You are on page 1of 11

11

1
Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik

Ikaapat na Markahan – Modyul 3

Layunin at Gamit sa
Pagsulat ng Pananaliksik
Panimula

Ang modyul na ito ay naglalayong matalakay ang layunin at gamit sa pagsulat


ng pananaliksik sa ikaapat na bahagi ng pagbasa at pagsulat.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naiisa-isa ang mga paraan at


tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika ng pananaliksik F11PU – IVef – 91

Pagkatapos ng modyul 3, ikaw ay inaasahang:

1. Nakatutukoy sa mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng


pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika ng
pananaliksik.
2. Nakasusuri sa mga layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik.
3. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng layunin, tamang proseso at gamit sa
pagsulat ng pananaliksik sa buhay ng tao o lipunan, bansa, daigdig,
kalikasan at agham.

Subukin

Panuto: Pumili ng sagot mula sa loob ng kahon at isulat sa patlang ng bawat bilang
upang mabuo ang kaisipan.

Pagpapahayag ng layunin pagsuri ng datos hanapbuhay

Magbahagi ng kaalaman makapag-impluwesiya mahasa

Nasasagot ang katanungan napabilis ang gawain proseso

Pagbalangkas ng suliranin pagtitipon ng mga datos natuklasan

Siyentipikong pananaliksik lawak ng kaalaman pagpili ng paksa

2
1. Anumang gawaing sulating pananaliksik layuning nitong ______________sa mga
mambabasa.
2. Ikaw ay nanaliksik sapagkat nais mong magkaroon nang _____________________.
3. Gumawa ka ng pananaliksik tungkol sa kabuhayan sapagkat nakita mo ang
pangangailangan ng mamamayan dahil nito nais mong mabigyan ng
________________sila.
4. Ang _____________ ay isang pamamaraan sa pagkuha mula sa makatotohanang
nalathalang impormasyon.
5-6. Dahil sa ___________________maraming bagay ang _____________________.
7. Gumawa ka ng pananaliksik dahil nais mong _______________________.
8. Ang paggawa ng pananaliksik ______________________ na hindi malinaw at
komplikadong suliranin.
9. Kapag may nalikom ka ng mga impormasyon gagawin mo ang ______________.
10. Dahil sa siyentipikong pananaliksik __________________ ng tao.
11. Dahil may itinakdang panahon mahalagang gagawin ang _______________ kapag
matapos na ang iyong pananaliksik.
12. Sa pagsasagawa ng pananaliksik mahalaga ang _______________.
13. Nakita mo ang panlipunang suliranin kaya gumawa ka ng isang pananaliksik
sapagkat nais mong ____________________sa kinauukulan.
14. Ang pananaliksik ay daan para ___________________ ang karunungan ng mag- aaral.
15. Sa pananaliksik mahalaga ang pagsunod ng _______________.

Layunin at Gamit sa

3 Pagsulat ng Pananaliksik

Alamin

Ang pagsulat ay isang paglalarawan ng wika sa


tekstuwal upang nais mong maihatid ang gawin at tunguhin
ng maayos at malinaw. Paano mo maipapahayag ang iyong
iniisip, saloobin at damdamin. Sa araling ito tatalakayin
ang mga mahalagang tunguhin, gamit at pamaraan sa
pagsulat ng pananaliksik na may pananagutan.
Bilang isang mananaliksik ikaw ay nakikibaka sa
iba’t ibang impormasyong nais mong malaman, matutunan,
maibabahagi ang mga kaalaman sa mambabasa at higit sa
lahat turuan at tulungan ang lipunang iyong ginagalawan.
Dahil dito gagawa ka ng isang sulatin na kailangang may
3
sapat na kaalaman tungkol sa gamit ng pananaliksik sa
buhay ng tao.

Balikan

Panuto: Ibuod ang uri at disensyo ng pananaliksik gamit ang pyramid.

Tuklasin

Panuto: Buoin ang pahayag mula sa susing letra na nakasulat sa patlang na


nakalaan.

1. Taong madaling makakuha ng tagapakinig. M____________________


2. May sasabihin ka at nais mong M______________________.

4
3. May maganda kang I__________at nais mong ibahagi ito.
4. Napakaraming suliraning panlipunan at nais mong gumawa ng isang magandang
P____________.
5. May nakita ka pero hindi sigurado kung kaya nais mong patunayan ito sa
pamamagitan ng P_________________ng maraming D_____________.
6. Upang maging balido ang iyong pag-aaral kailangan ang masusing P____________ ng
D______.
7. Ang mga siyentipikong bagay ay N__________ mula sa pananaliksik at pag-aaral.
8. G________ang siyentipikong pananaliksik napadali ang mga gawain.
9. N_______________ ang kaalaman ng mananaliksik dahil sa ginawang pananaliksik.
10. Mahalaga ang L _____________ sa pagbuo ng pananaliksik.

Suriin

Layunin ng Pagsulat ng Pananaliksik


1. Pagbibigay ng magandang kaisipan

Ang kaisipang taglay sa mga panulat na kailangang matuklasan ito ng tao. Kailangan
sa panulat ang logic o lohikal upang makamit ang ethics o etika ang siyang tutuklas
sa kaisipang taglay ng isipan.
2. Pagbibigay ng pagkakataong marinig

Ang panulat ay boses na dumadagundong kaya kailangang iparinig. Subalit, maririnig


at pakikinggan lamang ng tao ang nais sabihin kung marunong kang maglahad at
magpahayag. Pampagising ng diwa ang panulat kung isinulat sa pamamaraang lohikal
at makritikal. Isang malaking instrumento ang panulat sa pagpukaw at pagpapakita
sa mga bagay na di napapansin ng lipunan.

3. Pagkakataong maka-impluwensiya ng iba

Nilalayon ng panulat na makahikayat sa mambabasa lalo na sa puso at isip ng tao


nang sa ganoon ay magkaisa at kikilos para sa ikabubuti ng lahat. Ang kakayahan ng
panulat ang natatanging susi para himukin na ang pamamaraang ito na matuklasan
ang sanhi ng mga nakalipas na kumilos ang sarili, ang tao, ang lipunan, at ang bayan
o daigdig mula sa isang masusing pananaliksik na nais iparating.

Pamamaraan o Proseso ng Pagsulat ng Pananaliksik


Tinatangkang sagutin o tugunin ng pamamaraang ito ang nakaraan sa pamamagitan
ng pagpapakita ng kaugnayan ng sanhi at bunga. Sinisikap at gawaing isinasaalang-alang.

5
Halimbawa: kaganapan, sitwasyon, at kalagayan. Makukuha ang mga datos sa mga tunay
na talaan, dokumento o kasulatang naging saksi ng nakaraan. Narito ang ilang mga
sumsunod:
1. Pamamaraang pangkasaysayan, na tinutuklas ang katotohanan ng nakaraan
2. Pamamaraang palarawan, tungkol sa kasalukuyan
3. Pamamaraang eksperimental, tungkol sa maaaring maging katotohanan sa hinaharap.

1. Pagpili ng paksa at pagbalangkas ng suliranin


Isinasaalang-alang sa gawaing ito ang kakayahan ng mananaliksik, ang
mapagkukunan ng mga datos, ang tagal ng panahong maiuukol sa pag-aaral, ang
kagalingang pampropesyonal, ang sapat na mapagkukunan ng mga datos, at pagtiyak na
matatapos ng mananaliksik ang proyekto sa itinakdang panahon sa pagpili at pagpapalawak
ng paksa.
2. Pagpapahayag ng Layunin o Haypotesis
Ang pagbuo ng layunin ay nagsisimula sa mga katanungan. Sa paglalahad ng mga
layunin ay matutuklasan ng mga mag-aaral na maaaring ang mga katanungan ay kulang,
mali o hindi ayon sa nais bigyang hinuha sa pag-aaral. Maaari itong baguhin at palitan na
aangkop sa paksa. Maaari ring ilahad ang pare-parehong antas o konsepto ng mga tanong o
di-kaya’y lubhang malawak na hindi makakayang maisagawa ng mag-aaral sa dahilang
kulang ang mga datos na makakalap ayon sa panahong uukulin sa pag-aaral.
Pinahihintulutan din na ito ay baguhin hanggang ang mga katanungan ay aangkop sa
napiling paksa. Ang sagot sa mga katanungang inilahad ay magiging lundo at mga ideyang
magkokontrol sa kabuuan ng pag-aaral.
3. Pangangalap at pagtitipon ng mga Datos
Ang mga datos ay maaaring makalap mula sa mga kasulatan tulad ng mga opisyal at
pampublikong dokumento, ang saligang-batas, mga batas, mga dekreto, mga resolusyon at
iba pa; mga materyales na naisalin na ng pasalita gaya ng mga kuwentong-bayan, alamat at
tradisyon; mga gawaing pansining tulad ng mga masining na guhit, mga larawan, mga relikya
at labi, maging pisikal o hindi.
4. Pagsusuri ng Datos
Sa bahagi namang ito ginagawa ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng
mananaliksik, ang lumikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at
interpretasyon ng mga datos na nakalap. Tandaan na ang sistematikong presentasyon ng
mga datos ay magtatakda sa husay ng panunuri at interpretasyon kung kaya’t kailangang
pag-isipang mabuti ng isang mananaliksik ang pinakamabisa at angkop na presentasyon.

Gamit ng Pananaliksik
Ang ilan sa mga gamit ng pananaliksik ay ang pagpapalawak ng pansariling kaalaman
ukol sa isa o higit pang paksa, maaring gamitin sa paglalahad o pagsasalaysay ng kaalaman

6
ukol sa isa o higit pang paksa sa ibang tao, o 'di kaya'y ginagamit ito upang maghanap ng
sagot sa iba't-ibang katanungan.

Ang pananaliksik ay sistematikong pagtatala mo ng iyong obserbasyon sa isang


pinatutunayang teorya. Ito ang proseso, pamamaraan at estratehiya na ginagamit ng
mananaliksik. Ito ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ebidensiya at
aktuwal na mga datos.

Ayon kay Zafra (1997), gamit ng pananaliksik ang sumusunod:


a. Sa pang araw-araw na gawain na karaniwang ginagawa ito ng ordinaryong indibidwal
sa kanyang pang-araw-araw na buhay.
b. Akademikong gawain sa pagpapalawak ng kaalaman,
c. Sa kalakalan - layuning nitong mapaunlad at ikatatagumpay, maibahagi, mapalawak,
at paglutas ng maaaaring suliraning kinaharap.
d. Sa mga instistusyong pribado at gobyerno- ang pag-aaral na isasagawa ay nagsisilbing
suporta at tulong sa pagsulong ng kaunlaran at paglutas ng mga suliraning may
kaugnayan sa mamamayan at mga polisiya.

❑ Mahalagang mahasa ang kasanayan ng isang mag-aaral sa pananaliksik at sa pagsulat


ng sulating pananaliksik sapagkat ang pananaliksik ay may mga simusunod na
halaga.
❑ Sa pamamagitan ng pananaliksik, lumalawak at lumalalim ang karanasan ng tao,
hindi lang tungkol sa partikular na paksang pinag-aaralan niya, kundi sa lipunang
nagsisilbing konteksto ng kaniyang pananaliksik.
❑ Magkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapwa at nakikita niya ang
bisa ng pananaliksik upang mapabuti.
❑ Ang pananaliksik ay lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung isasaalang-
alang ang pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito.
❑ Maraming buhay rin ang guminhawa at magkaroon ng hanap-buhay tulad ng
pamamasada dahil sa siyensya na natuklasan, ganun rin ang mga mag-aaral
mayroong nagagamit sa kanilang proyekto na computer at internet.

Isaisip
Tandaan mo…
Sa paggawa ng pananalikisk mahalaga ang layunin sapagkat ito ang direksyon sa
gawaing sulatin. Layunin nitong magbigay at magtuklas ng mga bagong impormasyon, ideya,
konsepto, makapagbigay ng bagong pagpakahulugan, solusyon sa problem, at magbigay ng
mga mungkahi batay sa pangkasaysayang perspektibo para sa isang pangyayari o senaryo.

Sa pagsulat ng pananaliksik saklaw nito ang napakaraming benepisyo para sa ikabubuti ng


pamumuhay ng tao sa iba’t ibang larangan. Gamit ito sa pagtuklas ng solusyon sa suliranin, pagtuklas

7
ng bagong kaalaman at konsepto, susi ng kaunlaran sa iba’t ibang larangan, at paghabi ng mga bagong
bagay na nakakatulong sa tao, lipunan, at bansa.

Isagawa
Panuto: Sagutin at ipaliwanag sa loob ng tatlong (3) pangungusap ang iyong sagot sa bawat
katanungan na nasa ibaba batay sa layunin, proceso at gamit ng pananaliksik.

1. Anong pamamaraan ang dapat gawin ng isang mananaliksik para magkaroon siya ng
magandang resulta sa pananaliksik?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Bakit nakakatulong ang pananaliksik sa buhay ng tao, lipunan, at bansa?


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Paano nagagamit ang pananaliksik sa pamahalaan at larangang kalakalan?


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto: Sumulat ng isang talatang sagot para sa bawat larawan na may kaugnayan sa
layunin, tamang proseso at gamit sa pagsulat ng pananaliksik sa buhay ng tao o lipunan,
bansa, daigdig, kalikasan at agham. (Nilalaman- 3 puntos; gramatika 2 puntos)

8
9
Tayahin
Panuto: Pumili ng sagot mula sa loob ng kahon at isulat sa patlang ng bawat bilang upang
mabuo ang kaisipan.

ginhawa masagot nagpapalawak Naghahamon

makatuklas kaunlaran pagbabago marinig

tugon sumusuri pangangalap

1. Ang pananaliksik ay nakapagbibigay ng ________ sa buhay ng tao o lipunan sa mga


suliraning kinakaharap.
2. Gumawa ng pananaliksik sapagkat nais _________ ang isang penomenang nagpapahati
sa paniniwala at pananaw ng tao.
3. Ito ay____________ sa mga suliraning hindi pa mahahanapan ng solusyon.
4. ____________ sa makatwirang ideya, iterpretasyoon, palagay, paniniwala o pahayag.
5. Ang pananaliksik ay nakakatulong at _________ ng kaalaman.
6-7.Nagsasagawa ng pananaliksik dahil nais isulong ang ____________at _______________
ng mga suliraning may kaugnayan sa buhay ng tao at patakaran.
8. Ito ay nakakatulong upang ang iyong saloobin at intensyon sa pagtulong ay
____________.
9. Ang _________ ng mga datos o impormasyong may kinalaman sa pribadong institusyon,
siyensya at gobyerno ay nakakatulong ito.
10. Gumawa ka ng pananaliksik dahil nais mong ______________ ng isang bagay.

Karagdagang
Gawain

Panuto: Mula sa naunawaan mo sa araling ito, tukuyin o isa-isahin ang kadahilanan bakit
nagsasagawa ng pananaliksik.
1. Ano-ano ang mga layunin bakit gumagawa ng pananaliksik?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Ano kaya ang posibleng mangyari kung walang gagawing pananaliksik ang tao?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

10
Sanggunian
Dayag, A. et al. (2016). Pinagyamang Pluma “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. nina Phoenix Bookstore. Quezon City. p 125.
De Laza, C. et al. (2007). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik:
kahulugan layunin at katangian. Rex Bookstore, Inc. Quezon City. p127-131.

None:

https://www.google.com/search?q=key+answer&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2a
hUKEwiTyOCQuLrqAhUEVN4KHX_-
Aa0Q_AUoAXoECA0QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=SkBvyUEpX446LM
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+nag-iisip&oq=larawan+ng+nag-
iisip&aqs=chrome..69i57j0l2.10248j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

Brainly.ph-https://www.academia.edu/11105432/Gamit_ng_Pananaliksik

11

You might also like