You are on page 1of 3

PANANALIKSIK

 Ito ay tinatawag na research sa Ingles. Ito ay proseso ng pangangalap ng


mga makatotohanang impormasyon na humahantong sa kaalaman. Kung
pagbabatayan ang salitang-ugat ng salitang pananaliksik (saliksik) ito ay
nangangahulugan na “paghahanap.”

 Ang pananaliksik ay isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya, isyu,


konsepto, o anumang bagay na nanganagilangan ng ganap na paglilinaw,
pagpapatunay, at maaari ring pagpapasubali sa mga kaisipang inilatag ng
mga naunang pag-aaral.]

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Layunin ng pananaliksik na bumuo ng isang pag-aaral gamit ang mga datos ng


mga naunang pag-aaral at iba’t ibang lapit sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon
sa katatagan, kalinawan, at katotohanan ng ginawang pananaliksik.
 
ILAN PANG LAYUNIN:
 Tumuklas ng bagong datos at impormasyon
 Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya;
 Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu;
 Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, ineterpretasyon,
paniniwala, palagay, o pahayag.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
 Ito ay daan patungo sa pag-unlad.
 Isa itong paraan upang matuto at lumawak ang kaalaman.
 Tumutugon ito sa iba’t-ibang isyu o suliranin.

MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK

WALANG KINIKILINGAN AT NASA KATWIRAN


 Sa pagbibigay ng pagsusuri at interpretasyon, kailangang bukas sa anumang
posibilidad sa pagsipat upang matukoy ang lahat ng aspeto at masuri ang
lahat ng anggulo na kailangang suriin at mapagtimbang-timbang ang mga
kaisipang nais pahalagahan.

GUMAGAMIT NG MGA ESTRATEHIYA AT PAGDULOG


 Dahil ang pananaliksik ay bunga ng paggamit ng mga datos mula sa mga
naunang pag-aaral, kailangang bukas ang mananaliksik sa lahat ng mga
maaaring paghanguan ng mga datos na magagamit upang mapalawak ang
pag-aaral.

1. Mapagkakatiwalaan. Dapat naaayon at makatotohanan ang impormasyong


nagmumula sa mananaliksik sapagkat siya ay pinagkakatiwalaan ng
mambabasa bilang dalubhasa sa kanyang larangan at may sapat na kaalaman
sa akda o pananaliksik na kanyang ginagawa.

2. Walang kinikilingan o pinapanigan. Hindi lubos na maaasahan ang


impormasyong nagmumula sa sariling opinyon lamang ng mananaliksik.
Dapat ay mayroon siyang ilahad na sapat na detalye na sumusuporta sa
anumang ideya na kanyang inilahad.

3. Responsible at may integridad. Pinagkakatiwalaan ng mambabasa ang


mananaliksik sa kanyang husay, at binibigyan siya ng mataas na paggalang.
Dapat pangalagaan ng mananaliksik ang kanyang integridad. Kaakibat nito,
dapat din siyang kakikitaan ng ganap na pag-ako sa responsibilidad ng
paghahatid ng mga impormasyong isinipi sa kanyang pananaliksik.

4. May paggalang at konsiderasyon sa kapwa. Kailangang marunong


makitungo sa kapwa ang mananaliksik at maging maunawain.

5. Masipag, maaasahan at mapamaraan. Inaasahan na magiging masipag at


mapamaraan ang mananaliksik sa pagkalap ng sapat at wastong
impormasyon.

TUNGKULIN NG MANANALIKSIK
 Kilalanin ang pinaghanguan ng ideya.
 Kailangang may permiso ang mga datos na ginamit; kung wala man ay
kailangang banggitin ito sa loob ng akda.
 Huwag gumawa ng personal na obserbasyon.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PANANALIKSIK


CITATION
Ang mananaliksik ay dapat gumawa ng citation upang kilalanin ang ideya mula sa
ibang mananaliksik o manunulat.
 
1. PLADIYARISMO (Plagiarism)

Kapag ang isang mananaliksik o manunulat ay naakusahan ng pladiyarismo,


ang ibig sabihin nito ay ginamit niya ang ideya o gawa ng iba at inangkin
bilang sarili niyang gawa. Ang pladiyarismo ay isang uri pagnanakaw dahil
sa paggamit nang walang pahintulot ng orihinal na ideya, akda, o likha ng
iba.

2. KOPIRAYT (copyright)

Tumutukoy ang kopirayt sa karapatang-ari o intellectual property ng isang


may-akda sa kanyang mga isinulat. Saklaw din ng kopirayt ang mga obrang
sining. Sa pamamagitan ng kopirayt, nabibigyang-proteksyon ang may-ari
ng obra ng legal at eksklusibong karapatan sa paggamit at pamamahagi nito.
Sa ating bansa, ang Philippine Copyright Law ay kilala rin bilang Republic
Act No. 8293 na nasa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines.

3. PUBLIC DOMAIN

Kapag lipas o expired na ang kopirayt, nagiging public domain na ang isang
obra. Maituturing na public domain ang isang obra kung maaari na itong
gamitin ninuman at hindi na kailangan pang humingi ng pahintulot mula sa
may-ari ng kopirayt.
4. FAIR USE

Maaaring magamit ang ilang likha na sakop ng kopirayt kung ito ay sang-
ayon sa gamit ng fair use, na hindi na kailangan pang ipagpaalam ang
paggamit ng obra. Kung gagamitin ito sa pagusuri, pag-uulat, pagtuturo,
pananaliksik, o kung ginawa ito bilang isang parody.

5. INTELEKTUWAL NA PAGMAMAY-ARI (Intellectual Property)

Intelektuwal na pagmamay-ari ng isang indibidwal ang anumang obrang


produkto ng isipan tulad ng mga aklat, komposisyong musical, dibuho,
larawan, mapa, imbensyon, logo, simbolo, at iba pang kaparehas na uri na
ginagamit sa patalastas.

6. MISQUOTATION

Kailangang maging maingat ang mananaliksik  sa paggamit ng mga salitang


umano’y galing sa isang tao dahil ang kapabayaan o kamalian ay maaaring
ituring na misquotation. Sa ilalim ng misquotation, maaaring sabihin na
binanggit ng isang tao ang ganoong mga linya o kataga, ngunit hindi naman
talaga siya ang orihinal na nagsabi niyon. Isa pang uri ng misquotation ay
ang pagkakataong may kulang o dagdag sa sinabi ng isang taong
pinagsanggunian.

7. KARAPATAN SA  MALAYANG PAGPAPAHAYAG (FREEDOM OF


EXPRESSION)

Bagaman tayo ay may karapatang magpahayag, hindi natin ito dapat


abusuhin. Kailangang isaalang-alang din natin ang karapatan at damdamin
ng iba. Bilang mananaliksik, dapat ay makatotohanan ang anumang
impormasyong ibibigay natin at maayos din itong isulat o ilahad.

URI NG PANANALIKSIK

Kwalitatibong Pananaliksik (Qualitative Research)

 Sa pananaliksik na ito, inilalarawan ang ugnayan ng mga datos na nakalap


mula sa mga panayam o obserbasyon ng mananaliksik sa kanyang
kapaligiran kung saan mahahanap ang impormasyong kailangan. Madalas na
ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik sa mga pag-aaral ng kasaysayan,
antropologo, at agham panlipunan kung saan ang paniniwala, kultura, at
tradisyon ay di lubusang nasusuri at naipaliliwanag ng estadistika.

Kwantitatibong Pananaliksik (Quantitative Research)

 Sa pananaliksik na ito, gumagamit ng estadistika upang suriin ang datos na


nakalap at malaman ang tiyak na resulta nang sa gayon ay makapagbigay ng
mahalagang impormasyon para sa suliraning hinaharap. Ginagamit ang
ganitong uri ng pananaliksik kung may mga pag-aaral na ibig paghambingin
o kung nais na ipakita ang ugnayan ng sanhi at bunga.
 

You might also like