You are on page 1of 3

4

ND
Pangalan Mickaela Rose L. Duran Pangkat 2 BSN Iskor

Asignatura Gen. Ed. 10 – KOMFIL Guro Mdm. Christine Panon Petsa

Uri ng Gawain: Konsepto Isahan Formative Iba pa:


Drawing
out the best Laboratoryo Pangkatan Summative
in you!

Modyul 3

Aralin/Paksa: PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON


Layunin: 1. Naipaliwanag ang kabuluhan pagbabasa at pananaliksik.
2. Natukoy ang malawak na ugnayan ng pagbabasa at pananaliksik.
Sanggunian:
San Juan, David Michael, et.al, (2018). Ugnayan kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino
(Teksbuk sa bagong asignaturang Filipino sa Kolehiyo). Malabon City, Philippines.
Mutya Publishing House, Inc.
https://www.youtube.com/watch?v=Wnw9vMx6PNo

PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON

Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong upang ito’y mas lalo pang
maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga salita (Anderson, 1998).
Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa ay parang pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at
pagbabasa na may pang- unawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay masagot. Samantala ang
pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha ng mga impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong
maintindihan ang bawat bagay.

MGA LAYUNIN SA PAGBASA:


1) Nagbabasa upang maaliw.
2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito.
3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.
5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba sa kulturang
kinagisnan.

Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S. Gray na siyang
kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag-unawa, Reaksyon at Assimilasyon at
Integrasyon.

Pagbasa
Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na teorya. Ito ay ang:
1. Bottom-up—Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang
behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran at sa paglinang ng komprehensyon
sa pagbasa.
2. Top-down—Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil
napatunayang maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi
sa mambabasa tungo sa teksto.
3. Interaktib—Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga
proponent nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga
baguhan pa lamang.
4. Iskema—Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa.
Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima.
Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya
sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.

Pagpapaunlad ng Pagbasa

Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at naglalayong umunlad ang
kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang mga kaayusan ng pangungusap ay kontrolado at
sumusunod sa takdang criterion para sa pagkasunod-sunod.

Prepared by:

MRS. CHRISTINE MAE A. PANON


Gen. Ed. 10 Instructor
5

Iskiming—Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang materyales ay
isinulat ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito ba ay naglalaman ng impormasyon.
Overviewing—Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw.
Survey—Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng materyales.
Iskaning—Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan hanapin ang mga
impormasyon na kanyang gusting malaman.
Previewing—Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan.
Kaswal—Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na tinitingnan ang
bawat salita na ibinibigay.
Pagtatala—Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niya maintindihan o
napakahirap na salita.
Re-reading o Muling Pagbasa—Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit ang
pagbasa upang sa ganoo’y ito ay mas lalong maintindihan.

Ngayon dumako naman tayo sa pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap
ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit
ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan
ng pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa mas mainam
na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Ang isang pananaliksik ay mag iba’t ibang
katangain, ito ay ang pagiging:

1. Sistematiko
2. Empirikal
3. Mapanuri
4. Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda
5. Akyureyt na imbestigasyon
6. Matiyaga at hindi minamadali
7. Nangangailan ng tapang
8. Maingat napagtata at pag-uulat

Ito ay nagagamit sa pakikipag komunikasyon at ito’y isang hakbang upang ang bawat tao
ay magkaintinhan at mapalawak pa ang kaalaman. Nakakatulong rin ito upang matukoy ang at malaman
ang pamamaraan ng pagbasa at pananaliksik sa komunikasyon.

GAWAIN:
1. Bigyang kahulugan ang mga katangian ng pananaliksik na nakatala sa itaas. (2pts. bawat bilang,
KABUUAN 16pts.)
Sistematiko - ito ay isang paghahanap, pagpili, at pamamahala ng pinakamahusay na magagamit
na ebidensya para sa pananaliksik.
Empirikal- ito ay isang pang-uri na nagpapahiwatig na ang isang bagay ay natay sa pagsasanay,
karanasan, at pagmamasid sa mga katotohanan.
Mapanuri- ito ay pag-ieksame ng mga impormasyon, datos, ideya, o opinyon upang mapatunayan kung
ito valid, mapagkakatiwalaan, lohikat, at may batayan.
Obhetibo, lohikal, at walang pagkiling orihinal na akda - ito ay lahat na tuklas o mga kongklusyon ay
kailangang lohikal na nababatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin
ang resulta ng pananaliksik.
Akyureyt na imbestigasyon- mga datos dapat mailahad sa pamamaraang numerocal at masuri sa
pamamagitan ng istatikal na tritment.
Matiyaga at hindi minamadali- upang matiyak ang katumpakan ng pananaliksik, kailangang
pagtiyagaan ang bawat hakbang nito.
Nangangailangan ng Tapang- Sapagkat makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang
pananaliksik, o di-pagsang-ayon ng publiko at lipunan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik.

2. Sa iyong sariling pananaw, ano ang ugnayan ng kasanayang pagbasa sa pagsasagawa ng pananaliksik
upang maging mabisang ang paghahatid ng impormasyon? Ipaliwanag. (Nilalaman 10pts.,
Organisasyon 2pts., Balarila 2pts., KABUUAN 14pts.)

Ang ugnayan ng kasanayang pagbasa sa pagsasagawa ng pananaliksik upang maging mabisa ang
paghahatud ng mga impormasyon ay nakakatulong ito upang mas lalo pang maintindihan. Ang kasanayang
pagbasa ay pagkilala, pag-uunawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakahalimbag na
simbolo. Kung saan ito ay isa sa mga importante para makakuha ng impormasyon sa pagsasagawas ng
pananaliksik.
Prepared by:

MRS. CHRISTINE MAE A. PANON


Gen. Ed. 10 Instructor

You might also like