You are on page 1of 27

Epekto ng Iskedyul ng Immersion sa Akademikong Pagkatuto ng mga mag-aaral

ng Grade 12

Isang Pananaliksik na ihaharap kay Gng. Caroline U. Aclan

Inihanda nina:

Annie I. Abat

Lovely Glurioso

Queenie De Guzman

Aizha Fransisco

GAS 11 – A
KABANATA I

Introduksiyon

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nag patupad ng k-12

program, sa ibat-ibang paaralan na sakop ng kanilang bansa, sa banang

Pilipinas ipinatupad ito noong 2010 ni Benigno Aquino Jr. dating pangulo

ng pilipinas ang K-12 program na kung saan nadagdagan pa ng (2)

dalawang karagdagang taon pa sa pag- aaral ng mga mag-aaral ng

sekondarya,bilang pag hahanda ng mga bata sa pag tuntong nila sa

kolehiyo,kabilang sa k-12 program ay ang work immersion.

Mahalagang malaman ng mga mag-aaral na ang immersion ay

bahagi ng Senior High Schhol curriculum na kung saan ay nag sasagawa

ng aktwal na trabaho o on the job training na maaring magamit nila sa

pag tuntong nila sa kolehiyo.

Alin-sunod sa batas na tayo ay nasa ilalim ng K-12 program na

nag sasagawa ng work immersion na kung saan isinasagawa ito na hindi

lalagpas sa (8) walong oras sa loob ng (10) sampung araw na may

kabuuang (80) walongpung oras bilang pag hahanda para sa kolehiyo.

Layunin ng pananaliksik

1.Layunin ng pananaliksik na ito na mapalawak pa ang kaalaman o

pag katuto ng mga mag-aaral ng Grade 12 tungkol sa immersion

2. Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 12 patungkol

sa epekto ng iskedyul ng immersion sa akademikong pag katuto nila.

3.Mag bigay ng impormasyon patungkol sa epekto ng iskedyul ng

immersion sa pag katuto ng mga mag-aaral ng Grade 12

Pahayag ng Pananaliksik

Ang pag kakaroon ngg iskedyul ng immersion sa mga mag-aaral

ng Grade 12, na nag kakaroon ng positibo at negatibong epektong

nararanasan ng mga mag-aaral sa pag kakasabay ng iskedyul ng

immersion sa kanilang akademikong pag katuto.


Kaya naman,tatalakayin sa pag-aaral na ito ang tungkol sa epekto

ng immersion sa akademikong pakatuto ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay tumutugon sa pangunahing suliranin sa

epekto ng iskedyul ng immersion sa akdemikong pag katuto ng mga mag-

aaral ng Grade 12 at sasagot sa espisipikong suliranin gaya ng:

1. Bakit mahalaga ang mag karoon ng iskedyul ang immersion?

2. Sa paanong paraan makaka apekto ang iskedyul ng immersion sa

akademikong pag katuto ng mga mag-aaral ng Grade 12?

3. Anu-ano ang mga dapat gawin upang magampanan ang iskedyul

ng nag iimersion?

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga

sumusunod na indibidwal.

a. Mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang dahil ang

pananaliksik na ito ay nakapag bibigay kaisipan,nagiging malawak ang

kanilang pag-iisip at mmadaragdagan ang kanilang kaalaman sa epekto

ng iskedyul ng immersion sa akademikong pag katuto.

b. Guro

Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang dahil

maari nilang malaman sa pamamagitan ng pananaliksik na ito kung ano

ang mga salik na nakaka apekto sa akademikong pag katuto ng mga

mag-aaral ng Grade 12

c. Magulang

Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang dahil

malalaman nila kung ano ang naidudulot ng ng work immersion sa

kanilang mga anak.

d. Administrasyon ng Paaralan
Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang dahil sa

pamamagitan nito ay nakakapag bigay ng karagdagang kaalaman kung

ano ang naidudulot ng work immersion sa oras na kanilang pang

akademikong gawain at at sa kanilang oras ng work immersion

e. Kapwa mananaliksik

Ang pag – aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang may

pagkuhanan ng impormasyon para sa kanilang pananaliksik..

Lawak at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sinimulan noong ika-14 ng Enero sa taong

2019 at naganap sa loob ng paaralan ng Carlos F. Gonzales High School

(CFGHS) at sumasaklaw sa mga piling mag-aaral ng Grade 12.


KABANATA II

Depinisyon ng Termino

Administrasyon- Panahon na kung saan nay isa o higit pang

pinunong manunungkol sa ibinigay na limitasyong panahon.

Akademikong pagkatuto- Ito ay tumutukoy sa mga gawaing pang-

akademiko o gawaing paaralan.

Iskedyul- Listahan o plano ng binalak na pangyayari ,oras at iba

pa.

Pamumuna- Ay isang paraan na negatibong pagpansin ng isang

tao,bagay, at pangyayari.

Primarya- ito rin ay tinatawag na elementarya na unang hakbang

sa pag-aaral ng mga bata.

Sakop- Ito ay sumasaklaw sa isang bagay o lugar

Sekondarya- Ay isang baiting o hakbang sa edukasyon na

kasunod ng edukasyong primary.

Work immersion- Ito ay bahagi ng Senior High School Curriculum

na kung saan nangangailangang magsagawa ng aktwal na trabaho o on

job training na karaniwang ginagawa ng mga mag-aaral ng Grade 12.

Maikling Kasaysayan

Isinasaad sa DepEd order no.30s 2017 na ang work immersion ay

isa sa pangunahing katangian ng Senior High School curriculum at ang

pagpapatupad nito ay kinakailang upang mabigyan ng pagkakataon ang

mga mag-aaral na maging pamilyar sa klase o uri ng trabaho at lugar na

kanilang pupuntahan pagkatapos ng pag-aaral.Bago paman sinimulan

ang pagpapatupad ng Senior High School noong (2016) umani ng

pamumuna ang work immersion bilang isang uri ng pag papalawig at

pagpapalalim sa K-12 curriculum dahil sa mga isyung nakadikit ditto at

walang panuntunan na inilatag noon ng DepEd kung paano ito

ipatutupad.Pangunahing isyu sa pagpapatupad ng work immersion ang


kaligtasan ng mga mag-aaral habang sila ay nasa work immersion venue

at kung sino ang mananagot kung may mangyayaring di inaasahan sa sa

mga mag-aaral para sa kanilang work immersion.isyu din kung sapat ang

walongpung oras(80) para sa work immersion upang maisakatuparan ang

layunin nito.

Noon

Matatandaan natin noon ay mayroon lamang anim(6) na taon ang

iginugugol sa pag-aaral ng mga primaryang mag-aaral ito ay ang Grade 1

o bilang isa hanggang grade 6 o bilang anim ito ay isinasagawa bilang

gabay sa mga mag-aaral bago tumuntong ng sekondarya at upang

makitaan sila ng pagbabago sa kanilang akademikong pagkatuto at apat

(4) na taon naman ang iginugugol ng mga sekondarya sa pag-aaral. Alam

natin na hindi sapat ang apat na taon sa sekondarya dahil sa hindi sapat

na kaalaman.Hindi sila bihasa sa mga aktwal na gawain kaya hindi

gaanong handa ang iba para sa kolehiyo.

Ngayon

Di tulad ngayon ay may mga gawain at paghahanda ang

ipinatupad ng mga kawani ng Department of Education(DepEd).

Matatandaan natin noong 2010nay ipinatupad ng dating pangulo ng

Pilipinas na si Benigno Aquino Jr.ang dating pangulo ng Pilipinas na ang

k-12 curriculum na kung saan nagkaroon ng ibat-ibang strand gaya ng

GAS,ABM,STEM,ICT,HE at marami pang iba na kung saan maraming

paghahanda at ginagawang aktibidad tulad ng work immersion na kung

saan nagsasagawa ng aktuwal na trabaho o on job training bilang

paghahanda para sa kolehiyo at kung dati ay mayroon lamang na apat(4)

na taon lamang samantalang ngayon ay nadagdagan pa ito ng

dalawang(2) taon at tinawag nila itong grade11 at grade12 o Senior High

School.
Naunang Pag-aaral at Literatura

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makapagbigay ng karagdagang

kaalaman patungkol sa epekto ng iskedyul ng immersion sa pang-akademikong

pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay

magiging maalam ang mga bata kung ano ang magiging epekto nito sa kanila.

Ayon kay Leonor Briones sekretarya ng DepEd, ang work immersion ay

isang mahalagang kasangkapan sa mga mag-aaral ng Senior High School na

makatutulong sa kanila na maging handa sa pagpili ng kurso sa kolehiyo.

Batay kay Connelly (2013) isang propesor ng Emeritus sa Ontario

Institute for studies ,nagsasabi na bawat paaralan ay mayroong gampanin sa

mga mag-aaral na magkaroon ng kasanayan na kakailanganin para sa trabaho o

tungkulin na pipiliin. Ang pundasyong pag-aaral ay ang pagiging handa ng isang

mag-aaral sa buhay ng pag-aaral at dahil ang ating bnsa ay patuloy na

nagbabago,na dahilan upang mag-isip kung paano ang pag-aaral ng mga mag-

aaral na magkaroon ng tamang pagpili ng tamang kurso at sa karagdagan,sa

kadahilanan ang kasalukuyang ekonomiya,ang gobyerno makikipagtulungan

dahil sa hinaharap ng mga mag-aaral na papasok muna ng pagtatrabaho

matapos ang sekondarya.

Isinasaad sa DepEd order no.30s2017 na ang work immersion ay isa sa

pangunahing katangian ng Senior High School Curriculum at ang pagpapatupad

nito ay kinakailangang upang mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral at na

maging pamilyar sa klase o uri ng ng trabaho at lugar na kanilang pag-aaral.


KABANATA III

METODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng descriptive survey research

design na kung saan ay nakapaloob na ang mga impormasyon ay nasa

paraang deskriptibo upang mas mabigyan ng malawak na paglalarawan o

paglalarawan o pagpapaliwanag sa nasabing paksa. Gayundin para

makuha ng mga mananaliksik ang mga opinyon ng mga respondante

upang mas maintindihan ang bawat angulo ng nais iparating ng kanilang

mga sagot lalo na sa pagsagawa ng sarbey na siyang gagamitin sa

pagkuha ng datos.

B. Pamamaraan ng pagpili ng respondante

Talahayan 1.1

Kabuuang Bilang Babae Lalaki


15

(GAS12-A) 7 8
15

(HE12-A) 11 4

C. Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan o survey

questionnaire bilang pangunahing instrument sa pagkalap ng mga datos

na makatutulong sa pag-aaral.

Narito ang mga survey questionnaire o tlatanungan upang lubos

na maunawaan ang komposisyong gamit sa pag-aaral.

Pangalan
Kasarian □ Lalaki □ Babae

1. Nababalanse moba ang pag-aaral at ang oras ng iyong immersion?

□ OO □ Hindi □ Minsan

2. Napupunan moba ang mga kulang mo sa ibang asignatura dahil sa

iskedyul ng immersion?

□ OO □ Hindi □ Minsan

3. Nakakapag-aral kaba pagkatapos ng iyong immersion?

□ OO □ Hindi □ Minsan

4. Nagagawa mop aba ang mga gawaing pang paaralan?

□ OO □ Hindi □ Minsan

5. Sapat ba ang ibinibigay na oras sainyo na ibinibigay sa pagsasagawa

ng work immersion at pang akademikong gawain?

□ OO □ Hindi □ Minsan

6.Nahihirapan kaba kapag nagsasabay ang work immersion at pang

akademikong gawain?

□ OO □ Hindi □ Minsan

7. Nakakatulong ba ang work immersion saiyong pang akademikong

pagkatuto?

□ OO □ Hindi □ Minsan

8. Sa iyong palagay ano ang positibong epekto ng immersion sa iyong

pang akademikong gawain?

-----------------------------------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------------------------------

9. Sa paanong paraan nakakaapekto ang iskedyul ng immersion sa iyong

pang akademikong pagkatuto?

-------------------------------------------------------------------------------------------------

-------------------------------------------------------------------------------------------------

10. Paano mo nababalanse ang iyong oras ng iskedyul ng immersion

kasabay ang iyong pang akademikong gawain?Ipaliwanag?

-------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------------------------------

D. Pamamaraan ng pagkalap ng datos

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng quanlitatibong pamamaraan

upang matukoy ang ibat-ibang opinyon ng bawat repondante at mabigyan ng

sapat na kaalaman na siyang mas mapalawak sa impormasyong nakapaloob

dito.

Ito ang ginamit ng mga mananaliksik dahil ang quantitatibong

pamamaraan ay ang paglalarawan o pagbibigay ng mga katangian tungkol sa

isang bagay sa higit na mas makapagbigay ng agarang impormasyon.

Istatistikal na Pagsusuri ng Datos o Kompyutasyong Estatistika

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya

nito gagamit ang mga mananaliksik ng pormula na.

f
%= x100
N

f = bilang ng sumagot

N = kabuuan ng repondante

% = porsyento
Kabanata IV

Resulta at Interpretasyon ng mga Datos

Ang mga sumusunod na datos ay aming nakalap sa pamamagitan ng

sarbey upang malaman ng mga mananaliksik ang resulta.

1. Nababalanse moba ang pag-aaral at ang oras ng iyong work immersion?

Babae %

OO 30 100
Hindi 0 0
Minsan 0 0

2.Napupunan moba ang kulang mo sa ibang asignatura dahil sa iskedyul ng

immersion?

Babae %

OO 25 83.33%
Hindi 0 0
Minsan 5 16.67%
3.Nakakapag-aral kaba pagkatapos ng iyong immersion?

Babae %

OO 19 63.33%

Hindi 6 20%

Minsan 5 16.67 %

4.Nagagawamo paba ang mga gawaing pang paaralan?

Babae %

OO 20 63.67%

Hindi 4 13.33%

Minsan 6 20.00%
5.Sapat ba ang ibinibigay na oras sa inyo sa pagsasagawa ng work immersion at

pang akademikong gawain?

Babae %

OO 22 73.33%

Hindi 6 20%

Minsan 2 6.67%

6.Nahihirapan kaba kapag nagsasabay ang work immersion at pang

akademikong gawain?

Babae %

OO 16 53.33%

Hindi 5 16.67%

Minsan 9 30%
7.Nakakatulong ba ang work immersion saiyong pang akademikong pagkatuto?

Babae %
OO 27 90%
Hindi 0 0
Minsan 3 10%

8. Sa iyong palagay ano ang positibong epekto ng immersion sa iyong pang

akademikong gawain o pagkatuto?

Ayon sa nakalap ng mga mananaliksik sa talatanungan ay ang

positibong epekto ng immersion sa mga mag-aaral ay nadaragdagan ang

kanilang kaalaman,mas natuto at nahahasa ang abilidad o kasanayan sa

naiatang na gawain.

9.Sa paanong paraan nakakapapekto ang iskedyul ng immersion sa iyong pang

akademikong gawain?ipaliwanag

Ayon sa nakalap ng mga mananlaliksik sa talatanungan

Nakakaapekto ang iskedyul ng immersiondahil sa kakulangan ng ng oras at

magulong sistema ng iskedyu


Nakakatamad ang mga gawaing pang akademiko dahil sa maling

sistema

ng iskedyul na kung dati ang mga mag-aaral ay umuuwi sa tamang oras na

3:15pm ay nagiging 5:00pm dahil sa immersion.

10. Paano mo nababalanse ang iyong iskedyul ng inmersion sa pang

akademikong gaawain?ipaliwanag

Ayon sa nakalap ng mga mananaliksik mababalanse ng mga mag-aaral ang

kanilang iskedyul ng immersion sa paraang paggamit ng time management o

pagkakaoon ng iskedyul ng mga gagawin upang mabalanse nila ang kanilang

oras sa pag iimmersion at pang akademikong gawain.

KABANATA V

Buod,Lagom at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod lagom at

rekomendasyon para sa mga mag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay

epekto ng iskedyul ng immersion sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral


ng Grade 12 na isinagawa sa mga piling mag-aaral ng HE12-A at GAS12-A sa

taong kasalukuyan.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy o malaman ang

epekto ng iskedyul ng immersion sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral

ng Grade 12 ang mga mananalisik ay naghanda ng talatanungan o survey

questionnaire sa mga mag-aaral na sakop ng pag-aaral.

Upang malaman ang epekto ng iskedyul ng immersion sa

akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral ng Grade 12. Ang mananaliksik ay

gumamit ng talatanungan o survey questionnaire upang matukoy o malaman ang

epekto nito sa mga piling mag-aaral na nag iimmersion.

Matapos ang masusing pagkalap ng datos at impormasyon,nabuo

ng mga mananaliksik ang rekomendasyon ito para sa mga piling mag-aaral na

nag iimmersion.

1.Kailangang magkaroon ng listahan ng pagkakasunod-sunod ng

mga Gawain.

- Mahalaga ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa tao lalo

na sa mga mag-aaral na nag iimmersion dahil makakatulong ito para mabalanse

ang immersion at pang akademikong gawain.

2.Magkaroon ng tamang paggamit ng oras

- Ang bawat oras ay mahalaga para sa isang tao,wag tayong

magsayang ng oras kung hindi naman kinakailangang pagtuuanan ng

pansin,gaya ng mga mag-aaral habang walang ginagawa ay gawin ang mga

pang akademikong gawain.

3.Gawin ng maayos at ipasa sa takdang oras at panahon ang mga

pang akademikong gawain at pang immersion.

-Dahil ang bawat maayos na gawain na ipinasa sa takdang oras

ay may katumbas na mataas na marka sa kanilang grado.

4. Pumunta sa lugar ng immersion ng maaga


- Dahil kung mas maaga makakapunta sa lugar ng iyong

pinagiimmersionan magagawa mo ang iyong gawain at matatapos ng maaga.

5.Unahin ang mga pang akademikong gawain kaysa sa mga

makamundong gawain.

-Unahin mo ang mga dapat gawin lalo na kung ito ay

importante,dahil kung uunahin ang isang bagay at matatapos ka ng maagaa at

maari ka na ding magpahinga.

6.Matutong magbalanse ng oras

- Kapag mayroon kang balanseng oras sa pagsasagawa ngt

mga pang akademikong gawain kasabay ang iskedyul ng immersion ay magiging

maayos at makakapagpasa ng gawain sa takdang oras na ibinigay.

Batay sa nakalap at lumabas na mga resulta sa pag-aaral ang

mga sumusunod ay:

1. Karamihan sa mga respondante na sumagot sa

talatanungan ay mga kababaihan dahil mas malaki ang

bilang ng mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan.

2. Halos lahat sa mga mag-aaral na nag iimmersion ay

apektado ng kakulangan ng oras sa pagsasagawa ng mga

gawain sa pag iimmersion at pang akademikong gawain.

3. May ibat ibang epekto ang iskedyul ng immersion sa bawat

mag-aaral base sa naging resulta ng mga mananaliksik ay

may maganda at masamang epekto sa pag-aaral ang

pagkakaroon ng immersion

Dahon ng Pagtitibay

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Epekto ng Iskedyul ng

immersion sa Akademikong Pagkatuto ng mga mag-aaral ng Grade 12 ay

inihanada nina: Annie I. Abat, Lovely C. Glurioso,Aizha Francisco,Queenie de


Guzman na inihanda at ang pananaliksik na ito ay pinagtibay upang maging

maalam ang mga mag-aaral kung ano ang epekto nito sa kanilang pang

akademikong pagkatuto, kailangan din ito sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri

sa ibat-ibang teksto tungo sa pananaliksik.

Gng. Caroline U. Aclan

------------------------------------

Pasasalamat

Nagpapasalamat ang mga mananaliksik unang-una sa ating

kataas-taasang Diyos sa pagbibigay ng karunangan,kalakasan,katalinuhan

upang magawa ang aming pananaliksik,sa buhay na ipinagkakaloob nya araw-

araw at sa kaligtasan para saamin at saaming pamilya.


Sa aming Guro sa asignaturang ito Gng. Caroline U. Aclan

maraming salamat sa bawat pagbibigay saamin ng mga Gawain na

makakatulong saaming pag-aaral sa pagbibigay na pasensya kapag

nagkakamali kami sa pagbibigay ng suporta mapasa laban o Gawain man yan

maraming salamat pos a walang sawang paggabay

Sa aming mga magulang na walang sawang nagpapaaral saamin

sa pagbibigay ng aming pangangailangan sa suporta at sa walang sawang

paggabay maraming salamat po.

Sa aming mga nagging respondante sa pagsasagot ng maayos at

sa paglalaan ng oras.

Sa aming mga kamag-aral na nagbigay ng oras para tulungan

kami sa pag tutulak saamin na kaya naming to walang susuko at walang iwanan.

At muli taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga

tumulong para maisakatuparan ang pag-aaral saaming pananaliksik.

Apendiks

Sarbey tungkol sa Epekto ng Iskedyul ng immersion sa akademikong


pagkatuto ng mga mag-aaral ng Grade12

Pangalan

Kasarian □ Lalaki □ Babae

1. Nababalanse moba ang pag-aaral at ang oras ng iyong immersion?


□ OO □ Hindi □ Minsan

2. Napupunan moba ang mga kulang mo sa ibang asignatura dahil sa

iskedyul ng immersion?

□ OO □ Hindi □ Minsan

3. Nakakapag-aral kaba pagkatapos ng iyong immersion?

□ OO □ Hindi □ Minsan

4. Nagagawa mop aba ang mga gawaing pang paaralan?

□ OO □ Hindi □ Minsan

5. Sapat ba ang ibinibigay na oras sainyo na ibinibigay sa pagsasagawa

ng work immersion at pang akademikong gawain?

□ OO □ Hindi □ Minsan

6.Nahihirapan kaba kapag nagsasabay ang work immersion at pang

akademikong gawain?

□ OO □ Hindi □ Minsan

7. Nakakatulong ba ang work immersion saiyong pang akademikong

pagkatuto?

□ OO □ Hindi □ Minsan

8. Sa iyong palagay ano ang positibong epekto ng immersion sa iyong

pang akademikong gawain?

9. Sa paanong paraan nakakaapekto ang iskedyul ng immersion sa iyong

pang akademikong pagkatuto?

10. Paano mo nababalanse ang iyong oras ng iskedyul ng immersion

kasabay ang iyong pang akademikong gawain?Ipaliiwanag

Kurikulum Bita

Pangalan: Annie I. Abat

Kasarian: Babae
Edad: 17

Petsa ng kapanangakan: January 14, 2002

Lugar ng kapanganakan: San Roque,San Rafael,Bulacan

Pagkamamamayan: Pilipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng ama: Danilo DG. Abat

Pangalan ng ina: Francisca I. Abat

Taas (cm): 152

Bigat (kg): 49

Contact number:09653720579

Email: aandieabat@gmail.com

Kurikulum Bita

Pangalan: Lovely C. Glurioso

Kasarian: Babae
Edad: 17

Petsa ng kapanangakan: September 28, 2001

Lugar ng kapanganakan: Marikina City

Pagkamamamayan: Pilipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng ama: Rico C. Glurioso

Pangalan ng ina: Maricel C. Glurioso

Taas (cm): 154

Bigat (kg): 44

Contact number: 0955300518

Email: @gmail.com

Kurikulum Bita

Pangalan: Queenie S. de Guzman

Kasarian: Babae
Edad: 17

Petsa ng kapanangakan: March 16, 2002

Lugar ng kapanganakan:,San Miguel BULACAN

Pagkamamamayan: Pilipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng ama: Nomer C. de Guzman

Pangalan ng ina:Susan S. de Guzman

Taas (cm): 151

Bigat (kg): 47

Contact number:

Email: @gmail.com

Kurikulum Bita

Pangalan: Aizha Francisco

Kasarian: Babae
Edad: 17

Petsa ng kapanangakan: May 29, 2001

Lugar ng kapanganakan: Candaba Pampanga

Pagkamamamayan: Pilipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng ama: Suntae Kim

Pangalan ng ina: Marissa Francisco

Taas (cm): 153

Bigat (kg): 48

Contact number:

Email: @gmail.com

Dokumentasyon

Epekto ng Iskedyul ng immersion sa Akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral ng


Grade 12
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng mga talatanungan upang makakuha ng
mga respondante na sasagot sa kanilang mga katanungan na kung saan itoy kanilang
bibilangin at itatali ang mga resulta na nakalap mula sa ginawang sarbey.

Narito ang ilang larawan na nakuha ng mga mananaliksik mula sa pagsasarbey


ang mga larawan ay kuha sa mga istrand ng GAS 12-A at HE 12-A na kanilang napili
upang maging respondante sa kanilang ginawang sarbey.
Kuha ang mga larawan na ito sa mga mag-aaral ng GAS 12-A Habang isinasagawa ang
sarbey at pagsasagot ng talatanungan o sarbey questionnaire ng maayos.
Kuha ang mga larawan na ito sa mga mag-aaral ng HE 12-A Habang isinasagawa ang
sarbey at pagsasagot ng talatanungan o sarbey questionnaire ng maayos.

You might also like