You are on page 1of 5

AWTPUT #3

PAGYAMANIN

PAGSASANAY 1 

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na nasa ibaba.
Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong. 

1. Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa mga abstrak nito?
Pangatwiranan ang sagot. 

Abstrak 1: Ang layunin nito ay maayos na naihayag sapagkat ang mga salitang ginamit
ay madaling maintindihan, nailahad kung ano ba ang ibig matamo sa pananaliksik na
ito, inilahad din ang mga aspetong kanilang susukatin upang maisagawa ang
pananaliksik, at ito naman ay makatotohanan o maisasagawa dahil ito’y matagal na at
napapanahon pa ring isyu. Gayunpaman, medyo nakukulangan lamang ako sa kung
ano ba ang nais nilang matamo pagkatapos ng pananaliksik.  

Abstrak 2: Malinaw din na naipahayag dito ang layunin ng pananaliksik sapagkat


isinaad nila ang mga dahilan ng pananaliksik at kanilang nais matamo pagkatapos itong
gawin pagkat sinabi nilang ito ay upang maipaliwanag ang kahalagahan ng buhay ng
isang tao. Malinaw din na naihayag kung paano nila ito gagawin at ito ay gamit sa
pagkuha ng karagdagang datos at kaalaman ukol sa pangyayari ngayon sa komunidad
na siya namang makatotohanan o maisasagawa. Ang mga salita ay madali ring
maintindihan. 
2. Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos?

Abstrak 1: Ang mga mananaliksik sa naunang abstrak ay sumailalim sa quanititative


method at gumamit ng nonradom convenient sampling kung saan ang mga
mananaliksik ay pumipili ng respondente ayon sa convenience upang kumalap ng datos
sa mga ito na bumibilang sa tatlumpo’t limang (35) batang ina na may edad na labing-
dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.  

Abstrak 2: Sa ikalawang abstrak namin ay gumamit ang mga mananaliksik ng


deskriptib o pang larawang paraan kung saan nagtatangkang ipakita ang isang tumpak
na larawan ng mga bagay-bagay sa kasalukuyan at ito ay gumagamit ng mga datos na
nagmumula sa mga kasalukuyang ulat, sarbey, at pagmamasid sa mga mag-aaral na
kumuha ng IT sa St. Bridget College - Batangas City sa taong 2014-2015. Ang iba pang
mga pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang pananaliksik sa iba’t-ibang
pahayagan at aklat, mga sample ng thesis, at mga website sa internet. 

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang ginawang saliksik?

Abstrak 1: Para sa akin, ang pananaliksik na ito ay may kahalagahan sa lipunan


sapagkat ito ay dati ng isyu at nangyayari pa rin sa kasalukuyan na magbibigay ng
kamalayan sa publiko na ito ay seryosong usapin at maaaring gawing inspirasyon ng
susunod na mananaliksik na gawan ng pananaliksik tungkol sa kung paano ito
masosolusyunan. Maaari itong magbigay ng kaginhawaan at motibasyon sa mga batang
ina na nakakaranas nito lalo na kung sila’y nakararanas ng problema sa mga nabanggit
na aspeto. Gayunpaman, ito rin ay maaaring magsilbing babala sa mga kabataan na
ang maagang pagbubuntis ay may maraming kaakibat na kahihinatnan sa iba’t-ibang
aspeto. 

Abstrak 2: Ang ikalawa nama’y may kahalagahan din sa lipunan sapagkat tayo ngayon
ay nasa teknolohikal na edad (technological age) kung saan karamihan sa mga
kabataan at mag-aaral ay nag-aaksaya ng panahon sa online o kompyuter games,
facebook, pagsusurfing sa internet, at sa panonood ng mga videos sa porn site na
maaaring makaapekto sa kalusugan at akademik performans ng isang mag-aaral.
Malalaman din sa pananaliksik na ito ang mga posibleng kahihinatnan ng sobrang
paggamit ng internet na maaaring makapamulat sa kaisipan ng mga kabataan na mas
mahalagang ituon ang kanilang oras sa mas mahalagang mga bagay na mas
makakapaghasa sa kanilang pag-iisip at talento. Maaari ring gamitin ng mga susunod
na mananaliksik ang pag-aaral na ito bilang karagdagang impormasyon kung ito ay
konektado sa paksa. 
PAGSASANAY 2

Panuto: Mula sa mga nabasa mong abstrak kanina, may mga salita ba na bago sa iyong
paningin na kinailangan mong ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay bumabasa? Isulat
ang mga ito sa unang hanay. Sa ikalawang hanay naman ilagay ang angkop na
kasingkahulugan nito gamit ang diksyonaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung
saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay ay gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel. 

Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap

1. Nonrandom  Ito ay isang uri ng  Ang mga mananaliksik


covenient nonprobability sampling kung ay gumamit ng nonrandom
sampling saan ang mga samples ay convenient sampling sa
pinili mula sa mga populasyon pagkuha ng datos. 
dahil ito ay mainam na gamitin
ng mga researcher

2. Mean score  Ang mean score ay nag-


 Ang karaniwan o average iiba-iba depende sa
na datos ng mga respondente aspetong kinakalkula. 
sa isang sarbey. 

3. Estadong  Kaunti lamang ang may


marital  Ang kalagayan ng estadong marital na hiwalay
pagiging kasal o hindi kasal o sa asawa o “divorced” sa
katayuan sa pag-aasawa.  mga respondente. 

 Pagsusurfing gamit ang


4. Pagsusurfing
 Ang aktibidad ng paglipat makabagong teknolohiya
mula sa isang site patungo sa ang libangan ng mga
isa pang site sa World Wide kabataan ngayon. 
Web o internet. 

 Kailangang mailarawan
5. Deskriptib ng maayos o maging
 Ito ay nagtataglay ng mga deskriptib ng isang
kaukulang detalye sa mananaliksik upang
katangian ng isang maintindihang mabuti ang
pangngalan.  mga impormasyon. 
PAGSASANAY 3

Panuto: Muling balikan ang dalawang abstrak na iyong nabasa sa itaas. Ipagpatuloy ang iyong
pagsusuri sa mga ito gamit ang tsart sa ibaba. Huwag kalimutang ang pagsusuri sa isang
sulating pananaliksik ay hindi lamang pagpuna sa mga mali at kakulangan nito. Bahagi pa rin
ng pagsusuri ang pagbibigay-papuri sa magagandang naisulat, nagawa, o kombinasyon nito.
Tandaan na kailangang suriin nang obhetibo ang mga pananaliksik batay sa nilalaman ng papel
at hindi batay sa personal na dahilan. Isulat ang pagsusuri sa sagutang papel. 

Pamagat ng papel-pananaliksik: Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik


Pangalan ng manunuri: Lara Mae Cabangon

Komendasyon Rekomendasyon

 Introduksyon, suliranin, saklaw,  Maganda ring gumamit ng mga


metodo, buod, at kongklusyon ay halimbawang sitwasyon sa isyu na mas
nabanggit ng mabuti.  makakapag paliwanag ng background ng
 Mayroong maayos na paglalahad suliranin
kung ano ang metodong gagamitin at  Maaaring idagdag kung ano ang nais
sampling technique  matamo pagkatapos ng pananaliksik para
  Mainam na kinalkula ang mean sa mas malinaw na layunin. 
score sa kada aspeto.   Maaaring magdagdag sa dulo ng
 Magandang kinonsidera ang iba’t- kanilang rekomendasyon tungkol sa
ibang demographic profile na suliranin. 
maaaring makaapekto sa resulta ng
datos. 

Pamagat ng papel-pananaliksik: Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik


Perpormans ng mga Mag-aaral sa Taong 2014-2015
Pangalan ng manunuri: Lara Mae Cabangon

Komendasyon Rekomendasyon

 Introduksyon, suliranin, saklaw,  Iwasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa


at metodo ay detalyado at ilang mga salita. 
nabanggit ng mabuti.   Mas maging tiyak sa sitwasyong ibibigay
 Magandang nabanggit ang upang mas maiparating ng mabuti ang
dahilan kung bakit naudyok ang importansya ng pananaliksik
mga mananaliksik na saliksikin ang  Maaaring ihayag ang buod, kongklusyon, at
napiling paksa rekomendasyon mula sa nakalap na datos
 Direktang nailahad ang teknik dahil nagpokus lamang sila sa background ng
na gamit sa pananaliksik.  suliranin at metodo. 
 Maganda rin na parehas silang
gumamit ng pangunahin at
sekundaryang sanggunian para sa
datos. 

You might also like