagkasira ng mga pananim,


pagkakasakit ng mga tao mula sa maruming tubig at pagkamatay ng mga tao lalo na kapag
nasa lowland area.

Pinagkuhanan:
https://www.bing.com/videos/search?
q=bidyu+tungkol+sa+flash+flood&&view=detail&mid=52B059EE79BCCF102CCB52B059EE79
BCCF102CCB&&FORM=VRDGAR&ru=%2Fvideos%2Fsearch%3Fq%3Dbidyu%2Btungkol
%2Bsa%2Bflash%2Bflood%26FORM%3DHDRSC3
https://brainly.ph/question/227641
https://daisy-fermin.blogspot.com/2012/05/sanhi-at-bunga-ng-pagbaha.html

Saint John Bosco College of Northern Luzon, Inc.Page 3

You might also like