You are on page 1of 4

Nagbigay si Denscombe (2003) ng mga bagay na mahalagang isaalang-alang sa pagbuo ng saliksik.

Ayon sa kaniya,
kailngang tiyakin ng isang mananaliksik na ang sulatin ay nakatugon sa mga sumusunod:

1. Inaasahan ng mambabasa
- mahalagang alam ng mananaliksik kung para kanino ang kaniyang sinusulat
- ang pagiging epektibo ng isang sulatin ay nakasalalay sa pagtugon ng mananaliksik sa inaasahan ng kaniyang
mambabasa
- Kung ang sulatin ay kahingian sa klase; kadalasang tinatasa ng guro ang pagiging malinaw, lohikal, at tapat
ng pananaliksik.
- Kung laan ito sa sa mga mag-aaral, esensiyal ang paglalatag ng mga depinisyon para sa mga teknikal na
termino
 ang mga bagay na ito ay hindi na karaniwang kinakailangan kung ang saliksik ay para sa mga dalubhasa
sa larangan
 higit na pinagtutuunan ng pansin ng mga eksperto ang paraan ng pagsusuri s mga inilatag na variable at
pangangalap ng datos
- para sa mga prakisyoner ng larangan, karaniwan namang hinahanap ang maikling lagom ng pagsasagwa ng
pananaliksik at ang simpleng paglalatag ng resulta sa pamamagitan ng tsart o grap
- kung saliksik ay para sa publiko, mahalagang maging simple ang mga pahayag at malinaw na natutukoy ang
pakinabang o implikasyon ng kinasapaitang pag-aaral.
2. Itinatakdang kumbensiyon
- nararapat na matiyak ng mananaliksik ang kumbensiyong itinatakda sa ginagawang sulatin sapagkat amy
epekto ito sa …
 estilo ng presentasyon
 paraan ng pagsangguni o citation
 detalye at haba ng sulatin
 paglalatag ng teknikal na impormasyon
 at paggamit ng mga salita
- Ayon kina Constantino at Zafra (1997), karaniwang itinatakdang kumbensiyon sa pagsulat ng saliksik ang
paggamit ng seryoso, obhetibo, pormal at hiwalay (detached) na tono o saloobin ng manunulat sa kaniyang
paksa.
 naipapakita ito ng hindi kumbersasiyonal na gamit ng wika, paggamit ng ikatlong panauhan at
pagpapaloob ng mga salita o terminong teknikal sa sulatin.
- Para sa pagbuo ng tesis at disertasyon, maaring tingnana ang gabay na ibinibigay ng British Standards
Specification no. 4821
- Maaari naman para sa mga artikulong pampananaliksik ang Publication Manual of the American
Psychological Association
- Mayroon namang libro na sadyang nakatuon sa kumbensiyon ng teknikal na pagsulat gaya ng Manual for
Writers of Term Papers, Theses and Dissertations (Turabian 1987)
- Gayunman, mahalagang isaisip na walang iisang panuntunan sa pagsulat ng saliksik na saumasaklaw sa lahat
ng sitwasyon at nagbibigay ng kumbensiyong tinatanggap ng lahat.

IBA’T IBANG BAHAGI NG SALIKSIK

- Sa pangkalahatan, ang isang saliksik ay binubuo ng introduksiyon, katawan at konklusyon


1. Introduksiyon
- sikaping maging maikli sa binubuong introduksiyon, prposiyonal sa haba ng kabuuang papel
- kinapapalooban ng mga impormasyon hinggil sa
 kaligiran o background ng paksa, kaugnay ng mahahalagang isyu, suliranin o ideya
 layunin ng pananaliksik
 depinisyon ng mga konseptong gagamitin
 sa mahabang sulatin, maaaring isama ang lagom o overview ng saliksik
2. Katawan
- makatutulong paggamit ng titulo at subtitulo sa kabuuan ng talakay upang ihudyat ang daloy o pagbabago
ng mga ideya sa isang ulatin.
- ang mga ito ang nagsisilbing signpost na gagabay sa mga mambabasa
 gayunpaman, marapat na tandaan na tulad ng mga signpost, nakaliligaw sa mambabasa ang kulang sa
paggamit nito samantalang nakalilito naman ang sobra.
- Tiyaking sapat lamang ang paggamit ng titulo at subtitulo sang-ayon sa nabuong pinal na balangkas
- Gumamit ng mga salitang transisyonal na siyang umaaktong tagapag-ugnay ng mga ideya sa papel
- Iangkop ang tono at estilo ng pagsulat batay sa kalikasan ng ginagawang pananaliksik
3. Konklusyon
- Kinapapalooban ng isa o kombinasyon ng sumusunod:
 buod ng mga pangunahing ideyang nabuo sa katawan ng saliksik
 sipi o pahayag na naglalagom sa papel at maaaring maging lunsaran ng pagtalakay sa halaga ng papel
 pagbalik sa ideyang binuksan sa introduksiyon
 pagbubukas ng ilang usaping kaugnay ng nilinang na paksa para sa susunod na pananaliksik
- tiyaking matamo ang full circle effect. Ibig sabihin ay malinaw ang …
 koordinasyon ng estruktura na natatamo sa pamamagitan ng pagbubukod ng mga pangunahing ideyang
pinanday sa loob ng saliksik
 koordinasyon ng estilo na natatamo sa pamamagitan ng muling pagbanggit sa bahagi ng konklusyon ng
mga sitwasyon, imahen, talinghaga, o tayutay na maaaring nabukasan sa introduksiyon.

PAGKILALA SA SANGGUNIAN

- Mahalagang kasanayan nararapat na matutuhan sa pananaliksik ang karampatang pagkilala sa sanggunian.


- Ang pagtukoy sa mga sinangguniang libro, artikulo at iba ay malinaw na anyo ng plagiarism na lumalabag sa
pagiging matapat ng isang manananaliksik
- Kapat napatunayan, may kaukulan itong parusang legal – mula bagsak na marka hanggang sa pagbawi sa
pinagtapusang digri o kurso – bukod pa sa pagiging hindi katanggap-tanggap na binuong pananaliksik.
- Depende sa larangang kinapapalooban, may iba’t ibang estilong ginagamit sa paghahanda ng sanggunian.
- Ang mga estilong MLA, APA, at CMS – Turabian ang mga nangungunang paraan ng dokumentasyon sa mga
pananaliksik sa larangan ng agham panlipunan, panitikan at sining (Evasco et al. 2011)

1. Estilong MLA (Modern Language Approach)


- ang pinakapopular na estilo ng dokumentasyon sa larangan ng malayang sining (liberal arts) at humanidades
gaya ng wika, literatura, kasaysayan, at pilosopiya.
- Sa estilong ito, ipinapaloob sa panaklong o parentesis ang pagkilala sa may-akda at inilalagay sa loob mismo
ng teksto matapos ng salita o ideyang hinalaw.

Hal. Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung ikukumpara sa mga
nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (Constantino 127).
- Maaari din namang nakapaloob na sa pangungusap ang pangalan ng may-akda at ang pahina na lang ng libro
ang nasa panaklong.

Hal. Ayon kay Constantino, ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (127).

- ito ay nararapat na tumugma sasangguniang nasa likod ng saliksik

Hal. Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia,


Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, 1991. Print.

2. Estilong APA (American Psychological Association)


- ang pinakaginagamit na paraan ng dokumentasyon sa larangan ng agham panlipunan (social sciences) gaya
ng sikolohiya, sosyolohiya, antropolohiya, kasaysayan, agham politika, heograpiya, aralin sa komunikasyon
(communication studies) at ekonomiks
- Gumagamit ang estilong ito ng Harvard Citation o pagkilala sa sinangguni sa pamamagitan ng parentesis sa
halip na talibaba o footnote.
- Dito, ipinapaloob sa panaklong ang apelyido ng may-akda at taon ng pagkakalathala; ipinaghihiwalay ang
impormasyon ng isang kuwit.

Hal. Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung ikukumpara sa mga
nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (Constantino, 1991).

- Maari ding isama ang pangalan ng may-akda sa daloy ng pahayag at ipaloob na lamang sa panaklong ang
taon ng pagkakalathala ng libro o artikulo.

Hal. Ayon kay Constantino, Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (1991).

- Samantala, kung ang binabanggit na pangungusap ay direktang sipi (direct citation), nararapat itong pialoob
sa panipi at maisama rin ang numero ng pahina sa panaklong.

Hal. “Kagaya ng pagpili sa wikang pambansa, ang Palisi sa Wika ng Edukasyon sa Pilipinas ang
pinakakomplikado kung ikokompara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia.” (Constantino, 1991, p.
127).

- Nararapat na tumugma ang pagsangguning ito sa tralaan ng mga sinagguni sa dulo ng sulating pananaliksik.

Hal. Constatino, P.C. (1991). Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia,
Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.

3. Estilong CMS (Chicago Manual of Style) at Estilong Turabian


- Ang estilong CMS and pinakamatandang nangungunang pamantayan ng dokumentasyon na unang inilabas
ng University of Chicago Press (UCP) noong 1906 at sa kasalukuyan ay nasa ika-16 nitong edisyon.
- Hango sa estilong ito ang estilong Turabian na inilalathala rin ng UCP
- Si Kate Larimore Turabian (1893-1987), Graduate School Dissertation Secretary ng University of Chicago, ang
orihinal na may-akda ng A Manual for Writers of Term Papers, Theses and Dissertations na pangunahing
ginagamit na gabay sa pagsusulat ng mga papel sa pananaliksik, tesis, at disertasyon ng mga institutong
akademiko sa iba’t ibang panig ng daigdig.
- 2 ng batayanng pormat ng dokumentasyon sa estilong CMS – Turabian
 Sistemang tala-bibliyograpiya
 Sistemang parentetikal-talasanggunian
a. Tala-bibliyograpiya
Hal.
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung ikokompara sa mga nabuong palisi
sa Malaysia at Indonesia. 4
______________________
4
Pamela C. Constantino, Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia
at Pilipinas (Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, 1991), 127.

Bibliyograpiya:
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at
Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, 1991.
b. Parentetikal –talasanggunian
Hal.
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung ikokompara sa mga nabuong palisi
sa Malaysia at Indonesia (Constantino 1991, 127).

Talasanggunian:
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at
Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.

You might also like