You are on page 1of 3

Ang Cyberbullying At Ang Mga Epekto Nito

(Sinipi mula sa tekstong “CYBERBULLYING” sa aklat na Pluma)

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng
pambu-bully ang nabigyang-daan nito: ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang
makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot,
pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga
nakasisirang usap-usapan, larawan , video, at iba pa sa e-mail at sa social media ; pag-bash o
pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na
may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang personal
account ng isang tao nang walang pagsang-ayon niya o sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri
ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng
pagkapahiya, o pagkawala ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.

Sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na nangyayari di-tulad ng harapang


pambubu-bully na kung minsan ay humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang sakit at
pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological trauma na maaaring maranasan ng isang
biktima ng cyberbullying.
Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying:
 Mga senyales ng depresyon
 Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamut
 Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan
 Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan
 Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-esteem
 Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
 Pagiging biktima rin ng harapang bullying

Ang Pilipinas ay wala pang opisyal na estadistika patungkol sa cyberbullying, sa bansang


Amerika ay lumalabas na nasa 9% ng mag-aaral sa grade 6 hanggang grade 12 ang nakaranas ng
cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa grade 9
hanggang grade 12 na nakaranas ng cyberbullying.

Sa sarbey na isinagawa ng www.stopcyberbullying.org, ang sumusunod ang isinasagawa ng


mga nagiging bitima ng cyberbullying:

 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya


 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang komunikasyon sa bully
 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully
 29% ang walang giawang anuman ukol sa pambu-bully
 28% ang nag-sign-offline
 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayari cyberbullying

1
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN (TSART)
Ibigay ang kahulugan ng mga salita at gamitin sa makabuluhang pangungusap.

Mga Salita Kahulugan Makabuluhang pangungusap

1. Bully

2. Bash

3. Hack

4. Harassment

5. Trauma

6. Cyberbulling

Pangkat 2
PAG-UNAWA SA BINASA

 Pag-usapan ang sumusunod na mga katanungan

1. Ano ang paksa ng teksto?


2. Ano ang layunin ng mga gumagawa ng cyberbullying?
3. Ano-ano ang epekto nito sa mga biktima?
4.Paano makaiiwas sa cyberbullying?

2
Pangkat 3

A.PAGPUPUNO SA FISHBONE DIAGRAM

EPEKTO 1 EPEKTO 2 EPEKTO 3

CYBERBULLYING

DAHILAN 1 DAHILAN 2 DAHILAN 3

Pangkat 4 ang inyong mga sagot ay dapat sa paraang skit

Tumimo sa akin na hindi ko gagawin ang cyberbullying sapagkat


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ano ang mas higit na nakasasakit, ang harapang pambu-bully o cyberbullying?Ipaliwanag ang
opinyon pagkatapos ng skit
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
Kung aktwal mong nasaksihan ang isang kaso ng cyberbullying, ano ang nararapat mong gawin
bilang isang responsableng mamamayang Pilipino?IPALIWANAG ang opinyon pagkatapos ng skit
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

Pangkalahatang gawain:
Gumawa ng isang slogan tungkol sa Cyberbullying

You might also like