You are on page 1of 33

Pagbasa at Pananaliksik ng mga

Impormasyon
Pagbasa
• Ang pagbasa ay kompleks, daynamikong
proseso ng pagdadala ng mensahe sa
teksto at pagkuha ng kahulugan mula sa
teksto. Ito ay integratibong proseso ng
pagsasanaib ng apektibo, perseptwal at
kognatibong domeyn.
-Rubin at Bernhardt
William S. Gray
Si Dr. William S. Gray ay isang
amerikanong edukador at
tagapagtangkilik ng literasiya o
kaalaman at kakayahan sa pagbasa at
pagsulat. Tinagurian siyang “Ama ng
Pagbasa” dahil sa angking kahusayan sa
pag-aanalisa ng mga bagay-bagay at
dahil na rin sa
kahusayan sa gramatika.
Ayon kay William Gray, ang pagbasa ay
dumaraan apat na hakbang.

1. Persepsyon
-ay ang pagkilala sa simbulong
nakalimbag.
2. Kumprehensyon
-ay ang kakayahang maunawaan ang
nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang konsepto
3. Aplikasyon
-ay ang paglalapat at pagpapahalaga
sa kaisipang ibinabahagi ng teksto.

4. Integrasyon
- ay ang pag-uugnay-ugnay ng mga
bago at nagdaang karanasan sa pagbibigay
kahulugan sa teksto.
Mga Teorya sa Pagbasa
Teoryang Bottom- up
• Batay sa "Teoryang stimulusresponse" ang
sentro ng pagbasa ay ang teksto na
kailangan munang maunawaan ng
mambabasa bago siya makapagbigay ng
kaukulang reaksyon o interpretasyon.
Teoryang Top- Down
• Ang mambabasa ay gumagamit ng
kanyang dating kaalaman (prior knowledge)
at mga kaalaman (schema) na nabubuo na
sa kanyang isipan batay sa kanyang mga
karanasan at pananaw sa paligid.
Teoryang Interaktiv
• Learning is a two-way process. Hindi
monopolyo ng mga mambabasa ang pag-
unawa sa tekso. Sa paggamit ng dalawang
paraan (bottom-up at topdown),
nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng
teksto at ng mambabasa
Teoryang Iskema -
• Ang lahat ng ating naranasan at
natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o
memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman
(prior knowledge). Ito’y
nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-
unawa kung ano ang alam na o hindi alam
ng mambabasa.
Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
ISKANING
• Uri ng pagbasa sa kung saan ang
nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad
sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa
mga susi na salita o key word, pamagat at
sub-titles.
ISKIMING
• Uri ng pagbasa sa kung saan ang
nagbabasa ay nagsasagawa ng
mabilisang pagbasa upang makuha
ang pangkalahatang ideya ng teksto.
. PREVIEWING
• Sinusuri muna ng mambabasa ang
kabuuan at ang estilo at register ng
wika ng sumulat.
KASWAL NA PAGBASA
• Kadalasang ginagawa bilang
pampalipas oras lamang.
PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
• Ito rin ay pagbasa na may hangarin
na mapalawak ang kaalaman.
MATIIM NA PAGBASA
• Isinasagawa ang pagbasa na ito nang
maingat para maunawaan ganap ang
binasa upang matugunan ang
pangangailangan.
RE-READING O MULING
PAGBASA
• Isinasagawa ang muling pagbasa upang
makabuo ng pag-unawa o masakyan ang
kabuuang diwa ng materyal na binasa.
PAGTATALA
• Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala
ng mga mahalagang kaisipan o ideya
bilang pag-imbak ng impormasyon.
PANANALIKSIK
• Ang pananaliksik ay isang sistematiko at
siyentipikong proseso ng pangangalap,
pagsusuri, pag- aayos, pag- oorganisa, at
pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa
paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng
prediksyon, at pagpapatunay sa
imbensyong nagawa ng tao.
PANANALIKSIK
• Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik
ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko,
at kritikal na pag- imbestiga sa
haypotetikal na pahayag tungkol sa
inaakalang relasyon o ugnayan ng mga
natural na penomenon.
PANANALIKSIK
• Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay
puspusang pagtuklas at paghahanap ng
mga hindi pa nalalaman. Ipinahayag
naman ni Sevilla (1998), na ang
pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng
teorya,
Katangian ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay sistematiko
• Ito ay sumusunod sa maayos at
makabuluhang proseso na nagbubunsod
sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa
suliranin o anuman na naglalayong
matuklasan ang bagay na hinahanapan ng
kasagutan.
Ang pananaliksik ay kontrolado.
• Ito ay hindi isang ordinaryong problema
na madaling lutasin. Pinaplano ito nang
mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-
iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa
resulta ng isinasagawang pag-aaral. Ang
napiling suliranin ay binibigyan ng
pagpapaliwanag, kinikilala at pinipili ang
mga baryabol.
Ang pananaliksik ay empirikal
• Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga
datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya
ay handa na upang mapatunayan o
mapasinungalingan ang binuong
haypotesis. Ang mga empirikal na datos ay
magsisilbing batayan sa pagbuo ng
kongklusyon.
Ang pananaliksik ay pagsusuri
• Ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na
kwantitatibo at kwalitatibo.
Ang pananaliksik ay pagsusuri
• Kwantitatibo Pananaliksik
- ay nagbibigay diin sa mga sukat ng layunin
at ang statistical, matematika, o numerical analysis
ng data na nakolekta sa pamamagitan ng mga
botohan, mga questionnaire, at mga survey, o sa
pamamagitan ng pagmamanipula ng mga umiiral
nang statistical data gamit ang computational
techniques.
Ang pananaliksik ay pagsusuri
• Kwalitatibo
- itinuturing na "nonnumerical" o
"hindi nabibilang". Nakabase ito sa mga
opinyon, at iba pang relatibong
impormasyon na maaaring mag-iba iba sa
iba’t ibang tao sa isang partikular na
panahon. Kalimitang sinasagot nito ang mga
katanungang “bakit” at “paano.”
Ang pananaliksik ay lohikal,
obhektibo, at walang kinikilingan.
• Ang anumang resulta ng pag-aaral ay may
sapat na batayan at hindi salig sa sariling
opinyon ng mananaliksik. Ang mananaliksik
ay dapat na walang pinapanigan o
kinakampihan. Dapat itala niya anuman ang
naging resulta ng pag-aaral. Maituturing na
isang krimen ang pagmanipula sa resulta ng
anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng
mananaliksik na maging matapat at
obhektibo.
Ang pananaliksik ay ginagamitan
ng haypotesis.
• Ito ay tumutukoy sa tiyak na
pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang
pag- aaral. Ipinakilala ng haypotesis ang
kaisipan ng mananaliksik sa simula pa
lamang ng pag-aaral.
Orihinal na akda ang pananaliksik
• Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa
at wala pang nakagawa sa nasabing
pananaliksik.

You might also like