You are on page 1of 2

Abogado, Marxel S.

XII – ICT 201 Filipino sa Piling Larang

Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang mga sumusunod.


1. Katangian ng akademikong sulatin
Ang akademikong sulatin ay ang mga sulatin na ginagamit sa pampaaralang
konteksto upang maisakatuparan ang mga pangangailangan nito. Nararapat na ito
ay kompleks, at gumagamit ng sapat na bokabularyo para sa napiling larang. Ito ay
pormal at wasto sa paggamit ng salita, dahil kailangan nitong maging seryoso at
maintindihan ng lahat. Ito ay obhetibo, nagpapakita ng tumpak na datos at
responsable sa paglalahad ng ebidensya upang malaman na purong katotohanan
ang sulatin na ipinapahayag. Ito ay may malinaw na layunin na tumutugon sa
paksa ng sulatin, at malinaw na pananaw na naglalahad ng mga ideya at saliksik
ng iba. Ito ay may pokus, at may malinaw at kumpletong eksplenasyon upang
madaling maintidihan ng mambabasa ang mga punto, detalye at mga ideya. Ito ay
mayroong lohikal na organisasyon at iskolarling estilo sa pagsulat, upang
maisunod ang istandard sa pagsulat, maging maingat at kritikal ang paggawa at
binibigyang halaga ang gramatika. Panghuli, ito ay nararapat na magkaroon ng
epektibong pananaliksik na gumagamit ng napapanahon, propesyunal, at
akademikong hanguan ng impormasyon upang magkaroon ito ng kaugnayan sa
kasalukuyang panahon at magsisilbing pag-uunlad at pagsulong ng iba’t ibang
larangan.

2. Mga layunin sa akademikong pagsulat


Ang akademikong pagsulat ay may tatlong karaniwang layunin: ang maghikayat,
magsuri. at magpabatid ng impormasyon.

Sa mapanghikayat na layunin, ang manunulat ay may layunin na maniwala sa


kanyang posisyon tungkol sa paksa. Siya ay nagsasaliksik at naghahanap ng
ebidensiya upang mapatunayan ang kanyang mga punto at pumanig ang
mambabasa sa kanya.

Ang mapanuring pagsulat o analitikal na pagsulat ay may layuning magpaliwanag


ng paksa sa pamamaraan ng imbestigasyon, pagsusuri, pag-eeksamen, at pag-alam
ng suliranin upang matugunan ang paksa.
Ang impormatibong pagsulat naman ay kaiba sa sinusundang layunin sapagkat
hindi tinutulak ang mambabasa sa kanyang sariling pnanaw at nakapokus lamang
sa paksa upang mas mapaunlad ito.

Maari sa isang akademikong sulatin ay magkaroon ng isa, dalawa, o higit pang


mga layunin upang makamit ng manunulat ang pakay ng paglalahad ng
impormasyon.

3. Kalikasan ng pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang masursing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian.
Ito ay nagsisilbing ugat ng kaunlaran ng kaalaman, ng pagkakaroon ng maayos na
lipunan, at ng pamumuhay.
Ito ay masusi dahil nililinaw nito ang bawat detalye, datos, pahayag at katwiran, at
pinag-aaralang mabuti bago magkaroon ng konklusyon.
Ito ay mapagsiyasat dahil naghahanap ito ng patunay sa mga ideya, pamamalagay,
o haka-haka. Ito ay pag-aaral dahil bunga ito ng tamang pagtimbang, pagsuri at
Abogado, Marxel S. XII – ICT 201 Filipino sa Piling Larang

pagtitiyak ng datos at impormasyon. Ito ay obhetibo dahil ang mga datos na


pinagkukuhanan nito ay di-kumikiling at di-kinikilingan. Nagbibigay-linaw ito
dahil nagdadagdag ito ng impormasyon na hindi pa alam o maintindihan ng iba.
Nagpapatunay at nagpapasubali upang matama ang mga palagay o mga bagay na
mali, hindi totoo o hindi dapat pinaniniwalaan.

Ang mga layunin ng pananaliksik ay ang: tumuklas ng bagong datos at


impormasyon, magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya, maglinaw sa
isang pinagtatalunang isyu, manghamon sa katotohanan at pagkatwiran upang
patunayan ito, at magbigay ng historikal o galing sa orihinal na perspektibo para
sa isang pangyayari. Ang lahat nito ay nagsisilbing pagtulong sa pagsulong at
pagbabalanse ng kaisipan ng madla upang mapaunlad natin ang mundo ng
akademya.

4. Tungkulin at responsibilidad ng isang mananaliksik


Ang mananaliksik ay kailangang sumunod sa mga wastong katangian upang
makapagbigay ng epektibong pananaliksik.
Ang mananaliksik ay matiyaga sa paghanap ng datos mula sa iba’t ibang
mapagkukuhanan batay sa kanyang paksa o larang. Siya ay hindi kumukuha ng
pansariling kuro-kuro, kaisipan, o datos.
Ang mananaliksik ay maparaan sa paghanap ng datos at nag-iisip ng sariling paraan
para makuha ito. Dahil dito, siya rin ay maingat sa pagpili ng mga datos at kailangan
niya ay ang makatotohanan at maaasahang pinagkukunan.
Ang mananaliksik ay kritikal sapagkat siya ay nakakapagbigay ng sariling
interpretasyon, konklusyon at rekomendasyon mula sa datos, pagsisiyasat, at
paghahanap ng ibang paksa.
Ikahuli, ang mananaliksik ay responsable sa paggamit ng nakuhang mga datos.
Kinikilala niya ang ibang mananaliksik o propesyunal na pinagkuhanan niya ng
impormasyon sa kanyang pananaliksik upang mapaniguro niya ang paglawak ng
impormasyon at pag-iwas sa plagiarism o pangongopya ng pananaliksik.

You might also like