You are on page 1of 2

Meneses, Rowena O. SP15.

Maikling Kwento
Bsed III Filipino Guro: Aiamae Luciapao

SID & AYA


( Not a love story )

TAUHAN:
Anne Curtis - Aya
Dindong Dantes – Sid
Bubbles Paraiso – Dani
Gabby Eigenman – Darren Syquia
Pocholo Barreto- Jerry
Josef Elizalde - Gabe
BUOD NG PELIKULA

Insomniac si Sid (Ding Dong Dantes), dahil siguro sa sobrang stress sa trabaho bilang isang
magaling at ambisyosong stock broker — bukod sa abroad pa ang girlfriend. Madalas
nagpapalipas siya ng gabi sa isang 24-hour café na malapit sa tinitirhan niyang
pabulosong condo. Waitress sa café na iyon si Aya (Anne Curtis), at dahil sa isang pustahan
kasama ng dalawa niyang katrabahong bading sa café, magkakakilala sila ni Sid. Maabilidad sa
pagkita ng pera si Aya na nagpapaaral sa kapatid niya at tumutustos sa mga gamot ng tatay nila,
kaya’t dadami pa ang pustahan nila sa café  hanggang sa mapansin na siya ni Sid. Me itsura
naman si Aya at nakakaaliw na kausap, kaya aalukin siya ni Sid na samahan siya sa mga gabing
hindi siya makatulog. Papayag si Aya pagkat easy money sa kanya yon, sasamahan lang si Sid na
aayon naman sa kanyang kondisyon na strictly no sex.

Nang piliin ni Sid ang magmahal.Kahit takot magmahal, binigyan niya ng pagkakataon ang
sariling mahulog kay Aya. Dito makikita natin na sa pag-ibig, walang kasiguraduhan. Kahit
ibigay mo pa ang lahat, may malaking tsansang matalo ka rin sa huli.
Nang sumubok muli sina Sid at Aya sa pangatlong pagkakataon at nagkatuluyan na sila.Ilang
beses sinubok ang pagmamahal nina Sid at Aya. Hindi man nagtagumpay sa una at pangalawang
pagkakataon, nakuha naman nila ito sa pangatlong pagsubok. Gaya ng sinasabi ng ilang tao, ang
lahat ay may perfect timing kasama na ang pag-ibig.
Nang mapagtanto ni Sid na hindi siya masaya kahit pa may maganda siyang karera. Isang
matagumpay na stockbroker si Sid na hindi inindang makatapak ng ibang tao makamit lang ang
tagumpay. Ngunit nang makilala niya si Aya, nakahanap siya ng isang karamay at nagpaintindi
sa kanya ng mga kulang sa kanyang buhay.
Nang ipinakita ni Aya na isa siyang “black swan” sa buhay kay Sid. Dumating si Aya sa buhay
ni Sid na tila isang ‘black swan,’ o isang hindi inaasahang pangyayari na magbabago ng lahat.
Ang pagdating ni Aya sa buhay ni Sid ang siyang nagsilbing turning point ng kanyang buhay---
at pag-ibig.
Nang malaman ni Sid na may mga tao katulad niyang kuntento pumasok sa isang relasyon para
sa seguridad at kaginhawaan. Madaling sabihing kuntento na si Sid sa kanyang buhay: may
maganda siyang tirahan, maayos na karera, at isang open relationship kay Dani (Bubbles
Paraiso) ngunit walang halong pagmamahal. Itong mga pangyayari sa kanyang buhay ay
nagdulot sa kanya ng depresyon at nagtulak sa kanyang maghanap ng isang karamay kahit pa
bayaran niya ito. Sumakto lamang na si Aya ang kanyang nakilala at napiling makasama.

SCRIPT NG PELIKULA
SID: Sino bang malungkot? Sino bang galit sa mundo? Lahat naman diba? Lahat may kanya-
kanyang sira sa utak..depende nalang kung paano mo itatago.
Bago ang gabing yun, hindi ko pa naman siya kailangan.
Magkano kung sasamahan mo ko? Mga tatlong oras lang..
AYA: Sasamahan na mag-ano?
SID: Mga tatlong oras lang. hindi kasi ako makatulog eh..kailangan ko lang ng kausap.
Ayaw mo yun.. Extra income.. mamaya.
AYA: Ang lungkot mo naman para magbayad ng kausap. Yung mga insomniac daw kaya raw
hindi sila nakakatulog kasi masyadong marami silang iniisip.
Wala ka talagang friends noh? Friends na tayo.
SID: Game!
AYA: Pero magtataas na ako ng rate ko ha? 1,500 per hour na.
SID: Sige mauna na ako..
AYA: Huwag!... May nagmamahal sa iyo sir.. Jowk!
I LOVE YOU!
SID: Tumaya ka naman kasi sa’kin Aya.
AYA: Kung tataya ako sa iyo ikaw naman ang masasaktan.
SID; No. This is not a love story.
AYA: I love you..
SID: Hindi naman lahat ng “I LOVE YOU” eh love story na..
Si Aya g**o siya..

You might also like