You are on page 1of 6

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang Work immersion ay isang parte ng senior high school (Grade 11 at 12)

curriculum na nangangailangan ng walong pung oras na pagsasagawa ng aktwal o hands-

on experience. Upang maranasan ito ng mga mag-aaral. Maari din itong paggaya lamang

sa aktwal na trabaho o "simulator" hindi maari lumampas ng walong oras bawat araw ang

pagsasagawa ng trabaho. Kailangan din gabayan ng eskwelahan at employees ang mga

mag-aaral hindi din ito aktwal na kasunduan para makapagtrabaho ito ay isang proseso

upang mapakita sa mga mag-aaral ang proseso ng pagtratrabaho at mapagbutihan pa ang

mga kaalaman na ibinabahagi ng mga eskwelahan.

Ang Work Immersion ay nagpatalas sa praktikal na kaugnayan ng trabaho at

dumating sa konklusyon na ang natutunan natin sa paaralan ay mahalaga at tayo ay

magalang, magkaroon ng magandang asal at disiplinado sa lugar ng trabaho.

Binibigyang-diin din nito na ang mga mag-aaral ay handa na para sa kolehiyo at trabaho.

Ang pagkakamit ng karanasan sa trabaho ay mahalagang bagay para sa mga mag-

aaral. Ito ang batayan ng pagtatamo ng mga kasanayan sa napiling propesyon. Ang

pagbuo ng mas mahusay na mga kasanayan sa trabaho ay mahalaga, hindi lamang ang

pag-aaral, at ito ay isa sa mga lugar na tinututukan ng ating paaralan.


Sa sandaling pagpasok ng programang K-12 Basic Education Curriculum

Program, kabilang sa mga paksang kasama ay “Work Immersion”. Layunin ng Work

Immersion na ilapit ang mga mag-aaral sa mga potensyal na propesyon batay sa kanilang

major o strand.

Ang K-12 program ng gobyerno ng pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng

mandatory o required a kindergarten at karagdagang dalawang taon sa dating sampung

basic education cycle nilalayon ng pamahalaan na pataasin ang kalidad ng edukasyon at

pauladin pa ang ekonomiya ng ating bansa layunin din nito na mas ihanda pa ang mga

kabataan sa pagtratrabaho kapag natapos ang mga kabataan sa senior high school, at nasa

sapat narin silang gulang at sapat na kakayahan upang makahanap ng magandang

trabaho.

Sa pagitan ng tong 2012 at 2013 isang grupo ng mananaliksik sa bansang Estados

Unidos ang nagsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa naging epekto ng work immersion

sa mga mag-aaral sa Kansas State at sa pag sasagawa ng pag-aaral na iyon ay nalaman ng

mga mag-aaral na may naging malaking epekto ito sa mga mag-aaral.

Ayon sa pananaliksik ang isang labingdalawang taong pangunahing programa sa

edukasyon ay nagreresulta sa mainam o mahusay na mga mag-aaral sa pamamagitan ng

espesyalisasyon ang mag-aaral sa tulong din ng work immersion (Ortal 61:2012). Ang

pagkakaroon ng karanasan sa trabaho ay napakahalaga para sa mga mag-aaral dahil ito

ang magiging batayan ng pagkakaroon ng mga kasanayan sa napiling trabaho. Bukod sa


pag-aaral, mahalaga din ang pagkakaroon ng mas mataas na propesyonal na kasanayan,

kaya isa ito sa mga layunin ng pag-aaral. 

Kabilang sa mga pangunahing elemento ng K-12 curriculum ay ang Accounting,

Business and Management, o mas kilala sa tawag na ABM. Isang strand para sa mga

interesado sa mga konsepto sa pananalapi, pagpaplano sa pananalapi, at pagpapanatili ng

isang negosyo. Bahagi ng mga pag-aaral ng ABM ang mga pundasyon ng organisasyon at

pamamahala at accounting. - Ito ay tungkol sa pagproseso ng data o pamamahala sa

pananalapi. Kung walang wastong kaalaman kung paano magtrabaho nang maayos,

maaaring mahirap ipasok ang iyong sarili sa iyong trabaho.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na "Ang Epekto ng Natapos na Work

Immersion sa mga Mag-Aaral ng Accountancy, Business and Management (ABM) sa

Capas National High School ng Taong Akademiko 2022 -2023." Ito ay pagtatangka

upang malaman ang mga naging epekto ng natapos na Work Immersion ng mga napiling

respondente sa kanilang katatapos na Work Immersion.

1. Ang mga mananaliksik ay aalamin ang mga profile ng mga kalahok sa mga tuntunin

ng:

1.1. Edad

1.2. Kasarian
1.3. Baitang at Seksyon

2. Sa pag-aaral na ito, tatalakayin ng mga mananaliksik kung saang aspeto nakatulong

ang Work Immersion:

2.1. Pag-improve sa skills

2.2. Pag-improve sa pagiisip

3. Ano ang mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral sa Work immersion sa usapin

ng:

3.1. Pamamahala sa Oras

3.2. Relasyon sa Trabaho; at

3.3. Mga Kasanayan at Kakayahan

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa epekto ng natapos na Work Immersion sa

mga mag-aaral ng ABM sa Capas National High School- Senior High School, ang pag-

aaral na ito ay inaasahang makatutulong sa mga sumusunod:

Sa mga guro. Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga bilang isang gabay sa kanilang

pagbibigay ng impormasyon sa mga mag-aaral tungkol sa Work Immersion.


Sa mga mag-aaral. Malaki ang pakinabang nito sa mga susunod pang mga mag-aaral na

magkakaroon ng Work Immersion sa hinaharap upang maging gabay ang mga naging

epekto ng natapos na Work Immersion ng mga nauna pang dumanas nito.

Sa mga mananaliksik. Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik sa

hinaharap upang maging gabay sa kanilang pag-aaral na may kahalintulad na paksa.

Sa mga administrador. Higit na makatutulong ang pag-aaral na ito para sa mga

namumuno sa paaralan upang malaman ang mga naging kalagayan ng mga mag-aaral sa

ginanap na Work Immersion nang sa gayon ay mas lalo pa nilang matutukan ang mga

maaari pang pagyamanin sa nasabing proyekto.

Saklaw at Limitasyon

Ang buong pag-aaral ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtatasa ng

pagpapatupad ng work immersion ng mga mag-aaral. Higit na partikular, ang pag-aaral na

ito ay sumasaklaw sa mga karanasan na naranasan ng mga mag-aaral habang nasa

eksaktong lugar o aktwal na mga pangyayari sa kanilang buhay.

Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga mag-aaral sa ika-labingdalawang

baiting ng Capas Senior High School, Departamento na pinangangasiwaan sa Ikalawang

semestre ng taong akademiko 2022- 2023. Ang mga mananaliksik ay pumili ng

respondante na estudyante na mag-aaral mula sa strand na Accountancy, Business and

Management (ABM), bilang mga kalahok sa pananaliksik.


Depenisyon ng mga Katawagang Ginagamit

ABM - Accountancy and Business Management, isang strand sa programa ng

Kagawarang Edukasyon

Work Immersion - Ang asignatura ng K-12 Curriculum, maaaring maihantulad sa On

the Job Training sa kolehiyo

K-12 - programa ng gobyerno na kung saan ito ay paghahanda ng mga mag-aaral sa mas

mabuting kinabukasan.

Strand - programang sakop ng K-12 ng DepEd na kung saan mayroong pag pipilian ng

mga mag-aaral na tutuntong ng Senior High School

Senior High School - mga mag aaral na nasa kasalukuyang nasa K-12

You might also like