You are on page 1of 2

Tianliz Dawn M. Manansala Ms.

Drexie Nival

IX-Courage(5)

“ FEDERALISMO”

Simula pa lamang noong pagkaupo ni pangulong Rodrigo Duterte ay mayroon na siyang


adhikain na baguhin ang sistema n gating pamahalaan.Ito ay ang tinatawag na
Federalismo.Ayon sa survey lumalabas na 67 % ng mga Pilipino ang hindi sumasang ayon
dito.Sa mga pabor naman ay 28 % at 10 % naman ang wala pang gaanong alam ukol dito.Ano
nga ba ito?Maganda ba ang maidudulot nito o hindi?Kakailanganin ban g ating pamahalaan ang
sistemang ito para umunlad?Malalaman ito sa susunod na talata.

Sa panahon ngayon napakadaming suliraning kinakaharap ng bawat lipunan sa ating


bansa.Nahihirapan ang ating pamahalaan na matutukan ang mga ito.Gaya na lamang ng mga
mataas na bilang ng walang trabaho,kakulangan sa medical assistance,mataas na bilang ng
mga mahihirap atbp.Mapapadali itong masolusyonan kung isusulong ang sistemang federal ng
pamahalaan,dahil dito ang sistema ng gobyerno ay mababago sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng kaniya-kaniyang sistema,patakaran,paggawa ng programa o proyekto ang bawat lokal na
pamahalaan.Mahahati ang bawat rehiyon upang magkaroon ng mas malakas na kapangyarihan
na maipatupad ang batas at maipamahagi ang sapat na pangangailangan at pondo para sa
bawat mamamayan.

Sa kasalukuyan,tayo ay nasa isang unitary form of government kung saan ang kapangyarihan
ay hawak lamang sa sentralisadong pamahalaandito ang 100 % buwis na nalilikom ng bawat
lokal na pamahalaan ay ibinibigay ng 100 % sa pambansang pamahalaan at pagkatapos nito ay
ipapamahagi ng pambansang pamahalaan ang buwis na nabigay ng bawat rehiyon ayon sa
nakatakdang halaga.Dahil dito,hindi masyadong natututukan ang bawat mamamayan sa
kanilang kulang na pangangailangan ngunit kung maipapatupad ay Federalismo ay
mababawasan ang kahirapan sa bansa sa kadahilanang mas madaming pondo ang nalilikom ng
pamahalaang lokal.Ang 70-80% ng buwis ay nasa pamahalaang lokal samantalang,ang 20-30%
na lamang ang maiaabot sa pambansang pamahalaan.Sa pagkakataong ito ay mas malaki ang
maipapamahaging pondo ng lokal na pamahalaan sa kanilang nasasakupan,at mapapadali ang
pagpapatupad ng programa at proyekto dahil hindi na kailangan ng pag-aproba ng
pambansang pamahalaan.

Kung iisipin natin,kapag isang sentralisadong pamahalaan lamang ang natatanging may
malakas na kapangyarihan upang maglingkod,magpatupad ng patakaran at gumawa ng
proyekto at programa para sa buong bansa ang ginagawa nilang paglilingkod ay mahirap dahil
napakalaki n gating bansa at napakadaming suliranin din ang tinatahak natin. Kung hahatiin sa
bawat rehiyon o pamahalaang lokal ang kapangyarihan mas epektibo ang pagpapatupad ng
tamang patakaran dahil kung ang isang rehiyon ay may kaniya-kaniyang layunin para sa
kanilang nasasakupan ay mas matututukan ang pangangailangan ng bawat
mamamayan.Madaling makalalapit ang mamamayan sa pamahalaan kung may problema.Ang
obligasyon ng lokal na pamahalaan para gumawa ng programa at proyekto ay mas magiging
malapit sa mamamayan.

Sa pagpapatupad ng Federalismo ay mas mahihikayat ang mga tao na lumahok sa proseso ng


pagdedesisyon.Malalaman kung ano ang opinyon ng bawat isa at kung anong plano para sa
programa na mas makabubuti at kakailanganin para sa kanila.Kung ang iba-ibang rehiyon ay
may kaniya-kaniyang suliranin ay may nararapat na programa para sa kanila Dito mas
makokontrol ang pagresulba ng suliranin ng bawat lipunan at kung ang bawat lipunan ay
maayos magiging daan ito tungo sa maunlad na bansa.Kaya masasabi natin na kailangan natin
ang sistemang federal ng ating pamahalaan.Dahil kung ang buwis na nalilikom ng bawat
pamahalaang lokal ay magkakaroon ng kapangyarihan magpataw ng sarili nilang buwis ay
magkakaroon ng competitive tax rates.Sa pagkakataong ito,mahihikayat ang mga negosyante
na magtayo ng malaking negosyo.Magkakaroon ng maraming trabaho sa bawat
rehiyon.ANO?SANG –AYON KA BA O HINDI?

https://lga.gov.ph/media/uploads/2/Publications%20PDF/Others/final%20poster%20FAQs.pdf

https://www.pinoynewbie.com/federalismo-kahulugan-posibleng-epekto-pilipinas/

https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fbalita.net.ph%2F2018%2F07%2F17%2F67-
ng-mga-pinoy-ayaw-sa-federalism-survey%2F%3Ffbclid%3DIwAR2qLIQUuDDZ4IgEuhg-
31C2mqiLvBLpFTJGTcqsM8jSb0He2ku92y05U50&h=AT0POpF8bk8eYjchdLBLfeExiP768gS776Kkf
PP25PNU_WkmRGnEriubzx2uZo0YH4sHXHekWIbRKIp8MIzeGBa0F_BY9c4z4BvCQA3H3iVnTsn1o
iZxJP7v283jeXKk0_cj

https://www.youtube.com/watch?v=QGfjKj1Gxdk

https://cvscblog.wordpress.com/2016/10/17/federalismo/

You might also like