You are on page 1of 14

ARALIN 29-30:

ISYU NG
KORUPSIYON
Inihanda ni G. Rex O. Badia
ANO NGA BA ANG
KORUPSIYON?
Ito
 ay isang sistema ng
pagnanakaw o pagbubulsa ng pera.
Ito rin ang nagdudulot ng kahirapan
sa mga mamamayan, mga ‘di
natapos na kalsada, kawalan ng
hustisya, at higit sa lahat – ang
pangunahing negosyo sa loob ng
ating gobyerno. Kung minsan nga,
nakikipag-kompitensya at nakikipag-
unahan pa sila sa isa’t isa.
Halimbawa na lang ang pulis pantrapiko na
nakakuha ng kotong sa isang driver. Eh di
masaya siya, biglang dumating yung isa pang
pulis. ‘Di man niya nakita na nakakuha ng
kotong ‘yung kasama niya, nanghinayang ‘din
siya na kung sana siya ang nauna, eh di siya
ang kumita!
 Isipin na lang natin ang isang eksena ng simpleng paghingi ng
estudyante sa kanyang magulang ng pera pambayad sa kung
anumang bayarin sa eskwelahan. Hihingi siya ng singkwenta
pesos, pero ang babayaran niya ay bente pesos lang. Maya-
maya, makikita mo na lang na pinanglaro na ng Dota ang
sobrang pera. Hindi ba’t kinorap na niya ang kanyang
magulang? Niloko na, ninakawan pa.
Maraming batang ganito sa realidad – ako, ikaw, sila; hindi
mapagkakailang dumaan ang lahat sa ganito. Pero ang
masaklap doon ay kung nakasanayan na ng bata ang gawing ito
at nasilaw sa kinang ng perang nakukuha. Hanggang sa
pagtanda ay nadadala ito, hanggang umabot sa puntong hindi
na niya namamalayan ay pinagtataksilan na pala niya ang
sariling bayan.
2 URI NG KORUPSIYON AYON SA
UNDP
 1. Spontaneous Corruption
 2. Institutionalized Corruption

Ang Korupsiyon ayon sa Manual ng Anti-korupsiyon para sa mga


SME’s ng Asian Institute of Management
A. Maliitang Korupsiyon o Petty Corruption
B. Malakihang Korupsiyon o Grand Corruption
ANTAS NG KORUPSIYON
1. Korupsiyon sa Politika
2. Korupsiyon sa Pampublikong Sektor
3. Korupsiyon sa Loob ng mga Ahensiya
DIRTY MONEY, MAAARING
NAGMULA SA SUMUSUNOD NA
GAWAIN NG TIWALING
EMPLEYADO
1. Suhol
2. Lagay
3. Kontribusyong Politikal
4. Pagsasagawa ng mga Proyekto at Programa para
sa Kaunlaran
ANYO NG KORUPSIYON
Ayon sa Manwal ng Anti-Korupsiyon para sa
mga SMEs ng Asian Institute of Management
1. Kickback
2. Panunuhol
3. State Capture
4. Pangingikil
BASAHIN ANG MGA
TERMINONG MAY
KAUGNAYAN SA
KORUPSIYON. TINGNAN
SA PAHINA 132-133.
SANHI NG KORUPSIYON
 Batay sa Manwal ng Anti-Korupsiyon para sa mga SMEs ng Asian
Institute of Management, ang korupsiyon ay sanhi ng sumusunod.
1. Kulang, pabago-bago, at hindi patas na pagpapatupad ng mga
batas at regulasyon.
2. Hindi malinaw, komplikado, at madalas na nagbabagong batas
at regulasyon.
3. Kawalan ng kompetisyon
4. Kawalan ng transparency at pananagutan
5. Mababang pasahod sa pampublikong sektor
PAGLABAN SA KORUPSIYON
1. Pagkakaroon ng isang ahensiyang tututok upang labanan ang korupsiyon
sa bansa na may sapat na pondo at mga kawani.
2. Pagkakaroon ng komprehensibo at may –pangil na batas laban sa mga
sangkot sa korupsiyon.
3. Pagpapabilis ng mga transaksiyon sa pamahalaan sa tulong ng
teknolohiya.
4. Pagtatalaga ng panlabas na awditor upang magsagawa ng regular na
pagsusuri.
5. Pagpaparusa sa mga kawani o opisyal ng pamahalaan na
mapatutunayang sangkot sa katiwalian.
MGA GAWAIN
GAWAIN 1:
Basahin ang iba’t-ibang isyu ng korupsiyon sa ehekutibong sangay ng gobyerno at gumawa ng
komparatibong listahan na nagpapakita na may naganap na korupsiyon sa ilalim ng mga
sumusunod na administrasyon. Gamitin ang talahanayan sa ibaba bilang pormat.

Marcos Aquino, Ramos Estrada Arroyo Aquino,


Corazon Benigno
Simeon III

           
GAWAIN 2
 Malikhaing Gawain
Gumawa ng isang poster slogan na nagpapakita ng paraan para
malabanan ang korupsiyon.
Rubrik:
Pangkalahatang Nilalaman - 15
Nauukol sa paksa – 10
Pagkamalikhain – 10
Linis ng Pagkagawa -5

You might also like