You are on page 1of 6

Lumanlan, Ernesto A. Dr.

Julian Ferreras
X- St. Oscar Romero Ika-12 ng Oktubre 2019

Dumarami na ang mga “political dynasties” dito sa ating bansa, ang Pilipinas.
Subalit, nakatutulong nakatutulong ng aba ang mga dinastiyang ito? May mga positibong
epekto ang pagkakaroon ng dinastiyang ito ngunit mas marami ang negatibong epekto ng
pagkakaroon ng political dynasty sa ating bansa. Dahil dito, mayroon akong 10 mga
panukala o mungkahi kung paano natin malilimitahan ang mga political dynasties sa bansa
lalo na sa Pilipinas.

1. Pagbibigay halaga ng edukasyon sa pagtuturo ng political dynasties sa mga mag-aaral


Ang political dynasty ay hindi lamang dapat malaman kung tayo ay matanda na kung
kalian tayo ay boboto na. Ito ay dahil dapat tinuturo na ito habang bata pa lang kami nang
sa gayon ay alam na naming kung ano ito at kung dapat ba tong manatili o hindi para sa
mas magandang kinabukasan ng isang politika sa bansa. Siguro tinuturo nga ‘to ngayon
subalit hindi ito nabibigyang pansin o halaga maswerte na lamang kami at magaling ang
nagtuturo sa amin at nalaman naming ang epekto ng political dynasties sa isang bansa.
Halimbawa na lamang ay kung ang isang mamboboto ay walang alam pagdating sa political
dynasty na ito at patuloy niyang tinatangkilik ang isang pamilya na namumuno sa politika ay
patuloy niya ring bobotohin ang mga kamag-anak nito kahit hindi niya alam kung ano ang
mga kakayahan nito. Magdudulot ito sa pagkasira ng ekonomiya ng kanilang lugar, ng
kanilang bansa, at nang kanilang mga buhay kaya dapat mabigyan ng halaga ang pagtuturo
ng political dynasty sa bawat mag-aaral.

2. Pagkakaroon ng programa ng pamahalaan kung saan tuturuan nito ang bawat


mamamayan nang tamang pagpili ng mga opisyal.
Isa pa sa mga paraan kung paano malimitahan ang political dynasties sa bansa ay
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng programa ng pamahalaan kung saan tuturan nito ang
bawat mamamayan ng tamang pagpili ng mga opisyal. Marami sa atin ang hindi
nakapagtapos ng pag-aaral lalo na roon sa mga taong naninirahan sa probinsiya na wala
masayadong kaalaman pagdating sa politika at malamang sa pagpili ng tamang opisyal.
Subalit, kung ang gobyerno ay magsasagawa ng programa na magbibigay kaalaman sa
mga taong ganito ay tiyak makapipili sila ng tamang opisyal. Katulad na lamang ng isang
botante na galling sa isang malayong probinsiya na wala masyadong koryente at may
mayamang pamilyang dumating doon para tumakbo bilang kandidato sa pagkamayor. Dahil
sa isip ng isang probinsiyano na ang mayayamang tao ay matatalino ay tiyak bobotohin niya
ito. Hindi nila alam na hindi lahat ng mayayaman ay mabubuting tao. Pero kung bibigyan ng
pamahalaan ang mga taong ito ng kaalaman at tiyak titignan nila kung ang mga taong
tumatakbo ba sa pagiging kandidato sa pagkamayor ay pasok sa kwalipikasyon ng isang
maganda at matuwid na mayor ay ang siyang tiyak na bobotohin at magdadala sa kanilang
lugar patungo sa magandang buhay.

3. Ang pagiging mapanuri ng bawat botante


Ang bawat isa sa mga botante ay dapat maging mapanuri sa kanilang mga iboboto.
Ito ay mahalaga sapagkat kung pipili lamang sila ng mga taong kilala nila o yoong mga
political dynasty ay tiyak na babagsak ang kanilang mga buhay. Ito ay dahil wala silang
kasiguraduhan na ang mga susunod na tatakbo ay ganoon din kagaling tulad ng kanilang
mga ninuno kaya nga dapat maging mapanuri ang bawat botante. Tulad na lamang ng isang
matanda na patuloy na binoto ang isang political dynasty at bumagsak ang kanilang buhay
dahil sa hindi siya naging mapanuri sa pagboto ng isang magaling at matuwid na kandidato
sa politika. Tumanda siya na binoto lamang kung sino ang kilala niya kahit hindi niya alam
kung ito ba ay magaling. Maging aral ito sa bawat botante na maging mapanuri sila sa
kanilang pipiliing mga kandidato dahil ito ang maaring magpasiya ng kanilang kinabukasan.

4. Dapat maging matuwid ang bawat isa at huwag magpapauto sa mga ginagawa ng mga
tumatakbong kandidato.
Marami sa atin lalo na yoong mga nangangailangan ang nagpapauto sa maraming
mga kandidato na nagvovote buying. Ito rin mismo ang dahilan kung bakit hindi sila
nakakaahon sa hirap dahil nagpapauto sila sa mga gantong modus na bibigyan sila ng pera
kung sila ay iboboto nila na kung saan sinasaad ng batas na bawal! Nasisinag ang tao sa
pera. Dapat tayo’y maging matuwid at huwag magpapadala sa mga gantong kandidato na
bumibili ng boto sapagkat maaari nila itong mabawi kung sila na mismo ang nakaupo sa
trono. Halimbawa ay ang isang probinsiya na mahirap at bigla na lamang binigyan ng pera
ang buong barangay ng milyones para lamang iboto ang isang political dynasty na ito. Tiyak
na mananatili pa rin silang mahirap dahil ang mga pera ng gobyerno na dapat ibibigay sa
kanila para umayos ang kanilang buhay ay ibubulsa ng mga opisyal na ito pambawi na rin
sa mga perang binigay nila. Ito mismo ang kadahilanan kung bakit dapat maging matuwid
ang bawat isa sa mga botante at huwag magpapauto sa mga gantong paraan ng
pangangandidato ng mga tumatakbo sa pagkaopisyal.

5. Pagbibigay pagkakataon sa iba ng mga botante


Iniisip ng mga botante na kung magaling ang kamag-anak nito at tiyak na magaling
din ito. Ito ay ialn sa mga maling pag-iisip ng mga botante sa pagpili ng mga opisyal. Dapat
din nating isaalang-alang na mayroon ding magagaling na tumatakbo sa pagkakandidato
subalit hindi lamang kilala. Hindi nila binibigyan ng pagkakataon na patunayan ng ibang mga
kandidato na ito na ipakita ang kanilang galing sapagkat pinipili ng ibang mga mamamayan
yoong kilala na. Kaya na lamang nananatiling mahirap ang ilan sa mga lugar sa atin
sapagkat hindi natin binibigyan ng pagkakataon ang iba. Halimbawa ay ang isang lugar na
matagal na ang isang pamilyang nagiging opisyal doon at may ibang baong tumatakbo na
magagaling. Subalit, hindi nila ito pinili sapagkat hindi nila ito kilala kaya pinili na lamang
nila kung ano pa ang dati o kung sino man ang kandidato na kamag-anak ng dating
namumuno. Dahil dito, hindi na nagbago ang kanilang mga buhay dahil pareho pa rin ang
nanunukulan dito. Pero, kung binigyan nila ng pagkakataong tumakbo ang mga bagong
kandidato na ito ay tiyak nagkaroon din sila ng bago at maaring mas magandang buhay.

6. Pagkakaroon ng lakas ng loob na tumakbo bilang isang kandidato sa pagkaopisyal


Ang ilan sa mga lugar dito sa Pilipinas ay patuloy pa ring nagkakaroon ng mga
political dynasties sapagkat ang ilan na tumatakbo sa lugar ay yoong sila pa rin. Wala nang
mga bagong tumatakbong kandidato sapagkat ang ilan ay walang lakas ng loob na tumakbo
at baguhin ang sistema. Iniisip nila na wala silang pag-asang manalo. Subalit, ito ay mali
dapat huwag tayong mawalan ng pag-asa ay patuloy na lumaban, magkaroon tayo ng lakas
na loob na tumakbo upang baguhin ang sistema at paunlarin ang lugar natin lalo na ang
Pilipinas. Halimbawa ay ang isang lugar na ang mga namumuno roon ay ang isang
mayamang pamilya at walang nais sumubok pang tumakbo kahit hindi na maganda ang
pagpapatakbo ng pamilyang ito. Tiyak na hanggang sa pagtanda nila ay hindi na uunlad
ang kanilang lugar pero kung ang isa ay magkakaroon ng lakas na loob upang tumakbo at
humingi ng suporta ay tiyak kakayanin basta’t magtiwala lamang.

7. Dapat munang piliin ng gobyerno ang mga nais tumakbo sa pagkakandidato sa


pagkaopisyal
Dahil nga walang kaalam-alam ang mga tao kung ang mga tatakbong kandidato ay
magagaling dapat munang pillin ng gobyerno ang mga nais tumakbo sa pagkakandidato sa
pagkaopisyal. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga botante kung sino ang magaling
at hindi lamang nila pipiliin yoong mga kamag-anak ng mga naunang tumakbo.
Makatutulong din ito sa pangongompanya ng mga kandidato sapagkat makikilala na sila
agad at alam na ng mga botante ang kanilang mga potensiyal. Subalit, ang lahat ng mga ito
ay magiging maganda at maayos kung ang gobyerno rin mismo ay magiging matuwid at
makakaroon ng mga pamantayan kung sino ang mga maaaring tumakbo bilang isang
opisyal. Halimbawa nito ay ang isang lugar na may kasaysayan ng political dynasty at wala
silang alam kung sino ang mga magagaling sa kandidato kaya mananatili sila sa kanilang
kilala pero kung ang gobyerno ay maglalabas ng listahan nang mga magagaling na
kandidato kasama na ang kanilang mga “backgrounds” ay tiyak na magiging mas maganda
at madili para sa mga mamamayan na pumili ng kandidato na para sa kanila ay
magpapaunlad sa kanilang lugar lalo na sa kanilang buhay.

8. Pagpapahinga muna ng mga pamilyang tumakbo sa pagkakandidato


Magandang magparaya muna ang pamilya ng isang opisyal na tumakbo sa pagiging
opisyal. Ito ay nang sa gayon makatakbo ang iba na nais tumakbo na siyang magaling din
ang makapamuno sa isang lugar. Sa pamamagitan nito, makikita ng bawat mamamayan
ang mga talento ng ibang tao maliban sa isang pamilyang ito at tiyak na siyang lilimitahan
ang mga political dynasties. Halimbawa nito ay ang isang pamilyang sikat at ang isa sa
kanila ang naging mayor. Para naman makatakbo ang iba ay hindi muna tatakbo ang sinong
parte ng pamilya o kamag-anak ng mayor. Dahil dito, nagkakaroon ng mga bagong
kandidato at bawat termo ay nagiging bago na maaring naging daan din para sa isang bago,
maganda, at maunlad na buhay ng mga mamamayan doon.

9. Tulong pinansiyal ng gobyerno sa mga nais tumakbo bilang opisyal


Katulad nga ng aking sinabi sa aking ika-7 mungkahi na dapat piliin muna ng
gobyerno ang mga kandidato na nais tumakbo sa pagkaopisyal ay dapat kasama na rin dito
ang tulong pinansiyal para sa kanilang pangngungumpanya. Marami sa ating ang hindi
makatakbo dahil gumagastos ng napakaling pera para lamang sa pangungumpanya para
makilala sila ng lahat. Malaking bagay kung tutulungan sila ng gobyerno sa pinansiyal na
ito. Ito rin mismo kasi ang malimit na nagiging dahilan kung bakit nangugnurakot ang ilan
sa mga naging opisyal na bawiin ang kanilang pera na iginasta sa pangungumpanya.
Halimbawa ay ang isang may angking talento at magaling na lider na nais tumakbo sa
pagkaopisyal subalit wala naman siyang pinansiyal na kakayahan at tiyak na mahihirapan
siyang manalo at baka hindi na nga makatakbo at masasayang ang kaniyang galing. Subalit
kung tutulungan siya ng pamahalaan ay tiyak na makakatakbo siya at kung siya man ay
palaring mapili ng mga mamamayan ay tiyak na magiging maunlad ang kaniyang
nasasakupan.

10. Ang pagiisip ng mga botante para sa kabutihan ng lahat


Ang ilan sa atin ay nagiging makasarili at hindi na naiisip ang kabutihan ng iba. Ito rin
ang isang dahilan kung bakit nananatili at hindi malimitahan ang political dynasties sapagkat
kapag ang lugar na pinanggaling ng isang political dynasty ay nakikinabang sa pagkapanalo
nila ay tiyak na sila pa rin ang pipilin. Ito ay kahit alam nila na ang ibang mga lugar ay hindi
nagkakaroon ng maayos na buhay basta’t maganda at maayos ang kanilang pamumuhay.
Subalit, ito ay mali sapagkat dapat hindi lamang ang sarili nating kaayusan ang ating iniisip
kung hindi pati na rin ang kabutihan at katiwasayan ng buhay ng iba. Maraming mga
magagaling na kandidato ang maaari nating piliin na kung saan ay may kakayahang
mapaganda ang buhay ng lahat, hindi lamang sa lugar na pinanggaling niya. Halimabawa
ay ang isang mayamang political dynasty na ipinanganak sa isang lugar. Sabihin natin na
maganda at masaya nga ang buhay ng mga mamamayan doon sa kanilang pinanggalingan
pero ang buhay ng ibang kanilang nasasakupan din ay hindi maganda ay dapat na silang
patalsikin na magsisimula sa mga botante. Dapat pillin natin ang mga kandidatong iniisip
ang kabuhtin ng lahat hindi lamang nang kaniyang mga pinanggaling lalo na ang mga
botante na siyang pipili ng mga kandidato.

Ang “political dynasty” ay dapat nang malimitahan para sa akin sapagkat nagdudulot
ito ng mas maraming negatibong epekto sa ekonomiya ng isang lugar. Narito, ang ilan sa
mga paraan kung paano natin malilimitahan ang political dynasties sa bansa. Sana’y
nakatulong ito para maging maayos at maganda ang buhay ng bawat isa.
Lumanlan, Ernesto A. Dr. Julian Ferreras
X – St. Oscar Romero Ika-12 ng Oktubre
2019

Ang Panatag Shoal o Scarborough Shoal sa Ingles sa halip na isang kulumpol ay


hugis atol na binubuo ng ng isang pangkat ng mga pulo at bahura. Matatagpuan ito sa
Pampang ng Macclesfield at sa Pampang ng Luzon sa Pilipinas sa Dagat ng Timog Tsina,
partikular sa Dagat ng Luzon. Ang Scarborough Shoal ay isa sa mga anyong lupa sa dagat
na pinagtatalunan ang soberanya ng lugar na ito na inaangkin ng Pilipinas, Tsina, at Taiwan
bilang kanilang teritoryo. Ngayon, ang Panatag Shoal ay mahigpit na pinaglalabanan ng
dalawang bansa: ang Pilipinas at ang Tsina. Ang Scarborough Shoal ayon sa tribunal kasi
ay isang “Traditional Fishing Grounds” kaya maaaring mangisda rito ang sinu man subalit
mas malapit ito sa Pilipinas. Ang mali ng Tsina ay inangkin nila ang Shoal at nilabag ang
batas ng tribunal sapagkat inatake nila ang mga mangingisda ng Pilipinas at binaliwala ang
kanilang mga karapatan. Kasama na rito ang pagsira nila sa mga yamang tubig nito.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang pag-aaway na ito na nagsimula noong
2012 sa panahon ng Pangulong si Benigno Aquino III.

Sa kasalukuyan, ang Scarborough Shoal ay tila mayaman o sagana pa rin sa mga


rekurso lalo na sa mga isda na noon ay ipinagtatampukan ng maraming mga mangingisda
na siya ring naging dahilan ng agawan dito. Ang mga alon sa paligid ng Panatag Shoal ay
hindi masyadong malakas kaya madali lamang mangisda rito ngunit malalim. Subalit, ang
maganda rito ay ang anyong tubig na napapalibutan ng Shoal na napakatahimik ng dagat
at kayang sisirin ng mga mangingisda na siyang mayaman sa isda atbp. buhay sa anyong
tubig na ito. Marami pa ring mga Chine CoastGuards doon pero hindi tulad dati na may mga
Chinese Navy na humaharang at binabantaan ang maraming mga Pilipino na makapasok
at lalo na mangisda sa Shoal. Ngunit, dahil sa pagpunta ng Pangulong si Rodrigo Duterte
sa Tsina noong 2016 ay nabawasan ang mga banta ng Tsina at ngayon ay kahit kaunti ay
may kalayaan nang pumasok at mangisda sa gilid ng Shoal at sa loob ng Shoal. Kasama
rin sa kanilang nakapagsunduan na hindi kalian man magpapatayo ng anu mang
imprastraktura ang Tsina sa loob ng Scarborough Shoal. Subalit, nananatiling makulit ang
Tsina at hindi hinahayaang mapasakamay ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.

Ayon sa pinakabagong balita ngayon, ay inakusahan ng Tsina ang US na lumalabag


sa kanilang teritoryo sa Shoal noong may pumapalibot sa karagatan na isang US missile
destroyer USS Hopper upang ipakita ang kalayaan ng nabigasyon sa labas ng Shoal.
Patuloy na nangingialam at nais daw tumulong ng US sa Pilipinas na muling angkinin ang
Scarborough Shoal kaya sila nagsasagawa ng mga ganitong paraan. Subalit, walang
kaalam-alam dito ang Pilipinas sapagkat hindi sila sinasabahan ng Amerika sa kanilang
mga isinasagawa at hindi raw sila nakipag-ugnayan dito. Nais lang daw ng Amerika na
ipakita ang kalayaan at karapatan ng bawat bansa na angkinin ang kanila. Ngayon,
nangangako ang Pangulong Duterte na babawiin niya ang Scarborough Shoal bago
matapos ang kaniyang anim na taong termo sa pagkapangulo.

Ang Pilipinas ay patuloy na nakikipaglaban para sa Scarborough Shoal. Isa sa mga


hakbang na ginawa ng Pilipinas ang ang pag-usapan ito sa International Court of Justice na
kung saan ang Pilipinas, ayon sa Tribunal, ang may soberanya sa pagmamay-ari sa
Scarborough Shoal ngunit hindi ito tinatanggap ng Tsina. Ito ay dahil ipinaglalaban ng Tsina
na pagmamay-ari nila ito ayon sa “Historical Rights” na siyang malabong ebidensiya. Noong
2016, bumisita ang Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa Beijing upang ayusin ang
pag-aaway sa pag-aangkin sa Scarborough Shoal. Nakipagmabutihang loob ang si Duterte
sa pinuno ng Tsina at dahil dito gumanda ang relasyon ng dalawa at naging mas maayos
ang pakikitungo ng Tsina sa mga mangingisda ng Pilipinas. Subalit, hindi pa rin nawawala
ang alitan ng dalawa dahil sa ayaw ng Tsina bitawan ang Scarborough Shoal ay patuloy na
inaangkin ito. Noon na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga mangingisdang Pilipino at
sinasalubong pa ng mga kanyon ng Tsina, ngayon ay malaya na muling pumasok at
mapayapang makapangisda sa loob ng Scarborough Shoal. Ngayon, ninanaiis lamang ng
Pangulo na ligtas ang kaniyang mga mamamayan sa pangingisda sa Scarborough Shoal
kahit na patuloy pa rin ang Tsina sa pagbabantay doon lalo na sa pag-angkin nito.

Ang kaanyuan ng Scarborough Shoal Ipinapakita ang kasalukuyang


na kuha mula sa isang Satellite. kalagayan ng Scarborough Shoal.

Mga taklobo sa karagatan ng Makikita ang isang mangingisda sa


Scarborough Shoal ikinodena ang loob ng Scarborough Shoal.
paghuhukay sa mga ito.

Isang barko mula sa Tsina na lumilibot Ipinapakita ang isang US Navy


sa karagatan ng Scarborough Shoal. amphibious assault vehicle na
https://www.firstpost.com/world/philippines-says-it-will-not-get-involved-in-south-china-
sea-dispute-says-us-can-take-care-of-its-own-interests-4313037.html
nakibahagi sa isang ehersisyo
https://www.untvweb.com/news/rule-of-law-matalinong-hakbang-ng-pilipinas-sa-isyu-ng-
panatag-shoal-sen-enrile/ kasama ang militar ng Pilipinas sa
https://www.google.com/search?q=scarborough+shoal+tagalog&tbm=isch&sxsrf=ACYBG
NRmsYFeEcFuMf9SobvYDoHNXGfqeA:1570886505241&source=lnms&sa=X&ved=0ah
UKEwibgoKh6JblAhXbZt4KHSfDA-
isang beach na nakaharap sa
0Q_AUICygC&biw=1440&bih=798&dpr=1#imgrc=ckaj0a5mQus8GM:
https://www.philstar.com/headlines/2018/01/23/1780473/palace-philippines-has- Scarborough Shoal sa South China
sovereignty-over-scarborough
https://www.cfo.gov.ph/news/cfo-news-and-events/3248-explainer-philippines-5-
arguments-vs-china.html
Sea.
https://news.abs-cbn.com/news/07/15/16/9-na-mahahalagang-punto-mula-sa-west-ph-
sea-ruling
https://fil.globalvoices.org/2012/06/pilipinas-tsina-alitan-sa-scarborough-shoal-pinag-
uusapan-sa-internet/
https://www.reuters.com/article/us-southchinasea-china-philippines/china-says-situation-
at-disputed-scarborough-shoal-has-not-changed-idUSKBN12V0YT

You might also like