Professional Documents
Culture Documents
Maraming mukha ang katiwalian na patuloy na pumapatay sa itinuturin nating kakampi sa buhay
- ang pag-asa. Ang mga mukha na matatagpuan sa bawi sangay ng gobyerno ay alinman sa mga
sumusunod:
1. Pag-abuso sa kapangyarihan;
2. Pakikipagsabwatan;
3. Pandaraya sa halalan;
4. Pagnanakaw sa kaban ng bayan;
5. Sistemang padrino o palakasan;
6. Korapsyon sa iba't ibang sangay ng gobyerno.
Mahalaga ang polisiya sa pagtupad ng tungkulin ng isang tao upang siguraduhin na anumang
diskresyon na kanyang nais gawin ay may sapat na pamantayan at legal na basehan. Ito ang magsisilbing
sukatan kung ang isang tao ay lumalabis sa kapangyarihan na iginawad na sa kanya. (Tandaan: Walang
tao sa Pilipinas o sa ibang bansa man na labis-labis ang kapang-yarihan. Mayroon itong limitasyon at
hangganan)
4. Ang paggamit ng kapangyarihan upang rnakakuha ng pabor sa ibang tao na karaniwan ay may
kapalit na kabayaran.
(2) Pakikipagsab'watan
Ang sab'watan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na nagkaisa
na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba upang tuparin ang
kinakailangan o nais nilang gawin. Ito ay isang krimen ng pandaraya, panloloko sa iba para sa kanilang
mga karapatan upang makuha ang isang adhika na labag sa batas na karaniwan ay sa pamamagitan ng
pandaraya o paggamit ng hindi patas na kalamangan.
Halimbawa:
2. Pagsunod ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin ang mga hindi
kapanalig kahit na walang sapat na batayan at hayagan ang paglabag sa basikong karapatan katulad ng
magpahayag (expression) at karampatang proseso na malaman ang krimen at maipagtanggol ang sarili
(due process).
Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay kinikilala ng
ating Saligang Batas sa ilalim ng Artikulo V.
Kung lilingunin ang nakaraan, makikita na naging malaking katanunang ang pagkahalal kay
Heneral Emilio Aguinaldo bilang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Bukod . sa diktaturya ng
rehimeng Ferdinand E. Marcos ay pumaibabaw rin ang usapin ng pandaraya sa halalan nagbunga ng
pagpapatalsik sa kanya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon-People Power. Inakusahan
din ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago ng pandaraya sa halalan ang kanyang nakatunggali na si
dating Pangulong Fidel V. Ramos. Naging mainit na usapin sa Pilipinas at sa buong mundo ang
iskandalong kinaharap ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo - ang Hello Garci scandal. Habang
isinusulat ang aklat na ito ay may nakabinbing protesta sa Korte Suprema si Senador Bongbong Marcos
laban sa Bise Presidente ng Pilipinasa na si Lenie Robredo.
Ang gerrymandering ay isang konsepto pampulitika na kung saan ang isang partikular na partido
o grupo ay gumagawa ng kapakinabangang pampulitika (political advantage) sa pamamagitan ng
manipulasyon sa hangganan ng isang distrito (political boundaries). Tinatawag na gerrymander
ang mabubuong distrito. Negatibo ang konotasyon ng gerrymandering batay sa mga
pangunahing taktika nito: 1. Cracking (halimbawa: paglusaw sa kapangyarihang bumoto ng mga
tagasuporta ng kalabang partido sa maraming distrito);
ltinaguyod ng Korte ang gerrymandering sa Camarines Sur. Ang unang distrito ay mayroon
lamang na 176, 283 na populasyon na malayo sa minimum na pamantayan na kwarter ng milyon na mga
nananahan
Subalit ito ay sapat upang maipasok ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang anak na
si Jose Miguel Dato Arroyo bilang Kongresista. Pinirmahan ni Pangulong Arroyo ang RA 4264 noong
Oktubre 12, 2009.
Intimidasyon.
Tumutukoy ang intimidasyon sa lakas o pwersa na ibinibigay sa mga botante upang sila ay bumoto
pabor sa isang partikular na kandidato o kaya ay pigilan sila na makibahagi o makiisa sa pagboto.
Ipinakikita nito na ang mga botante sa isang partikular na demograpiko o mga kilalang tagasuporta ng
isang partikular na kandidato ay direktang tinatakot ng mga tagasuporta ng kalabang partido upang
ibasura nito ang pagsuporta na hindi makabubuti sa sinusuportahang kandidato. Inilalarawan ito ng mga
krimeng katulad ng pagpatay, pananakit, mga pagpapasabog at iba pa.
Madalas na nagiging target ng pag-atake at mga karahasan ang lugar na aktwal na pinagdarausan ng
lokal o nasyunal na halalan. Inilalarawan ito ng bandalismo, paninira ng mga kagamitan o ari-arian, mga
pananakot na nagbubunga ng pangamba ng mga botante na tumungo sa lugar na pagdarausan ng
halalan.
May mga pagkakataon na sinasamantala ng mga pulitiko ang kawalan ng kaalaman ng isang indibidwal
sa kanyang karapatan na makiisa sa lokal at pambansang halalan sa pamamagitan ng pagboto. Sa
pagkakataon na ito, ang mga botante ay pinaniniwalang sila ay walang legal na karapan na bumoto o
kaya ay may obligasyon na bumoto gamit ang partikular na pamamaraan. Ginagamit ng mga taong
mapagsamantala ang kahinaan ng isang inidibwal na ito ay matakot sa nagiging resulta ng isang
partikular na aksyon.
Pamimilit.
Ipinakikita rito na ang demograpiko na may kontrol sa balota ay sinusubukang hikayatin ang iba na
sumunod sa kanila. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga lumalaban sa higit na nakararami, ang mga ito
ay naiimpluwensyahan na palitan ang kanilang mga naunang desisyon sa kung sino ang kanilang
iboboto.
Pamimili ng Boto.
Ang isang akto ay maituturing na pamimili ng boto kapag ang isang partido political o kandidato ay
nanghihingi ng boto sa mga botante kapalit ng salapi, mga kinakailangang kagamitan o kaya ay mga
serbisyo. Ang kasanayang ito ay karaniwang ginagamit upang hikayatin ang mga botante na bigyan sila
ng pabor sa araw ng halalan. Hindi lamang sa Pilipinas talamak ang ganitong usapin ng pandaraya sa
eleksyon. Maging sa United States of America, Angentina, Mexico, Kenya, at Nigeria ay talamak din ang
pamimili ng boto para sa eleksyon.
Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taong bayan sa mga pulitiko na kanilang inuluklok sa
pwesto upang mamahala sa bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa pagkasilaw sa mga kayamanang
dapat sana ay ilalaan upang mapagsilbihan nang wasto ang taong bayan. Ang suliraning ito ay matagal
nang kinahaharap ng maraming bansa sa mundo na pinaniniwalaang ugat ng pagkakalugmok sa
kahirapan ng bawat mamamayan.
Ang Punong Ministro ng Thailand na si Yingluck Shinawatra ay napatalsik din sa pwesto noong
2014 dahil sa mga alegasyong ng korapsyon. Si Park Geun-hye ng South Korea ay na-impeach ng
Pambansang Asambleya noong 2016 dahil sa usapin ng pag-abuso sa kapangyarihan at pagtanggap ng
suhol. Sinusugan ng Constitutional Court noong 2017 ang naging desisyon ng Pambansang Asambleya. Si
Park geun-hye ay nahatulan ng dalawampu't apat na taong pagkakakulong.
Sa Pilipinas, hindi na rin bagong maituturing ang usaping ito. Maraming isyu o usapin ng
katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan ang ipinukol sa mga pulitikong pinagkatiwalaan ng bawat
Juan. Ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay pinukol ng maraming alegasyon ng korapasyon at
pagnanakaw sa bayan, dahilan kung bakit ang taong bayan ay nagsawa na at natutong makipaglaban
noong 1986. Hindi natupad ni dating Bise Presidente Jejomar Binay ang kanyang pangarap na,mahalal na
Pangulo ng Republika ng Pilipinas nom* 2016 dahil sa naging mainit ang mga lumabas na isyu ng
katiwalian (sa Makati noong siya ay Mayor pa lamang) ilang buwan bago maganap ang Pambansang
Halalan).
Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct bribery)
ay maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa ng isang akto na
maituturing na krimen, kaugnay ng kanyang opisyal na tungkulin, bilang konsiderasyon sa kahit na anong
hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal, personal man o sa pamamagitan ng iba.
Ang krimen sa ilalim ng probisyong ito ay maaari ring ipukol sa opisyal na tatanggap ng regalo
bilang konsiderasyon sa isang akto na hindi maituturing na krimen, bagamat higit na mababang parusa
ang katumbas nito.
Mayroon ding krimen ng katulad na uri kung ang isang opisyal ng gobyerno ay tatanggap ng
regalo o ng pangako bilang kondisyon na hindi siya gagawa ng isang akto batay sa kanyang opisyal na
tungkulin.
Kung ang bagay na kung saan ang regalo ay tinanggap o ipinangako ay .ginawa sa kondisyon na
iiwasan ng opisyal ng gobyerno na gumawa ng isang akto na kanyang opisyal na tungkulin.
Sa ilalim ng Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas ay binigyan ng depinisyon ang krimen ng
maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon ang pagpapalagay
(presumption) sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit sinong opisyal ng gobyerno, sa
pamamagitan ng kanyang tungkulin sa tanggapan, ay may pananagutan sa pondo at mga ari-arian ng
publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa maling pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pag-iwan o
kapabayaan, ay hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang naturang pondo at ari-arian ng publiko, buo
man o bahagdan. Ang halaga na sangkot sa maling paggamit ng pondo ay esensyal sa pagtukoy ng
angkop na parusa sa taong mapapatunayang gumawa ng krimeng ito.
Sa kabilang dako, isinasaad naman ng Artikulo 220 ang ilegal na gamit ng pondo at ari-arian ng
publiko. Tahakang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kahit sinong opisyal na gobyerno na
gagamitin ang pondo at ari-arian ng kanyang administrasyon sa pampublikong gamit bukod sa totoong
pinaglalaanan nito batay sa batas at mga ordinansa. Tinatawag din itong technical malversation.
(Upang matiyak ang gamit ng probisyon ng batas, ang opisyal ng gobyerno ay binigyan ng
karampatang depinisyon ng Artikulo 203 ng Kodigo Penal ng Pilipinas. Ayon dito, ang opisyal ng
gobyemo ay yaong mga tao na sa pamamagitan ng direktang probisyon ng batas, popular na halalan o
pagtatalaga ng kompitenteng kinauukulan, ay makikibahagi sa pagpapatupad ng tungkuling pampubliko
sa Gobyerno ng Pilipinas, o gampanan sa naturang gobyerno o sa kahit na anong sangay ang tungkuling
pampubliko, bilang empleyado, ahente, o higit na nakababang opisyal, na kahit na anong ranggo o klase,
ay tinatawag ring (shall be deemed) opisyal ng gobyerno.
Pandarambong (Plunder)
1. Paglustay, paglipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal sa mga pondong pampubliko
o mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko;
2. Pagtanggap nang direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi, bahagdan, mga
kickback o anumang anyo ng pansalaping pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may
kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng
pinatutungkulang opisyal ng publiko;
4. Pagkakamit, pagtanggap nang direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng stock,
ekwided o anupamang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na
trabaho sa anumang negosyo o isinasagawa;
Ang konsepto ng graft at korapsyon ay mga usaping paulit-ulit na nagpapa-sakit sa bawat Juan
Dela Cruz. Ang usaping ito ay matagal ng hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa kasalukuyan ay
bigo pa ring napaglalabanan. Ang graft at korapsyon ay dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng
personal na benepisyo mula sa mga transaksyong pampamahalaan. Ang korapsyon ay tumutukoy sa
maling gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo. Sa kabilang dako,
ang graft ay tumutukoy sa maling gamit ng impluwensya para sa personal na benepisyo.
Sa ilalim ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ay inisa-isa ang mga
kasanayang may kaugnayan sa korapsyon ng mga opisyal ng gobyerno at idineklara na labag sa batas.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa enumerasyon ng mga espisipikong akto ng paggawa ng krimen sa
ilalim ng batas na ito:
(a) Himukin, ibuyo o impluwensyagan ang ibang opisyal ng gobyerno na magsagawa ng isang akto
na lumalabag sa patakaran at regulasyong binigyan ng promulgasyon ng maaasahang awtoridad
o isang paglabag na may kaugnayan sa opisyal na tungkulin ng opisyal ng gobyerno, o ang
pahintulutan ang sarili na mahimok, mabuyo, o maimpluwensyahan na gumawa ng paglabag sa
batas.
(b) Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo, bahagi, bahagdan, o benepisyo para sa
kanya o para sa ibang tao, kaugnay ng kahit anong kontrata o transaksyon sa pagitan ng
Gobyerno at iba, na kung saan ang opisyal ng gobyerno sa kanyang opisyal na kapasidad ay
kailangang pumagitna sa ilalim ng batas.
(c) Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo o ibang may kaugnayan sa salapi o
material na benepisyo para sa kanya o para sa ibang tao, mula sa kahit sinong tao na kung saan
ang opisyal na gobyerno, sa anumang paraan o kapasidad, ay nakakuha o makakukukuha, ng
kahit na anong permiso o lisensya sa Gobyerno, bilang konsiderasyon sa tulong na ibibigay o
ibibigay.
(e) Pagdudulot ng hindi nararapat na pinsala sa isang partido, kasama ang gobyerno, o ang
pagbibigay sa kahit na sinong pribadong partido ng hindi makatwirang benepisyo, pakinabang o
pagkakataon na mamili sa pagpapatupad ng kanyang opisyal na administratibo at judisyal na
tungkulin sa pamamagitan ng hayagang pagkiling, kasamaan o labis na hindi katangap-tanggap
na kapabayaan...
(f) Pagpapabaya o pagtanggi, matapos ang nararapat na demand o pakikiusap, nang walang sapat
na pagmamatuwid, pag-akto sa loob ng risonableng oras, sa kahit na anong pamamaraan kapalit
ng pagtatamasa, direkta o hindi direkta, mula sa kahit na sinong tao na may interes sa
pananalapi at mga materyal na benepisyo.
Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng pamamahala ay ang sistemang
padrino o ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang nagiging saksing bulag at
bingi sa hustisya na dapat ibigay sa taong bayan mapagbigyan lamang ang mga taong pinagkakautangan
nila ng loob.
Masasabi na ang nepotismo (nepotism) at kronyismo (cronism) ay kasama rin sa mga ugat ng
padrino o palakasan. Sa ilalim ng ating Saligang Batas at iba pang mga umiiral na batas, ang nepotismo o
ang pagbibigay ng pabor sa m - kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal samantalang walang tiyak na
bata:, makapagpaparusa sa kronyismo o pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan, bagamat matindi itong
kinukondina. Ang nepotismo at kronyismo ay hindi pinapaboran upang maiwasan ang mga sabwatan sa
mga transaksyong kinasasangkutan ng dalawang panig na kasangkot.
Hindi ligtas ang mga kapulisan ang Hukbong Sandatahan sa usapin ng korapsyon. Nababalot din
ng kontrobersiya ang kanilang mga pagbili ng mga kagamitang kinakailangan sa pagtupad ng kanilang
tungkulin. Kung matatandaan ay naging laman ng maraming balita sa telebisyon at pahayagan ang mga
akusasyon ng katiwalian sa dating hepe ng AFP na si Angelo Reyes. Bunga marahil ng depresyon sa
pagkasira ng kanyang pangalan na matagal niyang iningatan ay pinagpasyahan niyang kitilin ang kanyang
buhay sa harap ng libingan ng kanyang namayapang ina. Sinabi ng dating AFP Chief bago wakasan ang
kanyang buhay noong Pebrero 2011 na hindi siya ang nagsimula ng maraming iregularidad sa AFP.
Aniya, ito ay isang tradisyon. Ang tanging naging kasalanan niya ay ang pagtanggap dito bilang
ordinaryong bagay sa AFP.
Pinaniniwalaan na ang korapsyon ay isang tiyak na anyo ng mga maling gawi palasak sa loob ng
ahensya ng mga kapulisan at hukbong sandatahan. Kinasasangkutan ito ng pananamantala sa
benepisyong pananalapi at iba pang mga kapakinabangang makapagsusulong ng kanilang mga karera. Sa
kabila ng panunumpa sa kodigo ng pag-aasal o etika,may mga pagkakataon pa ring nilalabag ng mga
kapulisan ang espisipikong probisyon nito katulad ng mga sumusunod:
(a) Pagtanggap ng salapi bilang proteksyon sa ilegal na gawain. Maraming naglipanang mga
establisyemento at mga gawaing tahasang lumalabang sa espisipikong probisyon ng batas at
mga ordinansa ang hindi matinag-tinag dahil sa lakas ng loob na ipagpatuloy ang operasyon
nito epekto marahil ng proteksyon na kanilang natatanggap buhat sa mga kinauukulan-
katulad ng kapulisan.
(b) Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik at hindi pag-akto sa isang kaso na kailangan
niyang gawan ng aksyon.
(c) Pagtanggap ng suhol bilang kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket kaugnay ng paglabag ng
motorista sa batas pangtrapiko. Kung ang suhol ay tahasang hiningi ng kapulisan sa taong may
paglabag sa batas, ang krimen ay tinatawag na pangongotong, pangingikil, o extortion.
Ang pagtanggap ng suhol at ang paghingi ng suhol ng mga kapulisan ay isang malungkot na
realidad na kailangang sugpuin at wakasan. Mayroong mga batas na makatutulong upang sugpuin ang
suliraning ito subalit kailangan din ng bawat mamamayan ng ibayong disiplina sa sarili upang hindi na
lalong malugmok pa ang mga kapulisan at may kaugnay na tungkulin sa pagtataguyod ng korapsyon sa
gobyerno at lipunan.
(d) Pagtatanin ng ebidensya (planting of evidence). Ang akto na ito ay karaniwang ginagawa ng
kapulisan upang patibayin ang kaso laban sa isang indibidwal. Pinalalabas sa aktong ito na ang isang
indibidwal ay may kasalanan gamit ang mga ebidensyang itinanim ,sa kanya, bagamat ang katotohanan,
siya ay inosente at walang alam. Ang aktong ito ng kapulisan ay ilegal at hindi sinusuportahan ng kahit
na anong batas sapagkat nilalabag nito ang karapatan ng isang tao sa tamang proseso ng batas (due
process of law) lba naman ang konsepto ng instigasyon sa pagtatanim ng ebidensya. Dito ay karaniwang
gumagawa ng paraan ang kapulisan upang ang isang indibidwal ay kumilos at ilabas ang ebidensyang
kailangan upang magkaroon ng sapat na batayan ang kapulisan na hulihin ang naturang indibidwal batay
sa mga ebidensyang ipinakita. Legal ang prosesong ito at kinikilalang naaayon sa batas. Ang
pagpapahirap sa isang suspek (torture) ay isang konsepto ng pagpa-paamin o pagpapahirap sa isang
indibidwal na aminin ang isang krimen na maaaring kanyang ginawa o kaya ay hindi ginawa.
(e) Pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang mapagtagumpayan ang
naffs na makuha. Kinikilala itong isang anyo ng pangingikil na lumalabag sa mga umiiral na batas at
polisiya sa Pilipinas.
Korapsyon sa Hudikatura
Naging mainit ang mga usapin na ipinukol kay dating Supreme Court Justice Renato Corona dahil
sa maling deklarasyon ng kanyang mga pagmamay-ari at mga pagkakautang batay sa deklarasyon ng
kanyang SALN na sinasabing lumalabag sa RA 6713. Siya ang kauna-unahang Supreme Court Justice sa
kasaysayan ng Pilipinas na pinatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng proseso ng impeachment. Pinatalsik
siya sa pwesto noong May 29, 2012.
Ang kapalaran ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno (itinalaga ni dating Pangulong Benigno
Aquino III) ang kauna-unahang babaeng Chief Justice ng Korte Suprema sa Pilipinas ay hindi rin nalayo sa
kapalaran ng kanyang pinalitan na si Chief Justice Renato Corona. Bunga ng artikulo ng impeachment na
inihain ni Atty. Larry Gadon laban sa babaeng Chief Justice ay ang sunud-sunod na pagdinig sa Komite ng
Impeachment na kung saan ang mga kasamang mahistrado ng babaeng Chief Justice sa Korte Suprema
ay nagbigay ng kani-kanilang testimonya laban kay Sereno. Ang artikulo ng impeachment ay inilapat ni
Atty. Larry Gadon laban sa babaeng Chief Justice.
Hindi pa man umuusad ang proseso ng impeachment, si Solicitor General Calida ay naghain .ng
extraordinary remedy na quo warranto laban kay Sereno sa paniniwalang walang bisa ang pagtatalaga sa
kanya dati ni Pangulong Aquino bilang Chief Justice sapagkat hindi niya naibigay ang basikong kahingian
na paghahain ng SALN. Bagamat may mga usapin sa remedyong ito na ibinigay ni Calida, ang Korte
Suprema ay nagpasya na patalsikin si Sereno sa pwesto bilang Punong Mahistrado sa botong 8-6.
Korapsyon sa Pamamahayag
Ang pamamahayag ang isa sa mga basikong karapatang pantao na bibigyan ng proteksyon ng ating
Saligang Batas, espisipiko sa Artikulo III. Seksyon 4. Isinasaad dito na walang makapapasang batas na
bumabangga sa karapatan ng tao ng magsalita, magpahayag, o ang karapatan ng tao na magtipun-tipon
sa mapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang mga karaingan laban sa gobyerno.
Sa kabila ng mga karapatang ito ay may mga pagkakataon na ito ay nababahiran din ng usapin
ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan gaya ng mga sumusunod na sitwasyon:
(2) May mga pagkakataon din na kapalit ng suhol ang pagsusulat ng mga kwentong
mapakikinabangan ng indibidwal o kumpanyang nagbibigay ng suhol.
Korapsyon sa Lehislatibo
Ipinagbabawal sa prinsipyong ito ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan
ng gobyerno na nilikha o ang sweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya ay nanunungkulan pa bilang
kongresista. Layunin ng prinsipyong ito na maiwasan ang mga anumalya na kung saan ang kongresista ay
makikinabang sa batas na siya mismo ang nagbigay ng inisyatibo.
Ang pagbabayad ng buwis ay isang tungkuling iniaatang sa bawat mamamayang Pilipino kapalit ng
seguridad at sebisyong ibinibigay sa kanila ng pamahalaan. Walang pamahalaan na makatatayo nang
mag-isa kung wala ang buwis na kinukuha sa bawat mamamayan.
Sinasabi na ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis ay isang usaping dapat mahanapan ng agarang lunas.
Talamak ang paglabag sa tungkuling ito ng mga pribadong kumpanya sapagkat hindi nila idinideklara ang
kanilang taunang kita na mahalaga sana upang mapagkunan ng halaga na maaaring gugulin sa mga
proyektong pampamahalaan na pakikinabangan ng bawat isa katulad ng maayos na daan,
telekomunikasyon, at mga imprustrakturang pampamahalaan.
Mahalaga ang pagsusubasta sa publiko ng pagkakaloob ng kontrata upang maiwasan ang paggawad ng
kontrata sa sa mga negosyante o personalidad na makapagbibigay sa kanila ng personal na benepisyo.
Ang pagpapasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa ibang kontraktor ay maaaring
magdulot ng paggamit ng mabababang uri ng materyales o hindi matapus-tapos na mga proyekto.
Pangingikil.
Ang pangingikil ay tumutukoy sa isang akto ng panghihingi ng salapi, mahalagang bagay o serbisyo mula
sa mga transaksyon ng mga ordinaryong mamamayan sa kanilang mga tanggapan o opisina. Talamak
ang ganitong anyo ng korapsyon sa mga tanggapan na nagbibigay ng clearance at mga kaugnay na
dokumento, o mga serbisyong direktang kailangan ng mga mamamayan.
Paglalagay ng suhol.
Ito ay aktong makikita sa isang pribado o ordinaryong mamamayan na karaniwang napipilitang maglgay
sa opisyal ng pamahalaan resulta marahil ng matagal pag-aksyon ng taong gobyerno sa transaksyon na
kailangan ng pribadong indibidwal ng isang agarang aksyon