You are on page 1of 6

KABANATA I

“EPEKTO NG PAGBABA NG MARKA SA PAGSASAGOT NG LMS NG HE11A

COOKERY SA ACLC COLLEFE OF BALIWAG”

Introdaksyon

Ang pagbaba ng marka sa pagsasagot ng LMS (Learning Management System)

ng isang estudyante ay maaaring magdulot ng iba't-ibang epekto. Ang mga epekto na ito

ay maaaring umiiral sa larangan ng pang-akademiko, panlipunan, emosyonal, at pisikal

na aspeto ng isang estudyante.

Sa pang-akademiko, maaaring mag pakita ng epekto ang pagbaba ng marka sa

pagsasagot ng LMS sa mas mahinang mga grado o sa pag kuha ng hindi sapat na

antas ng kaalaman sa isang paksa. Maaari ding madelay ang mga plano ng pagsusulit ng

isang estudyante o maging dahilan para hindi makapasa sa isang sertipikasyong

kinakailangan para sa kanyang paaralan o trabaho.

Sa panlipunan, ang pagbaba ng marka ay maaaring magdulot ng hindi

pagkakaintindihan o aprobasyon sa bahagi ng mga magulang, guro o kaibigan. Maaari

itong mag dulot ng presyon o negatibong tingin sa sarili ng isang estudyante.


Sa emosyonal at pisikal na aspeto ng estudyante, ito ay maaaring magdulot ng

pagkawala ng kumpiyansa sa sarili ng estudyante dahil sa pagiging hindi sapat ng

kanilang mga kasagutan. Nasisira rin ang masiglang kagustuhan ng mga estudyante na

matuto dahil sa kawalan ng motibasyon na mag-aral dahil sa pagbaba ng marka.

Sa kabilang banda, ang pagbaba ng marka ay maaari ring magbigay inspirasyon at

motibasyon sa mga estudyante upang magsumikap at magpakadalubhasa pa sa kanilang

mga pag-aaral. Ang kanilang pagkakamali ay maaaring maging isang leksyon upang

pagbutihin pa ang kanilang kakayahan sa pagsasagot ng mga susunod na mga gawain.

Dahil sa mga nabanggit na epekto, mahalagang malaman ng mga guro at

magulang kung paano tutukan ang mga estudyante upang matulungan silang maiwasan

ang pagbaba ng marka ng estudyante

Paglalahad ng suliranin

Ang pangkalahatang paglalahad ng suliranin ng pananaliksik ay Isinasagawa

upang matuklasan at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa kalidad ng pag-isip ng

mga mag-aaral. Layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na mabatid ang mga

salik na nakakaapekto sa pagbaba ng kalidad ng pag-iisip ng mga mag-aaral.


Ang pananaliksik na ito na may paksang "Epekto ng Pagbaba ng marka sa

pagsasagot ng lms ng HE11A cookery sa ACLC college baliwag" ay naglalayong sagutin

ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang katangian ng mga respondente ayon sa mga sumusunod na

katanungan:

1. Pangalan (opsyunal)

2. Kasarian

3. Edad

2. Nakakaepekto ba ang mga sumusunod; sa pagbaba ng marka sa pagsasagot ng lms ng

mga mag aaral?

1. akademiko

2. panlipunan

3.emosyonal at pisikal na aspeto ng isang mag aaral


3.Mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng mga epekto ng pagbaba ng

marka at sa pagsasagot ng lms ng ng mga mag aaral sa HE11A cookery?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahalagahan sa Estudyante.

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga estudyante na unawain ang kapwa

nila mag-aral at mutulungan sila sa kanilang pangangailangan hindi lamang sa sosyal na

aspeto kundi pati sa akademiko

Kahalagahan sa mga Guro.

Magiging batayan ng mga guro sa mga mag-aaral na ito, kung pano

pakikisamahan ang mga mag-aaral na may mababang marka sa pagsasagot ng lms ng

mga HE11A cookery sa ACLC college baliwag .

Kahalagahan sa mga Magulang.


Ang pag-aaral na ito ay maaring makatulong sa mga magulang upang intindihin

ang mga sitwasyong dinaranas na kanilang inga anak at kung bakit mababa ang kanilang

mga nakukuhang grado

Kahalagahan sa mga Mananaliksik.

Dahil sa pag-aral na ito, maipapakita at malalaman ang mga problema at

pangangailangan ng mga mag-aaral na nagbibigay daan sa pagtugon nito

Saklaw at limitasyon

Sasaklawin ng pagsasaliksik na ito ay ang mag aaral sa HE11A cookery sa

ACLC college of baliwag bilang aming mga respondente upang malaman ang epekto

ng pagbaba ng marka sa pagsasagot ng lms ng mga mag aaral sa ACLC college of

baliwag.

Katuturan ng mga salitang ginamit

Ang mga sumusunod ay mga terminong gagamitin sa pagsasagawa ng pag-aaral na

binibigyang kahulugan sa konsepto.


Learning management system (LMS)- isang uri lamang ng software na magagamit ng

mga kumpanya para sa paglikha, pamamahala, at paghahatid ng online na nilalaman.

Maaaring gamitin ng mga organisasyon ang teknolohiya ng LMS at kaugnay na software

upang pamahalaan ang kanilang mga online na programa sa pag-aaral.

Sosyal na aspeto- ang pakikihalubilo ng isang tao sa iba. Kasama rito ang

pakikipagkapwa at pakikipagkaibigan. Sa tuwing nakikihalubilo, nakikisalamuha at

nakikisimpatiya, ito ay tumutukoy sa aspetong sosyal ng pamumuhay.

Akademiko- ay may kaugnayan sa, o nauugnay sa isang akademya o paaralan lalo na ng

mas mataas na pag-aaral.

Emosyonal-ay patungkol naman sa damdamin ng isang tao sa isang bagay o

pangyayari.

You might also like