You are on page 1of 2

Proposisyon: Nararapat na Ipagbawal ang Paninigarilyo sa Publiko

Ang paninigarilyo ay isang gawaing nakapandurumi sa katawan ng tao at sa


mga taong nakapaligid sa kanya. Ang paninigarilyo ay isang aktibidad ng
unti-unting pagpatay sa iyong sarili, at kung ginagawa sa publiko, para mong
hinahatak ang mga tao sa paligid mo na samahan ka sa libingan mo. Nararapat
lamang na ipagbawal ang paninigarilyo sa publiko.
Hindi lingid sa kaalaman nating lahat at mulat tayo sa katotohanang ang
paninigarilyo ay kakambal ng maraming sakit at karamdaman. Ayon sa Kagawaran
ng Kalusugan, ang mga sakit na nakukuha dito ay hypertension, heart attack,
stroke, cancer at lung disease at ang isang malubhang dulot pa nito ay ang
tinatawag na chronic obstruction pulmonary di­sease (COPD). Sinasabing 14
milyong Pinoy ang may hypertension, na isang habambuhay na sakit at ang
dahilan ay ang paninigarilyo. Umano’y naiuugnay rin ito sa mahigit na 25 na sakit
at ilan sa mga ito ay ang brongkitis, empisema, at iba’t-ibang kanser lalo na ang
kanser sa baga.
Masama na ngang ito ay isipin, ang mas masama pa ay kung ginagawa ito
sa mga pampublikong lugar, sapagkat hindi lamang ang taong naninigarilyo ang
naapektuhan nito. Habang ibinubuga ang usok ay nalalanghap ito ng ibang taong
nasa paligid at tinatawag itong “second hand smoking” kung kaya’t masasabing
hindi lamang ang buhay mo ang unti-unti mong sinisira, kundi pati rin ang buhay
ng iba. Ang secondhand smoke ayon sa mga eksperto ay nagpapataas ng
posibilidad ng heart attack, pagbaba ng bilang ng mabubuting cholesterol sa
katawan, nakakapinsalang ritmo ng pagpitik ng ating puso, at marami pang iba.
Ayon pa sa National Center for Chronic Disease Prevention and Health Promotion
ng USA, ang secondhand smoke ay naglalaman ng 7,000 na bilang ng kemikal na
kung saan daan-daan sa mga ito ay lubhang mapaminsala at 70 dito ay
nagdudulot ng cancer. At ang mga taong kahit hindi naninigarilyo ngunit
nakakalanghap nito ay nadaragdagan ng 25-30% ang panganib na makakuha sila
ng heart disease. Ayon pa sa kanila, ang exposyur ng secondhand smoke ay
nagdudulot ng higit sa 7,300 na bilang ng mga namamatay mula sa lung cancer na
hindi naninigarilyo. At taon-taon, higit sa 8,000 ang namamatay sa stroke na may
kinalaman sa secondhand smoke.
Noong mayor pa ng Davao si Pangulong Duterte ay ipinatupad nito ang
Smoking Ban na masasabing naging matagumpay at pinuri ito ng DOH. Ayon sa
kanila, ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong
bansa ay upang makaiwas sa pagkakasakit ang mamamayan. Ang second hand
smoke ay sinasabing mas ma­tindi ang epekto sa mga nakalalanghap nito.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang Tobacco Control Law sa ating bansa na
nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar o kahit malapit lang sa
mga ito.
Ayon sa mga mananaliksik, ang smoking bans ay maaring paliitin ang bilang
ng mga kaso ng heart attack ng 26% kada taon.
Malinaw na malinaw. Maliwanag pa sa sinag ng araw na talagang nararapat
ipagbawal hindi lamang ang paninigarilyo sa publiko kun’di kahit paninigarilyo na
mismo. Bakit natin hahayaang unti-unting nating kitilin ang sarili nating buhay at
pati buhay ng iba? Hindi dapat!

You might also like