Professional Documents
Culture Documents
Ang impormasyon ay anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga naririnig, nababasa,•
napapanood O nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling karanasan. Maaari ding ang mga
impormasyon ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o representasyon at interpretasyon sa mga bagay sa
paligid sanhi ng kaayusan, laki, hugis, kulay o bilang ng mga ito.
Ang mga datos at kaalaman ay mga konseptong magkaugnay bagamat may tiyak na gamit ang
mga ito. Ang datos ay mga kaalamang kinokolekta, inuunawa at sinusuri upang makabuo ng bagong
impormasyon o kaalaman. Ang kaalaman naman ay mga kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso ng
impormasyon o mga kaisipang natamo o natutuhan mula sa maraming karanasan.