You are on page 1of 1

Name: Dahl A.

Paalisbo
Grade and Section: 11- STEM Mendel

Activity Sheet No. 1.1


Sikreto sa Tagumpay
ni Selina ni Jenifer L. Soriano

Mga Gabay na Tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan siya.


Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si Silena. Siya ay napakamasipag, masikap at
matiyagang mag-aaral. Ninanais na matupad ang kanyang pangarap para matulungan ang
kaniyang pamilya.

2. Paano hinarap ng pangunahing tauhan ang mga pagsubok sa kaniyang buhay?


Hinarap ng pangunahing tauhan ang mga pagsubok sa kaniyang buhay sa pamamagitan
ng pagsisikap na hinahanapan niya ng paraan ang mga bagay-bagay para lang makatulong. Isa na
dito ay ginamit niya ang kaniyang mga talent para magkapera.

3. Naging matagumpay ba ang takbo ng kaniyang buhay?


Oo, naging matagumpay ang takbo ng kanyang buhay dahil sa pagsisikap niya.

4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Selina, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
Kung ako ang nasa kalagayan ni Selina gagawin ko rin ang kayang ginawa dahil ninanais
ko rin na makatulong sa aking mga magulang. Ang aking pagsisikap ay maaring makapagbigay
ligaya sa kanila at magsisilbing pasasalamat na rin sa lahat ng sakripisyong ginawa nila para sa
akin.

5. Alin sa mga katangian ni Selina ang taglay mo na? Paano mo pagyayamanin ang mga katangiang
ito upang maging daan din ng katuparan ng iyong mga mithiin sa buhay?
Sa tingin ko, ang katangian na mayroon si Selina na mayroon din ako ay ang pagiging
masikap dahil may ugali ako na kapag may ninanais akong mithiin pagsisikapan ko ito para ito ay
aking maabot. Pagyayamanin ko ang mga katangiang ito upang maging daan din ng katuparan
ng aking mga mithiin sa buhay sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kaugaliang ito at hindi ako
dapat makalimot sa kung sino man ang tumulong sa aking pag-ahon.

You might also like