You are on page 1of 5

Pang-akademikong Pag-iigitng : Dahilan at Epekto

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang mga tao ay nagkakaroon ng iba’t-ibang suliranin na kinakaharap kaya’t


nagbubunga ito ng stress sa mga tao katulad na lamang ng problema sa bahay, trabaho,
mga estudyante sa kanilang pag-aaral, at ito ang madalas na nagiging problema ng mga
kabataan ngayong henerasyon. Habang lumilipas ang panahon ay nag-iiba iba ang sistema
ng pagtuturo sa ating mga kabataan. Kaya’t nahihirapan ang mga ito na umangkop sa
paraan ng pag-aaral. Dito pumapasok ang salitang ingles na Mental Health issues, hindi
lang panloob na pakiramdam ang naapektuhan ng stress kung hindi pati na rin ang panlabas
na katauhan.

Ayon kay Loralaine (2013) ang salitang stress ay bahagi na ng ating buhay o
araw-araw na pangyayari sa ating sarili o mga taong nagkakaroon ng mahirap na sitwasyon.
Hindi ito nawawala pero ito ay naiiwasan o maraming paraan para itoy maiwasan ng tao
magpa-apekto sa stress.

Sa pag-aaral naman ni Stupart (2018) na ang stress ay nakakaapekto sa pisikal


at mental na pagkilos ng mga estudyante. Kapag ang estudyante nakaramdam ng
pagkabigo ay maaaring magulo ang pagsasaayos ng kanilang mga mithiin at prayoridad.

Kaya isinagawa ang pananaliksik na ito para magbigay impormasyon patungkol


sa epekto ng stress sa mga estudyante o kabataan sa kanilang pag-aaral.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay pinili ang paksang Pang-akademikong Pag-iigting upang


magbigay ng kaalaman sa lahat ng mag-aaral lalong-lalo na sa Senior high school at
kolehiyo. Kaya’t minarapat ng mga sumusunod na katanungan:

1.) Ano-ano ang pwedeng maging epekto nito sa mga-aaral?.

2.) Ano-ano ang mga sanhi nito?.

3.) Paano ito malalampasan ng mga mag-aaral?.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang may akda sa pamanahong papel ito ay pinili ang paksang “Akademikong
pag-iigting” sakop nito ang problemang pang akademiko. Ang bawat pagsubok na
pinagdadaanan ng bawat estudyante sa kanilang pag-aaral. Nais ng may akda naibahagi ng
impormasyong ito lalong lalo ang mga kahalagahan nito sa mga sumusunod:

1.) ESTUDYANTE

Ang pag-aaral nito ay makakadagdag kaalaman sa mga estudyante para malaman


nila kung paano ito maiiwasan at makakakuha pa ang mga estudyante para maging handa
sa bawat pagsubok at problema na haharapin nila bilang mag-aaral.

2.) GURO

May mahalagang gampanin ang guro sa mga estudyante dahil ang mga guro ang
nagiging pangalawang magulang ng mga estudyante. Dagdag pa rito, ang paksa ng mga
mananaliksik ay pang-akademikong pag-iigting, hindi natin maitatanggi na kung minsan ay
dahil sa mga gawain sa paaralan ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mabigat na
dinadala ang bawat estudyante. Marahil ito ay dahil sa kanyang grado, pamamahiya at kung
anong kaganapan na nangyari sa paaralan. Kaya’t importanteng impormasyon, kung paano
nga ba nakakaapekto ang pagtrato ng guro sa isang mag-aaral.

3.) PAMILYA

Hindi dahil pang-akademikong pag-iigting ay ibig sabihin ay patungkol lang ito sa mga
problemang pang-paaralan. Dahil konektado pari ang pamilya ng isang estudyante sa kung
paano ito gumagawa ng kilos sa kanyang paaralan. Malaking epekto nito sa performans ng
isang mag-aaral dahil mawawalan ng gana ang istudyante kung ang mismong pamilya na
nito ang gumagawa ng problema ng mag-aaral at s’yang humihila sa estudyante pababa.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Akademikong Pag-iigting ng mga mag-aaral


na nasa programang STEM. Sinasaklaw nito ang layuning malaman kung ano ba ang
dahilan at nagiging epekto ng Akademikong Pag-iigting sa pag-aaral ng mga estudyante.
Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mag-aaral ng Celtech College na nasa programang
STEM. Mas lalo pa itong nililimitahan sa mga nasa ika-12 baitang na nag-aaral sa taong
2023 hanggang 2024.
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Para sa mga kabataan, kinakailangan pag aralan at lubos na maunawaan ang mga
ginagamit na mga salita. Dito’y binibigyan ng kaukulang operasyonal na depinisyon kung
paano ito ginagamit sa pag-aaral nito.

Ang salitang Akademiko o “Academic”, sa ingles, ay tumutukoy o may kaugnayan sa


edukasyon, iskolarship, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay tuon sa pagbasa
,at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain,

Pag-igting - Hindi mabuting samahan karubduhan ng damdamin o tensyon.

Perpomans - Aksyon o proseso ng pagsasagawa o pagsasakatuparan ng isang aksyon


gawain o tungkulin

KABANATA 2

Ang madalas na epekto ng stress sa mag-aaral ay kahirapan sa pag-iisip ng


mabuti, hindi nakatuon ng maayos sa kanilang ginawa. Kahirapan sa pagdedesisyon sa
mga bagay-bagay.

Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga sumusunod na kaugnay na pag-aaral


at literatura tungkol sa epekto ng pang-akademikong pag-igting. Inilalahad rin dito ang mga
sari-saring impormasyon patungkol sa pananaliksik ng pang-akademikong stress.

Ayon kay Jayasankara Reddy, Anjana Tattil. Biomedical and pharmacology


journal 11 (1), 531, 2018, Ang stress ay naging bahagi ng buhay pang akademiko ng mga
mag-aaral dahil sa iba’t ibang panloob at panlabas na mga inaasahan na iniatang sa mga
balikat. Ang mga kabataan ay partikular na mahina sa mga problemang nauugnay sa
akademikong stress habang ang mga pagbabago ay nangyayari sa isang indibidwal at
panlipunang antas. Samakatuwid, nagiging kinakailangan maunawaan ang mga pinagmulan
at epekto ng akademikong stress upang makakuha ng sapat at mahusay ng mga diskarte sa
interbersyon. Gumamit ang pag-aaral ng isang quantitative na disenyo ng pananaliksik kung
saan ang mga kalahok ay na-screen gamit ang Academic Stress Scale Rajendra &
Kaliappan 1991 mula sa apat na stream na, commerce, management, humanities, at basic
science. Ang limang dimensyon ng mga mapagkukunan tulad ng personal na kakulangan,
takot sa pagkabigo, interpersonal ang mga paghihirap sa mga guro, ugnayan ng guro sa
mag-aaral ay higit pang na suri at nakuha din ang mga pagkakaiba ng kasarian. Ang
pag-unawa sa mga pinagmumulan ng stress ay magpapamadali sa pagbuo ng mga
epektibong modelu ng mga sikologo at tagapayo ng paaralan upang matulungan ang mga
mag-aaral na mapawi ang stress.

Ang akademikong stress ay nagaganap kapag ang responsibilidad na


iniatang sa isang estudyante ay lumampas sa kakayahan ng isang mag-aaral na
pamahalaan at makasunod sa mga ito (Wilks, 2008). Ito ay nagdudulot ng takot sa hamon
na haharapin nito at ang posibilidad na mabigo sa akademiko.
Habang ang katamtamang antas ng pansamantalang stress ay maaaring
makabuti. Nagpapabuti ng atensyon at memorya, at nagpapalakas ng immune function.
Ngunit ang mahaba o sobrang stress naman ay nakakasama rin sa pag-iisip at immune
function. Ang mahabang stress ay maaring magdulot ng panganib sa hippocampus, kung
saan ang mga tao na nakakaranas ng mahabang stress ay nag papakita ng pagliit ng sukat
ng hippocampal at mga problema sa memorya (Kim et al., 2017). Ang sobrang stress sa
maikling panahon sitwasyon katulad ng pagsusulit ay maaaring makaapekto sa pagproseso
ng impormasyon at pagpapatupad (Beilock,2008). Ang akademikong stress ay maaari ring
magresulta sa hindi malusog na paraan ng pagtugon tulad ng maling paggamit ng
smartphone, lalo na sa mga estudyanteng mahirap tugunan ng tama ang i-stress (Xu et al.,
2019).

Mayroong mga pag-aaral na isinagawa sa akademikong stress at ang


epekto nito sa mga mag-aaral. Narito ang ilang kaugnay na pag-aaral:

1. "Academic Stress, Parental Pressure, Anxiety and Mental Health among


Indian High School Students" nina Sangeetha Menon at Manju Mehta: Tinutuklasan ng
pag-aaral na ito ang kaugnayan sa pagitan ng akademikong stress, presyon ng
magulang, pagkabalisa, at kalusugan ng isip sa mga mag-aaral sa high school ng India.
Napag-alaman na ang akademikong stress ay makabuluhang nauugnay sa mas mataas
na antas ng pagkabalisa at mas mahinang kalusugan ng isip.

2. "The Impact of Academic Stress on Students' Well-being and


Performance: A Malaysian Perspective" ni Noor Azina Ismail et al.: Sinusuri ng pag-aaral
na ito ang mga epekto ng akademikong stress sa kagalingan at pagganap ng mga
mag-aaral sa bansang Malaysia. Napag-alaman na ang mas mataas na antas ng
akademikong stress ay nauugnay sa mas mababang antas ng kagalingan at mas
mahinang pagganap sa akademiko.

3. "Academic Stress, Coping Strategies, and Psychological Distress among


University Students: An Emphasis on Gender Differences" ni Ana Fonseca et al.:
Sinisiyasat ng pag-aaral na ito ang kaugnayan sa pagitan ng academic stress, coping
strategies, at psychological distress sa mga estudyante ng unibersidad. Napag-alaman
na ang mga babaeng estudyante ay nakaranas ng mas mataas na antas ng
psychological distress dahil sa academic stress kumpara sa kanilang mga katapat na
lalaki.

4. "Perceived Academic Stress among Undergraduate Students in an


Ethiopian University: The Role of Resilience" ni Zewditu Abate et al.: Sinasaliksik ng
pag-aaral na ito ang pinaghihinalaang antas ng stress sa akademiko sa mga
undergraduate na estudyante sa Ethiopia at sinusuri kung paano gumaganap ang
katatagan ng papel sa pagpapagaan ng stress na ito . Napag-alaman na ang mas
mataas na katatagan ay nauugnay sa mas mababang pinaghihinalaang akademikong
stress.
Itinatampok ng mga pag-aaral na ito ang negatibong epekto ng
akademikong stress sa kalusugan ng isip, kagalingan, at pangkalahatang pagganap ng
mga mag-aaral.
Nagbibigay din ang mga ito ng mga insight sa mga potensyal na salik tulad ng
panggigipit ng magulang, mga diskarte sa pagharap, pagkakaiba ng kasarian, at
katatagan na maaaring makaimpluwensya sa karanasan ng akademikong stress.

You might also like