You are on page 1of 6

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 10

W7-8 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakagagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
COMPETENCIES (MELCs) paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan AP10IKL-IIIj-11
III. CONTENT/CORE CONTENT Pagtanggap at paggalang sa kasarian
Pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan

Mga Sanggunian:
• AP10LM DepEd
• CEDAW Primer (UNIFEM CEDAW, 2006)
• Anti-Violence Against Women Act
• Magna Carta for Women
• http://sociology.about.com/od/Current-Events-in-
SociologicalContext/fl/Full-Transcript-of-Emma-Watsons-Speech-on-
Gender-Equality-at-theUN.htm

IV. LEARNING Suggested


Learning Activities
PHASES Timeframe
Sa bahaging ito ay naniniwala ako na hindi ka lamang nagtataglay ng malawak
A. Introduction na konsepto ng kasarian kung hindi may higit na malalim na antas ng pagtanggap
Panimula at paggalang dito.
60 minuto
Kaya bilang mag- aaral, ikaw ay inaasahang:

1. Nauunawaan ang kahalagahan nang pagsusulong ng pagtanggap at


paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng
tao bilang kasapi ng pamayanan

2. Nakagagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at


paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng
tao bilang kasapi ng pamayanan

3. Napapahalagahan ang damdaming naghahangad ng pagkakapantay-


pantay ng tao anuman ang kasarian bilang kasapi ng pamayanan

Bagamat nasa hulihang bahagi ka na ng araling ito, mahalagang magbalik-aral


sa mga nakaraang paksa upang maayos at madali mong maisakatuparan ang
mga layunin ng bahaging ito ng iyong pag-aaral.

Link: Makatutulong ang pagbabalik-aral sa mga paksang inilahad sa Gabay na


teksto halaw sa AP10 LM na matatagpuan sa pahina 257, 262-264, 266-268, 270-272,
274-277, 284-286, 289-291, 294, 300-304, 306-307, 311, 315-317

Mahalagang Paalala:

Ang iminungkahing pagbabalik-aral sa mga gabay na teksto ay


naglalayon lamang na mapatibay pa ang iyong kaalaman sa usaping
kasarian na mahalagang salik upang matupad ang layunin ng araling
ito.
Bago ka magpatuloy ay mahalagang pagnilayan mo ang sumusunod na
katanungan. Hindi mo na kinakailangang isulat ang iyong sagot subalit mahalaga
na sa puntong ito ay mayroon ka ng malinaw at kongkretong sagot ukol dito.

“Paano magkakaroon ng pagkakapantya-pantay sa isang lipunan sa kabila ng


pagkakaiba-iba ng pananaw sa isyu ng kasarian?”

B. Development 80 minuto
Pagpapaunlad Gawain Bilang 1: Prinsipyo Mo, Panindigan Mo!
Panuto: Sa gawaing ito, balikan natin ang ilan sa mahahalagang prinsipyo ng
Yogyakarta. Pumili ng 1 mula sa 7 prinsipyong ito at panindigan ang iyong pagsang-
ayon o hindi pagsang-ayon at ipahayag ang iyong pagpapaliwanag kung bakit sa
pamamagitan ng malikhaing paraan gaya ng awit, tula, news reporting, poster at
iba pa. Isulat, iguhit ito sa sagutang papel o maaari din namang magpasa sa
pamamagitan ng digital format kung nanaisin.
Natutunan mo sa mga nakaraang paksa na mayroong mga batas na
nagproprotekta para sa kababaihan at LGBT, ngunit paano naman ang mga
kalalakihan? Mayroon bang nabanggit na batas na nagbibigay-proteksiyon sa mga
kalalakihan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: May Batas para sa Lahat


Panuto: Ang hamon sa iyo sa pagkakataong ito ay ang maghanap o magsaliksik ng
mga batas na nagbibigay-proteksyon sa karapatan ng kalalakihan. Punan ang
hinihinging impormasyon ng bawat kahon. Isulat ang iyong sagot sa malinis na
papel.

Batas para sa Batas para sa LGBT Batas para sa


Kababaihan Kalalakihan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa Madaling Salita


Panuto: Batay sa kanilang sagot sa talahanayan, magpagawa ng buod hinggil sa
mga batas na nagbibigay ng karapatan sa kalalakihan, kababaihan at LGBT.
Gamitin bilang gabay ang mga sumusunod na pamprosesong mga tanong:

1. Ano ang mga batas na para sa mga kababaihan, kalalakihan at LGBT?

2. May pantay bang karapatan ang lalaki, babae, at LGBT?

3. Makakatulong ba ang mga batas na ito upang matugunan ang mga isyung
may kinalaman sa karahasan at pang-aabuso sa babae, lalaki at LGBT?
Pangatwiranan.
C. Engagem Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pagkilos Tungo sa Pagkakapantay-pantay
ent 120 minuto Pabuto: Sa bahaging ito, ikaw bilang isang mag-aaral ay inaasahang nakagagawa
Pakikipag ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang
palihan
kasapi ng pamayanan. Maari itong gawin sa pamamagitan ng media-advocacy,
symposium, documentary presentation at iba pa. Malaya kang pumili ng malikhaing
hakbang na nais mo batay sa iyong talento, kakayahan at kasalukuyang
kalagayan. Ito ay tatayain ayon sa nilalaman, pagkamalikhain, impact,
organisasyon at kapakinabangan. Gamitin ang rubrik na makikita sa huling pahina

D. Assimilatio 25 minuto
n
Paglalapa
t

Gawaing sa Pagkatuto Bilang 5: Simplehan Lang Natin


Panuto: Sa yugtong ito ng iyong pag-aaral, saliksikin ang sarili at ipahayag ang iyong
tunay na damdamin sa pahayag ni dating UN Secretary General Ban Ki-Moon.
Sapat na ang 1 hanggang 2 pangungusap para sa gawaing ito. Isulat ito sa
sagutang papel.

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano ang mga dahilan mo kung bakit sumang-ayon o hindi ka sa pahayag
ni UN Sec Gen Ban Ki-Moon? Bakit?
2. Naging madali ba sa inyo ng kapareha mo na makabuo ng konklusyon sa
kabila ng pagkakaiba ninyo ng pananaw ukol sa isyu? Bakit?

V. ASSESSMENT 60 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Ano Kaya?


(Learning Activity Panuto: Matapos mong mabatid ang mga batas na nangangalaga sa karapatan
Sheets for Enrichment,
Remediation or
ng lalaki, babae, at LGBT sa daigdig at bansa sa pagkakataong ito, ikaw naman ay
Assessment to be given magsaliksik tungkol sa mga batas/ordinansa, programa o samahan na
on Weeks 3 and 6) nagtataguyod sa karapatan ng lalaki, babae, at LGBT sa iyong sariling pamayanan.
Mahalagang malaman at maunawaan mo bilang isang mag-aaral ang layunin at
kabutihang dulot ng mga ito sa pamayanan. Gamitin ang mga sumusunod na
pamprosesong tanong bilang gabay sa iyong gagawing pananaliksik.

Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. Ipapasa ito sa itinakdang araw ng
paaralan.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang mga batas/ordinansa, programa o samahan na nagtataguyod
sakarapatan ng lalaki, babae, at LGBT sa inyong pamayanan?
2. May kabutihang dulot ba ito? Bakit?
3. Natutugunan ba nito ang mga isyung kinakaharap ng lalaki, babae at LGBT
sa inyong pamayanan? Sa paanong paraan?
4. Sa inyong paaralan may mga programa ba o alintuntunin nangangalaga
sa karapatan ng mga mag-aaral babae, lalaki, o kabilang sa LGBT?
Patunayan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Pledge of Commitment
VI. REFLECTION 15 minuto Panuto: Bilang mag-aaral, ikaw ay dapat na aktibong nakikibahagi sa paglinang ng
ganap na kalayaan ng lahat ng Pilipino, maging anuman ang kasarian nito. Sa
pagkakataong ito, ikaw ay magsasagawa ng Pledge of Commitment. Maaari mong
gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.

Bilang isang mabuting Pilipino/mag-aaral, sisikapin kong isabuhay


ang mga natutunan ko sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_

Binabati kita sa matagumpay mong pagsasakatapuran sa mga gawain sa modyul


na ito!

Naniniwala ako na isa ka na ngayon sa mga mamamayan na nagsusulong ng


pagtanggap at paggalang sa kasarian at nagtataguyod ng pagkakapantay-
pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan

Prepared by: MANSUETA PANED MAMBIAR Checked by: AUGUST JAMORA


AMPID NHS AP Coordinator RIZALDY CRISTO

*Ang Learner’s Packet na ito ay nakatakda para sa 2 linggong pag-aaral na may


kabuuang 360 minuto o 6 na oras.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay
sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong
ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang
hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko
ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 4 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 5
Bilang 3 Bilang 6
Rubrik sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

You might also like