You are on page 1of 4

FEDERALISMO:

FEDERALISMO: Dapat
Dapat nga
nga bang
bang
tunguhin
tunguhin nang
nang makamtan
makamtan ang
ang
inaasam
inaasam nana Progresibong
progresibong
Pilipinas?
Pilipinas?

Ipinasa ni: Lyka A, Agad


Course/Section: BSED-FIL 1202
"Lupa para sa magsasaka! Bigas, hindi bala", "Trabaho, hindi
demolition", "Ipaglaban, sweldo itaas, buwis ibaba!" , "Panagutin ang
mga magnanakaw sa bayan!", "Labanan ng kahirapan, hindi
mahihirap". Ilan lamang ito sa mga litanya na labis na
ipinaglalaban na maituturing na biktimang Pilipino kaugnay sa
iba't-ibang tagpuan na sa kanila ay humihila sa patungong
putikan. Mga karapatan ay natatapakan, may ginagawa pa kayang
masisilayan? Kung federalismo ang sinasabing kasagutan,
maiwawaksi kaya nito ang kasarinlan?

Ang klasikong kahulugan ng federalismo ay ang inalok ni K.C.


Whereare, na inilarawan ng federal na prinsipyo bilang "ang paraan
ng paghahati ng mga kapangyarihan sa pagitan ng estado o
rehiyon at nasyonal na gobyerno". Sa kabilang banda, ang Pilipinas
ay mahigpit na nakayakap sa sistema ng unitaryong pamahalaan
na ito lamang ang purong nakikinabang sa kapangyarihang
magbigay awtoridad at tulong sa lahat ng sektor o ng iba't-ibang
pangkat sa loob ng bansa. Kapuna-puna na tila ba tuwirang hindi
nabibigyang solusyon ang lahat ng isyu kaya't ang nasyon ay
nananatiling sadlak sa balon ng kasarinlan, nararapat nga bang
palitan ng konstitusyon upang mahatak sa alapaap ng
kasaganaan?
Sa kasalukuyan, hayag ang ilang opisyal na pilit isinusulong
ang nasabing sistema ng pamamahala tulad nina Pres. Rodrigo
Roa Duterte, Frontrunner Senatorial candidate Robin Padilla, Sen.
Manny Pacquiao, at ilan pang mga kilalang personalidad sa
kadahilanang ito ang magsusulong sa pagkakaroon ng kalayaan
ng rehiyonal na gobyerno sa paglikha ng sariling batas na
aangkop at pupuno sa kakulangan sa interyor na katangian.
Kaugnay nito ay mas mapapalawak at mapapa paghigpit ang
representasyon ng bawat katangian ng rehiyon, kultura, at
relihiyon. Karagdagan ay mas malayang magagamit ang pondo at
kagamitan o likas na yaman ng alinmang rehiyon --- 80% na kita
ay mapupunta sa mismong estado na sa paraang ito ay mas
mapapaunlad ang nasasakupan at reklamo ay mas
mapapakinggan at 20% ay nahahati sa nasyonal na gobyerno
kung saan ay tuwirang ilalapat sa pagpapanatili ng kaayusan sa
buong bansa at pagtulong sa mga rehiyong naghihirap at
nakakaranas ng kakapusan sa usaping salapi.
Gayunpaman hindi maitatatwa na sumalungat ng ibang
nanunungkulan sa isipin na mahahati ang opinyon sa National law
at Regional law, ito ay sa kadahilanang magkakaroon ng pantay
na kapangyarihan ng pambansang gobyerno at rehiyonal na
gobyerno.
Mga batas na ipapatupad sa buong kalupaan at bawat indibidwal
na rehiyon ay tumuloy sa mas mainit na diskusyon sapagkat alpas
ang ideya at sari-saring kuwestiyon na nais iangat ng bawat
estado. Tangi sa room, higit na mamamayagpag ang burukrasya:
sa muling pagtatayo ng panibagong kagawaran ng pang-
ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura ay hahantong sa paglobo ng
bilang ng mga opisyal at kalakip nito ang dambuhalang
kagustuhan.

Kung susumahin, marami pang dahilan upang federalismo ay


katuwaan at tanggihan ngunit itatak sa isipan na hindi lamang
opisyal sa pamahalaan ng dapat asahan at pag batayan para sa
magandang patutunguhan kundi sabik na sabik rin ang ating
inang bayan sa pagmamahal at tulong ng mamamayan. Ikaw
handa ka bang makipagsapalaran?

You might also like