You are on page 1of 67

10

Araling Panlipunan

Quarter 1 – Module 1:
Kahalagahan ng pag-aaral ng
mga Kontemporaneong
Isyu at mga Suliraning
Pangkapaligiran
Araling Panlipunan – Ikasampu na Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Kahalagahan ng pag-aaral ng mga Kontemporaneong
Isyu at mga Suliraning Pangkapaligiran

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Manunulat: Donna D. Relova

Ulysses A. Valera II

Emy L. Yuson

Editor: Ulysses A. Valera II

Tagasuri: Noel A. Aban

Belen M. Jazul

Evelyn B. Lee

Tagaguhit: Em Jhun A. Fajel

Layout Artist: Yrroprem O. Yanson


ARALIN 1

Pamagat ng Kahalagahan ng pag-aaral ng mga


Kagamitan/
Panimula
Kontemporaneong Isyu at mga Suliraning

Pangkapaligiran

Sa unang bahagi ng modyul na ito ay tatalakayin ang


Kontemporaneong Isyu at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan.
Sa araling ito ay mararanasan mong magbahagi ng iyong mga
nalalaman tungkol sa mga napapanahong pangyayari sa bansa at
kung paano ito binibigyang pansin ng pamahalaan upang hindi
maging balakid sa pag-unlad.

Mga Layunin Sa unang bahagi ng modyul na ito, inaasahan sayo na:

1. Naipaliwanag mo ang konsepto ng Kontemporaneong Isyu.


2. Nasuri mo ang iba’t-ibang kontemporanyong isyu tungo sa
pagtugon sa mga hamon ng maunlad na bansa.
3. Naisabuhay mo ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
kontemporaneong isyu at mahahalagang konseptong bumubuo
sa lipunan.

Talahulugan Sa panimula ng aralin at paksang ito, inaasahang matututunan mo

ang mga sumusunod na salita at mahahalagang konsepto:

Basura- ay anumang uri ng bagay na maaaring hindi na

kakailanganin at hindi na nararapat gamitin.

1
Illegal na Droga- tawag sa mga gamot na nakapipinsala sa

katawan at isipan ng tao kaya’t ipinagbabawal na bilhin at gamitin

ng kahit sino.

Heavy traffic- daloy ng sasakyan na mabagal ang pag usad at

halos hindi na gumagalaw sa isang partikular na lugar

Quarantine/Kuwarentina- patakaran kung saan ay kailangang

manatili ng tao sa isang distansya, o sa isang naibigay na lugar,

nang walang pakikipagsalamuha sa iba, kapag pinaghihinalaang

may nakakahawang sakit.

Teknolohiya-makinarya o kagamitan na ginagamit upang

mapadali ang produksyon.

Panimulang Ang ating bansa ay maraming suliraning kinakaharap na


Pagsubok
kailangang mabigyan ng pansin hindi lamang ng pamahalaan kundi
maging ng mamamayan. Pag-aralang mabuti ang sumusunod na
larawan at isulat sa patlang kung ano ang ipinapahiwatig nito.
Pagkatapos ay sagutan ang mga katanungang makikita sa ibaba.

A B

_______________________ _____________________
_______________________ _____________________
_______________________ _____________________

2
C D
_______________________ _____________________
_______________________ _____________________
_______________________ _____________________

E
___________________________
___________________________
___________________________

1. Maliban sa ipinapakita ng mga larawan, ano pa ang ibang mga


suliranin na iyong nararanasan?

2. Nagaganap ba ang mga nasabing suliranin sa inyong bayan at


sa bansa? Ano ang ginanagawa ng mga mamamayan o
pamahalaan upang matugunan ang mga nasabing suliranin?
Mga Gawain
sa Pagkatuto

3
Sa panimulang aralin na ito ay mauunawaan mo ang mga sanhi at
bunga ng mga isyu at hamong nararanasan sa lipunan.
Mahalagang maunawaan mo ito upang ikaw ay maging kabahagi
ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong ito. Hindi
lamang mga namumuno sa pamahalaan at ng mga pangkat na
nagsusulong ng kanilang adhikain ang may tungkulin. Bilang isang
mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan inaasahang
masasagot mo ang tanong na: Paano ka makatutulong sa
pagtugon sa iba’t ibang isyu at hamong panlipunan?

Para sa iyong kaalaman

Bukod sa mga naipakita sa larawan, ang mga suliraning


kinakaharap ng Plipinas sa kasalukuyan ay maaring mailarawan
din sa pamamagitan ng mga sumusunod na datos:
1. 80% lamang ng mga Pilipino ang may malinis na tubig.
2. 86.1% lamang ang may palikuran.
3. 79% lamang ang may elektrisidad.
4. 76% lamang ang nagmamay-ari ng sariling bahay at lupa; 5
milyong tao ang nangangailangan ng permanenteng tirahan;
at 3.4 milyon katao ang iskwater sa Metro Manila.
5. 16% ng populasyon ang hindi kumakain sa isang araw.
6. 20-34% ng populasyon ang hindi malusog o kulang sa
tamang pagkain (malnourished).
7. 4 na milyong bata ang nagtatrabaho na dapat sana ay
nagsisipag-aral.
8. 1.5 milyon ang batang lansangan.
9. Ika-apat ang Pilipinas sa mga bansang bumibili ng bigas sa
ibang bansa sa kabila ng pagiging agrikultural ng ating
ekonomiya.
10. 2.8 milyon ang hindi marunong bumasa at sumulat.

4
Maaaring mahalaw ang kahulugan ng konseptong
kontemporaneong isyu o “contemporary issue” sa pag-uugat
mismo sa pinagmulang kahulugan ng dalawang salitang bumubuo
nito: ang “kontemporaneo” at ”isyu.” Hango ang salitang
kontemporaneo sa salitang Latin na “contemporaries”. Ayon sa
Komisyon ng Wikang Filipino at UP Diksyonaryong Filipino,
kontemporaneo at hindi kontemporaryo ang tamang salin ng
“contemporary.”

Batay sa pinagmulang salita nito (etymological definition),


nangangahulugan ang kontemporaneo bilang “kasabayang
panahon” o “living or occurring at the same time.” Maituturing na
kasingkahulugan din ang mga terminolohiyang “current affairs” at
“current events”.

Samantala, ayon sa Oxford Dictionary, ang isyu (issue) ay


mahalagang paksa o problema na pinagtatalunan, pinag-uusapan,
at pinag-iisipan ng mga tao. Sa Merriam-Webster Dictionary,
binibigyang kahulugan nito ang isyu bilang mga bagay o paksa na
may di pagkakasundo at pagtutunggali sa pagitan ng dalawa o higit
pang mga partido o panig. Sa dalawang nabanggit na kahulugan,
kapwa ang mga ito ay naghahayag na nagkakaroon lamang ng isyu
kung may pagtatalo ang dalawa o higit pang panig.

Para sa iyong kaalaman

- Kahirapan ang pinakamatinding suliraning pangkaunlaran ng


Pilipinas.
- Ang kahirapan ay hindi lamang kakulangan sa pagkain. Ito rin ay
kakulangan o kasalatan sa iba’t ibang aspeto ng buhay na dapat
tamasahin ng tao tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay,
hustisya, at iba pa.

5
- Ang mabilis na pagtaas ng antas ng teknolohiya ay nagdudulot
din
ng mga suliraning lubos na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao at
kalagayang pangkaunlaran ng bansa.

Mga Pagsasanay 1: IKAHON MO!


Pagsasanay

Nakalista sa ibaba ang iba’t-ibang suliraning ipinakita sa


panimulang pagsubok. Ihambing ito sa iyong sagot. Tumpak ba ang
mga naisagot mo? Binabati kita!

Upang higit na mapalalim ang pag-unawa sa konsepto ng


kontemporaneong isyu, magsagawa ng interbyu sa mga miyembro
ng pamilya, lolo o lola, tiya o tiyo at nanay o tatay. Itanong sa kanila
kung ang mga nabanggit bang suliranin sa ibaba ay naganap sa
kanilang kapanahunan
Isulat ang buod sa bawat kahon.

Nagaganap ba ang mga ganitong suliranin noon sa kanilang


kapanahunan?

Pananatili sa loob ng Pagbaha dulot Pandemic


bahay (community ng bagyo
quarantine)upang
maiwasan ang
pagkalat ng virus

6
Problema sa droga Malalang problema
sa basura

Pagsasanay 2: PROBLEMA BA? SOLUSYUNAN MO!

Mula sa mga sagot sa ginawa mong interbyu, ano ang iyong


mahihinuha o ideya kung bakit nagaganap sa kasalukuyan ang
mga nabanggit na suliranin? Ano ang ginagawa ng pamahalaan
upang maresolba o makabangon sa mga ganitong pangyayari.

DAHILAN SULIRANIN TUGON/


SOLUSYON

7
Pagsasanay 3

Binabati kita at nagawa mong lampasan ang mga nakaraang


pagsubok. Ngayon, atin namang alamin ang antas ng iyong
pagkatuto ukol sa paksa. Isulat sa loob ng kahon ang iyong
pagkakaunawa sa konsepto ng KONTEMPORANEONG ISYU sa
pamamagitan ng pagsagot ng hindi bababa sa tatlong
pangungusap sa mahalagang tanong na

Bakit mahalagang malaman ang mga


kontemporaneong isyung kinahaharap ng
bansa sa kasalukuyan?
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
________

____________________________________
8
____________________________________
____________________________________
______
Pangwakas Natutukoy ang tiyak na detalye!
na Pagsubok
Ayusin ang mga ginulong titik upang matukoy ang tamang mga
salita na tungkol sa iba’t ibang mahahalagang isyu sa bansa.
Gawing batayan sa pagsagot ang mga paliwanag sa kanang
bahagi. Isulat ang sagot sa patlang.

_______________1. Duming nanggagaling sa usok ng pabrika at


mga sasakyan. (NOPLYSUO AS ANHGIN)

_______________2. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga tao sa


bansa. (UPOPSYOALN)

_______________3. Hindi tamang nutrisyon bunga ng hindi


pagkain ng masustansiyang pagkain. (NOYSIRTUNLAM)

_______________4. Pagkalat ng nakahahawang sakit na sa isang


malawak na rehiyon, isang lupalop o pandaigdigan. (EDMANPAY)

_______________5. Konsepto ng mas malawak na ugnayan ng


iba’t- ibang bansa. Ito ay ang pagkalat ng mga produkto,
teknolohiya, impormasyon, at trabaho sa iba’t ibang mga bansa at
kultura. (LOLIABGSASNOY)

_______________6. Mga taong nananakot o nanggugulo sa


pamahalaan O bansa. ( RISTETARO)

_______________7. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan para


sa pansariling interes. (KOPURNIYOS)

_______________8. Pagbebenta ng mga pagmamay-ari ng


pamahalaan sa mga pribadong sector. (RITIPBANOYSAS)

_______________9. Pagpapatrabaho sa mga batang wala pa sa


takdang Gulang. ( DHILC BORLA)

9
_______________10. Isang di inaasahang pangyayari na sanhi ng
mga proseso sa kalikasan. Ito ay nagdudulot ng pagkawasak at
panganib sa mga tinamaan nito. (ALKADADIM)

Karagdagang Bahagi ng pagiging isang mapanagutang mamamayang tulad mo


Gawain
ang pagiging mulat sa mga pangyayari sa kanyang lipunan at
daigdig. Para sa iyong huling gawain sa Aralin na ito, gumawa ng
POSTER na nagpapakita sa kahalagahan ng pagiging mulat o
maalam sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.
Maaaring gumamit ng kahit anong panulat o pangkulay upang
maging epektibo ang poster na gagawin. Gawing gabay ang rubrik
sa pagmamarka sa kabilang pahina.

POSTER

Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos
Nilalaman Ang ginawang poster ay
nagpapakita ng tumpak
20
at malalim na
pagkakaunawa sa paksa
Pagkamalikhain Orihinal ang ideya at
gumamit ng tamang
kombinasyon ng kulay 15
upang maipahayag ang
nilalaman at konsepto.
Kaangkupan sa Angkop sa tema ang
Tema 10
ginawang poster

10
Kalinisan Malinis ang
5
pagkakagawa ng poster
KABUUANG PUNTOS 50

ARALIN 2
Pamagat ng LIPUNAN; ANG IYONG GINAGAWALAN
Kagamitan/
Panimula

Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang Kontemporaneong Isyu at


ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Sa araling ito naman,
susuriin mo ang lipunang iyong kinabibilangan. Mahalaga ang
iyong mga nakuhang kaalaman tungkol sa mga isyu at hamong
panlipunan, natitiyak kong nais mong mapalalim pa ang iyong
kaalaman at pag-unawa sa susunod na paksa. Sa bahaging ito
ng aralin, inaasahang matutuhan mo ang mga bumubuo sa
lipunan at kung paano makakatulong ang kaalamang ito sa
pagtugon sa iba’t-ibang isyu at hamong panlipunan.

Mga Layunin Sa modyul na ito, inaasahang:

1. Nalaman at naunawaan mo ang kahulugan ng lipunan.


2. Naisa-isa at nailahad mo ang mga katangian ng lipunan.
3. Nasuri mo ang mahahalagang konseptong bumubuo sa
lipunan at kung paanong ang mga pagkukulang ng bawat
elemento ay makapag-dulot ng isyung panlipunan.

11
Talahulugan Bigyang pansin ang sumusunod na salita:

Korapsyon-sistema ng pagkamal ng pera ng isang indibidwal na


nasa posisyon
Transparency International- ito ay isang international non-
governmental organization na naka base sa Berlin, Germany.
Itinatag ito noong 1993 upang gumawa ng pamamaraan upang
labanan ang pandaigdigang korapsyon.
Panimulang Basahin ang teksto sa ibaba tungkol sa antas ng korapsyon sa
Pagsubok
Pilipinas. Pagkatapos ay sagutan mo ang mga katanungan na
iyong makikita ng hindi bababa sa tatlong pangungusap.

Korapsyon sa Pilipinas nabawasan


(Philstar.com) - January 30, 2019 - 3:21pm
MANILA, Philippines — Bahagyang gumanda ang lagay ng
Pilipinas sa 2018 Corruption Perceptions Index na isinagawa ng
global anti-corruption watchdog na Transparency International.
Nakakuha ang bansa ng 36 puntos para sa taong 2018, mas
mataas kaysa sa 34 noong 2017.

Sa CPI, ini-iskoran ng zero ang mga bansang may


pinakamatitinding korapsyon habang 100 naman ang ibinibigay
sa mga may "pinakamamalinis na pamahalaan." Dahil dito, pang-
99 na sa listahan ng mga transparent na gobyerno ang Pilipinas
mula sa dating ika-111.

Gayunpaman, malayo pa ito sa regional average ng Asya-


Pasipiko na nasa 44 ayon sa grupo.

Pinu-pulsuhan ng CPI ang mga eksperto't negosyente sa kung


ano sa 180 bansa ang sa tingin nila'y pinakakorap at
pinakamatuwid.

12
Pasok sa top 10 "least courrupt" ang Denmark, New Zealand,
Finland, Singapore, Sweden, Switzerland, Norway, Netherlands,
Canada at Luxembourg.

Ayon sa Transparency International, naantala ang pagsusumikap


ng karamihan ng bansa na masugpo ang katiwalian.
“The continued failure of most countries to significantly control
corruption is contributing to a crisis of democracy around the
world,” sabi ng grupo.

Hinikayat ng Transparency International ang lahat ng


pamahalaan na palakasin ang mga institusyon na magpapanatili
ng checks and balances ng pampulitikang kapangyarihan upang
masukol ang katiwalian na siyang mapagtibay ng demokrasya.
Dapat daw ay suportahan ng mga pamahalaan ang civil society
organizations, na nakapagpapataas ng pakikilahok sa pulitika.

"Pinakakorap" sa listahan ay ang Somalia, Suth Sudan at Syria


na nakakuha ng 10 at 13 sa index.

Tinataya ng watchdog na nakatatamasa ng "full democracy" ang


may mga puntos na 75, "flawed democracy" sa 49, "hybrid
regime" (may elemento ng pagiging diktadurya) sa 35, at
"autocratic regimes" sa average score na 30.

Nanawagan din sila na suportahan ang malaya at nakapag-


iisang mass media at siguruhin ang kaligtasan ng mga
peryodista nang makapagtrabaho sila nang walang pangamba
at takot.

Mga pamprosesong tanong:

1. Nararanasan ba sa inyong komunidad ang epekto ng


korapsyon? Ipaliwanag.

13
2. Ano- ano pang kaugnay na suliranin ang iyong nararanasan
na
epekto ng korapsyon?
3.Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang korapsyon sa:
a. Sarili
b. Kapwa
c. Pamilya
d. Bansa
Mga Gawain
sa Pagkatuto

Para sa iyong kaalaman

Binigyang-pansin sa iyong binasa ang isa sa mga isyung


nararanasan sa ating bansa – ang korapsyon. Ang korapsyon ay
makikita sa mga simpleng serbisyong pampamahalaan tulad ng
pagkuha ng permit para sa pagbubukas ng negosyo hanggang
sa mga malawakan at malakihang proyekto tulad ng
pagpapagawa ng kalsada, tulay, at mga gusaling
pampamahalaan. Maraming mamamayan ang nag-aakala na
wala itong direktang epekto sa kanila subalit, ang katotohanan
lahat tayo ay apektado nito. Ganito rin ang persepsyon ng ibang
mamamayan sa iba pang isyu at hamong panlipunan na
nararanasan sa ating bansa tulad ng paglabag sa karapatang
pantao, malayang kalakalan, pang-aabuso sa mga kababaihan,
at mga suliraning pangkapaligiran na dulot ng maling
pangangalaga sa kalikasan. Bunga nito, hinihiwalay ng mga
mamamayan ang kanilang sarili sa mga isyu at hamong
panlipunan upang matugunan ang mga personal na hamon at

14
pangangailangan. Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka
ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan
upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa isang lipunan
at sa bansa.

Paksa: Ang Lipunan


Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang
pagunawa sa bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang
kultura. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lipunan?

Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang


naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap


ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at
nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan
ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney,
2011)

“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito


ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong
pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging
makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon.
Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas
ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.”(Panopio, 2007)

“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan


at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang

15
kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga
mamamayan.”(Mooney, 2011)

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan


Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang
institusyon, social groups, status (social status), at gampanin
(roles).

Institusyon
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Ang institusyon
ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney,
2011) Ang pamilya, relihiyon, edukasyon, ekonomiya, at
pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong panlipunan. May
mga isyu at hamong panlipunang nag-ugat dahil sa kabiguan ng
isang institusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.
Halimbawa, ang mataas na bilang ng mga mamamayang walang
trabaho ay maaaring dulot ng kakulangan ng kaalaman at
kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan na magkaloob ng
mataas na kalidad ng edukasyon. Maaari rin namang ito ay dahil
sa hindi nagawa ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin na
lumikha ng trabaho para sa kaniyang mamamayan.

Social Group
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga
social group. Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang
taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan. May dalawang uri ng social group: ang primary group
at secondary group. (Mooney, 2011).

16
Status
Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay
naiimpluwensiyahan ng ating status. May dalawang uri ng status:
ito ay ang ascribed status at achieved status.

Gampanin (Roles)
May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social
group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles.
Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan,
obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon
ng indibiduwal. Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging
batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang
ginagalawan.
Mga
Pagsasanay

Pagsasanay 1: Piliin mo!


Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama
ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung tama ang
nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali
ang nilalaman ng una at tama ang ikalawang pahayag; at D kung
parehong mali ang dalawang pahayag.

_______ 1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-


samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan,
mahalagang maunawaan ang bumubuo, ugnayan at kultura ng
isang lipunan.

17
_______ 2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng
mga taong may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng
mga tao sa Isang lipunan makakamit ang kaayusang panlipunan
sa pamamaagitan ng maayos na interaksyon ng mga
mamamayan.

_______ 3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.


Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema ng ugnayan
sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong
dahil sa kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang mga
inaasahan mula rito.

_______ 4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa


ng secondary group.
B. Tumutukoy ang secondary group sa mga
indibidwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t-isa.

_______ 5. A. Ang bawat indibidwal ay may posisyon sa isang


social group. Ang posisyong ito ay may kaukulang gampanin o
roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng
isang tao sa isang social group ay nakapagdudulot ng isyu at
hamon na makakaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo.

Pagsasanay 2: SINO ANG NAGKULANG?

Ilagay sa kahon sa kaliwa ang isyung panlipunan at sa kahon sa


kanan ang paliwanang kung paanong ang pagkukulang ng isang
na partikular na elemento ang nagdulot ng isyung panlipunan sa
kaliwa.

Halimbawa:
1. Unemployment Ang paaralan ay isa sa mga
institusyon na maaring may
pagkukulang kung kaya’t
maraming bilang ng Pilipino ang

18
walang trabaho. Maaring kulang sa
kakayahan at kaalaman ang isang tao
dahil sa kabiguan ng paaralan na
maka- pagbigay
ng de kalidad na edukasyon.

Paliwanag kung anong


Isyung elemento o institusyon ang
Panlipunan nagkulang na nagbunsod
sa isyung panlipunan

Pagsasanay 3: Ako ay Kabahagi


Ako ay Kabahagi Upang mataya ang kaalaman mo sa paksang
tinalakay, sagutan mo ang bahaging ito ng modyul. Magsisilbi
itong pansariling mong repleksyon sa aralin. Sa bahagi ng modyul
na ito, mapapagtanto mo na ikaw ay may bahagi sa ilang mga
isyu/hamong panlipunan at mayroon kang bahagi sa pagtugon sa
mga isyu/hamong panlipunang nararanasan sa kasalukuyan.

Isulat sa kahon ang isang halimbawa ng isyu o hamong


panlipunan at sagutan ang kasunod na katanungan ng hindi
bababa sa tatlong pangugusap.

Isyu/Hamong Panlipunan

____________________________________

19
Pangwakas na Pagtukoy!
Pagsubok
Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang konseptong
tinutukoy ng bawat pahayag.

___________ 1. Tumutukoy sa mga taong sama-samang


naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

___________ 2. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may


pagkakatulad na katangian ng nagkakaroon ng ugnayan sa
bawat isa atin bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.

___________ 3. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng


isang indibiduwal sa lipunan.

___________ 4. Tumutukoy sa organisadong sistema ng


ugnayan sa isang lipunan.

20
___________ 5. Isa sa mga halimbawa ng institusyon kung saan
unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang.

___________ 6. Isa rin itong institusyong panlipunan na


nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at
patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging
kapakipakinabang na mamamayan.

___________ 7. Dito pinag-aaralan dito kung paano


matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

___________ 8. Elemento ng lipunan na tumutukoy sa mga


karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat
ng posisyon ng indibiduwal.

___________ 9. Uri ng social group na tumutukoy sa malapit at


impormal na ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay
mayroon lamang maliit na bilang.

___________ 10. Uri ng status na nakatalaga sa isang


indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap

Karagdagang Photo Essay


Gawain
Sa isang bond paper o oslo paper o anumang uri ng malinis na
papel ay gumawa ng Photo Essay na nagpapakita ng iba’t ibang
isyu at hamong panlipunan na dulot ng mga elemento ng
istrukturang panlipunan. Maaaring gumupit ng mga larawan sa
magazine o kumuha ng mga ito sa internet. Gawing batayan ang
rubric sa pagmamarka bilang gabay sa pagtupad ng gawaing ito

21
PHOTO ESSAY

Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay na
larawan at paliwanag
ay tumutugma sa
7
paglalarawan at
konsepto ng isang isyu
at hamong panlipunan
Nilalaman Wasto at
makatotohanan ang
impormasyon. May
pinagbatayang pag- 6
aaral, artikulo, o
pagsasaliksik ang
ginamit na datos
Organisasyon Kumprehensibo at
malinaw ang daloy ng
photo essay. Maayos na
naipahayag ang
konsepto ng isyu at
4
hamong panlipunan
gamit ang mga larawan
at datos.
Pagkamalikhain May sariling istilo sa
pagsasaayos ng photo
essay. Gumamit ng mga
angkop na disenyo at 3
kulay upang maging
kaaya-aya ang kaanyuan
ng produkto.
KABUUANG PUNTOS 20

22
23
ARALIN 3
Pamagat ng ELEMENTO NG KULTURA
Kagamitan/
Panimula Kamusta! Ikaw ay nasa ikatlong aralin na ng modyul na ito. Sa
nakaraang aralin nagkaroon ka ng kaalaman tungkol sa mga
elemento ng istrukturang panlipunan. Ang iyong kaalaman sa
mga bagay na ito ay makakatulong sa pagsusuri at pag-unawa
mo sa ilang isyu at hamong panlipunang tatalakayin sa susunod
na mga modyul. Kung may mga isyu na dulot ng hindi mabuting
ugnayan ng mga Istrukturang panlipunan, mayroon din namang
mga isyung may kaugnayan sa kultura. Sa bahaging ito,
matutunghayan mo ang iba’t ibang elemento ng kultura at
kaugnayan nito sa mga isyu at hamong panlipunan.

Mga Layunin Sa ikatlong bahagi ng modyul na ito inaasahang:

1. Natukoy mo ang uri at elemento ng kultura bilang


mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan;
2. Naipahayag mo ang kahalagahan ng kultura bilang bahagi ng
pag-aral ng Lipunan at sa pagharap sa mga hamon sa
lipunan;
3. Nakasulat ng “Reflection Paper” ukol sa kultura ng
pamayanang iyong kinabibilangan at ang impluwensiya nito
sa pagharap sa mga isyung panlipunan gaya ng NCOV-19.
Talahulugan Habang patuloy tayo sa pag-aaral ng modyul na ito, basahin at
alamin natin ang mga nasa talasalitaan.

BELIEFS - Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga pinaniniwalaan ng


tao na katanggap-tangap sa lipunan na nagiging basehan ng
kanilang pagpapahalaga.

FOLKWAYS – Ito ang batayan ng kilos ng tao sa isang lipunan.

23
KULTURA- Ito ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginawa at
ginagawa ng tao sa isang lipunan.

MORES - Ito ang mahigpit na batayan ng kilos ng tao sa lipunan


na kapag nilabag ay may angkop na kaparusahan.

NORMS - Ito ang kilos, gawi, o asal ng tao na nagiging batayan


ng aksiyon, paguugali, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa
lipunang ginagalawan.

Pagkumpas/Gesture - Ito ay gawain ng tao upang maiparating


ang kanyang mensahe sa isang tao na hindi gumagamit ng salita
gaya ng pagmamano at pagkaway.

SIMBOLO - Ito ang daan upang maiparating at maunawaan ng


tao ang mensaheng nais makuha sa pamamagitan ng pagsalita
at pagkumpas o gesture.

VALUES - Ito ang nagiging batayan ng tao sa lipunan kung ano


ang tama o mali, at kung ano ang katanggap-tanggap at hindi.

WIKA- Ito ang ginagamit ng tao sa lipunan upang maiparating


ang kanyang mensahe sa ibang kasapi ng lipunan sa
pamamagagitan ng pagsasalita.
Panimulang Hula Salita!
Pagsubok

Buuhin ang mga ginulong letra gamit ang pahayag na ibinigay


upang mahulaan ang salita. Isulat ang sagot sa patlang.

ALYTERMA 1.Ang ________________ ay uri ng kultura na


tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakan.

LIESFEB 2.Ang _____________ ay elemento ng kultura na


tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa
pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.

24
UESVAL 3. Ang __________ ay batayan ng lipunan kung ano
ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.

MSNOR 4. Ang ______________ ay tumutukoy sa mga asal,


kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.

LOOBMIS 5. Ang ___________________ ay ang paglalapat ng


kahulugan sa isang bagay ng taong gumagamit dito gaya ng
wika, at pagkumpas.

Mga Gawain sa
Pagkatuto Magaling! Natapos mo ang unang
gawain. Ngayon naman ihanda mo ang
iyong sarili sa susunod pang mga
gawain. Upang ikaw ay maging handa,
Basahin mo ang sumusunod na teksto.
Pagkatapos ay gawin mo ang mga
pagsasanay na inihanda para sa iyo.

Katuturan ng Kultura
Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng pansin
ang kultura. Ayon kina Andersen at Taylor (2007), ang kultura ay
isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-
kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan,
binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama
sa mali at ang mabuti sa masama.

Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng


kultura sa pamamagitan ng pagsasabing “ito ang kabuuang

25
konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng
kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao”.
Ayon naman kay Mooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa
kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang
lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay
bahagi ng ating kultura. May dalawang uri ang kultura. Ito ay ang
materyal na kultura at hindi materyal na kultura.

DALAWANG URI NG KULTURA

MATERYAL HINDI MATERYAL

Binubuo ito ng mga gusali, Kabilang dito ang batas,


likhang-sining, kagamitan, gawi, ideya, paniniwala, at
at iba pang bagay na norms ng isang grupo ng
nakikita at tao. Hindi tulad ng materyal
nahahawakanat gawa o na kultura, hindi ito
nilikha ng tao. (Panopio, nahahawakan subalit ito ay
2007) Ang mga bagay na maaaring makita o
ito ay may kahulugan at maobserbahan. Ito ay
mahalaga sa pag-unawa bahagi ng pang-araw-araw
ng kultura ng isang na pamumuhay ng tao at
lipunan. sistemang panlipunan.
(Mooney, 2011)

Mga Elemento ng Kultura


Kung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga
istruskturang bumubuo sa isang lipunan, ang kultura naman ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa isang lipunan.
Nag-iiba ang paglalarawan ng bawat lipunan batay na rin sa
kultura nito. Binubuo ang kultura ng mga paniniwala (beliefs),
pagpapahalaga (values), norms, at simbolo.

Paniniwala (Beliefs)

26
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa
pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Maituturing itong batayan
ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan.
Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala
ng isang indibiduwal o pangkat ng tao. Halimbawa, ang isang
lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao
anoman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para
sa pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito.

Pagpapahalaga (Values)
Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala
ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng
lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung
ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda
at kung ano ang nararapat at hindi nararapat (Mooney, 2011).
Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang bawat lipunan,
marami sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan. Kapag
ang isang situwasyon o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga,
itinuturing ito na isyu o hamong panlipunan.

Kaugalian (Norms)
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing
pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing
batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang
indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Mauuri ang
norms sa folkways at mores. Ang folkways ay ang
pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa
isang lipunan sa kabuuan. Sa kabilang banda, ang mores ay
tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang
paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa
(Mooney, 2011). Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang
lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan. Halimbawa, ang
mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at

27
kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng
mga tao. Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may
kaukulang kaparusahan.
Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng
mga taong gumagamit dito. (White, 1949) Kung walang simbolo,
walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging
posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Ang mga
halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at
iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang
lipunan. Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano.
Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita
ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda.
Mga
Pagsasanay Kamusta? Naunawaan mo na ba ang ang
kahulugan at mahalagang konsepto ng
kultura?

Ngayon handa ka na bang subukin ang iyong


natutunan? Sige simulan mo na.

Pagsasanay 1. Tama o Mali!

Isulat mo ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap.


Kung ito ay mali, itama ang salitang may salungguhit upang
maiwasto ang pahayag. Isulat mo ang iyong sagot sa patlang.

__________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan


ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan.

__________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na


tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan
ng pagkilos sa isang lipunan.

28
__________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na
katanggap- tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa kabuuan.

__________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay


may kaukulang kaparusahan o sanctions.

__________5. Ang kultura ay naglalarawan sa isang lipunan.

Pagsasanay 2. Buuin Mo!

Tukuyin mo kung saan nabibilang ang mga halimbawa ng


kulturang makikita sa kahon. Ilagay mo ito sa tamang konsepto
na dapat kinabibilangan nito. Isulat ang iyong sagot sa bilog na
may naka sulat na konsepto. Maaaring maulit ang ibang sagot sa
ibang bilog/konsepto.

ASPEKTO NG KULTURA

URI NG KULTURA

MATERYAL NA KULTURA HINDI-MATERYAL NA


KULTURA
1.
2. 1.
3 2.
4. 3
5. 4.

29
6. 5
6.

ELEMENTO NG KULTURA

PANINIWALA PAGPAPAHALAGA NORMS SIMBOLO


4.
1. 2. 3.

5.

Pagsasanay 3. KUMPLETUHIN MO!

Kumpletuhin mo ang pahayag sa ibaba gamit ang iyong


natutunan mula sa binasa at dalawang pagsasanay na iyong
natapos.

Ang kultura ay_______________________________________


___________________________________________________
_______________. Ito ay binubuo ng dalawang uri. Una ay ang
_______________ na _________________________________
___________________________________________________
___________.Pangalawa ay ang _______________ na _____
___________________________________________________
____. Ito ay may apat na elemento ang ___________________,
_____________, _____________, at ____________________.
Mahalagang ito ay pag-aralan dahil ______________________
__________________________________________________.

Mahusay! Natapos mo na ang ang lahat ng

pagsasanay. Ngayon ikaw ay handa na upang

masukat ang iyong nalalaman sa pangwakas

na pagsubok. Tara! Simulan mo na.

30
Pangwakas na I. Tukuyin mo ang ipinahahayag sa bawat bilang. Piliin mo
Pagsubok
ang tamang salita ng tamang sagot mula sa kahon at isulat
ito sa patlang.

A. Kultura B. Simbolo C. Norms

D. Beliefs E. Values F. Mores

F. Folkways

____1.Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay


ng tao na naglalarawan sa isang lipunan.

____2.Ito ay tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol


sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.

____3.Ito ang batayan ng lipunan kung ano ang katanggap-


tanggap at kung ano ang hindi.

____4.Ito ay tumutukoy sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at


nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.

____5.Ito ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng


taong gumagamit dito gaya ng wika, at pagkumpas.

____6. Ito ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos


kung saan kapag nilabag ay may kaakibat na kaparusahan.

II. Ibigay ang sumusunod.


7-8. Dalawang uri ng materyal na kultura.

9-10. Dalawang uri ng hindi materyal na kultura.

Magaling! Ako ay lubos na nagagalak sa


iyong kagalingan kayat matagumpay mong
natapos ang pangwakas na pagsubok.
Magpatuloy ka pa.

Karagdagang MAGNILAY TAYO!


Gawain

31
Kunin mo ang iyong panulat at papel. Pagnilayan mo ang iyogn
karanasan o hindi kaya ay naririnig sa balita ukol sa nangyayari
sa ating lipunan. Mag tala ka ng ilang kultura o gawain ng inyong
lugar na sa tingin mo ay makatutulong sa isa sa mga isyong
panlipunan na ating nararanasan ngayon, ang NCOV-19. Maaari
mo ring itala ang mga gawain na kailangang baguhin ng inyong
komunidad. Pagkatapos, simulant mo na ang pagsulat ng iyong
“Reflection Paper” ukol sa kultura ng iyong komunidad at paano
ito nakakatulong sa pagharap sa mga hamon sa lipunan gaya ng
NCOV-19. Seguraduhing magagamit mo ang iyong natutunan sa
modyul na ito, at hindi baba sa 200 salita ang iyong sulatin.

Ang takdang gawain mo ay bibigyang marka gamit ang


sumusunod na pamantayan:

Nilalaman- 8
Organisasyon- 8
Pagpapaliwanag- 8
Gramatika- 6
Kabuuan- 30

32
ARALIN 4
Pamagat ng ALIN NGA BA?
Kagamitan/
Panimula
Kamusta! Ikaw ay nasa ika-apat na aralin na. Sa nakaraang
aralin natutunan mo na ikaw ay bahagi ng lipunan na
kinabibilangan ng institusyon, social groups na may status, mga
gampaning dapat gawin at magkakaibang paniniwala,
pagpapahalaga, norms na sinusunod, at nauunawaang mga
simbolo. Dahil sa pagkakaibang ito, nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan sa ating lipunan na maaaring magdulot ng
iba’t ibang isyu at hamong panlipunan.

Kailan nga ba nagiging isyung panlipunan ang isang isyu? Ang


susunod na bahagi ay magbibigay ng kaalaman sa iyo tungkol
sa mga katangian ng isyu at hamong panlipunan. Sa bahaging
ito rin ay matutukoy mo ang pagkakaiba ng Isyung Panlipunan
at Isyung Personal.

Mga Layunin Sa ikaapat na bahagi ng modyul na ito inaasahang:

1. Naipaliwanag mo ang isyung personal at isyung panlipunan,


maging ang epekto at sanhi nito;
2. Napahalagahan mo ang pag-aaral ng isyung personal at
isyung panlipunan;
3. Nakagawa ka ng isang venn diagram ukol sa pagkakaiba at
pagkakatulad ng isyung personal at panlipunan.

Talahulugan Habang patuloy tayo sa pag-aaral ng modyul na ito, basahin at


alamin natin ang mga nasa talasalitaan.

33
Krisis- tumutukoy sa isang pangyayari sa lipunan kung saan ay
taghirap.
Institusyong Panlipunan- tumutukoy sa isang oraganisadong
samahan sa lipunan na may iisang layunin. Halimbawa nito ay
ang pamilya, paaralan, at simbahan.

Istatistik- tumutukoy sa isang agham na siyang ginagamit


upang ilarawan ang bilang o bahagi ng mga bagay.

Isyu- tumutukoy sa mga pinaguusapang hamong kinahaharap


ng bawat indibiduwal o grupo sa kapanahonan natin ngayon.

Lipunan- tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan


sa isang organisadong komunidad na may iisang batas,
tradisyon, at pagpapahalaga.

Sociological Imagination- tumutukoy sa kakayahang makita


ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at
ang lipunang kanyang ginagalawan.

Panimulang 4 Larawan 1 Salita!


Pagsubok
Tukuyin mo ang isyung na sa apat na lawarang makikita sa
ibaba. Pagkatapos ay sagutan ang tanong sa bilang ika-lima.

1.

34
_________________________________

2.

________________________________

3.

______________________________

4.

35
______________________________

5. Ano ang ipinakita ng mga larawan?


Mga Gawain sa
Pagkatuto Magaling! Natapos mo ang unang gawain.
Ngayon naman ihanda mo ang iyong sarili sa
susunod pang mga gawain. Upang ikaw ay
maging handa, Basahin mo ang sumusunod
na teksto. Pagkatapos ay gawin mo ang mga
pagsasanay na inihanda para sa iyo.

Isyung Personal at Isyung Panlipunan


Ano nga ba ang kaibahan ng isyung personal at isyung
panlipunan? Ang mga isyung personal ay sinasabing
nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya.
Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng
indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na
nararapat solusyunan sa pribadong paraan. Samantala ang
isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang
kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan.
Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao
kundi sa lipunan sa kabuuan.

Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung


personal at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay
magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung
pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa
ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay
magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng
pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan.
Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at
ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at
walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura.

36
Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang
magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng
pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol
sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may
100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang
walang trabaho, maaring ituring ito bilang isang isyung personal.
Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15
milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na
“isyung panlipunan”. Sa malalim na pagtingin, maaaring maging
kongklusyon na may kakulangan sa lipunan o istruktura nito na
nagdudulot ng kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan
dito.

Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung


panlipunan subalit makikita ang epekto sa personal na buhay ng
isang tao. Ang mga digmaan ay maituturing na isyung
panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa
personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan
at karahasan.

Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination, bilang


bahagi ng lipunang iyong ginagalawan, mahalagang
maunawaan mo na ang mga personal na isyung nararanasan
mo ay may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin
maikakaila na mayroon kang mahalagang papel na
gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong kinahaharap
ng lipunan sa kasalukuyan.

Mga Kamusta? Naunawaan mo na ba ang pagkakaiba


Pagsasanay ng Isyung Personal at Isyung Panlipunan? Ang
isyung personal na nakakaapekto sa isang tao at
malapit sa kanya ay may kaugnayan sa isyung
panlipunan na nakakaapekto sa buong kasapi ng
komunidad.

37
Ngayon handa ka na bang subukin ang
iyong natutunan? Sige simulan mo na.

Pagsasanay 1. FACT or BLUFF!

Tukuyin mo kung ang pahayag sa bawat bilang ay tama o mali.


Isulat ang Fact kung ito ay Tama at Bluff naman kung ito ay mali.

____1. Ang isyung personal ay nagaganap sa pagitan ng isang


tao at ilang malalapit sa kanya.

____2. Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay na


maaaring masulosyunan ng isang tao.

____3. Ang kawalan ng trabaho at makalat na bakuran ay


halimbawa ng isyung personal.

____4. Ang digmaan, pagbaha, at kriminalidad ay halimbawa ng


isyung panlipunan.

____5. Ang isyung personal ay maaaring magresulta sa


pagkakaroon ng isyung panlipunan.

Pagsasanay 2. Personal o Panlipunan?

Gamit ang Venn diagram ay ibigay mo ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan. Magbigay
ka ng halimbawa nito na maaaring nararanasan sa inyong
kumunidad o maging sa bansa.

38
Gamiting gabay ang pamantayan na iyong makikita sa ibaba.

Pagsasanay 3. Pangatuwiranan mo!

Basahin mo ang mga situwasyon sa unang kolum. Tukuyin alin


ang Isyung personal at Isyung Panlipunan. Isulat ito sa
ikalawang kolum kasama ang paliwanag mo ukol sa sanhi at
epekto ng bawat situwasiyon ng hindi bababa sa tatlong
pangungusap. Pagkatapos, punan ng tamang sagot ang kahon
ng paglalahat.

Situwasyon Paliwanag

1. Ayon sa istatistiks,

labing limang milyong

Pilipino ang walang

trabaho.

39
2. Isang mag-aaral ang

nahihirapang gumawa

ng takdang-aralin sa

Araling Panlipunan.

3. Dahil sa biglang

paglakas ng ulan,

malaking bahagi ng

komunidad ang

bumaha.

Paglalahat

Kung gayon, masasabi ko na ang Isyung Panlipunan ay____


________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
__
________________________________________________
Magaling! Natapos mo na ang ang lahat ng
________________________________________________
pagsasanay. Ngayon ikaw ay handa na para
________________________________________________
gawin ang pangwakas na pagsubok upang
________________________________________________
________ ang iyong nalalaman. Halina at
masukat

Simulan mo na!

40
Pangwakas na Tayo na at Magsulat!
Pagsubok

Mula sa natutunan mo sa ating ginawa, sumulat ka ng maikling


sanaysay na hindi bababa sa limang pangungusap ukol sa
sumusunod na tanong:

1. Paano mo masasabi na ang isang isyu ay isyung personal o


panlipunan? Bakit mahalaga itong pag-aralan? Magbigay ng
halimbawa.

Pamantayan sa pagbibigay marka:

Nilalaman -4
Gramatika -2
Organisasyon ng ideya -3
Teknikalidad -2
Kabuuan -10

Magaling! Binabati kita sa iyong


kahusayan! Dahil matagumpay mong
natapos ang pangwakas na pagsubok.
Magpatuloy ka pa.

Karagdagang Tukuyin Mo!


Gawain

Gamit ang isyung nakatala sa ibaba, tukuyin kung alin ang


isyung personal at panlipunan. Ipaliwanag mo rin ang sanhi at
epekto nito sa buhay ng tao. Isulat mo ang iyong sagot gamit
ang talahanayan na makikita pagkatapos ng larawan. (Isang
puntos bawat sagot).

Ilan sa mga Isyu sa Lipunan


1. Pag-aaway ng magulang (Domestic Violence)

41
2. Pangaabuso sa Kababaihan/ Karahasan
3. Kalungkutan/ Pagiisa
4. Political Dynasty
5. Walang load/ Kakapusan sa pera
6. Pagbaha

Talahanayan:

Isyung Personal: SANHI EPEKTO


1.

2.

3.

Isyung
Panlipunan:
1.

2.

3.

42
ARALIN 5

Pamagat ng SA MGA ISYU NG LIPUNAN, MAY MAGAGAWA AKO


Kagamitan/
Panimula
Sa nakaraang aralin naunawaan mo na ang pagkakaiba ng isyung
personal at isyung panlipunan maging ang ilan sa mga halimbawa nito.
Ngayon naman ay sisikapin mong matutunan kung paano haharapin
ang mga hamong panlipunan na sumusubok sa katatagan at
kagalingan ng isang indibidwal at komunidad (Lipunan) sa aralin na ito.
Sa pamamagitan ng huling bahagi ng modyul na ito rin ay
matutulungan ka na masuri ang iba’t-ibang mga isyu at maunawaan
ang kahalagan ng pagiging mulat sa pagtupad ng ating tungkulin at
papel bilang isang mamamayang kabahagi sa pagtataguyod ng isang
maayos, mapayapa at maunlad na bansa.

Mga Sa huling bahagi ng modyul na ito inaasahan sayo na:


Layunin
1. Natukoy ang tungkulin ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at

hamong panlipunan ng bansa;

2. Nailahad ang kahalagahan ng pagiging mulat sa pagtugon sa mga

isyung panlipunan ng bansa;

3. Nakapagpakita ng malikhaing presentasyon ng kahalagahan ng

pagiging mulat at kabahagi ng bawat isa sa pagtugon ng mga

isyung panlipunan ng bansa.

Talahulugan Sa panimula ng aralin at paksang ito, inaasahang matututunan mo ang


mga sumusunod na salita at mahahalagang konsepto:

Isyung Panlipunan - Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong


usapin na nakakaapekto hindi lamang sa iisang tao kundi sa lipunan
sa kabuuan.

43
Isyung Personal - ay nagaganap o nangyayari sa pagitan ng isang
tao at ilang malalapit sa kanya.

Kontemporaneong Isyu – ay mga ideya, opinion, paksa, kaganapan


o pangyayari sa anumang larangan na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.

Kultura – paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.


Ito ay nauuri sa dalawa: materyal at hindi materyal.

Pananagutan – ito ay isang responsibilidad o tungkulin na kailangang


gawin ng isang tao, grupo o institusyon.
Panimulang Ngayon ay subukan mong sagutin ang paunang pagsasanay na ito
Pagsubok
upang mataya ang iyong kahandaan (readiness) at kaalaman sa mga
mahalagang paksang tatalakayin sa araling ito:

Ikaw ba ay mahilig sa musika ng OPM (Original Pilipino Music)?


Pamilyar ka ba sa awiting pinamagatang Pananagutan? Basahin at
suriing mabuti ang mensahe ng awit na ito. Maaaaring madalas mo na
itong naririnig at napakikinggan sa radio at telebisyon o nakita sa You
tube o maaaring narinig mo na itong inawit sa pagdaraos ng misa
tuwing linggo. Pagkatapos mong basahin ang liriko ng awitin, gamit
ang sagutang papel sagutan mo ang susunod na mga katanungan
tungkol ditto ng hindi bababa sa 20 salita:

PANANAGUTAN
Walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
para sa sarili lamang

Tayong lahat ay may pananagutan


sa isa’t-isa

44
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling Niya

Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man


Tayo’y nagdadala ng balita ng kaligtasan

Mga Katanungan:

1. Ano ang mensahe/tema ng awit?


2. Sa iyong palagay, anu-ano ang mga pananagutan mo sa iyong
kapwa?
3. Bakit kailangan nating maisagawa ang ating mga pananagutan?
Mga
Gawain sa
Pagkatuto

Umuusbong ang ibat-ibang isyung panlipunan dahil sa magkakaibang


paniniwala, pagpapahalaga, gawi, at opinyon ng mga bumubuo nito.
Bilang ikaw ay bahagi ng lipunang iyong ginagalawan, ikaw ay
mayroong bahagi sa pagkakaroon ng mga isyu na nagbibigay ng mga
suliranin at hamon sa ating lipunan. Ngunit iyong pakatatandaan na
bilang isang responsableng mamamayan ikaw ay mayroon ding
magagawa at bahaging dapat gampanan upang magbigay ng solusyon
sa iba’t-ibang mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan ng ating
komunidad.

Kaya naman sa modyul na ito mayroong mga nakahandang gawain at


pagsasanay para sayo na dapat mong maunawaan at maisagawa

45
upang maipakita mo ang kahalagahan ng pagiging mulat at bahagi sa
mga isyung panlipunan ng ating bansa.
Mga
Pagsasanay

Pagsasanay 1: ISYUNG PERSONAL o ISYUNG PANLIPUNAN?

Makikita mo sa ibaba ang ilan sa mga iyung nararanasan ng isang


indibiduwal at maging ng buong kasapi ng lipunan. Basahin mo ito at
pagkatapos ay sagutan ang katanungang nasa ibaba ng hindi bababa
sa 30 pangungusap.
Isyung Personal Isyung panlipunan
1. kawalan ng disiplina 1.Kahirapan
2. Kulang sa tiyaga at 2. Korapsyon
pagsisikap 3. paglaganap ng sakit
3. Paglabag sa kautusan ng 4. Kakulangan sa pagkain
pamahalaan at paaralan 5. pagkasira ng kalikasan
4. Pagsisinungaling 6. kakukangan sa tulong
5. Kawalan ng tiwala sa sarili pinansyal para sa mga
6. Paggamit ng ipinagbabawal magbubukid at mangingisda
na gamot 7. karahasan at labanan
8. polusyon
9. Sakuna

Tanong: Sa mga hamon na nararanasan sa ating lipunan na iyong


mabasa sa talahanayan, masasabi mo bang ikaw ay kabahagi sa
pagkakaroon nito? Ano ang iyong magagawa upang makatulong sa
pag sugpo dito?
Pagsasanay 2:

46
Magtala ka ng isang Isyung Panlipunan na sa tingin mo ay
pangunahing suliranin sa inyong komunidad. Pagkatapos, ipapakita
mo ang iyong bahagi sa pagkakaroon ng isyung napili at sa pagtugon
dito. Sa pagsasagawa ng gawain, gamiting gabay ang porma na
makikita sa ibaba.

Isyung Panlipunan:
Ano ang iyong bahagi/papel sa Ano ang iyong magiging bahagi at

pagkakaroon ng ganitong isyu? magagawa bilang pagtugon sa

isyung ito?

1. 1.

2. 2.

3 3.

4 4.

5 5.

Maaring dagdagan ang bilang ng mga kasagutan kung ito ang iyong

nais.

Isyung Panlipunan:

Pagsasanay 3

Gamit ang iyong Sociological imagination ipahayag at iparamdam ang


iyong pagiging mulat sa reyalidad ng buhay at kaganapan sa iyong
lipunan. Sa pamamagitan ng tatlong pangungusap isulat ang iyong
sagot para sa mga sumusunod na katanungan:

“Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man


Tayo’y nagdadala ng balita ng Kaligtasan”

47
1. Base sa talata ng awiting ito, ano ang kahalagahan ng
pagmamahalan at paglilingkod ng bawat isa sa atin bilang kabahagi ng
lipunan? Ipaliwanag
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Ano ang magiging pangkalahatang epekto ng pagtupad ng iyong


mga pananagutan at tungkulin para sa iyong komunidad at lipunan?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Ano ang pinakamahalagang aral na iyong natutunan tungkol sa


bagay na ito, na maaaring magpabago sa takbo ng buhay mo bilang
isang mag-aaral na mulat sa mga isyung panlipunan ng inyong lugar
at ng bansa?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Pangwakas Gumawa ng isang sanaysay, tula o awitin (isa lamang ang iyong piliin)
na
na nagpapahayag at nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mulat
Pagsubok
at kabahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong
panlipunan na kinakaharap ng ating bansa. Isulat mo ang iyong sagot
sa bond paper.

Ikaw ay bibigyang marka batay sa pamantayang ito:

48
Pag-unawa 8
Nilalaman 8
Pagkamalikhain 8
Teknikalidad 6
Kabuuan 30

Karagdagan Ipangalandakan Mo!


g Gawain
Kumuha ka ng malaking papel, panulat, at iba pang kagamitang
makatutulong sa gawaing ito. Pagkatapos ay gumawa ka ng isang
slogan, o poster na maghihikayat sa bawat isa na maging kabahagi
sa pagtugon sa mga isyu o hamong panlipunan sa ating bansa gaya
ng NCOV-19.

Ito ay bibigyang marka gamit ang sumusunod na pamantayan:

Pag-unawa- 8

Nilalaman- 8

Pagkamalikhain- 8

Teknikalidad- 6

Kabuuan- 30

49
SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 1

Panimulang Pagsubok

A. Community Quarantine/quarantine- ginagawa sa isang komunidad o lugar upang


maiwasan ang pagkalat ng virus o anumang nakahahawang sakit. Maaari ring
sumailalim sa ganitong pamamaraan ang isang taong infected ng virus upang
maiwasan na siya ang magkalat ng virus.

B. Pagbaha dulot ng malakas na ulan o bagyo- kadalasan nagdudulot ng pagtaas ng


lebel ng tubig kapag malakas ang ulan lalo na kapag hindi nalinis ang mga estero at
kanal na nagdudulot ng pagkasira ng kabuhayan.

C. Pandemya- isa sa kinakaharap ng daigdig sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng


pandemya na tinatawag na Covid 19. Ang pandemya ay nagdudulot ng pagkamatay
ng maraming tao. Sa ating kasaysayan, isa sa mga pandemya na naganap ay ang
Spanish Flu na kumitil ng milyon milyong tao.

D. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot- isa sa mga talamak na suliranin ng ating


bansa ang maraming mga Pilipino na nalululong sa ipinagbabawal na gamot kaya
naman nang panahon ng kampanya ay isa ito sa mga pinangako ng ating Pangulong
Duterte na supilin sa loob lamang ng anim na buwan.

E. Tambak na basura/labis na basura- hindi lamang problema ng ating bansa ang


labis na basura. Ito ay pandaigdigang problema na kailangan ng agarang solusyon.
Iba’t-ibang pamamaraan ang ginagawa ng pamahalaan maging ng mamamayan kung
paano masugpo ang problema sa basura.

Pagsasanay 1: IKAHON MO!

Ang sagot sa gawaing ito ay nakabatay sa mga kasagutan ng mga taong


kakapanayamin ng mag-aaral.

50
Pagsasanay 2: PROBLEMA BA? SOLUSYUNAN MO!

DAHILAN SULIRANIN TUGON


Pagkalat ng Virus Community Ginagawa ang community quarantine upang
Quarantine maiwasan ang taong mahawa sa virus. Kung
walang lalabas ng bahay, mas malaki ang
posibilidad na hindi mahawa. Kung sakali man
may mahalagang gawain at hindi maiwasan ang
paglabas ay gumamit/magsuot ng surgical mask,
sundin ang social distancing at pag uwi sa bahay
ay maghugas ng kamay at huwag ipasok sa
bahay ang mga kasuotang ginamit sa paglabas.
Malakas na ulan/ Pagbaha Hindi na bago ang suliranin sa pagbaha. Tuwing
baradong kanal
uulan ng malakas ay nagaganap ang pagbaha.

Ilan lamang sa mga solusyon dito ay ang hindi

pagputol ng mga puno sa kabundukan na siyang

sumisipsip ng tubig. Gayundin din ang paglilinis

ng mga estero na siyang nakabara sa daluyan ng

tubig.

Kumakalat na virus Pandemya Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring


na nagdudulot ng
nadidiskubreng gamot maging bakuna ng Covid-
nakaha-hawang
19. subalit gumagawa ng pamamaraan ang
sakit
pamahalaan upang maiwasan ang

pagkalat/pagkahawa sa sakit sa pamamagitan ng

community quarantine, mass testing, tracing,

social distancing at marami pa.

Iba-iba ang Paggamit ng Akala ng nakararami ay solusyon ang bawal na


tinuturong dahilan ipinagbaba
gamot sa mga mproblema. Hindi nila alam mas
ng paggamit ng

51
ipinagbabawal na wal na nagdudulot ito ng mas maraming problema. War
gamot. Ang iba ay gamut
on drugs ang sina -sabi ng Pangulong Duterte na
upang makibagay
solusyon sa problemang ito. Subalit bigo pa rin
“in” sa mga
barkada para ang pamaha-laan sa laban nito sa droga lalo na
makatakas sa
at hindi nahuhuli ang mga sindikato sa likod ng
problema
pagbebenta ng bawal na gamot.
magrebelde at
mag eksperimento

Kawalan ng Tambak na Bawat tahanan ay matutong mag segregate ng


disiplina ang basura
basura upang hindi mahirapan ang garbage
tinuturong dahilan
collector sa kanilang trabaho. Hindi lamang
ng problema sa
basura. segregation ang dapat na ginagawa kundi ang

pag reduce, reuse, recycle

Pagsasanay 3

1. Mahalagang pag-aralan at malaman ko ang mga kontemporaneong isyu n gating


bansa dahil sa kasalukuyan upang ako ay maging mulat sa mga ito. Sa pagigimung
mulat ko rin ay maaaring magampanan ko ang aking tungkulin sa pagtulong sa bansa
upang mabigyan ng solusyon ang mga isyung ating kinahaharap.

Natutukoy ang tiyak na detalye


1. Polusyon sa hangin 7. Korapsyon
2. Populasyon 8. Pribatisasyon
3. Malnutrisyon 9. Child Labor
4. Pandemya 10.Kalamidad
5. Globalisasyon
6. Terorista

52
ARALIN 2

Panimulang Pagsubok (Ang mga kasagutan ay nakabatay sa karanasan ng mga


mag-aaral maaaring positibo o negatibo ang kasagutan).

1. Hindi ko po alam sa iba, pero ako ay personal na nakaranas ng epekto ng korapsyon


ng sinamahan ko ang tatay ko ng mag renew ng drivers’ license sa LTO. May lumapit
na empleyado at nagsabing siya ang mag-aasikaso para mapadali ang proseso at
makukuha agad ng araw na yon para hindi na bumalik sa susunod na araw. Nagbayad
kami ng malaki para hindi na gumastos sa pamasahe dahil sa malayong bayan pa
kami nakatira. (Kapag negatibo ang sagot maaaring sabihin ng guro na nangyayari
lamang ang katiwalian kung papayagan natin, walang korapsyon kung hindi kayo
sumang-ayon na magbigay ng pera kapalit ng serbisyo, kahit pa malayo ang lugar
kung natutuo tayong mag-antay walang katiwalian.

2. Pagbaha ang isa sa mga kaugnay na suliranin na epekto ng korapsyon. Kung hindi
maayos na naipagawa ang kalsada at walang maayos na estero dahil sa tinipid ang
materyales upang makalikom ng pera kaugnay ng pagpapagawa ng kalsada,
magdudulot ito ng mas malaki at sanga sangang problema pagdating ng tag-ulan o
kaya ay kapag may bagyong dumating sa lugar.

3. Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang korapsyon sa:


a. Sarili- maraming mga suliranin ang mag-sasanga sanga dulot ng korapsyon.
Maaring mawalan ng tiwala sa pamahalaan na maaaring magdulot ng hindi pag
suporta sa iba pang serbisyo ng pamahalaan.
b. Kapwa- maaring ganun din ang mangyari katulad ng persepsyon ng
indibidwal kapag nakaranas ng korapsyon.
c. Pamilya- maraming pamilya ang mas lalong maghihirap, marami ang
nawawalan ng trabaho na dulot ng korapsyon sa bansa.
d. Bansa- maaaring mabaon sa utang ang bansa sa iba’t ibang institusyong
nagpapautang lalo na kapag hindi nagagawang maipatupad ang iba’t ibang proyekto
dahil sa inuna ang personal na interes kaysa sa bayan.

53
Pagsasanay 1: Piliin mo
1. A
2. C
3. A
4. D
5. A

Pagsasanay 2: SINO ANG NAGKULANG?

• Anga kasagutan ay batay sa kung ano ang tinukoy na isyung panlipunan

katulad ng ipinakitang halimbawa.

Pagsasanay 3: Ako ay Kabahagi (Halimbawa ng maaaring Kasagutan)

*Covid 19 Health Crisis

-Ang aking bahagi sa pagkakaroon ng ganitong suliranin ay mas lalala ang krisis na

ito kung hindi ako susunod sa mga patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan. Pag

ako ay labas ng labas ng bahay ako ang magdadala ng virus at marami ang

mahahawa at mamamatay.

-Ang aking bahagi sa pagtugon sa isyung panlipunan ay bilang mag-aaral ay iiwasan

ko ang lumabas ng bahay kaya kahit nakakabagot na walang ginagawa sa bahay ay

susunod muna ako. Sa ganitong paraan marami ang maliligtas na buhay.

Pangwakas na Pagsubok

1. Lipunan 4. Institusyon 7. Ekonomiya

2. Social Group 5. Pamilya 8. Gampanin (Roles)

3. Status 6. Paaralan

9. Primary Group 10.Achieved Status

54
ARALIN 3
Panimulang Pagsubok

1. Materyal
2. Beliefs
3. Values
4. Norms
5. Simbolo

Pagsasanay 1. FACT or BLUFF!

1. Tama
2. Norms
3. Tama
4. Mores
5. Tama

Pagsasanay 2. BUUIN MO!

MATERYAL NA KULTURA HINDI-MATERYAL NA KULTURA


1. KASUOTAN 1. RELEHIYON
2. KASANGKAPAN 2. WIKA
3. TAHANAN 3. GAWI
4. PAGKAIN 4. BATAS
5. AKLAT 5 KAUGALIAN
6. SINING 6. EDUKASYON

PANINIWALA PAGPAPAHALAGA NORMS SIMBOLO


4. WIKA
1. RELIHIYON 2. KAUGALIAN 3. BATAS
5. GAWI

Pagsasanay 3. Pangatuwiranan mo!

Ang kultura ay tumutukoy sa sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao sa isang

lipunan. Ito ay binubuo ng dalawang uri. Una ay ang Materyal na Kultura na kadalasang

nakikita at nahahawakan ng tao gaya ng aklat, gusali, kasuotan at iba pa. Pangalawa

ay ang Hindi Materyal na Kultura na kalimitan ay nararanasan at nararamdaman ng tao

gaya halimbawa ng edukasyon, relihiyon, pagdiriwang ng kapistahan at iba pa. Ito ay

55
may apat na elemento ang pagpapahalaga/values, paniniwala/beliefs, norms, at

simbolo. Mahalagang ito ay pag-aralan dahil ito ay bahagi ng ating buhay na may

malaking parte sa kung ano ang nararapat gawin sa ating lipunan. Sa pag-aaral nito,

mas mauunawaan natin ang pagkakaroon ng isyung panlipunan, at mas magiging

madali para sa atin kung paano makakahanap ng solusyon sa mga hamong ito.

Pangwakas na Pagsubok!

1. Kultura
2. Beliefs
3. Values
4. Norms
5. Simbolo
6. Mores
7. Aklat
8. Kasuotan
9. Batas
10. Paniniwala

56
ARALIN 4

Panimulang Pagsubok
1. Kahirapan
2. Domestic Violence
3. Kawalan ng Trabaho
4. Polusyon
5. Isyung panlipunan
Pagsasanay 1. FACT or BLUFF!
1. Fact
2. Bluff
3. Fact
4. Fact
5. Fact

Pagsasanay 2. Personal o Panlipunan?

Ito ay hamon sa Ito ay mga suliranin


Pareho sila tumutukoy
buhay na na nakakaapekto sa
sa mga problemang
nararanasan ng lipunan bilang
kinahaharap o
isang indibiduwal o kabuuan.
nararasanan ng bawat
ng iilang tao. Kinakailangan ng
miyembro ng lipunan.
Kadalasan ang pagkakaisa ng
Sila ay magkaugnay
pagbigay ng bawat miyembro ng
sa kadahilanan na
solusyon nito ay sa lipunan upang ito ay
ang isang isyung
pribadong masolusyonan.
personal ay maaaring
pamamaraan. Halimbawa nito ay
lumawak at maging
Halimbawa nito ay epedemya,
isang isyung
depression, digmaan, pagkasira
panlipunan, at ang
kawalan ng nang kalikasan, at
isang indibiduwal ay
trabaho, domestic iba pa.
may magagawa
violence at iba pa.
upang masolosyunan
ang mga isyung
nararanasan.

57
Pagsasany 3. Pangatuwiranan mo!

Situwasyon Paliwanag

1. Ayon sa istatistiks, Ito ay isang uri ng Isyung Panlipunan dahil higit sa isa
ang nakakaranas ng kawalan ng trabaho. At ang
labing limang milyong
kawalan ng trabaho ay sumasalamin sa mahinang
Pilipino ang walang ekonomiya ng bansa. Kung saan ang nakakarami ay
apektado nito. Maaaring nakakaranas ang ating bansa
trabaho.
nito dahil sa kakulangan ng pondo sa gobyerno. Maaari
rin ang mga walang trabaho ng bansa ay yung mga
hindi nakapagtapos ng pag-aaral o hindi kaya ay
piniling maging tambay. Kung ito ay magpapatuloy,
hihina ang ekonomiya ng bansa at marami ang
makakaranas ng kahirapan.
2. Isang mag-aaral ang Ito ay isang uri ng Isyung Personal dahil iisa lamang
ang nakakaranas ng suliranin na maaaring
nahihirapang gumawa
masolusyonan ng mismong taong nakakaranas nito. Sa
ng takdang-aralin sa tingin ko ang dahilan kung bakit siya nahihirapan
gumawa ng takdang-aralin ay dahil sa kawalan ng
Araling Panlipunan.
sapat na kita ng kanilang pamilya, limitado ang mga
kagamitan at paraan niya upang magawa ang takdang
gawain. Maaari ring pag-uwi niya, imbes na gumawa
siya ng takdang aralin ay kailangan niyang tumulong sa
paghanapbuhay. Kung ito ay magpatuloy, maaari
siyang makatanggap ng mababa marka sa
asignaturang nabanggit.
3. Dahil sa biglang Ito ay Isyung Panlipunan dahil ang pinagmulan ng baha
ay ang mga baradong kanal, at pagkaubos ng mga
paglakas ng ulan,
punong kahoy na kagagawan ng tao. Ang buong
malaking bahagi ng lipunan din ay apektado ng pagbaha na makasisira ng
tirahan, hanap-buhay, at maaraing kumitil ng buhay ng
komunidad ang
tao. Kaya ang pagkakaisa ng lahat ng institusyon ng
bumaha. lipunan ay kinakailangan.

Paglalahat
Kung gayon, masasabi ko na ang Isyung Panlipunan ay mga hamon o problemang
kinahaharap ng lahat ng tao na kabahagi sa lipunan. Ito ay maaaring resulta ng
paglala ng isang isyung personal na kadalasan ay nararananasan at nakakaapekto
lamang sa isang tao ngunit kung hindi agarang mabigyan ng solusyon, ito ay lalawak
at ang buong bahagi ng lipunan ay maaaring maapektuhan na siyang magiging
isyung panlipunan. Sa kadahilanan na ito ay nakakapekto sa lahat ng uri ng
institusyon ng lipunanan, ang lahat ng mamamayan ay kinakailangang magtulungan
upang ito ay masolusyonan.

58
Tayo na at Magsulat!

Sagot: Masasabi ko na ang isyu ay personal kung ito ay nararanasan ng isang tao

at ng malapit sa kanya. Ito rin ay mabibigyang solusyon ng taong nakakaranas nito.

Samantala ang isyung panlipunan ay mga hamon kung saan ang lahat ng kasapi ng

lipunan ay apektado. Ito rin ay nangangailangan ng malawakang pagbibigay ng

solusyon na kinakailangan ng pagkakaisa ng bawat institusyon ng lipunan.

Mahalagang pag-aralan ito dahil kabahagi tayo sa mga isyung mayroon ang ating

komunidad maging ng bansa. Mainam rin na alam natin ito dahil bilang mamamayan

ng bansa, may tungkulin tayong makibahagi sa pagtukoy. pagtalakay, at pagsugpo

sa mga hamon na ating hinaharap. Mas magiging mulat ako sa nangyayari sa ating

bansa kung ito ay aking pag-aaralan.

Tukuyin Mo!

Isyung Personal: SANHI EPEKTO


1. Pag-aaway ng Hindi pagkakaunawaan, Magulong pamilya, ang mga
magulang selos, pangangaliwa, bisyo, anak ay maaaring ma trauma
(Domestic o hindi kaya ay kahirapan. o gayahin ang ginagawa ng
Violence) magulang, at maaaring
maapektuhan ang kabuhayan
ng magulang at pag-aaral ng
mga bata.
2. Kalungkutan/ Kawalan ng suporta ng Maaari siyang makaranas ng
Pagiisa pamilya at kaibigan. depresyon at magpakamatay.
3. Walang load/ Kawalan ng hanap buhay Hindi niya makakausap ang
Kakapusan sa kayat walang sapat na pera. taong kinakailangan niyang
pera makontak.
Isyung
Panlipunan:

59
1. Pagbaha Baradong daluyan ng tubig Masisira ang tirahan, hanap
sanhi ng mga basura, at buhay, at maaari rin itong
pagputol ng puno. kumitil ng buhay.
2. Pangaabuso sa Mababang pagtingin ng Pagluluksa ng pamilya at
Kababaihan/ kalalakihan sa mga babae. paghihiganti sa gumawa ng
Karahasan Maaari ring ang gumagawa karahasan na magdudulot ng
nito ay nasa ilalim ng panibagong suliranin. Ito rin
impluwensiya ng alak at iba ay magdudulot ng takot para
pang uri ng droga. sa kababihan.
3. Political Dynasty Ang mga politikong Ang pamumuno ay hindi
gumagawa nito ay mayroong magiging balance. Ito ay
sapat na pera, magiging “one sided” na
kapangyarihan, at nagiging dahilan ng
impluwensya upang pangungurakot, at iba pang uri
ipagpatuloy ang pamumuno ng pang-aabuso sa
ng buong miyembro ng kapangyarihan na kadalasan
pamilya sa isang lugar, nagdudulot ng takot sa tao
maging sa bansa. kaya patuloy ang ganitong uri
ng gawain.

60
ARALIN 5
Panimulang Pagsubok
1. Lahat ng nilalang ng Poong Maykapal ay mayroong mahalagang papel at
pananagutan na dapat gampanan sapagkat higit nating kailangan ang bawat is.
2. Mahalin at igalang ang karapatan ng kapwa tao Pangalagaan ang lahat ng may
buhay pati ang mga bagay na kaloob ng Diyos. Sundin at gawin ang mga bagay na
tama at karapat dapat. Tumulong sa paglinis at pangangalaga n gating kapaligiran.
Sumunos sa mga patakaran o pinag uutos ng pamahalaan.
3. Upang tayo ay maging mas responsible, disiplinado at magkaroon ng tamang
kamalayan nang tayo ay makatulong sa pag-unlad ng bansa at makatugon sa mga
suliranin ng lipunan.

Pagsasanay 1
Sagot: Opo! Dahil ako ay parte ng lipunan na aking ginagalawan kung saan ako ay
may nagagawang hindi mainam na maaring maging sanhi ng pagkakaroon ng isyung
panlipunan. Sa kadahilan na ito, ako rin ay mayroong magagawa upang masolusyunan
ang mga isyung nararanasan sa ating lipunana. Gaya halimbawa ng sa korapsyon,
upang maiwasan ito gagamitin ko ng wasto ang aking karapatang bomoto upang
mailoklok ang nararapat na lider ng atin bansa. Sa polusyon naman, maaari akong
tumulong sa paglinis, pagtanim, at paggawa ng iba pang paraan upang mabawasan
ang plousyon sa aming lipunan ng sag anon hindi masira ang ating kalikasan.

Pagsasanay 2
1. Kawalan ng didplina Tumulong sa pagprotekta sa ating inang
kalikasan
2. Pagtapon ng mga basura at plastic sa Panatilihing malinis ang ating paligid
Dagat upang magkaroon ng masigla at
malusog na pamayanan
3. Pagsusunog ng mga basura Ilagay ang mga basura sa tamang
lalagyan, iwasang magsunog dahil
naapektuhan nito ang ating ozone layer
4. Pagputol ng mga punongkahoy Magtanim ng maraming puno

61
5. Pagtapon ng mga kemikal na basura Magkaroon ng tamang pagtapon ng
basura

Pagsasanay 3
A. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa tao ay nagbubunga ng higit na
pagkakaunawaan at pagkakaisa na magiging daan upang tayong lahat ay mamuhay ng
maayos at mapayapa.
B. Kung ang bawat tao ay maging mapanagutan sa pagsasagawa ng kani kanilang mga
tungkulin itoy ay magdudulot ng kabutihan, kapayapaan para sa lahat, at kaunlaran sa
buong bansa.
C. Ang pagiging responsable at mapanagutan ng isang tao sa lahat ng bagay ang siyan
nagtuturo sa kanya na maging mag mabuting tao, makabayan, makakalikasan at maka
Diyos.

62
PINAGKUNAN NG MGA LARAWAN AT TEKSTO
Aralin 1

• https://www.rappler.com/thought-leaders/255685-analysis-fighting-covid-19-
how-philippines-will-heal-as-one
• https://www.abc.net.au/news/2020-05-16/typhoon-vongfong-hits-philippines-
amid-coronavirus/12255608
• https://www.cnn.ph/news/2020/3/18/Live-updates-coronavirus-COVID-19-
Philippines.html
• https://www.theguardian.com/society/2012/jun/26/global-drug-users-rise-un
• http://tnt.abante.com.ph/problema-sa-basura-personal-para-kay-isko-moreno-
2/
• AP 10 OPHS Module. Pahina 6

Aralin 2

• https://www.philstar.com/pilipino-star
ngayon/bansa/2019/01/30/1889426/korapsyon-sa-pilipinas-nabawasan-
watchdog
• AP10 Learners Material; Pahina 13-19.

Aralin 3

• AP10 Learners Material; Pahina 22-25.

Aralin 4

• AP 10 Learners Material; Pahina 27-30.

Aralin 5

• AP10 Learners Material; pahina 25-33.

63
For inquiries or comments, please contact:

64

You might also like