You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Leyte Normal University


Filipino Yunit
Lungsod Tacloban

Pangkat nina: BURAWIS, ANDREI C.


CABALLERO, JULIUS M.
CASTILLO, ZHARINA O.
DE LA CRUZ, DIANE F.

INTRODUKSIYON

Lahat ng tao ay nakararanas ng stress. Ano man ang lebel nito, maaari pa rin itong
makadulot ng negatibong epekto sa kahit nino man. Sa larangang pang-akademiko, ang
stress ay madalas na sinusuri o pinag-aaralan gamit ang kaugnayan nito sa kalidad ng
akademikong performans at gayundin ang mga marka. Sa kasalukuyan, ang kursong
Bachelor of Arts and Sciences in Social Work (BSSW) ay isa sa mga namumukod-tanging
kurso sa rehiyon, kaya’t hindi makakaila na inaasahan ang de-kalidad na akademikong
performans at markang umaayon sa pamantayan ng programa, mula sa mga
studyanteng nag-aaral ng nasabing kurso, kaya’t layunin ng pananaliksik na ito na
matukoy ang kaugnayan ng maintaining grade at ang lebel ng stress ng mga mag-aaral
ng BSSW.

Ayon sa isang pag-aaral nina Stanley at Bhuvaneswari (2015), ang stress ay isa
sa mga suliranin sa pag katuto ng mga mag aaral sa kusrong BSSW. “Nakita na ang mga
antas ng pagkabalisa at stress ay medyo mas mataas sa mga mag-aaral sa una at
ikatlong taon habang kumpara sa mga nasa ikalawang taon ng kanilang kurso, habang
ang katatagan at pagkaya ay medyo mababa sa unang taon na grupo. Ang mga ugnayan
ay makabuluhang positibo para sa mga marka ng stress at pagkabalisa pati na rin sa
mga scores sa coping at resilience scores.”
Ayon naman kay Dziegielewski et al., ang pag taas ng lebel ng stress ay is sa mga
salik na nakakaapekto sa mga mag aaral ng kursong BSSW. Ayon sa pag aaral na ito
sinuri nila ang “kaugnayan sa pagitan ng akademikong tensyon o stress at and
pereceived resilience ng mga mag-aaral sa social worker.” At napaag alaman sa kanilang
resulta na iniulat sa kanilang sample ang katamtamang lebel ng stress at suporta sa
lipunan, at medyo mataas na antas ng katatagan o resilience. Napag alaman rin and
“negatibong kaugnayan nito sa akademikong stress at resilience.
Naipakita naman sa pag-aaral ni Carson (2009), na ang implikasyon ng pagtaas
ng lebel ng stress sa mag-aaral sa kursong BSSW ay napatunayan sapagkat lumabas sa
kanilang pag susuri 34% ng mga social work students ay nakakuha ng 11 o higit pa, na
nagpapakita ng napakataas na antas ng psychological distress. Iminumungkahi ng mga
resulta na ang panahon ng pagsasanay sa social work ay mas nakaka-stress kaysa sa
pagtatrabaho bilang isang social worker.”

Ayon din sa resulta ng pag aaral ni Chakradhar et al., 51.2% ng kanilang mga
kalahok ay nakaranas ng mataas na antas ng stress kung saan ang mga pangunahing
stressors ay akademiko, pananalapi, pamilya, at mental health. Ang mga resulta ay
nagpahiwatig din ng isang kabaligtaran na mahinang ugnayan sa pagitan ng katatagan
at pinaghihinalaang stress, at isang positibong mahinang ugnayan sa pagitan ng
espirituwal na kagalingan at pinaghihinalaang stress (p < 0.01). Ang mga implikiasyon ng
pag-aral na ito ay iminumungkahi naman sa mga nagtuturo ng social work.
Isinaad naman ni Kamya (2014) na ang hamon ngayon para sa mga mag-aaral sa
social work ay kung paano tugunan ang mga propesyonal at pang-edukasyon na
pangangailangan na iniatang sa kanila habang sila ay tumutugon sa pag-unlad ng
kanilang pagkatao. Isinasaad rin nito ang kahalagahan ng mentalidad at spiritwalidad ng
mga nag-aaral ng Social Work.

Gayundin, ayon kay Campbell et al., ang kahalagahan ng “mental health” sa mga
mag-aaral ng social work upang masiguro ang kanilang paghahanda para sa potensyal
na “stressors” sa propesyunal na larangan. Naipakita naman kanilang pag-aaral ang
isang hanay ng mga nauugnay na isyu ukol sa mental health na maaaring magamit upang
mapabuti ang kapakanan ng mga mag-aaral, mga nilalaman ng kursong social work, at
larangang propesyunal sa social work. Tinalakay rin ng artikulo ang mga implikasyon para
sa paghahatid ng edukasyon ng social work sa buong mundo.

Sa kabuoan, mahalagang matukoy ang kaugnayan ng maintaining grade at lebel


ng stress sa mga nag-aaral ng Social Work upang matukoy rin ang iba’t ibang salik na
naka-aapekto sa pagtaas ng lebel ng stress, kasama na rin ang epektong pangkalusugan
sa mentalidad ng mga mag-aaral. Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral ay ang
matuklasan ang kaugnayan ng pagtaas ng lebel ng stress ng mga BSSW students at
maintaning grade ng kursong BSSW at madiskubre kung may positive, negative, o zero
corellation ang mga baryabol.

You might also like