You are on page 1of 4

Pagninilay:

1. Ang pamahalaan, lider, at botante ay magkakadugtong o kunektado sa isa’t isa.


Para sakin, ang ideal na botante ay dapat alam niya kung sino sino ang karapat
dapat mamuno, hindi nagpapaniwala sa mga maling balita, alam kung paano
magsaliksik sa bawat kandidato, at may paninindigan. Kapag ang bawat tao ay
isang ideal na botante, magkakaroon tayo ng ideal na lider o pinuno. Isang
pinuno na may malinis na track record, may maayos at kongkreto na plano sa
bansa at sa kanyang nasasakupan at walang bahid ng korupsyon. At higit sa
lahat, kapag may ideal na botante at ideal na lider, ang bansa ay magiging ideal
na pamahalaan. Pamahalaan na walang korupsyon, pamahalaan na walang gulo
at away, pamahalaan na maayos at masaya, pamahalaan na pantay pantay, at
higit sa lahat pamahalaan na lahat ay umaangat.

2. Ang bawat tao ay may Karapatan na bumoto. Ito ay nakapaloob sa ating karapan
bilang tao. Subalit, may mga alituntunin o batas na kailangan sundin. Kapag ang
isang tao ay nasa tamang gulang na, ayon sa 1987 Konstitusyon ng Republika
ng Pilipinas – Artikulo V, Sa unang Seksyon. At kapag sila ay rehistradng mga
btante at may Karapatan silang bumoto. Ayon sa Republic Act No. 8189, o mas
kilala sa tawag na "The Voter's Registration Act of 1996", nakasaad dito na ang
mga Pilipinong rehistrado ay pwedeng bumuto tuwing eleksyon.

3. Para sakin ang pagboto ay isang napakahalaga at napakabigat din na


responsibilidad ng bawat tao. Mahalaga ito dahil nakasalalay sa boto natin ang
kahahantungan ng bansa. Kung mali ang naiboto natin na lider ay may masama
itong dulot sa bansa. Una, maaari tayong malubog sa utang dahil sa maaaring
desisyon na gawin ng isang lider. Pangalawa, maari itong makaapekto sa bawat
mamamayan ng bansa at sa hinaharap. Kung kayat ang bawat boto ay
mahalaga kaya dapat itong pag-isipan mabuti, pag-aralan at magsaliksik ng mga
kandidato, at wag maniwala sa mga maling balita.

4. Ang mga katangian na hinahanap ko sa isang kandidato ay, una, may malinis na
pinanggalingan. Pangalawa, ayaw sa korap. Pangatlo, walang bahid ng
korapsyon at hindi na sasangkot sa kahit ano mang criminal records. Pangapat,
kayang manindigan sa kung ano ang tama at mali. Panglima marami ng nagawa.
Pang anim may magandang credentials at background. Pang pito, may maayos
at kongkretong plano para sa bansa. Pangwalo, kayang making at makisama sa
mga mahihirap na tao. At panghuli, kayang humarap sa maliliit man o malalaking
hamon kagaya na lamang ng mga debate.

Conclusion:
Ang pagboboto ay isang Karapatan ng tao kapag siya ay nsa mismong gulang
na at rehistrado na. Ito rin ay hindi kayang tanggalin sa atin dahil ito ay kasama na sa
ating karapatan bilang tao. Kaya mahalaga na tayo ay magsaliksik, pag-aralan mabuti,
makilahok sa mga rally na ginagawa nang mga kandidato, manood ng mga debates, at
kung ano-ano pa upang malaman natin kung sino ang karapat-dapat na iboto. Ang
bawat boto natin ay nakasalalay ang ating future at ang future ng ating mga anak. Kaya
pumili nang hindi korap, may magandang credentials at background, kayang
maglingkod sa kapwa sa bansa, may maayos at kongkretong plano, at higit sa lahat
may puso sa bawat Pilipino.

Lourdelyn T. Rarang Inerangan, Alaminos City, Pangasinan


015503013-2-02195110
Pagninilay:
1. Ang pagkakaroon ng isang ideal na pamahalaan at ideal na lider ay
nasa ideal na botante. Kapag ang bawat magboboto ay isang ideal na
botante ay magkakaroon tayo ng ideal na lider. Kapag nagkaroon tayo
ng ideal na lider, lider na kayang humarap sa maliit man o malaking
pagsubok, lider na may maayos na plano, at lider na may malinis na
credentials at background ay magkakaroon tayo ng ideal na
pamahalaan.

2. Lahat ng ta ay may karapatang bomoto nakasaad ito sa Universal


Declaration of Human Rights (UDHR); International Convenant for Civil
and Political Rights (ICCPR); at 1987 Saligang Batas ng Pilipinas.
Subalit, may mga kailangan pa ring sundin, nagkakaroon ng karapatan
ang isang tao na bumoto tuwing eleksyon kapag ito ay nasa tamang
edad na at rehistrado na.

3. Mahalaga ang isang boto kasi maaari nitong mabag ang bansa. Sa
isang boto ng tao ay may inaatasan na siyang pinuno na mamuno sa
bansa at kapag nanalo it maaring masagana o hindi ang bansa. Kung
kayat mahalaga na pag-isipan mabuti ang mga pipiliing kandidato.
Magsaliksik, halukayin ang lahat ng impormasyon na nakapaloob sa
bawat kandidato, piliin ang karapat dapat at wag bumase sa kung an
ang ibinibigay tuwing eleksyon at sa kung sino ang gusto, tignan din
ang kanilang credentials at background, tignan kung ano ang kanilang
mga nagawa sa nakalipas na mga taon, at higit sa lahat wag
magpapaniwala sa maling balita.

4. Ang mga katangiang hinahanap ko sa mga kandidato ngayong


eleksyon ay, una, dapat may magandang credentials at background.
Pangalawa, walang bahid ng korupsyon. Pangatlo, malinis ang track
record. Pangapat, may maayos at konretong plano para sa bansa at sa
mga mamamayan. Panglima, alam kung ano ang nararanasan ng mga
mahihirap ng sag anon ay hindi mabaliwala ang mga mahihirap. At
panghuli, kayang humarap sa lahat ng hamon, maliit man ito o hindi.
Conclusion:
Mahalagang kilatising mabuti ang mga kandidato. Bawat isa sa kanila
ay dapat suriin at pag-aralan ng sa ganon ay hindi tayo mamali ng pagpili.
Dahil ang boto ko ay hindi lang para sakin kundi para rin sa aking
kinabukasan at kinabukasan ng aking mga anak. Sa bawat paglagay ng
kulay sa balota, siguraduhing nasuri silang mabuti at nararapat sila para sa
ating mga boto. Piliin kung sino ang nararapat at kwalipikadong.

You might also like