You are on page 1of 26

IMPLIKASYON NG WORKING STUDENT SA AKADEMIKONG

PERFORMANS NG GRADE 11 SHS STUDENT NG MANDALUYONG HIGH SCHOOL

Isang Pag-aaral na iniharap sa Senior High School sa Mandaluyong High School, Rev. Aglipay St. Barangay
Poblacion, Mandaluyong City

Bilang Bahagi ng pagtupad ng mga Pangangailangan


para sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina :

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Jeryrose Lim-it Cylle Jhuel Zara Andrei Samuel Pelina

Angelica Pintor
Jobell Batocabe Angelica Pintor Richard Remandaban

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
KABANATA 1
ANG SULIRANIN - ANG

SANDIGAN NITO

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Panimula

Ang pagiging working students o mga estudyanteng nagtatrabaho habang nag-


aaral ay isang pangkaraniwang realidad sa maraming paaralan. Ito ay isang karanasang
nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na mapagsabay ang kanilang pagaaral at trabaho
upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Ngunit sa likod ng pagtatagumpay na
ito, maraming epekto na maaaring mangyari sa kanilang akademikong performans. Isa na
rito ang pagkakaroon ng trabaho ay maaaring magdulot ng pagod at stress, na maaaring
magdulot ng pagkabawas sa oras at lakas na mailalaan sa pag-aaral. Ang pagsasabay
ng trabaho at pag-aaral ay maaaring magdulot ng mga pagkakataong hindi magkaroon
ng sapat na oras para sa pagaaral, pagsusumikap sa mga proyekto, o paghahanda sa
mga pagsusulit. Bukod pa rito, ang mga working students ay maaaring magkaroon ng
limitadong oras para sa iba pang mga aktibidad sa paaralan tulad na lamang ng paglahok
sa mga ekstrakurikular na gawain o organisasyon.
mga guro at mag-aaral.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Sandigan ng Pag-aaral

Ayon kay Villeroz (2014) ang pagiging working student ay hindi biro. Ang pinaka
matinding kinakaharap ng mga estudyante ngayon sa pampublikong paaralan ay ang
kahirapan sa buhay. Sa panahon ngayon, itinuturing na ang pag-aaral ay isa sa pinaka
mahalagang kayamanan ng bansa. Ngunit hindi ganoon kadaling makapag-aral, may ibang
estudyante na nakatuon ang pansin sa kanilang pangangailangan na makahanap ng
trabaho upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral. Sa makatuwid,
kailangan talaga ng pagpuporsige para makatapos ng pag-aaral.

Ang mga oportunidad para sa pag-unlad ng mga kasanayan sa pamamagitan ng


extracurricular activities ay maaaring bawasan o maaaring hindi maganap sa kabuuan dahil
sa pangangailangan ng working students na maglaan ng oras sa kanilang trabaho.
Samantala, ang akademikong performans ng working students ay maaaring maapektuhan.
Ang limitadong oras at enerhiya na maaaring mailaan para sa pag-aaral ay maaaring
magresulta sa hindi sapat na marka, pagkababa ng kalidad ng proyekto o pagsusulit, o hindi
optimal na pag-unlad sa mga asignatura.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Natuklasan ng mananaliksik na ang working students ay nagpapakita ng
katatagan at determinasyon sa pag-abot ng kanilang pangarap. Ngunit sa kabila ng
mga hamon nito, naapektuhan ang kanilang akademikong performans bilang magaaral
dahil sa limitado nilang oras at enerhiya na mailaan sa pag-aaral ng mga
working students.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik ay naglalayong pag-aralan ang implikasyon ng working student sa
akademikong performance ng grade 11 SHS sa Mandaluyong High School. Sa pamamagitan ng
pagsusuri sa paksang ito, hinahangad ng pag-aaral na matugunan ang mga sumusunod na
katanungan:

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
1. Ano ang profayl ng mga respondante batay sa ;
1.1 kasarian,
1.2 edad, at
1.3 strand?
2. Ano ang panukatan ng pagiging working student sa akademikong
performans?
3. Gaano nakakaapekto ang pagtatrabaho kasabay ng pag-aaral?

Sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga tanong na ito, ang pananaliksik


ay naglalayong magbigay ng mga insight sa implikasyon ng working student sa
akademikong performance ng grade 11 SHS sa Mandaluyong High School ,
pagkuha ng kaalaman, saloobin, at pangkalahatang karanasan sa pag working
student.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Haypotesis

Walang kaugnayan ang pagiging working students sa pagkakaba ng grado


sa akademikong performans ng Grade 11 students sa Mandaluyong High School.

Balangkas Konseptwal

Isang bagong pag-aaral na nanggaling sa Georgetown (2014), sa nakaraang


25 taon, mahigit 70 porsyento ng estudyante sa kolehiyo ay nagtatrabaho habang
nag-aaral. At tumataas ang bilang ng mga working student kapag tumataas ang
College enrollment at Tuition fee. Dahil maraming estudyante sa kolehiyo ang kapos
at nangangailangan ng pandagdag. Kaya’t habang tumataas ang mga bayarin,
darami ang bilang ng mga mag-aaral na nais magtrabo.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga resulta ng pag-aaral sa Implikasyon ng working student sa


Akademikong Performans ng Grade 11 SHS Student ng Mandaluyong High School
ay magiging makabuluhan sa mga sumusunod:

GOBYERNO – nais ipabatid ng pag-aaral na ito sa mga kinauukulan na dapat


mabigyang pansin ang pangangailangan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

GURO – nais ipabatid ng pananaliksik na ito na dapat bigyan ng sapat na


konsiderasyon ang mga manggagawang mag-aaral.

MAGULANG – makatutulong ang pag-aaral na ito upang maipahayag ang mga


responsibilidad ng magulang sa kanilang mga anak at naglalayon din itong ipaalam ang
kanilang tungkuling ukol sa pag-aaral ng kanilang mga anak

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
MAG-AARAL – ang pag-aaral na ito ay naglalayong maiparating sa mga magaaral ang
kahalagahan ng pag-aaral kahit salat sa buhay ay kailangang ipagpatuloy
ito upang maabot ang mga pangarap at magtagumpay sa buhay.

HINAHARAP NA MANANALIKSIK – maibabahagi ng pag-aaral na ito sa mga


mambabasa ang mga naidudulot sa pagganap ng mga ‘working students’ sa kanilang
paaralan

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
KATUTURAN NG MGA TALAKAY
Upang maging maliwanag ang pag-aaral, isinama ng mananaliksik ang
kahulugan ng mga termino na magsisilbing gabay at magbibigay-daan sa mga
mambabasa na magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa suliraning hinahanap ng
mananaliksik ng kasagutan.

Implikasyon. ay proseso ng pagpapahayag ng mga koneksyon, epekto, o


kahihinatnan ng isang pangyayari, pahayag, o sitwasyon. Ito ay isang konsepto na
naglalarawan ng ugnayan o kaugnayan ng mga pangyayari o konsepto na maaaring
humantong sa ibang mga pangyayari o konsepto.

Akademikong performans. ay kakayahan at kahusayan ng isang indibidwal


sa pagganap ng mga akademikong gawain o aktibidad.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Senior High School (SHS). ay ang dalawang taong kasabay na K-12
curriculum program ng Department of Education, kabilang ang Grade-11 at Grade12 na
ipinataw ng programa.

Ekstrakurikular na aktibidad. ay aktibidad sa labas ng silid-aralan katulad na


lang ng sports at club.

Profayl. tumutukoy sa mga pahina na naglalaman ng mahahalagang bagay


tungkol sa isang tao.

Respondante. ay ang pag-aaralan ng mga manananaliksik sa pangangalap


ng datos na kanilang kailangan sa kanilang pananaliksik

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Implikasyon ng working student sa


akademikong performans ng mga estudyanteng Grade 11 SHS sa paaralang
Mandaluyong High School sa taong 2022-2023. Ang mga respondante ay ang mga
mag-aaral sa Mandaluyong High School na kung saan ang pag-aaral ay nakatuon
lamang sa mga working students at hindi sakop ang mga hindi nagtatrabaho sa labas
ng paaralan/
Tatalakayin ang mga posibleng epekto ng pagiging working student sa mga
aspetong pang-akademiko tulad ng grades, attendance, at pagkakaroon ng oras sa
pag-aaral. Hindi sakop ng pag-aaral ang personal na sitwasyon ng mga working
students tulad ng kanilang financial status, oras ng trabaho at oras ng pag-aaral, at
motibasyon sa pagtratrabaho. Hindi rin nakatuon ang pag-aaral sa mga epekto sa
kalusugan at emosyonal na kalagayan ng mga working students. Ang mga
mananaliksik ay magsasagawa ng mga katanunga para sa interview na sasagutan
ng mga respondante.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA
LITERATURA AT PAG-AARAL

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Sintesis

Ayon kina Trivent et al (2014), Pinapakita sa pag aaral na halos mababa o


pabagsak ng grado ng mga mag aaral na full time o buong araw ang trabaho
habang malit o halos mababa naman ang negatibong epekto nito sa mga mag
aaral na parttime lamang ang oras ng trabaho.

Sabi naman sa UBC Blogs site (2015), isa sa adbantahe ng “part time job”
ay hindi lamang ito nagpapalawak ng pananaw kung hindi nagpapahusay din ng
kanilang kakayahan. Maliban pa, ang mapapahusay ang toleransiya upang hindi
kaagad bumigay sa mga pagsubok na kahaharapin.

Ayon naman kay Newanika (2022) ang pagiging Working Studant ay


mayroong positibo at negatibong epekto depende sa mag-aaral.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Sintesis

Sa kabuuhan, ipinakita rito na may adbantahe at disadbantahe ang


pagiging working student at marami din dahilan ang mga estudyante kung
bakit nila pinagsasabay ang pagtatrabaho habang nag aaral. Sa
pangkalahatan ang pagigingworking student ay meron malaking epekto sa
akademikong performans ng mga estudyante.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
KABANATA 3

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pamamaraan na ginamit sa
pag-aaral na “Implikasyon ng working students sa akademikong
performans ng grade 11 shs ng madaluyong high school”. Isinalaysay sa
kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, populasyon at sampling,
respondante ng pag-aaral, instrumento ng pananaliksik, balidasyon ng
instrument, paraan ng pagkalap ng datos, at estadistikong tritment ng
datos.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong disenyo ng pag-aaral


upang makakalap ng mga datos na kailangan sa napiling pag-aaral, Ang paraan na
gagamitin ng mga mananaliksik ay ang qualitatibo o qualitative method. Gagamitin
ang pamamarang ito dahil angkop ito sa napiling pag-aaral ng mga mananaliksik.
Ang deskriptibong disenyo ay ang magbigay ng tiyak na paglalarawan ng mga
katangian ng isang tao, pangkat, o sitwasyon. Dahil dito, ito ang pinakawasto na
metodo na gagamitin ng mga mananaliksik upang malaman ang implikasyon ng
working students sa akademikong performans ng grade 11 senior high school sa
paaralang MHS

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Populasyon at Sampling

Ang pag-aaral na ito ay layunin na alamin ang mga implikasyon ng


“working students” sa akademikong performans. Ang napiling populasyon ng mga
mananaliksik ay ang mga mag-aaral ng senior high school na may karanasan sa
trabaho, sa kadahilanang sila’y makapagbigay ng impormasyon na hinahanap ng
mga mananaliksik. Binubuo ito ng 30 na respondante na kung saan labinglima na
lalaki, at labinglima na babae. Purposive sampling ang gagamitin sa pag-aaral, na
ibig sabihin ay pili lamang ang mga mag-aaral na maging respondante sa pag-
aaral.

Respondante ng Pag-aaral

Ang mga respondante ay ang mga mag-aaral Grade 11 sa Mandaluyong


High School na kung saan ang pag-aaral ay nakatuon lamang sa mga working
students at hindi sakop ang mga hindi nagtatrabaho sa labas ng paaralan.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng questionnaire upang maisagawa


ang interview at makakalap ng mga datos mula sa mga respondante. Habang nag
iinterview ang mga mananaliksik sila rin ay mag oobserba upang maiwasan ang
mga bias na sagot mula sa respondante.

Balidasyon ng Instrumento

Ang mga instrumentong gagamitin sa pag-aaral ay idadaan sa pagsusuri


ng guro ng pananaliksik. Ang kanyang pagsusuri ay maaaring pagtanggap,
dipagtanggap, at kinakailangan na rebisyon. Matapos nitong pagwawasto at
20 pagbabago, ipinagtibay ng guro ng pananaliksik ang mga talatanungan upang
maitindihan at masagutan ng maayos.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Paraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mga mananaliksik mismo ang kakalap ng mga datos upang lubos na
maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral at matiyak maayos ang
kasagutan ng mga respondante. Ginagamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng
mga datos upang mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang
mga mananaliksik ay pupunta sa bawat silid-aralan at iisa-isahin ang mga mag-aaral
na sasagot sila sa itatanong ng mga mananaliksik.

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Estadistikong Tritment ng Datos

Ang estatistikang pamamaraan na gagamitin ay pagkuha ng porsyento o


bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito. Batay sa nabilang na
tugon
ng mga respondent sa bawat katanungan, maaari nang Makita ang prekwensi sa
bawat bilang na tugon ng mga respondent sa bawat katanungan, maaari nang makita
ang prekwensi sa bawat bilang na tugon. Ang pagkuha ng kabuuang bahagdan ay
Kung saan ang;

P= porsyento o bahagdan
F= bilang ng tumugon
N= kabuuang bilang ng respondent

Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.
Free SlideSalad Google Slides Template Copyright (C) SlideSalad.com All rights reserved.

You might also like