You are on page 1of 1

Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan

Rolando B. Tolentino

ABSTRAK

Ang sulating ito ay naglalayong palalimin ang kaalaman ng mambabasa ukol sa


panitikang bayan. Ang isang panitikang isinulat ng hindi kilalang manunulat, ipinapasa
gamit ang oral na tradisyon, at batid ng komunidad ang ukol dito ay tinatawag na
panitikang bayan. Ito ay nahahati sa dalawang larangan: (1) ang pagapatuloy ng folk at
popular, at (2) ang aplikasyon ng mapagpalayang kilusan sa mga tekstong may
kaugnayan sa masa.

Samantala, ang pagbabalikwas ng panitikang bayan ay nagpapamalas ng


erotisismo dahil nangyayari ang pagpupursigi, pagbira, at pagbanat sa katalik at
kinatutunggaling pwersa kung saan itinatampok ang naghaharing Sistema ng
kapangyarihan at ang subersyon ng sistema nito. Gayunpaman, inilalahad na ito ay
resulta ng ating agam-agam sa ating lipunan at panahon. Ayon sa akda, ang mga
katangian ng panitikang bayan ay ang mga sumusunod: (1) hindi matutukoy ang
pangunahing sanggunian, (2) maaaring umayon sa adaptasyon ng bawat nagkukwento,
(3) patawa o komedi, at (4) nagsasaad ng kolektibong pantasya tungo sa kasalukuyang
kondisyon.

Sa kasulukuyan, ang panitikang bayan ay naipapagpatuloy sa politisasyon nito na


likha ng kilusang masa para sa higit na pagpapaigting ng rebolusyong bayan. Dagdag
pa, ang panitikang bayan ay nananatili rin sa pagtalakay sa kontemporaryong popular at
folk na kwento. Batid din sa mga ito ang papel ng gothiko sa horor at teror na nagiging
instrumento sa mga panitikang bayan. Dito umusbong ang kwentong horor na may liminal
o naghahalong larangan ng pinamumutiktikan ng tauhan mula sa ibang mundo’t realidad,
karanasan sa kababalaghan at takot, at pagiging bukas sa resolusyon ng kwento.

You might also like