You are on page 1of 2

Harvey Jay R.

Ignacio 11 - STEM A Pagbasa

Suriin "Tiyak kong may tanong ka hinggil sa kung paano mo isusulat o itatala ang mga
tao o bagay na ginamit mo sa iyong pananaliksik."

Bakit mahalaga ang dokumentasyon at pagsinop ng talâ sa pagsulat ng pananaliksik?


Ang dokumentasyon at pagsinop ng talâ sa pagsulat ng pananaliksik ay mahalaga upang
mapanatili ang integridad at kredibilidad ng iyong mga pinagbasehan. Ito rin ay
nagbibigay-daan sa iba na maunawaan at masuri ang iyong gawang pananaliksik.

Sa iyong palagay makakatulong ba ang pagkilala sa pinagmulan ng idea at batis ng


impormasyon.
Oo, dahil sa pamamagitan nito, maipapakita mo ang tamang proseso ng pagsasaliksik at
maibibigay mo ang tamang pagkilala sa mga nagbigay ng impormasyon na iyong
ginamit. Ang pagkilala sa pinagmulan ay isang paraan ng pagpapakita ng respeto sa iba't
ibang pananaw at kontribusyon ng iba.

Paano makatutulong ang pagkilala sa lahat ng mga impormasyon at datos sa pagbuo


ng pananaliksik?
Ang pagkilala sa lahat ng mga impormasyon at datos sa pagbuo ng pananaliksik ay
makakatulong sa pagpapalakas ng argumento at pagbibigay ng mas malalim na pang-
unawa sa paksa. Ito rin ay magbibigay ng integridad at kredibilidad sa iyong gawang
pananaliksik.
Harvey Jay R. Ignacio 11 - STEM A Pagbasa

Dugtungang Gawain: Ipahayag nang malinaw ang anumang pagkatuto at kahalagahang nakuha sa
tinalakay na aralin. Isulat sa hiwalay na papel ang kasagutan.

Nalaman ko sa araling ito na sa gawaing pananaliksik na mahalaga ang layunin dahil ito
ay isang pamamaraan upang malamang agad ng mga mananaliksik kung makabuluhan ba
ang kanilang gagawing pag-aaral at upang malaman din nila kung ano ang maaaring
patunguhan ng kanilang pananaliksik at nagagamit ito sa pagdedesisyon kung anong mga
hakbang ang dapat gawin sa kanilang pag-aaral. Ang layunin ay nagbibigay ng direksyon
at laya sa mga mananaliksik upang maging maayos at epektibo ang kanilang pagsasagawa
ng pananaliksik. Magagamit din ito sa pag-gawa ng mga katanungan na siyang tutulong
sa pangangalap ng datos. Ang pananaliksik rin ang naging daan upang aking maunawaan
ang mga isyung panlipunan at makapagbigay ng solusyon sa mga problemang
kinakaharap ng lipunan. Kung saan natutuhan ko ang tamang etika sa pananaliksik at
ang kahalagahan ng pagiging obhetibo sa pag-aaral. Ang pananaliksik ay isang
mahalagang proseso na nagbibigay daan sa pag-unlad at pagpapalawak ng kaalaman sa
iba't ibang larangan. At higit sa lahat ang metodo na ginagamit sa pananaliksik ay
nagbibigay ng estruktura at organisasyon sa pag-aaral, na nagtutulak sa mas
sistematisadong paglutas ng mga isyu at suliranin. Ang bawat hakbang na isinasagawa sa
pananaliksik ay may layuning magbigay linaw at kasagutan sa mga tanong o problemang
nais sagutin ng mananaliksik.

You might also like