You are on page 1of 3

Recipe Analysis

Batangas Bulalo or Beef Shank Soup Recipe

Ingredients:

 3 to 4 lbs. beef shank with extra bones


o The shank is found on the leg of a cow, just above the knee or hock.
 4 pieces medium red onions sliced
 1 tablespoon whole peppercorn
 1 ½ tablespoons rock salt or coarse sea salt
 4 to 5 tablespoons fish sauce
 8 to 10 cups water
 1 small cabbage
 3 bunches of baby bok choy
Procedure:

1. Boil a large pot of water in a cooking pot.


2. Add the marrow bones and beef shank and return to a boil. Continue boiling until you do not see any red
blood coming from the meat or bones for about 10 minutes.
3. Then remove the meat and bones with tongs and scrub under cold water to remove any scum. Dump the
water in the pot out and rinse the pot. This process rids the meat of excess blood and will ensure your
soup is nice and clear.
4. Return the cleaned meat and bones to the pot then add the onion, garlic, peppercorns, salt and fish sauce.
Cover and then bring it to a rolling boil in low to medium heat for 3 hours.
5. Scoop away the floating scums and oil from the water. Skim off any excessive fat from the top, but do
not remove it all because the fat enhances the flavor.
6. Arrange the cabbage and bokchoy leaves on a large serving bowl.
7. Put the bones and meat over the vegetables and scoop the hot soup over the meat.
8. Serve with a dipping sauce composed of chili peppers, fish sauce, and lemon or calamansi.

Source: How to Cook Your Own Batangas Bulalo. (2020, January 29).
Retrieved from https://pueblodeoro.com/blog/how-to-cook-your-own-batangas-bulalo/
Bakit nga ba isa ang bulalo sa pinakilalang pagkain sa Batangas? Maraming nagsasabi na sa Batangas
raw matitikman ang pinakamasarap na Bulalo sa bansa. Ito ay isang putahe na orihinal at sa ating bansa lamang
matatagpuan. Gawa ito sa biyas o mabutong parte ng baka o beef shank sa Ingles. Simple lamang ang mga
sangkap na ginagamit sa pagluluto ng bulalo ngunit ang sikreto ay nasa paraan ng pagluluto. Sinasabi rin na
maituturing na batangas ang nag mamay ari ng pinaka masarap na bulalo sa bansa dahil dito matatagpuan ang
ilan sa pinakamalalaking cattle farm kaya naman siguradong sariwa ang bakang ginagamit na sangkap sa
pagluluto ng bulalo. Ang mga damo na pinapakain sa kanila ay sariwa dahil ang mga ito ay tumubo sa matataba
at masaganang lupain.

Gaya ng nabanggit sa itaas kakaiba ang paraan ng paghahanda ng bulalo sa Batangas, hindi bababa sa
tatlong oras ang pagpapakulo ng bulalo sa para lumambot ang karne at lumabas ang katas nito na nagbibigay
linamnam sa sabaw. Tinatawag ang prosesong ito na “paayang-ayang” o dahan- dahan. Sinasabing ito ay
matagal ng putahe na niluluto ng mga Pilipino bago pa man tayo masakop ng mga dayuhan. Ang bulalo ay
sinasabing partikular na nagmula sa rehiyon ng Batangas. Isa pang dahilan kung bakit naiiba ang sarap ng
bulalo sa Batangas ay dahil ang mga sangkap ng pagkain ay sariwa at masustansya at walang artipisyal na
pampalasa. Ang mga pagkain sa Batangas ay niluluto sa pinakasimpleng paraan kagaya ng paglalaga at
pagiihaw. Ang pamamaraan ng mga batangueño ay talagang naiiba, malimit lamang silang magtuon ng
atensyon sa itsura at presentasyon ng putahe, bagkus lahat ng kanilang pokus ay nasa lasa ng mga ito, maaring
mahusgahan ng iyong mata ang itsura ng mga ito ngunit di mapagkakaila ng iyong panlasa ang nag uumapaw
na sarap ng kanilang mga simpleng putahe.

Sa aking pagsusuri aking napagtanto na ang simpleng pamamaraan ng pagluluto ng mga batangueño ay
sya ring sumasalamin sa mayamang kultura ng mga ito. Ang mga Batangueño ay sanay sa kanilang simpleng
pamumuhay dahil sa karamihan sa kanila ay nabubuhay sa pangingisda at pagsasaka. Sila rin ay kilala sa
pagiging masinop lalo na pag dating sa pera. (Province of Batangas, n.d.) Aking nasabi na ang kanilang
pagluluto ay kapareho ng kanilang kultura dahil makikita naman natin sa pag hahanda ng bulalo. Di
kinakailangan ng madaming bilang ng sangkap, ngunit kung iyong malalasahan ay kakaibang sarap dahil nga
sariwa ang karne at sarili nilang tanim ang mga ginagamit na sangkap. Kagaya na lang kanilang kultura, sa
kabila ng simpleng pamumuhay malayo sa naka gawian sa syudad, ang mga Batangueño ay nanatiling kontento
sa kung ano ang meron sila at hindi naghahangad ng sobra sobra. (Documented General Characteristics of the
Batangueño in 1915, (n.d.)) Bilang panghuli isa pang kultura ng mga Batangueño ay ang pagkakaron ng
mahabang pasensya na mahihinuha sa paraan ng pagluluto ng bulalo, mahabang oras ng pagpapalambot kaya
naman mahabang pagiintay ang kinakailangan upang maging matagumpay ang pag luluto ng putahe. Natural na
sa ating mga pilipino ang ganitong pag uugali kaya naman madami humahanga sa atin, ang ating mga kultura at
pag uugali na ito ay makikita sa lahat ng bagay na ating ginagawa lalong lalo na pag dating sa pag hahanda ng
mga malilinamnam at natatanging mga pagkain.

Sources:

o How to Cook Your Own Batangas Bulalo. (2020, January 29). Retrieved from
https://pueblodeoro.com/blog/how-to-cook-your-own-batangas-bulalo/
o History. (n.d.). Retrieved from http://www.batangas.gov.ph/portal/history/
o Documented General Characteristics of the Batangueño in 1915. (n.d.). Retrieved April 29, 2020,
from https://lifesomundane.net/2017/09/characteristics.html

You might also like