You are on page 1of 2

PAGBABAWAL SA POLITICAL DYNASTY SA PILIPINAS DAPAT ISULONG:

NAGSISILBI ITONG DAAN SA KORAPSYON, MABAGAL NA SISTEMANG PAG-UNLAD AT HINDI


NABIBIGYAN NG PAGKAKATAON ANG IBANG TAO NA MAMUNO SA ISANG LUGAR
Posisyong Papel na nauukol sa Panukanang Batas Pang Senado Bilang 230 o Anti-Political Dynasty Bill

Tama lamang na wakasan ang pamumuno ng mga maimpluwensiyang pamilya sa pamahalaan. Magdadala rin
ito ng korapsyon sa ating bansa sa kadahilanan na ang Political Dynasty ay ang pagbuo nila sa sariling interes mula sa
kanilang kapangyarihan. Napakarami ring politiko ang hindi nabibigyang pagkakataon kahit ang hangarin lang naman
ng ibang tao na maayos ang serbisyo, hindi katulad ng ibang political dynasty ay ginagamit lamang nila ang
kapangyarihan nila para makontrol ang isang bagay. Nais lamang ng iba ay maipakita at gayundin na mapatunayan ang
tamang pamamalakad subalit ang nangyayari ay ang ilang political dynasty ay kayang paikutin ng basta-basta dahil
iniisip nilang makipagsabayan sa political dynasty sa paraan ng paggawa ng tama at hindi sa pamamagitan ng paggawa
ng pandaraya. Habang ang ibang politiko nppaman na malinis ang intensiyon sa serbisyo ay kadalasang sila pa ang hindi
nabibigyan ng pagkakataon dahil ang ibang mamamayan ay walang ibang magawa kundi pumanig na lamang sa mas
kilala o mas sikat na pangalan ng pamilya sa politiko. Paano naman iyong mga ibang tao ng gustong mamuno at
patunayan ang kanilang kakayahan? ngunit patuloy parin ang political dynasty kung saan magkakamag anak ang nasa
politiko. Hindi ba at hindi naman patas ang laban kung mayroon pa ring politic dynasties laban sa mga karapatan at
pagkakataon sa ibang namumuno.
Ang mga Pilipino ngayon ay hindi na tumitingin sa kung ano ang kayang gawin ng isang politiko, dahil
nagbabase na lamang sila sa kung sino ang kamag-anak, asawa, kapatid at anak. Dahil sa kakulangan sa kaalaman sa
lipunan o masasabing hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang maraming Pilipino ngayon nagbabase nalang sa popularidad
ng apelyido ng isang politiko at hindi sa kung ano ang magagawa para sa bayan. Kagaya na lamang ng mga Estrada
kilala sila dahil artista at madaling masulat sa balota. Laganap na ang korupsiyon kapag nasimulan na ito ng unang
namuno, paulit-ulit itong mangyayari dahil sa pagpasa ng termino sa isang politiko sa kamag-anak nila. Dahil din dito,
hindi nabibigyan ng pag kakataon ang ibang may mas kakayahang mamuno ang ayos at tapat. Sapagkat mas pinipili ng
taong bayan na pamunuan sila ng may mas kilala sa politika. Paano magkakaroon ng tunay na serbisyong bayan o
kulturang panlipunan kung ang mga naka-upo sa pwesto ay magkakamag-anak upang mag sanib pwersa at pag papanatili
nila ng political dynasty. Ang tanging interes ng pamilyang dominante ang sariling hangarin bago ang interes ng bayan.
Mawawakasan daw ang paghahari na ito sa politika kapag naaprobahan ang Senate Bill No. 1765 (Anti-Political
Dynasty Act of 2018). Labin tatlong senador na ang lumagda sa panukala. Sabi ni Senate President sa ayaw man at sa
gusto ng House of Representatives, malapit ng matapos ang political dynasties. Kahit pa umano maamyendahan ang
bagong federal Constitution, tuloy ang Anti-Political Dynasty Bill. Ngunit ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte “Ayaw
ko ng dynasty, but we are forced. Magpunta ka ng Davao, you conduct a survey. Pumunta kayo sa tao, tanungin mo ay
mga tao.” Ang sabi niya pa ay “iyan ang mga hihingiin ng mga tao.” Kaya kahit ano ang mangyari ay pabor pa rin si
Pangulong Duterte sa anti-political dynasty. Dagdag pa ni Pia Cayetano na ang ibig nyang sabihin ay sila ang pinili ng
taong bayan para mamuno. Pero paano nga ba tayo nakakasigurado kung tama at maayos ang proseso kapag pumipili
na ang taong bayan para mamuno? Dahil sigurado naman na malaki ang kakayahan nila dahil kabilang sila sa dynasties
kaya gagawin nila ang lahat para maakit ang taong bayan kahit sa maling paraan man. Ang kabilang sa political dynasty
ay lamang sa usapin ng pagkontrol sa paano dapat ginagamit ang kaban ng bayan. Dahil sila ang nasa posisyon, hawak
nila ang kaban ng bayan at nasa kanila ang desisyon kung paano ito gagamitin at lalo na ay iisipin muna nila ang
kapakanan nilang magkakamag-anak.
Pero para kay Father Jerome Secillano executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on public affairs
nangangahulugan ito ng pag-aalis ng karapatan at pag kakataon sa ibang may kakayahan na mamuno sa ating bayan.
Ilang pamilya meron diyan mayroong kakayahan sa isang pamilya o ilang pamilya meron diyan mayroong kakayahan
wala nga lang resources kaya hindi na sila tumatakbo at hindi na rin sila naghahangad na maihalal kasi ng ang sistema
ng pamumulitika natin dito dapat mayroon kang pera. Sa halip, sinabi ng pari na kapag concentrated sa isang pamilya
ang pamumuno sa ating bayan animo tinanggalan narin ng kinabukasan ang sambayanan dahil mas uunahin nila ang
kapakanan ng kanilang pamilya kung saan, dito na mag sisimula ang pag laganap ng katiwalaan na ugat ng kahirapan
ng sambayanang Pilipino. Sa datos ng Kongreso, umabot sa 70 porsiyento na mga mababatas ang kabilang sa political
dynasty at ang Pilipinas ay itinaguriang World capital of dynasty dahil sa pagkakatala ng 178 na mga politiko ay
miyembro ng political dynasty.
Kaya nararapat lamang ito para matigil na ang pagsalin-salin ng kapangyarihan ng mga magkakamag-anak. Hindi
maabot ang minimithing kaunlaran hangga’t patuloy ang political dynasty.
.

You might also like