You are on page 1of 2

Sintesis

Pamagat:
Academic Pressure

Uri at Anyo:
Thesis Driven Synthesis (katangian)
Explanatory Synthesis (anyo)

Pamaraan:
Pagbubuod, Paghahalimbawa, Pagdadahilan

Layunin:
Ang kahalagahan sa pag-aaral na ito ay maipaalam sa nakakarami ang maaaring
epekto at dahilan ng Academic Pressure sa pisikal at sikolohikal na pagkatao ng isang
mag-aaral, upang magkaroon ng kamalayan at mapaunawa sa mga studyante at mga
guro kung ano ang kinakailangan nilang gawin o tugon upang maiwasan ang ganitong uri
ng pressure.

Thesis Statement:
Ang Academic Pressure ay nagiging sagabal sa pag-aaral dahil sa mga epektong
dulot nito sa mga mag-aaral. Ito ang nararamdaman ng mga mag-aaral dahil sa bigat ng
mga gawain sa bawat asignatura at proyekto. Ito rin ay tumutukoy sa kawalan ng balanse
sa pagitan ng isang pinaghihinalaang pangangailangan at ang abilidad ng nakakaranas
nito na umaksyon dito. Ang epektong sikolohikal ng pressure sa mga mag-aaral ay epekto
sa pag-iisip, ang kahirapan sa pag-iisip ng mabuti, pagiging makakalimutin, kawalan ng
pagiging malikhain, paggawa ng mga desisyon, at ang pagkawala ng kakayahang makita
ang bagay na kapakipakinabang sa mga gawain (Bagalayos, 2014).
Maituturing ma malaking problema ang Academic Pressure sa panahon ngayon
lalo na sa mga mag-aaral na nasasangkot ng pagkabalisa sa kaisipan tungkol sa
inaasahang mga hamon sa akademiko o kabiguan o kahit na anong takot sa posibilidad
na papkabigo sa pang akademikong aspeto. Ang mismong nabanggit ng salitang
pressure ay nagdudulot ng mga kaisipan tulad ng pagtaas ng antas ng pagkakalungkot,
pagkabalisa, sakit sa puso at iba pang potensyal na nagbabanta sa pisikal at sikolohikal
nap ag-iisip ng isang mag-aaral (S.Gumathi, Impact of stressos Syudents, April 4 20217).
Paghahalimbawa:
Sa pamumuhay ngayon,hindi mawawala ang pangangailangan ng edukasyon, lalo
na’t ito ay isa sa mga hinihingi ng mga kumpanya upang makakuha ng trabaho. Ngunit
karamihan sa mga mag-aaral ay nakakaranas ng mataas na antas ng pagkapagod at
pagkabalisa sa kanilang pag-aaral. Sa kasalukuyan, maraming mga kadahilanan ang
nag-aambag sa pressure at pagkabalisa sa mga mag-aaral sa pag-aalaga na maaaring
humantong sa mas mataas na antas ng pressure (Tagher & Robinson,Lippincot
Education, 2016). Ang ilang mga kadahilanan na maaaring mag-ambag sa pressure na
ito ay kinabibilangan ng: ang presyon sa mga bata na mature emosyonal at
psychologically sa pagtaas ng mas maagang edad, isang pagbawas sa bilang ng mga
nagmamalasakit na mga magulang at kasunod na pagbabawas sa pag-ibig at suporta ng
magulang.

You might also like