You are on page 1of 5

Mga Dapat Gawin Upang Mapanatiling Malusog Ang

Katawan

Ang kalusugan ay tumutukoy sa mabuting kalagayan


ng ating pangangatawan, kawalan ng sakit, may sapat
na timbang at may maayos na pangangatawan.
Maaring ang kalusugan ay tumutukoy din sa maayos
na takbo ng ating isipan at ang pakikitungo natin sa
ibang tao. Sabi nga ingatan natin ang ating kalusugan
sapagkat ito ay isang kayamanan. Ingatan natin ang
ating kalusugan para mas matagal nating makasama
ang ating pamilya at mas lalong sumaya ang ating
araw araw na buhay. Ang taong may mabuting
kalusugan ay laging mayroong positibong pananaw sa buhay. Sa panahon ngayon alam nating
laganap na ang pandemya dulot ng Covid 19. Dahil sa krisis na ito gumawa na ng hakbang ang
gobyerno upang hindi na mas lalo pang lumaganap ang sakit. Isa sa kanilang ginawang hakbang
ay ang lock Down o ang pananatili ng mga tao sa kanilang mga bahay-bahay ito ay
ipananukala sa ibat ibang lugar para mabawasan ang bilang ng may sakit. Dahil sa hakbang na
ito usap usapan ang pamimigay ng mga “Relief Goods” ng gobyerno sa bawat pamilya upang
masulusyonan ang pang araw araw na pagkain lalong lalo na sa mahihirap. Alam natin na ang
maayos na kalusugan ay importante para mas makaiwas sa sakit lalo na ngayung pandemya.

Ano nga ba ang kailangang gawin upang maging malusog


ang katawan At isipan sa panahon ng pandemya?

Ang makaramdam ng pagkabalisa at pag-aalala ay normal na


reaksyon sa isang hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng
pandemyang coronavirus (COVID-19). Tandaan mo na hindi
ka nag-iisa.
Para mapangalagaan ang kalusugan ng iyong pag-iisip sa
panahong ito, narito ang ilang mga bagay na maaari mong
gawin:
• Panatilihin ang mabubuting gawi, pati na ang malusog na pagkain, ehersisyo at pagtulog.
• Panatilihin ang koneksyon sa iyong mga mahal sa buhay. Kausapin sila tungkol sa iyong mga
alalahanin at pag-aalala sa telepono o sa pamamagitan ng online na teknolohiya.
• Maging handa sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon kang sapat na pagkain, mga suplay at
mga gamot. Humingi ng tulong sa pagkuha ng mga bagay na ito kung posible.
• Iwasan o bawasan ang pag-inom mo ng alak at paghithit ng sigarilyo.
• Kung sa tingin mo ay nababagabag ka sa mga pinakahuling balita, limitahan ang iyong
panonood at pakikinig sa isang beses o dalawang beses lang sa isang araw. Gamitin ang
mapagkakatiwalaan at kapani-paniwalang mga pagkukunan ng impormasyon, sa halip na sa
social media. Kung hindi mo ma-access ang internet, pakiusapan ang isang kaibigan o kapamilya
na basahin sa iyo o ipakita sa iyo ang napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon.
• Para sa mga taong may inaalagaang kalusugang pang-kaisipan, patuloy na inumin ang anumang
iniresetang gamot at ipagpatuloy ang plano sa iyong paggamot. Humingi ng propesyonal na
suporta hangga’t maaga kung ikaw ay nahihirapan.
 Maging malinis Ayon sa Mayo Clinic, ang paghuhugas ng kamay ang “isa sa pinakamainam
na paraan para maiwasan ang sakit at ang pagkalat nito.” Napakadaling mahawa ng sipon o
trangkaso kapag naihawak mo sa iyong ilong o mata ang kamay na kontaminado ng
mikrobyo. Ang pinakamagandang panlaban dito ay ang laging paghuhugas ng kamay.
 Gumamit ng malinis na tubig Tiyaking malinis ang kamay kapag humahawak ng lalagyan ng
tubig, at huwag isawsaw ang daliri o kamay sa tubig na inumin.
 Mag ingat sa kinakain Para maging malusog, napakahalaga ang tamang nutrisyon, at para sa
tamang nutrisyon, kailangan ang masustansiya at balanseng pagkain.
 Mag ehersisyo Anuman ang iyong edad, kailangan mo ng regular na ehersisyo para sa
magandang pangangatawan.
PANANATILING POSITIBO
Bagama't ito ay panahon ng kawalang-katiyakan at ang ating buhay ay nagbago sa loob ng
maikling panahon, mahalagang tandaan na maraming bagay ang ating magagawa upang mas
bumuti ang ating pakiramdam. Tandaan na ang mga pagbabagong ito at ang iyong pagsisikap ay
tumutulong sa pagpapabagal ng pagkalat ng coronavirus (COVID-19).

Ano ang Epekto sa Katawan ng Hindi Wastong Pag-kain?

Ayon sa isang survey ng Pan-Asian insurance giant AIA


Group, ang Pilipinas ay ika-siyam sa mga pinaka-hindi
malulusog na bansa sa Asia. Malaking porsyento ng
mga Pilipinong nakiisa sa survey na ito ay nagsabing
sila ay siguradong hindi sila malusog dahil sa kanilang
kinakain at sa mga paraan ng pag-kain nila ng mga ito.
Sa kabila nito, masipag na ginagampanan ng iba’t ibang
ahensya ng gobyerno ang kanilang tungkulin para
turuan ang mga tao ng wastong paraan ng pag-kain para makatulong sa
kabuuang kalusugan.

MGA EPEKTO

Bukod sa mga nabanggit, narito ang ilan sa mga bagay na maaaring mangyari sa
pangkabuuang kalusugan kapag hindi wasto ang pag kain:

 Hindi nakakukuha ng mga bahagi ng katawan ang mga nutrisyon at


bitamina na kailangan para magawa ang kanilang functions nang
mahusay.
 Bumababa ang supply ng amino acids, ang building blocks ng protina,
resulta para maging mahina ang mga buto.
 Ang hindi pag-kain ng prutas, gulay, at fiber-rich food ay maaaring
magpataas ng risk sa pagkaroon ng sakit sa puso at diabetes.
Nakakaapekto rin ito sa digestive system. Sanhi ito para makaranas ng
diarrhea o constipation.
 Layunin ng pag-kain na maging balanse at wasto ang levels ng blood
sugar. Kaya naman, kapag  hindi kumakain nang tama ay maaaring
maging dahilan ito ng pagiging antukin, pagiging sobrang aktibo, o kaya
naman stress. Ang hindi balanseng blood sugar levels ay nakakapagpataas
din ng risk ng anxiety at pagigingmoody. Isa pa ay hindi nito napapaayos
ang kalidad ng tulog na nagiging dahilan para madaling mag-init ang ulo.
 Mas madalas ang pagkaramdam ng pagod o fatigue kapag hindi kumakain
ng nutritious food sa tama nitong oras Bagama’t may ilang benepisyo ang
pagtatanggal matatabang pag-kain sa diet, hindi rin maganda ang dulot ng
kakulangan ng healthy fats - nagpapababa itong sugar level na nagdudulot
ng pagod na pakiramdam, kawalan ng alertness ng pag-isip, at paghina ng
immune system.

Kung ang paglagtaw ng meals ay napapadalas kahit hindi naman kailangan,


obserbahang mabuti ang mga senyales at epekto nito sa kalusugan. Una itong
mapapansin sa matinding pagbabago sa timbang. Maaaring may mga kaakibat
na pala na mga eating disorders ang gawaing ito. Kapag  hindi nabibigyan ng
atensyon, posibleng mas lumalala ang habits na ito.

MGA KAILANGAN PARA MAKAIWAS:


 Sumailalim sa isahan o pang-grupong psychotherapy para makatulong sa
pagbabago ng state of mind ukol sa pag-kain nang tama;

 Huwag mag-alinlangang humingi ng medical care at monitoring mula sa


mga health professionals gaya ng nutritionist;

 Sundin ang napagkasunduang treatment plan na angkop sa eating


disorder na pinagdadaanan; at

 Uminom ng gamot gaya ng mga appetite stimulant tablets kung


kinakailangan at naaayon sa prescription ng doctor.

Ano nga ba ang Epekto sa Mga Mamayan ng Kawalan ng Pagkain na


Naging Resulta ng Malnutrition at Hindi Malusog na Pangangatawan?

Ang problema ng malnutrisyon ay patuloy pa rin na


gumigimbal sa milyon milyong tao sa buong mundo
partikular sa mga mahihirap na bansa kabilang na ang
Pilipinas. At patuloy itong lumalala kasabay ng
tumataas na kaso ng kahirapan at lumolobong
populasyon. Ayon sa Food and Agriculture
Organization (FAO), ang kaso ng malnutrisyon sa
Pilipinas konektado sa kakulangan ng sapat na
masusustansyang pagkain o kaya’y dahil sa hirap na
maiabot ang mga kinakailangang pagkain sa buong
populasyon. Bukod pa rito hindi din daw sapat ang
kaalaman ng lahat tungkol sa kahalagahan ng
nutrisyon.

Sinasabing ang kakulangang sa protina (protein-deficiency) ang pangunahing kaso ng


malnutrisyon sa Pilipinas. At tinatayang umaabot sa tatlong milyon ang dumaranas nito.
Dahil dito, laganap ang kakulangan sa timbang at pagiging bansot ng mga kabataan sa
mga lugar na talamak ang kaso ng malnutrisyon. Ayon sa FNRI, ang pagkabansot
(stunted growth) ay problemang matagal nang kinahaharap ng bansa at sadyang
nakaaalarma, mula sa 16% rate ng pagkabansot sa mga kabataan noong 2011,
dumoble ito sa 33% rate sa sumunod na taon. Ayon naman sa World Health
Organization, 28 na milyong Pilipino ang nanganganib na dumanas ng malnutrisyon,
dahil pa rin sa hindi maipaabot ng husto ang kinakailangang nutrisyon sa buong ng
populasyon.

Ano nga bang hakbang ang ginagawa ng gobyerno upang


mabigyang sulusyon ang ganitong aspeto ng pamumuhay?
Upang malabanan ang kaso ng malnutrisyon sa bansa, nagsasagawa ng ilang programa ang
pamahalaan upang maikalat ang impormasyon sa lahat. Ipinaaabot ang kaalaman sa
kahalagahan ng nutrisyon sa mga kabataan sa mga pampublikong paaralan, kasabay din nito
ay mga feeding program para sa lahat. Target ng pamahalaan na mapababa ang mga kaso ng
malnutrisyon, gayundin ang bilang nga mga kabataan na namamatay dulot din ng malnutrisyon
sa pagsapit ng 2015. Ayon pa sa mga pag-aaral ng ilang respetadong institusyon, ang mataas
na kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay tinuturo ding salik kung bakit hindi sapat ang
sustansyang nakukuha ng bawat pamilya. Ang tinatayang 7.8 na porsyente ng kawalan ng
trabaho sa bansa ay masasabing dahilan kung bakit hindi nabibili ang mga wastong pagkain na
kailangan ng bawat myembro ng pamilya. Dagdag pa rito ang mataas na presyo ng mga bilihin
sa merkado. Ang mga pamilya na biktima ng mga kalamidad ay nanganganib din na maging
biktima ng malnutrisyon. Sa huli, mahirap man malabanan ang malnutrisyon sa bansa, hindi pa
rin dapat mawalan ng pag-asa na darating at darating pa rin ang panahon na masusugpo ito ng
ating bansa. Kinakailangan lamang siyempre na pag ukulan ng pansin ang isyung ito, lalo na
mula sa gobyerno. Siyempre pa, kinakailangan din ang pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan
nang sa gayon ay makamtan natin ang layuning mabura ang malnutrisyon sa mga Pilipino.

REFERENCE:

Microsoft Word - CUL0028_Mental Health information - TAGALOG_v2.docx


(dhhs.vic.gov.au)

5 Paraan Para Maging Mas Malusog (jw.org)

Malnutrisyon - Problema ng Kahirapan sa Pilipinas | Mediko.ph

Ano ang Epekto sa Katawan ng Hindi Wastong Pag-kain? | RiteMED

You might also like