You are on page 1of 2

Pananaliksik

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ang pananaliksik[1] ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan. Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik[2] ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang isangtagapagsaliksik o tagasaliksik[2] sa isang klinika, laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.[3]

Kasaysayan[baguhin]

Kay Galileo nagsimula ang makabagong gawi sa pananaliksik.

Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga naunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga lumikha ng gulong at ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga bituin ng kalangitan. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik [ dahil kay Galileo Galilei noong mga 1500.

You might also like