You are on page 1of 1

Pag-aamyenda o Pagpapalit ng Konstitusyon ng Pilipinas

Sa nakalipas na mga buwan at linggo, naging matunog ang mga balita tungkol sa Cha-Cha o Charter
Change. Ito ay panukalang nagsasaad ng pag-amyenda o pagpapalit ng Konstitusyon ng Pilipinas.
Kaugnay nito, ang mga manunulat ay hindi sumasang-ayon sa nasabing panukala.

Ang pagpapalit o ang pag-aamyenda ng Konstitusyon ay walang kabuluhan. Para sa mga manunulat,
walang magandang maidudulot ang naturang panukala sa pagpapaunlad ng bansa. Ang mga amyendang
isusulong ay maaaring makabubuti lamang sa mga politikong walang nais na isulong ang pag-unlad sa
bansa. Gaya na lamang ng pagpapalawig ng termino ng mga nakaupong opisyal. Isa ito sa mga
amyendang nais isulong ng panukalang ito. Sa mga nakalipas na panahon, ay naging talamak ang
korupsyon sa bansa, at ang pagkakataong mabigyan pa ng mas mahabang taon sa pamamahala ng ating
bansa ang mga politikong walang mabuting adhikain ay walang katuturan at isang insult para sa mga
mamamayan.

Ang Charter Change ay may negatibong epekto sa sector ng edukasyon ng bansa. Ayon sa mga
dokumentong sinasaad ng panukalang ito, kapag naisulong ang pagpapalit ng Konstitusyon ay
mabibigyan ng probisyon ang mga banyaga na magkamit ng pagmamay-ari sa mga institusyon at
unibersidad sa bansa. Maaaring maraming magsasabi na ang itroduksyon sa mga banyagang pagmamay-
ari at pamamahala ay magiging daan patungo sa mas magandang kurikulum at oportunidad para sa mga
mag-aaral na makapagtrabaho sa ibang bansa, subalit sa kasalukuyang estado ng edukasyon sa bansa
mas nangangailangan ng isang makabayang kurikulum na ginawa upang matugunan ang mga
pangangailangan ng Pilipinas. Kung nag-aaral ang mga kabataan upang makapagtrabaho sa ibang bansa,
nangangahulugan lamang ito na mawawalan na ng pakialam ang mga mamamayan sa kalagayan ng
bansa. Lubos na tayong naapektuhan ng kolonisasyon at mga banyagang pag-iisip, saan na lamang
mapupunta ang pagkamakabayan at pagpapahagalaga sa bansa?

Panghuli, para sa mga manunulat, hindi dapat irekomenda ang isang panukalang hindi pa lubos na
nauunawaan ng lahat ng mamamayan sa Pilipinas. Batay sa ulat ng Pulse Asia survey ay 73 porsyento ng
buong populasyon ng bansa ang walang alam sa naturang hakbang na isinusulong ng kongreso.
Karapataan ng mamamayan na magkaaroon ng tamang kaalaman patungkol sa mga isinusulong na
pagbabago sa bansa lalo na sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Nakababahalang agresibo ang gobyerno sa pagpilit na isulong ang panukalang ito gayong hindi ito lubos
na nauunawaan na lahat. Nagbibigay ito ng mga nakakabahalang kaisipan na maaaring may mas malalim
na dahilan ang mga nasa katungkulan sa pagsusulong ng naturang panukala at hindi ito magiging
maganda.

Samakatuwid, hindi sang-ayon ang mga manunulat sa pag-aamyenda o pagpalit ng Konstitusyon ng


Pilipinas. Kailangan pa ng masusing pag-aaral at pagsasaliksik hinggil sa isyung ito. Kung makakatulong
nga ba o mas makakasama.

You might also like