You are on page 1of 24

PAGBASA

PAGBASA
- isang proseso ng pagsasaayos,
pagkuha, pag-uunawa ng anumang uri at
anyo ng impormasyon o ideya na
kinakatawan ng mga wika o simbolo na
kailangang tingnan at suriin upang
maunawaan.
Anderson
"Ang pagbasa ay proseso ng
pagkokonstrak ng kahulugan mula sa
mga tekstong nakasulat. Isa itong
komplikadong kasanayan na
nangangailangan ng ilang
magkakaugnay na hanguan ng
impormasyon."
Wixson
ang pagbasa ay proseso ng pagkonstrak ng
dinamikong interaksyon ng nga ss:
1. dating kaalaman ng mambabasa
2. impormasyong taglay ng tekstong
binabasa
3. konteksto ng sitwasyon sa pagbabasa
William S. Gray
(Ama ng Pagbasa)
Ang pagbasa ay (kognitibo o
pangkaisipan) proseso ng pag-unawa sa mga
mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa
babasa ng kanyang isinulat. Ito ay mental na
gawain tungo sa pagkilala, pagpapakahulugan
at pagtataya sa mga isinulat ng may-akda.
PROSESO NG PAGBASA ayon
kay William S. Gray:
1. Persepsyon - Kinikilala sa hakbang na ito
ang mga simbolong nakalimbag.
2. Komprehensiyon - Inuunawa ang mga
kaisipang inihahatid ng mga nakalimbag na
simbolo.
pagbibigay kahulugan sa teksto.
PROSESO NG PAGBASA ayon
kay William S. Gray:
3. Aplikasyon - Paglalapat at pagpapahalaga
sa kaisipang ibinahagi ng teksto.
4. Integrasyon - Pag-uugnay-ugnay ng mga
bago at nagdaang karanasan sa pagbibigay
kahulugan sa teksto.
MGA PANANAW SA PROSESO
NG PAGBASA
• Teoryang Top-Down - Ang pag-
unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip
ng mga mambabasa (top) tungo sa
teksto (down)
• Teoryang Bottom-Up - Ang pag-
unawa ay nagmula sa teksto patungo sa
tagabasa.
MGA PANANAW SA PROSESO
NG PAGBASA
• Teoryang Interaktib - Kombinasyon ng
teoryang top-down at bottom -up.
• Teoryang Iskema - Bawat bagong
impormasyong nakukuha ng pagbabasa ay
naidaragdag sa dati nang iskima. Bago pa
man basahin ng mambabasa ang teksto ay
may taglay na siyang ideya sa nilalaman ng
teksto.
INTERAKTIBONG PROSESO
NG PAGBASA
Sa pagbasa, kailangan ang interaksyon ng mag-aaral o
mambabasa at ng teksto sa pamamagitan ng interpretasyon,
pagpapalawak, pagtalakay sa mga alternatibong posibilidad
at iba pang konklusyon.
Kailangan sa interaktibong pagbasa, hindi lamang ang
pagpapahayag ng sariling ideya, kundi pag-unawa rin sa
ideya ng iba.
Sa paggamit ng interaktibong pagdulog sa pagbasa,
dapat isaalang-alang ang komprehensyon.
MGA ELEMENTO NG
METAKOGNITIB NA PAGBASA
Metacognisyon
- kaalaman at pagkakabatid kung papaano makokontrol ang proseso
ng pag-iisip. Bahagi ng metakognisyon ang metakomprehensyon
na binubuo ng dalawang aspeto; ang pagkakaroon ng kamalayan
kung kailan hindi mauunawaan ang isang bagay at ang pagkaalam
sa istratehiyang dapat gamitin upang malunasan ang kakulangan
sap ag-unawa.
- proseso ng pagkakakilanlan kung ano ang ating alam at kung paano
natin malalaman ito.
2 KASANAYAN SA
METACOGNITION
• DECODING
Kinikilala sa prosesong ito ang mga salitang
binabasa at binibigyan ng kaukulang kahulugan.
• ENCODING
Inuunawa, inaayos at binibigyang-anyo ang
tekstong binasa.
2 KASANAYAN SA
METACOGNITION
ANTAS NG METAKOGNITIV NA
PAGBASA
1. Paglinang ng plano
o Ano ang aking dating kaalaman na nakatutulong sa
akin sa gawaing ito?
o Sa anong direksyon ko nais dalhin ako ng aking
pag-iisip?
o Ano ang una kong dapat gawin?
o Bakit ko ito binabasa?
o Gaano karaming oras ang mayroon ako upang
kumpletuhin ang gawaing ito?
ANTAS NG METAKOGNITIV NA
PAGBASA
2. Paggamit at Pagmomonitor ng Plano
o Kumusta ang aking pagsasagawa nito?
o Ako ba ay nasa tamang landas?
o Paano ako dapat magpatuloy?
o Anong impormasyon ang mahalaga kong tandaan?
o Dapat ba akong bumaling sa ibang direksyon?
o Dapat ko bang isaayos ang aking bilis sa paggawa ayon sa
kahirapan ng gawain?
o Anong kailangan kong gawin kung di ko maunawaan ang
aking binabasa?
ANTAS NG METAKOGNITIV NA
PAGBASA
3. Pag-ebalweyt sa Plano
o Kumusta ang aking pagsasagawa ng aking
gawain?
o Ang akin bang paraan ng pag-iisip ay naisagawa
ng mas marami o mas kaunti kaysa aking inaasahan?
o Ano kaya ang dapat na nagawa ko sa ibang
paraan?
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBASA
1. SCANNING – pagbasa nang mabilisan nang
di gaanong binibigyang-pansin ang
mahahalagang salita. (Paghahanap ng
trabaho sa Classified Ads, nakapasa sa
pagsusulit sa board, at mga pangunahing
balita)
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBASA
2. SKIMMING – ito ay pasaklaw o
mabilisang pagbasa upang makuha ang
pangkalahatang ideya o impresyon. (pagpili
ng material na babasahin, pagtingin o
paghanap ng mahahalagang impormasyon
na maaring magamit sa term papers)
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBASA
3. PREVIEWING – sa uring ito, hindi
agad nakatuon ang panson sa nilalaman ng
akdang babasahin. Bagkus, sinusuri muna
ang kalahatang kaanyuan ng akda.
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBASA
4.KASWAL – ito ay pagbasa ng
pansamantala. (pampalipas-
oras).
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBASA
5. PAGBABASANG PANG-
IMPORMASYON – layunin nito na
kumalap ng mahalagang impormasyon na
magagamit sa pang-araw-araw na
pangangailangan tulad ng kalagayan sa
ekonomiya at panahon.
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBASA
6. MATIIM NA PAGBABASA –
nangangailangan ito ng maingat na pagbasa
na may layuning maunawaang Mabuti ang
binabasa para matugunan ang
pangangailangan sa pananaliksik, ulat,
atbp.
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBASA
7. MULING PAGBASA – pag-uulit sa
pagbasa kung ang binabasa ay mahirap
unawain bunga ng di pamilyar na mnga
talasalitaan o nakalilitong pagkakabuo ng
mga pahayag.
IBA’T-IBANG PARAAN NG
PAGBASA
8. PAGTATALA – ito ay pagbasang
may kasamang pagtatala ng mga
mahahalagang kaisipan o datos na
kailangan. Kasama rito ang paggamit
ng marker o highlighter.

You might also like