You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Sangay ng Maragondon

Pagtingin ni Isko sa Federalismo

Ipinasa Nina:
Abayon, Marimar
Alcantara, Raven Shaina L.
Brezuela, Mark Anthony N.
Dio, Aira Patricia G.
Loyola, Leela Rannia

Ipinasa Kay:
Prof. Don Emmanuel Nolasco
Oktubre 2016

Introduksyon
Sa pagpasok ng bagong administrasyon muling isinusulong ang pagbabago ng
nakasanayang pamalahaan. Napapanahon na pag-usapan ang isyung ito. Sa
pagkakaluklok ng bagong presidente na kilala bilang tagapagtaguyod ng federalismo sa
bansa, muling nabuksan ang mga tanong ukol dito. Marami ang kulang sa kaalaman
tungkol sa usapin na ito. Marami ring maling interpretasyon ang umusbong mula rito.
Maraming eksperto na gusto ang panukalang ito sapagkat magkakaroon ng mas
malakas na boses ang mga lokal na pamahalaan. Sa kabila ng mga nagsusulong nito,
may ilan din namang hindi pabor sa pagbabagong ito. Ang kanilang dahilan ay ang
malaking pera na kakailanganin para makamit ang pagbabago na ito. Iniisip rin nila na
mas iigting ang Political Dynasty sa mga estadong mabubuo.
Upang lubusang maintindihan ang isyung ito. Ano nga ba talaga ang
federalismo? Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan magkakaroon ng sentrong
pamahalaan na ang tanging tungkulin ay panatilihin ang mga ugnayang panlabas at
kapayapaan ng buong bansa. Magkakaroon din ng paghahati ng bansa resulta ng
pagkakabuo ng mga estado. Dito ay magkakaroon sila ng lubusang kontrol para sa
kanilang pondo at mga proyekto. Hindi na nila kailangang humingi ng abiso sa sentrong
pamahalaan para sa pagdedesisyon. Sila na ang may hawak sa usaping
pangkalusugan, edukasyon, transportasyon pati na rin sa kanilang mga industriya at
kultura. Sa ganitong sistema ang mga estado ay magkakaroon ng mga batas na
ipapatupad sa kanilang lugar na kaiba sa iba pang estado ngunit magkakaroon pa rin
naman ng batas na pang buong bansa ang nasasaklawan. Ito ay iba sa pamahalaang
mayroon tayo ngayon. Ang federalismo ay ang maaaring sagot upang ikalat ang pagunlad sa bansa at tuluyan ng mabuwag ang tinatawag nilang Imperial Manila. Sa
panahon ngayon, sistemang unitary ang pinaiiral. Halos lahat ng mga ahensya ay nasa
Maynila, ito ang isa sa gustong alisin ng federalismo. Kaya sinasabi ng ilan ng bias ang
pamahalaan natin sa ngayon. Sila ang magdedesisyon na hindi nila alam kung ano ba
talaga ang kalagayan ng mga lokal na pamahalaan. Isa sa mga layunin ng federalismo
ay ilapit ang pamahalaan sa mga nasasakupan nito.
Marami na ang nagsulong sa pagpapalit ng ating pamahalaan. Ilan dito ay si
dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at ang dating Senate President Aquilino
Pimentel, Jr. Ngayon na isinusulong ito ng ating pangulo aabangan ng lahat kung ito ba

ay matutuloy. Ngunit hindi ito magiging madali. Malaking halaga ang kailangan para
maipatupad ito. Dadaan sa napakaraming diskusyon ang panukalang ito at maaari pang
umabot ng taon. Matagal na proseso ang pagdadaanan bago ito maisakatuparan. Kahit
na ano pa man ang maging resulta nito ay mas magiging maganda kung ito ay
makakabuti sa buong bansa at hindi lamang sa interes ng iilan.
Magandang pag-usapan ang federalismo sa panahon ngayon. Alam ng lahat na
mismo ang bagong president ngayon ay ito ang pangarap sa ating bansa. Nais niyang
limitahan ang agwat ng mayayaman at ng mahihirap na lugar. Kaisa niya ang mga
mambabatas na gustong bawasan ang labis na oportunidad sa Metro Manila at
mabigyan ng pagkakataon ang ilang lugar na makipagsabayan rito. Importante na
mabigyan ng pansin ang pag-aaral ng federalismo sa panahon ngayon upang malaman
kung ano ba talaga ito at ano ang maaaring maibigay na magandang epekto nito sa
ating bansa. Isa sa nagtutulak sa mga nagsusulong ng federalismo ay ang labis na
pansin na ibinibigay ng pamahalaan sa Manila at nawawalan ng boses ang ibang lugar.
Sa federalismo naniniwala sila na mababago na ang ganung sistema. Marami pang
magagandang epekto ang maibibigay ng federalismo ngunit hindi mawawala ang
negatibong aspeto nito kaya may mga taong ayaw rito.
Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging sagot kung dapat ba talagang baguhin
ang ating pamahalaan na mayroon tayo ngayon. Sa pamamagitan nito malalaman kung
pumapabor ba ang mga iskolar ng bayan sa pagbabagong ito. At ang maaaring dahilan
kung bakit hindi nila ito gusto. Ito rin ay maaaring gamitin bilang basehan kung ano ba
ang opinyon ng mga kabataan ukol sa isyung ito. Mahalaga na alamin ang mga saloobin
ng nasasakupan bago tuluyang ipatupad ang nasabing pagbabago. Dito malalaman
kung ilang porsyento na ang pumapabor sa federalismo. Sa pamamagitan rin nito
magiging malinaw ang konsepto ng federalismo sa mga magbabasa nito. Upang
mabigyan sila ng sapat na kaalaman upang maintindihan kung bakit ba ito ay patuloy pa
ring isinusulong ng mga mambabatas. Maaari ring mabago ng pag-aaral na ito ang
pagtingin ng ilan na hindi pabor sa pagbabago ng pamahalaan.
Sa kontekstong ito mangangalap ang mga tagapagsaliksik sa pamamagitan ng
survey. Lahat ng kurso ay magkakaroon ng sapat na bilang na estudyante na siyang
pagkukuhanan ng impormasyon. Ang pangangalap ng mga impormasyon ay
magaganap sa loob ng Politeknikong Unibesidad ng Pilipinas sangay ng Maragondon.

Pagtingin ng bawat iskolar ng bayan ang sentro ng pagsasaliksik na ito. Ang kanilang
mga sagot ang magiging pangunahing sangkap upang maging matagumpay ang pagaaral na ito. Ang pangunahing hangarin nito ay malaman ang saloobin at pananaw ng
mga kabataan lalo na ng mga iskolar ng bayan. Marahil ay naniniwala sila na magiging
malaki ang epekto ng pagbabago sa kanila dahil pamahalaan ang nagbibigay ng
pagkakataon sa kanila upang makapag-aral. Malaki ang magiging papel ng pag-aaral na
ito upang mabigyang linaw ang isyu sa federalismo.

Diskusyon
Para sa mas malalim na pag-unawa sa kung ano nga ba talaga ang federalismo
at kung ano pa ang mga bagay na konektado rito mas palalalimin pa ang paglalatag ng
mga impormasyon sa seksyong ito. Marahil hanggang sa ngayon ay kaunti pa rin ang
kaalaman ng mga tao ukol sa federalismo. Mga maling konseptong pinaniniwalaan.
Kanya- kanyang komentong walang pinagbasehan. Mas mabuting unawain muna ang
mga bagay-bagay bago ito ipatupad at alamin muna kung ano nga ba ang maidudulot
nito sa bansa. Masama man o mabuti dapat itong maipaalam sa lahat.
Ano nga ba ang federalismo? Ito ay nagsimula sa mga Amerikano at kumalat sa
ibat-ibang panig ng mundo. Maging sa ating bansa ito ay iminungkahing ipatupad sa
panahon ni Heneral Emilio Aguinaldo at ng kanyang tagapayong si Apolinario Mabini,
iminungkahing hatiin ang bansa sa tatlong estado ngunit ito ay nabigo na ipatupad.
Federalismo ito ay isang uri ng makinarya ng pamahalaan kung saan magkakaroon
ng sentrong pamahalaan na ang saklaw ng kanyang kapangyarihan ay sa ugnayang
panlabas, pagpapanatili ng kaayusan at kaunlaran ng ekonomiya ng bansa. Mabubuo
rin ang mga estado sa bansa kung saan magkakaroon sila ng mas malaking kontrol sa
kanilang pondo at may kakayahan na silang magdesisyon kahit na walang abiso ng
sentrong pamahalaan. Sila ang bahala sa kanilang paraan kung paano nila
mapapaunlad ang kanilang mga estado. Ang mga estado ang may kontrol sa mga
usapin tungkol sa edukasyon, kalusugan, pabahay at transportasyon ng kanilang lugar.
Sa makinaryang ito sinasabing maikakalat ang kapangyarihan at kaunlaran sa bansa.
Kaya marami na rin ang nagtangkang ipatupad ito ngunit marami ring humahadlang sa
paniniwalang mas paiigtingin lamang nito ang Political Dynasty sa bansa. Halimbawa
ng mga bansang nagsasagawa ng federalismo ay ang Australia, Brazil, Estados Unidos,
Russia at U.A.E.
Ano ang magiging resulta ng federalismo? Sa pagkakaroon nito maraming
naniniwala na mas dadali ang pagpapatakbo ng mga pinuno sapagkat maliit na ang
kanilang nasasakupan at mas mapagtutuunan ng pansin ang mga problema tinatawag
itong micro-management. Mabibigyan daan rin nito ang pagkakaroon ng mga
polisiyang angkop lamang sa kanilang lugar dahil alam naman natin na ibat-iba ang
kultura at paniniwala ng mga tao sa bansa. Ito rin ang pagkakataon ng mga estado na
mas paunlarin ang kanilang mga pinagkukunang yaman para sa kanilang kaunlaran at

mas malaking pondo. Sa ganitong paraan mababawasan ang mga hindi pagkakapantaypantay ng mga estado. Sa kasulukayan, Metro Manila ang nakatatanggap ng
pinakamalaking pondo samantalang maliit na porsyento lamang ng populasyon ng
bansa ang naroroon. Kung magiging federalismo ang ating pamahalaan mabubuwag
ang sinasabing Imperial Manila at maikakalat ang pondo at pag-unlad sa buong bansa.
Sa kabila ng mga magagandang maidudulot ng federalismo mayroon rin itong
maaaring hindi magandang epekto. Isa sa kinatatakutan ng ilan ay ang paglala ng
Political Dynasty, tama nga naman na magkakaroon ng mas malaking kontrol ang mga
pamilyang nasa pwesto na. Maaari itong magresulta sa pagiging korap ng ilan.
Magkakaroon rin ng kalituhan sa mga polisiya na ipatutupad sa ibat-ibang lugar.
Maguguluhan ang mga tao kung anong batas ang susundin at nakasasaklaw sa kanila.
Magdudulot rin ito ng regionalism o ang maigting na kompetensya ng mga estado sa
pagpapataasan ng kanilang lebel sa pag-unlad na maaaring magresulta sa kaguluhan at
hindi pagkakaunawaan. Sinasabi ring magreresulta ito ng hindi pagkakapantay-pantay
ng yaman ng estado dahil hindi naman pantay ang pag-unlad na mangyayari dahil ito ay
base na rin sa mga pinagkukunan ng pondo. Isa rin sa nakikitang hindi magandang
maidudulot nito ay ang malaking halaga na kailangan para maipatupad ang pagpapalit
ng pamahalaan. Tinatayang aabot sa ilang taon bago ito tuluyang mapatupad matagal
na panahon ang gugugulin at maaaring hindi mapangatawanan ang pagbabagong ito at
mauwi sa pagkabigo ang plano ayon sa kritikong si Attorney Maceda.
Marami na ang nagtangkang ipanukala ang pagpapatupad ng federalismo.
Nariyan na ang panukala ni dating Senate President Aquilino Pimentel Jr. Ayon sa
kanyang resolusyon, hahatiin ang bansa sa labing-isang estado. Magkakaroon ng 81
senador sa bansa. Anim kada estado at siyam para sa overseas. Ang Luzon ay hahatiin
sa apat at doon matatagpuan ang Federal Administrative Region ng Metro Manila. Ang
Visayas naman ay sa apat at ang Mindanao ay hahatiin sa tatlo na magreresulta sa
pitong estado. Ikakalat rin ang mga pangunahing ahensya ng bansa. Ang ehekutibo ay
mananatili sa Luzon, lehislatibo ay sa Gitnang Visayas at ang hukom ay sa Mindanao.
Ito ang magiging sagot upang mabuwag ang Imperial Manila at magkakaroon na ng
papel ang ibang lugar sa bansa at hindi maging palamuti lamang. Sinasabi ring
maibibigay ng resolusyong ito ang hinihinging kasarinlan ng mga Moro at mabawasan
ang kaguluhan sa katimugan. Ang pagpapatupad umano ng federalismo ang
magbibigay daan upang maging pantay ang pamamahagi ng pondo sa bansa.
6

Magkakaroon ng mas malaking pondo ang mga lokal na pamahalaan sapagkat 80% ng
mga buwis na makokolekta ay mananatili sa estado ito ay maaaring gamitin upang mas
mapaunlad ang kanilang lugar.
Kilala ang pangulo sa paglaban sa korapsyon, krimen at droga ngunit hindi lingid
sa kaalaman ng nakararami siya rin ay isa sa mga nagsusulong ng federalismo sa
bansa. Noong kanyang kampanya pa lamang ay bukang bibig niya ito. Binibigyang diin
niya kung ano ang maaaring maidulot ng federalismo sa bansa. Kasama ang kanyang
running mate na si Senador Peter Cayetano kanilang ipinarinig sa mga mamamayan
ang kanilang plata porma kasama ang pagpapalit ng makinarya ng pamahalaan. Sa
kanilang pagsuyo sa mga tao sabay rin nilang minumulat ang mga mata nito sa mga
katiwalian na nagaganap sa bansa. Hindi na katakataka na nagwagi ang kasalukuyang
Pangulong Duterte sa kanyang pagtakbo. Sa kanyang administrasyon ay balak na
ipagpatuloy ang kanyang plano sa pagpapalit ng makinarya ng pamahalaan. Sa
paniniwalang makakamit natin ang tunay na pagbabago kung ang sistema na
nakasanayan ay aalisin at papalitan ng mas epektibong paraan. Sa kanyang tingin,
federalismo ang sasagot sa tanong na Kailan maaayos ang ating pamahalaan?. Alam
naman nating lahat na ayaw ng pangulo sa mga korap ngunit ang federalismo ay
magbibigay ng daan upang ito ay mas umigting pa. Sinagot niya sa isang panayam na
ang korapsyon ay kasalukuyang nagaganap sa pamahalaan kaya ibigay natin ang
kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan. Sinabi niya ring kailangang ibahin ang
federalismong gagamitin sa ating bansa dahil na rin sa mga problemang dala nito
katulad ng Political Dynasty. Naniniwala rin ang pangulo na ito ay magbibigay daan
upang mas mapaunlad ng ibang lugar ang kanilang pamumuhay dahil sa malaking
pondong mapupunta sa kanila. Matagal nagsilbi sa lokal ng pamahalaan si Pangulong
Duterte kaya alam niya kung gaano kahirap ang may maliit na pondo kaya nais niyang
ipatupad ang paglalaan ng malaking pondo sa pamamagitan ng federalismo. Isa rin sa
kanyang pinanghahawakan na magandang maidudulot nito ay ang pagbibigay ng nais
ng mga Moro na magkaroon sila ng hiwalay na pamahalaan sa Pilipinas. Ito lamang ay
mangyayari kung maipatutupad ang federalismo. Hindi na kakailanganin ang
Bangsamoro Basic Law (BBL) na matagal na ring hindi maipatupad. Sa pagbibigay ng
kalayaan sa mga Moro naniniwala si Pangulong Duterte na mababawasan ang
kaguluhan sa Mindanao maging sa buong bansa. Sa mga magagandang sinasabi ng
pangulo tungkol sa federalismo ay malaki ang tiyansa na ito ay kanyang ipatupad sa

loob ng kanyang administrasyon. Marami pa ang pagdadaanan ng konseptong ito at


aabangan ng lahat kung tama nga ba ang desisyon na palitan ang uri ng pamahalaan na
mayroon tayo ngayon upang matamo ang tunay na pagbabagong sinasabi niya.
Maaaring tama siya o mali, ngunit ang mahalaga sa karamihan ay mabawasan ang
katiwalian sa ating bansa.

Katanungan

Oo

Hindi

Sapat ba ang iyong


kaalaman sa konsepto ng
Federalismo?

42.22%

57.78%

Malaki ba ang magiging


pagbabago sa bansa kung
ito ay ipapatupad?

91.11%

8.89%

Pabor ba kayo sa transisyon


ng ating gobyero sa
federalismo?

62.22%

37.78%

Sa loob ng dalawang araw nakakuha ng sapat na impormasyon ang mga


tagapagsaliksik ukol sa kung ano ang perspektibo o pagtingin ng mga iskolar ng bayan
tungkol sa federalismo. Sa isang kurso kumuha ng sampung estudyante na sasagot ng
mga katanungan kung saan pantay ang bilang ng babae at lalaki. Sa kabuuan
siyamnapu ang mga estudyanteng nakapagsagot sa mga katanungan at ito ay sapat na
para makagawa ng konklusyon. Sa unang katanungan kung sapat ba ang kanilang
kaalaman ukol sa federalismo ay 57.78% ang sumagot na hindi sapat ang kanilang
nalalaman karamihan sa mga ito ay lalaki. 42.22% naman ang nagsabing sapat ang
kanilang kaalaman tungkol sa federalismo. Sa pangalawang katanungan kung anu-ano
na nga ba ang nalalaman nila sa federalismo, karamihan ng kanilang sagot ay ang
pagkakaroon ng pinuno sa bawat estadong mabubuo. Sunod rito ay ang pagkakahatihati ng bansa na magreresulta sa pagkakabuo ng mg estado. May ilan ring sumagot na
magbabago ang konstitusyon sa oras na maganap ang federalismo. Para sa ikatlong
katanungan kung malaki ba ang magiging pagbabago sa bansa kung ang federalismo
ay mapapatupad 91.11% ang nagsabi na malaki ang pagbabagong maganap kung ito
ay maipapatupad karamihan sa sumagot nito ay kababaihan. 8.89% ang nagsabi na
hindi mababago ang Pilipinas kung ito ay mangyayari, mananatili at madadagdagan pa
8

ang katiwalian sa bansa. Tinanong rin ang mga iskolar ng bayan kung ano ba ang
maaaring maging epekto ng federalismo sa Pilipinas. Karamihan ng kanilang sagot ay
ang posibilidad na pag-unlad ng bawat estado sa bansa kung magiging federalismo ang
ating pamahalaan. Sumunod ay ang paglaki ng pondo ng mga estado para sa kanilang
sariling pag-unlad. Para sa huling katanungan at ang pinakamahalagang dapat
malaman kung ano ang pagtingin ng mga iskolar ng bayan ukol sa federalismo kung sila
ba ay papabor sa pagbabago ng pamahalaan. 62.22% ang sumagot ng Oo, pabor sila
sa pagbabagong ito. Pantay ang bilang ng mga kalalakihan at kababaihan na pabor sa
federalismo. Samantalang 37.78%, ang Hindi pabor sa federalismo pantay rin ang
bilang ng babae at lalaking sumagot ng hindi. May ilang estudyante ang nagtanong kung
ano ba ang magiging silbi ng presidente ng bansa kung magkakaroon din ng mga lider
ang bawat estado. Ito ang isa sa mga dahilan kaya hindi sila pabor sa federalismo.
May ilan ring nangangamba sa paglala ng korapsyon kung gagawing federalismo
ang ating pamahalaan at ang posibleng tensyon na mabuo sa pagitan ng mga estado.
Iniisip nila na magkakaroon ng maigting na kompetisyon ang mga ito na magdudulot ng
mas malaking problema sa bansa. May ilan ring nagsabi na magkakaroon ng kalituhan
sa kung anong batas ang kanilang susundin sapagkat magkakaroon ng ibat-ibang batas
sa bawat estadong mabubuo. Marami ring natatakot sa paglala ng Political Dynasty sa
pagpapatupad ng federalismo. Sa kanilang opinyon magkakaroon lang ng mas malaking
kontrol ang mga pamilya sa bawat lugar at magreresulta sa mas malalang korapsyon.
Ayon naman sa ilan magreresulta lang ang federalismo sa pagkakawatak-watak ng
bansa at mas lalong mawawala ang pagkakaisa ng mga Pilipino.
Sa kabila ng mga negatibong puna ng mga iskolar ng bayan mas nanaig pa rin
ang pagpayag ng mga ito sa federalismo. Ilan sa kanilang dahilan ay pagkakaroon ng
pagkakataon ng mga estado upang paunlarin ang kanilang sarili dahil na rin sa malaking
pondo at kontrol sa kanilang nasasakupan. Isa pa ay ang pagkakaroon ng mas maliit na
pamumunuan at ito ay magreresulta sa pag-unlad ng mga estadong mabubuo.
Naniniwala sila na dahil sa pagkakaroon ng kontrol ng mga estado sa kanilang
nasasakupan ay mas magiging epektibo ang kanilang pamamahala. Dahil na rin sa
federalismo umaasa ang ilan na mas mailalapit ang pamahalaan sa kanilang mga
nasasakupan. Ayon sa kanila federalismo ang magbibigay daan sa mas maayos at
malinis na pamahalaan.

Konklusyon
Hindi masama ang pagbabago lalo na kung ito ay para sa kabutihan ng bansa.
Karamihan sa mga tinanong sa pag-aaral na ito ay pumabor sa pagpapatupad ng
federalismo. Marami ang naniniwala na ito ang magiging susi upang matamo ng
Pilipinas ang pagbabagong matagal na nating inaasam. Lahat naman ng Pilipino ay
nangangarap ng pamahalaang malinis at maaayos ang patakaran kaya hindi masama
para sa kanila na sumubok ng bagong makinarya. Marahil ay marami ang hindi pabor sa
pagbabagong ito ngunit mas lamang ang bilang ng mga taong pumapayag rito lalo na
kung mga kabataan ang tatanungin. Matagal na proseso ang pagdadaanan ng
pagbabagong ito ngunit siguradong aabangan ng lahat kung ano ang mangyayari.
Marami ang hindi pabor sa federalismo ngunit mas marami sa mga kabataan ang
pumapayag sa pagbabagong ito.
Sa pagsasaliksik na ginawa ng mga estudyante sa Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas sangay ng Maragondon inalam nila kung ano ba ang mga reaksyon ng kapwa
iskolar ng bayan ukol sa federalismo. Nalaman nila na karamihan sa mga ito ay walang
sapat na kaalaman ukol sa konseptong ito. Maaari itong magresulta sa mga maling
interpretasyon at kalituhan sa ibat-ibang impormasyon na kanilang nababasa. Iilan
lamang ang may kaalaman sa federalismo at sila ang ilan sa mga pumabor dito.
Karamihan ay babae ang may sapat na kaalaman ukol sa konseptong ito. Nalilimitahan
rin ang kanilang kaalaman tungkol sa federalismo. Pagkakaroon ng mga pinuno sa
bawat estado at pagkakahati-hati ng bansa na magreresulta sa pagkakabuo ng mga
estado lamang ang kanilang nalalaman sa federalismo. Iilan lamang ang may buong
kaalaman sa konseptong ito. Ngunit karamihan naman ng kanilang sagot ay pumapabor
sa pagbabago ng pamahalaan. Naniniwala ang mga kabataang ito na federalismo ang
magiging sagot sa pagbabago na kanilang hinahanap. Ayon sa kanila magiging maayos
ang bansa kung federalismo ang ating pamahalaan. Malaking porsyento sa mga
estudyanteng tinanong na malaki ang pagbabagong mangyayari sa Pilipinas sa oras na
palitan ang kasulukuyang pamahalaan. Ang pagbabagong ito ay magreresulta ng
maayos at mas malinis na pamahalaan. Sa kanilang paniniwala malaki ang maitutulong
ng transisyon ng pamahalaan sa buong bansa. Mas magkakaroon ng papel at boses
ang mga estado dahil na rin sa maliit na nasasakupan nito. Dahil na rin sa mas malaking
pondo na mapupunta sa mga estado magkakaroon sila ng mas malaking pagkakataon
na paunlarin ang kanilang mga nasasakupan. Malaking bahagdan rin ng mga
10

estudyante ang naniniwala na malaki ang mabuting maidudulot ng federalismo dahil rito
lagpas sa kalahati ng mga tinanong ang pumabor sa pagpapalit ng pamahalaan.
Bilang panapos sa pag-aaral na ito. Dahil na rin sa malaking porsyento ng mga
kabataan ang pabor sa federalismo ito ay labis na makakaapekto sa pagtingin ng ilan
pang mga Pilipino. Ayon nga sa kasabihan Kabataan ang pag-asa ng bayan, sa
pananaliksik na ito nalaman ang kanilang pagtingin at reaksyon sa usapin ng pagpapalit
ng pamahalaan na kanilang maaabutan sa hinaharap. Marami sa kanila na pabor rito
dahil sa kanilang paniniwala na ito ang magbibigay sa kanila ng mas magandang
kinabukasan. Ayon sa kanila gusto nila ng pagbabago na magdudulot sa kanila ng
kabutihan. Hindi lang sa iilan kundi sa karamihan. Naniniwala sila na federalismo ang
magbibigay sa kanila noon.

11

Rekomendasyon
Para

sa

rekomendasyon

sa

ating

pamahalaan,

makabubuti

kung

maipapaliwanag ang konsepto ng federalismo sa lahat. Maaari silang maglunsad ng


seminar sa mga barangay at unibersidad kung saan doon nila ipakikilala ang
federalismo at kung ano ang mga maaaring idulot nito sa ating bansa upang magkaroon
ang lahat ng kaalaman. Bawat mamamayan ay may karapatang malaman ang isyung ito
upang makapagsabi sila ng kanilang mga opinyon at suwestyon ukol dito. Mas
makakabuti kung mas rarami ang may mga kaalaman rito upang maging mas tama ang
magiging desisyon nila lalo na kung darating na ang panahon kung saan magkakaroon
ng botohan kung sila ba ay pabor o hindi sa federalismo. Magiging maganda rin kung
magiging malinaw sa bawat isa kung ano ba talaga ang federalismo at kung bakit ba
kailangan ng Pilipinas na palitan ang kasuluyan nating pamahalaan.
Para naman sa ating lahat, huwag maging sarado ang ating kaisipan na ang
pagbabago ito ay para sa interes ng mas nakatataas sa atin. Ito ay hindi imumungkahi
ng ating bagong pangulo kung ito ay makakasama sa bansa. Bilang Pilipino tayo ay
dapat maging maingat sa ating desisyon na gagawin. Mas magandang gumawa ng
desisyon kung tayo ay may sapat na kaalaman ukol dito upang hindi tayo maapektuhan
ng mga mapanlinlang na gusto ay mapalawak lang ang kanilang pansariling interes.
Ating alamin ang isyung ito upang maging tama ang ating pagpapasiya.

Huwag

maniwala sa mga sabi-sabi ng iba. Mas mabuti na tayo mismo sa ating sarili ang
magkaroon ng tama at sapat na kaalaman tungkol sa federalismo. Ating aralin ang
koseptong ito upang mas maging malawak ang nalalaman ukol dito upang makabahagi
ng tamang impormasyon sa iba. Kung may pagkakataon tayo na mismo ang
magsimulang magpakalat ng tamang impormasyon sa ating mga kakilala.
Ang pagpapalit ng pamahalaan ay maaaring maging susi sa tunay na pagbabago
na bawat isa sa atin ay gustong makamtan. Tama ang sinabi ng ating bagong pangulo
na sistema ang mali sa ating bansa. Marahil ito ang nagtulak sa kanya upang himukin
ang mga Pilipino upang baguhin ang pamahalaan na mayroon tayo sa ngayon. Marami
ang hindi pabor sa konseptong ito ngunit mas marami ang pumapabor rito ayon na rin
sa pananaliksik na ginawa. Oras na para baguhin ang nakasanayan at palitan ng mas
maaari nating ikaunlad. Nasa ating kamay ang desisyon kung gusto ba nating manatili
sa baluktot na nakaraan kaysa sa mas maayos na hinaharap.

12

Sanggunian
Nebres, A.(2007). Political Science Made Simple. Mandaluyong City: Echanis Press.
Press Release (April
Retrieved

23, 2008). Pimentel Files Resolution on federal system.


August

17,

2016,

from

http://www.senate.gov.ph/press_release/2008/0423_pimentel1.asp
Ranada, P. (March 3, 2016). Dutertes Pitch for Federalism: Centralized System Holds
Back

PH.

Retrieved

August

19,

2016,

from

http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/124423-duterte-federalism-centralsystem-holding-regions-back
Ranada, P. (March 7, 2016). Duterte: Federalism Allows Regions to Keep Most of their
Income.

Retrieved

August

19,

2016,

from

http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/124985-duterte-federalism-regionsincome
Lacorte, G.(October 10, 2014). Argument for Federalism: Manila Steals Funds. Retrieved
October 13, 2016, from http://newsinfo.inquirer.net/643859/argument-for-federalismmanila-steals-funds
Mellejor, L.C. (July 9, 2016). President Duterte Ready to BBL if Federalism not Possible.
Retrieved August 18, 2016, from http://www.mb.com.ph/president-duterte-ready-toconcede-to-bbl-if-federalism-not-possible/
Morales, J. (May 10, 2016). Duterte Plans to Push Federalism Vision, Reiterates Vow to
Crack

Down

on

Crime.

Retrieved

October

10,

2016,

from

http://www.interaksyon.com/article/127555/duterte-plans-to-push-federalism-vision
Maceda, E. (July 29, 2016). Federalism Pros and Cons. Retrieved October 13, 2016,
from

http://www.philstar.com/psn-opinyon/2016/07/29/1607893/federalism-pros-and-

cons

13

You might also like