You are on page 1of 48

TEKSTONG DESKRIPTIBO

Makulay na Paglalarawan

 Layuning
maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon at iba pa.
 Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng
matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa
isip at damdamin ng mga mambabasa.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo

1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na


nililikha sa mga mambabasa.
2. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo o suhetibo.
1. OBHETIBO – direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian
2. SUHETIBO – maaaring kapalooban ng matalinhagang paglalarawan at naglalaman ng
personal na persepsyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging ispesipiko at maglaman ng
konkretong detalye.
Tukuyin kung obhetibo o suhetibo ang mga
sumusunod na paglalarawan.
1. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Briana.
2. Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag magkasama kami ay
lumalakas din ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa akin sa mga panahong
maraming suliranin ang pamilya.
3. Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso.
4. Ayon kay dating Pangulong FidelV. Ramos, tila isang hindi maaasahang presidente si
Pangulong Benigno Aquino III kapag nagsalita. Dagdag niya pa, maaaring makasama sa
imahen ng Pilipinas ang mga pahayag ng kasalukuyang pangulo tungkol sa insidente sa
Mamasapano, Maguindanao.
5. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force
(SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding pagsasanay.
6. Magaling magturo ang guro naming sa Araling Panlipunan. Malakas ang boses niya at
mahusay magpaliwanag ng aralin.
7. Naging paborito ko ang asignaturang Kasaysayan dahil sa husay ng aming propesor
sa pagtuturo. Sa halip na ipakabisado niya sa amin ang mga petsa, lugar at pangalan ng
mga bayani sa Kasaysayan ng Pilipinas, mas binigyang-diin niya ang mahahalagang
karanasan at aral mula rito.
8. Paborito kong pasyalan ang Baguio. Bukod sa malamig ang klima ay binibigyan ako
nito ng katahimikan ng loob at panahon para malalim na pag-isipan ang mga nangyayari
sa aking buhay.
9. Ang Mamasapano ay isang 5th class community. Ibig sabihin, atrasado ang lugar,
mabagal ang pag-unlad at naghihirap ang mga tao.
10. Dahil sa gyera, lalong nagging mahirap ang buhay para sa mga mamamayan ng
Mamasapano. Nagdulot ito ng pagtigil ng mga bata sa pagpasok sa paaralan at
pagkawala ng kabuhayan ng mga tao.
Takdang Gawain

Sumipi ng isang kasabihan o tanyag na pahayag na


maglalarawan sa isang mahalagang karanasan na naaalala
mo, nararanasan sa kasalukuyan o maglalarawan sa
pagtingin mo sa buhay. Isulat ang siniping pahayag sa isang
buong bond paper. Magkakaroon ng pagbabahagi sa sunod
na pagkikita.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB:
PAANO KITA MAHIHIKAYAT
UMISIP NG ISANG PATALASTAS SA TELEBISYON NG
KAHIT ANONG PRODUKTO NA SA TINGIN NINYO AY
GUMAMIT NG MAHUSAY NA PANGHIHIKAYAT. IPAKITA SA
KLASE AT IPALIWANAG KUNG BAKIT SA TINGIN NINYO AY
EPEKTIBO ANG PANGHIHIKAYAT NA GINAMIT.
 NAGKAROON KA NA BA NG KARANASAN KUNG
SAAN HINIKAYAT MO ANG IYONG MGA KAIBIGAN
KUNG SAANG RESTAWRAN MAS MABUTING
KUMAIN?
 NARANASAN MO NA RIN BANG KUMBINSIHIN
ANG MGA MAGULANG MO NA PAYAGAN KANG
SUMAMA SA ISANG BYAHE KASAMA ANG MGA
KABARKADA?
TEKSTONG PERSWEYSIB

 Isang uri ng depiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga


mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
 Ang manunulat ay nagpapahayag ng impormasyon at katotohanan
upang suportahan ang isang opinion gamit ang argumentatibong
estilo ng pagsulat.
 Hindi dapat magpahayag ng personal at walang batayang opinion
ang manunulat
 Dalawang panig ng argumento
Ang tekstong persweysib ay naglalaman
ng sumusunod:

1. MALALIM NA PANANALIKSIK
2. KAALAMAN SA MGA POSIBLENG PANINIWALA
NG MGA MAMBABASA
3. MALALIM NA PAGKAUNAWA SA DALAWANG
PANIG NG ISYU
HANDA KA NA BANG BUMOTO KAY CASIÑO?
NI DANILO A. ARAO

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang dahilan ni Danilo Arao kung bakit niya iboboto si Teddy Casiňo? Isa-isahin ito.
2. Ano ang konteksto kung bakit sa tingin ng manunulat ay Malaki ang hamon sa pangangampanya ni Teddy
Casiňo?
3. Sa tingin mo ba ay gumamit ng mga tamang paraan ng panghihikayat ang manunulat upang kumbinsihin
ang mga mambabasa?
4. Kung ikaw ang tatanungin, iboboto mo ba sa pagka-Senador si Teddy Casiňo batay sa nabasang artikulo?
Pangatwiranan.
5. Itala ang kalakasan at kahinaan ng tekstong persuweysib na binasa batay sa naunawaan sa aralin.
TEKSTONG NARATIBO:
MAHUSAY NA PAGKUKUWENTO
APAT NA URI NG DISKURSO:

A. PAGLALARAWAN O DESKRIPSYON
B. PAGSASALAYSAY O NARASYON
C. PAGLALAHAD O PAGBIBIGAY IMPORMASYON
D. PANGANGATUWIRAN O ARGUMENTASYON
 Sumulatng pangalan ng isang bagay, tao, lugar o
hayop, pantangi man o karaniwan, sa isang maliit
na papel. Pagkatapos isulat, tupiin ang papel at
ibulsa.
 Bumuo ng grupo na may pitong miyembro.
 Ilalabas
ng bawat miyembro ang papel na
pinagsulatan ng anomang pangalan. Buksan ang
mga nakatuping papel, pagsama-samahin at ilista
ang mga salita.
 Mag iisip ang grupo ng isang maikling kwento na
binubuo lamang ng sampung pangungusap. Dapat
ay kasama sa pagkukuwento ang pitong salita na
ibinigay ng bwat miyembro.
 Bawat grupo ay magbabahagi ng kanilang kuwento.
Sa pagbabahagi, huwag kalimutang tukuyin ang
pitong salita na napasama sa salaysay na ginawa.
TEKSTONG NARATIBO

 Magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo


man o hindi.
 Maaring personal na karanasan ng nagkkuwento, batay sa tunay na
pangyayari o kathang-isip lamang.
 Ang paksa ng salaysay ay maaaring batay sa tunay na daigdig o
pantasya lamang
 Nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon
(nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya,
balita, malikhaing sanaysay)
IBA’T IBANG ELEMENTO NG
TEKSTONG NARATIBO

 Paksa
 Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan.
 Dapat maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang
implikasyon at kahalagahan nito.
 Estruktura
Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang
estruktura ng kuwento.
 Oryentasyon
kaligiranng mga tauhan, lunan o setting at
oras o panahon kung kalian nangyari ang
kuwento.
Nasasagot ang batayang tanong na sino,
saan at kalian.
 Pamamaraan ng Narasyon

a. DIYALOGO - pag-uusap ng tauhan


b. FORESHADOWING – nagbibigay ng pahiwatig o hints hinggil sa
kahihinatnan ng kwento
c. PLOT TWIST – tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang
kalalabasan ng kuwento
d. ELLIPSIS – omisyon/pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento. Ito ay mula sa
Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway
e. COMIC BOOK DEATH – pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit
kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kwento
f. REVERSE CHRONOLOGY – nagsimula sa dulo ang salaysay patungong simula

g. IN MEDIA RES – nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang


ipinapakilala ang karakter, setting at tension sa pamamagitan ng flashback.
h. DEUS EX MACHINA (GOD FROM THE MACHINE) – isang plot device kung saan
nabibigyang resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong
interbensyon ng isang absolutong kamay. Nagbabago rin ang kahihinatnan ng kwento
at nareresolba ang matinding suliranin na tila wang solusyon sa pamamagitan ng
biglaang pagpasok ng isang tao, bagay at pangyayari na hindi nman naipakilala sa
bahagi ng kuwento.
 Komplikasyon o Tunggalian
Nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa
posisyon at disposisyon ng mga tauhan.
Nagtatakda ng magiging resolusyon ng kuwento.
 Resolusyon
Kahahantungan ng komplikasyon o
tunggalian.
Maaring masaya o hindi batay sa magiging
kapalaran ng pangunahing tauhan.
Pagsulat ng Creative Non-Fiction (CNF)
• Literary non-fiction
• Narrative non-fiction
• Bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng estilo at
teknik pampanitikan.
• Makatotohanan – naglalahad ng tunay na karanasan, naglalarawan
ng realidad ng natural na mundo, hindi bunga ng imahinasyon.
• Maglahad ng impormasyon sa malikhaing paraan
• Biography, food writing/blogging, literary journalism (feature writing),
memoir, personal essay, travel writing.
APAT NA KATANGIAN NG CNF , ayon kay Barbara
Lounsberry sa “The Art of Fact”

 Maaaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat


 Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad
ng narasyon
 Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekstuwalisasyon
 Mahusay ang panulat o literary prose style, na nangangahulugang
mahalaga ang pagiging malikhain ng manunulat at husay ng gamit
sa wika.
SA PAGITAN
Crizel Sicat-De Laza

Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng CNF?
2. Ilarawan ang nagsasalaysay sa CNF.
3. Batay sa mga katangian ng CNF, maituturing bang isang mahusay na
pagsasalaysay ang binasang akda? Pangatuwiranan.
4. Kung aayusin ang binasang CNF, ano sa tingin mo ang dapat baguhin?
Ipaliwanag.
Kolumn A Kolumn B
____1. Creative Non-Ficiton a. Kinahahntungan ng tunggalian o komplikasyon

____2. Diyalogo b. Naglalarawan sa tauhan at setting


____3. Deus ex machine c. Kabuuang kaayusan ng pagsasalaysay
____4. Foreshadowing d. Malikhaing pagsasalaysay batay s atunay na pangyayari

____5. Flashback e. Di-makatotohanan


____6. Ellipsis f. Makatotohanan
____7. In media res g. Layuning magsalaysay, manlibang at magsalaysay ng realidad
ng liupunan.
____8. Resolusyon h. Mula sa dulo ang pagsasalaysay
____9. Oryentasyon i. Paraan ng narasyon kung saan pinapatay muna ang
pangunahing tauhan ngunit lilitaw rin sa huli.
____10. Comic book death j. Pag uusap ng tauhan bilang paraan ng narasyon

____11. Reverse chronology k. God from the machine


____12. Tekstong naratibo l. Pagbalik-tanaw ng tauhan sa mga nakaraang pangyayari

____13. Piksiyon m. Pagbibigay ng pahiwatig o hint


____14. Di-Piksiyon n. Batay sa Iceberg theory ni Hemingway
____15. Estruktura o. Nagsisimula sa gitna ang narasyon
“ Ano ang repleksiyon mo sa paglalathala
at pagsasapubliko ng sariling akda na


batay sa sariling karanasan sa
pamamagitan ng isang Facebook note?
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO:
IPAGLABAN ANG KATUWIRAN
ALALAHANIN ANG ISANG PAGKAKATAON KUNG KAILAN
KINAILANGAN MONG MAGBIGAY NG SARILING
ARGUMENTO TUNGKOL SA ISANG USAPIN. IBIGAY ANG
NAGING PAKSA AT KUNG ANO ANG NAGING POSISYON AT
ARGUMENTO MO HINGGIL DITO.
“ Huwag matakot na magsalita at manindigan
para sa katapatan at katotohanan laban sa
kawalan ng hustisya, kasinungalingan, at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong


daigdig ay gagawa nito, mababago ang
mundo.
WILLIAM FAULKNER

Magbigay ng repleksiyon tungkol sa halaga ng paninindigan sa gitna ng kawalan ng


katarungan. Sumasang-ayon ka ba sa sinabi niya?
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

 Uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang


posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya
mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literature at pag
aaral, ebidensyang kasaysayan at resulta ng empirical na
pananaliksik.
 Ang empirical na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng
datos sa pamamagitan ng pakikipanayam, sarbeyu at
eksperimentasyon.
Mga Elemento ng Pangangatuwiran

 PROPOSISYON – Pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.


- Bagay na pinagkaksunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.

HALIMBAWA:
 Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karanasan laban sa kababaihan.
(polisiya)
 Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang
bansa. (paniniwala)
 Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa bilingual
education. (paghahambing)
 ARGUMENTO – paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang
isang panig.
- Kinakailangan ng malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri upang
makapagbigay ng mahusay na argumento
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong
Argumentatibo

1. MAHALAGA AT NAPAPANAHONG PAKSA


2. MAIKLI NGUNIT MALAMAN AT MALINAW NA PAGTUKOY SA
TESIS SA UNANG TALATA NG TEKSTO
3. MALINAW AT LOHIKAL NA TRANSISYON SA PAGITAN NG
MGA BAHAGI NG TEKSTO
4. MAAYOS NA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG TALATANG
NAGLALAMAN NG MGA EBIDENSYA NG ARGUMENTO.
5. MATIBAY NA EBIDENSYA PARA SA ARGUMENTO
MAGLAHAD NG PAGKAKATAON O SITWASYON NA NANGAILANGAN NG IYONG
PANGANGATUWIRAN. TIYAKING MALINAW ANG PROPOSISYON AT ANG IYONG
MGA ARGUMENTO.

A. SA PAMILYA

B. SA BARKADA

C. SA PAARALAN

D. SA KOMUNIDAD
TEKSTONG
PROSIDYURAL:
ALAMIN ANG MGA HAKBANG
 PAGHAHANDA BAGO PUMASOK SA KLASE
 PABORITONG ULAM O PAGKAIN
TEKSTONG PROSIDYURAL

• Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng


impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang
isang tiyak na bagay.
• Layuning makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at
impormasyon sa mga tao
NILALAMAN:

1. LAYUNINO TARGET NA AWTPUT


2. KAGAMITAN
3. METODO
4. EBALWASYON
 MAHALAGA ANG PAGGAMIT NG HEADING, SUBHEADING,
NUMERO, DAYAGRAM AT MGA LARAWAN.
 MAHALAGANG MAGING TIYAK ANG PAGGAMIT NG WIKA SA MGA
TEKSTONG PROSIDYURAL AT KUNG PAANONG GAGAMITIN ITO
SA KABUUANG ESTRUKTURA UPANG MAKAMIT ANG MGA
LAYUNIN.
 MAHALAGANG ALAMIN AT UNAWAIN KUNG SINO ANG MAKIKINIG
O MAGBABASA NG TEKSTO
TIYAK NA KATANGIAN NG WIKANG
MADALAS GAMITIN SA TEKSTONG
PROSIDYURAL:
• NASUSULAT SA KASALUKUYANG PANAHON
• NAKAPOKUS SA PANGKALAHATANG MAMBABASA
• TINUTUKOY ANG MAMBABASA SA PANGKALAHATANG PAMAMARAAN SA
PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG PANGHALIP
• GUMAGAMIT NG TIYAK NA PANDIWA SA INSTRUKSYON
• GUMAGAMIT NG MALINAW NA PANG UGNAY UPANG IPAKITA ANG
PAGKAKASUNOD-SUNOD
• MAHALAGA ANG DETALYADO AT TIYAK NA DESKRIPSIYON (HUGIS, LAKI,
KULAY, AT DAMI)
ISULAT ANG T KUNG WASTO ANG KAISIPAN SA
SUMUSUNOD NA PAHAYAG AT M KUNG HINDI.

____1. Mahalaga ang mahusay na pagbibigay ng deskripsiyon at narasyon sa


paggawa ng tekstong prosidyural.
____2. Ang protocol ay naglalaman ng mga gabay kung paanong isasagawa ang
isang bagay at kailangang may pagkakasunod-sunod.
____3. Ang gamit ng wika ay nakabatay sa kung anong larangan kabilang ang
teksto. Kung sa siyensya at medisina, hindi maiiwasan ang paggamit ng mabigat na
wika.
____4. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon
ng mga teksytong prosidyural.
____5. Mahalaga ang mahusay na pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi

You might also like