You are on page 1of 1

Bakit hindi dapat manahimik lang ang mga biktima ng cyberbullying?

Hindi dapat manahimik lamang ang mga biktima dahil para mo na din silang
binibigyang konsento na lait laitin ang pagkatao mo. Hindi ka nito
titigilan hangga’t hindi ito natatauhan sa mga ginawa niyang
pangbibiktima sa mga tao. Kaya habang maaga pa kailangan natin itong
kumprontahin dahil hindi ka dapat magpaapi sa mga tao at para matuto ang
nambiktima, wag mo ng hintayin na mas lalo itong tumagal at lumala dahil
lang sa wala kang ginawa upang pigilan ang pantatapak nito sa katauhan
mo.

Paano higit na lalala ang problemang ito kapag nanahimik lang ang
biktima neto?

Wag mong hayaan na mas lalong lumala ito dahil kung patuloy kang
mananahimik ay mas lalo lang nito ipagpapatuloy ang mga ginagawang masama
sa katauhan mo. Hindi mo din alam kung ikaw lang ba ang binubully nito
kaya mas maganda na magreport sa mas nakakatanda o kaya sa awtoridad upang
mabigyan ito ng aksiyon kung malala na talaga ang ginagawa nitong
pambubully.

You might also like