You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Leyte Normal University


Filipino Yunit
Lungsod Tacloban

Pangkat nina: BURAWIS, ANDREI C.


CABALLERO, JULIUS M.
CASTILLO, ZHARINA O.
DE LA CRUZ, DIANE F.

Kabanata III
PAMAMARAAN O METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga disenyo ng pananaliksik, metodo ng


pananaliksik, mga respondente, lokal ng pag-aaral, pagpili ng mga kalahok at tritment
ng datos. Ito ay mga paraan o estratihiyang ginagamit ng mananaliksik upang
mapatunayan ang mga suliranin ng pag-aaral.

DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Kaugnayan ng Pagtaas ng Lebel ng
Stress ng mga BSSW Students at ng Maintaining Grade ng Kursong Social Work.
Gagamit ang pananaliksik na ito ng Case Study bilang disenyo ng pananaliksik. Ang
Case Study ay naglalayong mapag-aralan ang isang pangyayari o karanasan, at sa
pamamagitan ng disensyong ito, malawakang mapapag-aralan ng mga manananaliksik
ang kaugnayan ng pagtaas ng lebel ng stress at ang maintaining grade ng kursong
social work.

Gagamit rin ang pag-aaral na ito ng Structured Interview bilang metodo ng


pananaliksik at mga talatanungan bilang instrumento ng pananaliksik.
MGA RESPONDENTE
Ang mga napiling respondente ng nasabing pag-aaral ay mga 2nd year students
na mag-aaral ng kursong social work sa isang unibersidad na may 100% passing rate
sa Licensure Exam for Social Work, sa lungsod ng Tacloban, Leyte kung saan
gaganapin ang pananaliksik.
Kukuha ang mga manananaliksik na 20 na respondente gamit ang random
sampling bilang pamamaraan sa pagpili ng mga kalahok.

TRITMENT NG DATOS
Gamit ang mga nasabing disenyo, metodo, at instrumento ng pananaliksik, ang
mga nakalap na datos ay gagawan ng transkripsyon. Gagamit ang pananaliksik na ito
ng Thematic Analysis bilang pamamaraan ng pag-aanalisa ng mga nakalap na datos.
Sa uri ng pag-aanalisa na ito, ay unang sasailalim ang mga nakalap na datos sa
Coding, kung saan lahat ng sagot ng mga respondente sa partikular na tanong ay
hahanapan ng mga pagkakapareho at gagawan ng Code. Sunod, ang mga sagot na
naglalaman ng pagkakapareho ay i-aanalisa at gagawan ng tema, o sasailalim sa
proseso ng Theming. Ang mga code at tema na makakalap mula sa mga datos ay
magsisilbing batayan sa pag-ayos at paglalatag ng mga napag-alaman or resulta ng
pag-aanalisa. Ang mga resulta ay i-aayos at isasalarawan gamit ang table.

BIBLIOGRAPIYA
Vega, O. D. 2022. Mga Uri ng Pananaliksik. https://youtu.be/fpW7JadKyjY

Nazareno, J. P. n.d. Kabanata III Disenyo at Paraan ng Pananaliksik.


https://www.academia.edu/30088601/Kabanata_III_Disenyo_at_Paraan_ng_Pan
analiksik

Davis, B. 2021. Ano ang Braun at Clarke 2006 thematic analysis? Firstpresdayton.
https://firstpresdayton.org/what-is-braun-and-clarke-2006-thematic-analysis

You might also like