You are on page 1of 21

PANANALIKSIK

Kahulugan ng Pananaliksik
Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang
sistematiko, kontrolado, empiriko, at kritikal na pag-
imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa
inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na
penomenon.

Idinagdag nina Atienza (1996), ang pananaliksik ay


matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na
pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa isang bagay, konsepto,
kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.
Lartec (2011)
Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang
pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw
na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng
matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga
pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos
ay sinusulat at iniuulat.

Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at


paghahanap ng mga hindi pa nalalaman.

Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay


paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas
sa isang suliranin.
Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay
isang sistematiko at siyentipikong proseso ng
pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag-
oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga
datos tungo sa paglutas ng suliranin,
pagpapatotoo ng prediksyon, at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK Austero, et al. (2006)

1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na


2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalutas
3. Maka-develop ng episyenteng instrumento, kagamitan o produkto.
4. Makatuklas ng mga bagong sabstans o elemento (komposisyon o
kabuuan ng isang bagay)
5. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng mga
polisiya, regulasyon, batas o mga panuntunan na maaaring gamitin sa
iba’t ibang larangan.
5. Matugunan ang kyuryusidad, interes at pagtatangka ng isang

mananaliksik.
6. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga

kasalukuyang kaalaman.
7. Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid.

8. Makita ang kabisaan ng umiiral o ginagamit na pamamaraan at

estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto.


9. Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang

partikular na disiplina.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al., 2011)

BENEPISYONG EDUKASYONAL

Ang pananaliksik ay nakatutulong sa guro upang magsilbing gabay


ang natuklasan at nang sa gayon ay mapagtagumpayan niya ang
epektibong pagtuturo sa kanyang mga mag-aaral.

Para naman sa mga mag-aaral, natututo sila sa mga isyu,


metodolohiya at kaalaman sa napili nilang larangan. Gayundin, kung
nagsasagawa sila ng pananaliksik o nakababasa ng mga resulta ng
mga isinagawang pananaliksik, naisasabuhay nila ang mga
natutuhang konsepto at nahahasa ang kanilang kasanayan sa
paglutas ng suliranin dahil ang pananaliksik ay pawang paghahanap
ng solusyon sa mga suliranin.
• BENEPISYONG PERSONAL

Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad ng isang mag-


aaral ang kritikal at analitikal na pag-iisip na magbubunga
ng kanyang pagiging matatag sa buhay. Nakakaya niyang
tumayong mag- isa, at masanay na siya sa paghahanap ng
mga datos bilang tugon sa paglutas ng mga suliranin at sa
mga pagsubok sa buhay.
BENEPISYONG PAMBANSA
Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang pag-unlad ng bansa at
nakatutulong sa pagkakaroon ng matatag na lipunan tungo sa mabuting
pamumuhay para sa lahat. Maging ang desisyon ng ating mga pinuno
hinggil sa kapakanang pambansa ay batay sa resulta ng mga isinagawang
pananaliksik.

BENEPISYONG PANGKAISIPAN

Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang indibidwal at


nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa natitipon niyang mga ideya at
pananaw mula sa iba’t
BENEPISYONG PANGKATAUHAN

Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga datos, nahahasa


ang kagalingan ng isang mag-aaral sa pakikipagkapwa-tao.
Nagbubunga ito ng kahusayan sa pakikibagay at
pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Bukod dito, nalilinang
ang kanyang tiwala at pagmamalaki sa sarili lalo na kapag
nagampanan niya nang maayos ang tungkuling hinarap at lalo
na kung ito ay naaayon sa tamang resulta.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Ang pananaliksik ay sistematiko.
Ito ay sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso na nagbubunsod sa
pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anuman na naglalayong
matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan.

 Ang pananaliksik ay kontrolado.

Ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano ito


nang mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula
sa resulta ng isinasagawang pag-aaral.

Ang napiling suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag, kinikilala at pinipili


ang mga baryabol.
Ang pananaliksik ay empirikal.

Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang
mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan
ang binuong haypotesis.

Ang mga empirikal na datos ay magsisilbing batayan sa pagbuo


ng kongklusyon.
 Ang pananaliksik ay pagsusuri.

Ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.


Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay nakatuon sa pagkalkula ng mga
bilang na ginamit samantalang ang kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at tiyak
na pagbibigay ng kuru-kuro o interpretasyon.

Sa kwalitatibong pananaliksik makikita ang kritikal na pagsusuri sa mga


dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay ng kongklusyon.

Ang mga datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay karaniwang hango sa


talatanungan, pakikipanayam, sarbey, at iba pa. Ang mga dokumentong ito ang
sinisiyasat nang mabuti upang mabigyan ng interpretasyon.
Ang pananaliksik ay lohikal, obhektibo, at walang kinikilingan.

Ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi


salig sa sariling opinyon ng mananaliksik. Ang mananaliksik ay dapat na
walang pinapanigan o kinakampihan. Dapat itala niya anuman ang naging
resulta ng pag-aaral.

Maituturing na isang krimen ang pagmanipula sa resulta ng anumang


pag-aaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging matapat at
obhektibo.
Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis.


Ayon kay Best (1981), ang haypotesis ay pansamantala o
temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na
hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa
lamang.

Ang haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng


suliranin sa isasagawang pag- aaral. Ipinakilala ng haypotesis ang
kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral.
 Orihinal na akda ang pananaliksik.
Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa at wala pang nakagawa sa
nasabing pananaliksik.

May sistema ang pananaliksik.

Tulad ng iba pang siyentipikong gawain, ang pananaliksik ay may sistemang


sinusunod. Hindi naaaksaya ang oras, panahon atsalapi kung ang gawain ay nasa
ilalim ng nararapat na proseso.

Sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos, ang pananaliksik ay isang gawaing


may proseso o sistema - hindi ito natatapos na minamadali.

Ang pananaliksik ay sumusunod sa maayos at makabuluhang


prosesong nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa
suliranin o anumang bagay na hinahanapan ng kasagutan.
 Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag- aaralan.

Kung magsaliksik, siguraduhing may mababasa kang impormasyon ukol sa


paksa, mapaaklat man, magasin, o di kaya’y sa internet.

 Hindi magastos ang paksa.

Hangga’t maaari, pumili ng paksa na hindi gugugol ng malaking halaga. Ngunit


isaalang-alang din ang kalidad ng gagawing pag-aaral.
 Ideyal ang pananaliksik kung ang mga datos ay abot- kamay.

Sa ikagaganda, ikahuhusay at ikadadali ng anumang pag- aaral, mahalaga na ang


datos ay madaling mahanap. Ang mahalaga sa pananaliksik ay malinaw na nasagot o
natugunan ang mga katanungang inihanda.

 Makatotohanan ang pananaliksik.

Ang pananaliksik ay isang siyentipikong gawain, marapat lamang na ilahad ang totoong
kinalabasan ng pag-aaral batay sa isinagawang pagsusuri at istadistikong analisis.

Sa madaling sabi, hindi dinoktor ang mga datos upang mapabuti ang resulta ng
pananaliksik. Mababa man sa inaasahan o kinalabasan ang pagsusuring ginawa,
kailangang
ETIKA NG
PANANALIKSIK
Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pag-ingat sa
plagiarism o pangongopya ng gawa ng iba. Kung gayon, kailangan niyang
maging matapat sa kanyang isinusulat at mapanindigan niya ang anumang
produktong ginawa niya sa lahat ng oras.

Bagama’t bukas na ang lahat ng sources o sanggunian dahil na rin sa


teknolohiya, kailangan pa rin ng mananaliksik na ipakilala at ipabatid sa
kanyang mambabasa ang pinagmulang sanggunian ng anumang datos na
isinama niya sa kanyang ginawang pananaliksik.

Sa pagsasaalang-alang ng batas batay sa Intellectual Property


Rights, kailangan ang mahigpit
Paggalang sa karapatan ng iba
Kung gagamitin bilang respondent ang isang pangkat ng mga tao
anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang
paggalang o respeto sa kanilang karapatan. Hindi maaaring banggitin
ang kanilang pagkakakilanlan kung wala silang pahintulot.

Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential

Kinakailangang alamin ang lahat ng datos at detalyeng nakuha mula sa


sarbey, o anumang paraan na confidential. Nasa sariling pamamaraan ng
mananaliksik kung paano niya ilalahad ang kabuuan
 Pagiging matapat sa bawat pahayag

Ang anumang pahayag sa kabuuan ng sulating pananaliksik ay


nararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat. Hindi
maaaring baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang
pansariling interes o pangangailangan ng ilang tao.

 Pagiging obhektibo at walang kinikilingan

Ang isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan.


Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang pananaliksik nang
walang pagkiling kaninuman. Dapat ay maging pantay siya sa lahat. Kinakailangang
maibigay kung ano talaga ang nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga tao,
institusyon at iba pang may kinalaman sa kanyang ginawang sulating pananaliksik.

You might also like