You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Bulacan
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL
Lias, Marilao Bulacan

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
IKAAPAT NA MARKAHAN
Activity Sheet 12
Lakbay-sanaysay

PANGALAN: _____________________________________________________

TAON AT PANGKAT: ______________________________________________

PETSA NG PAGSUSUMITE: _________________________________________


I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan

B. Pamantayan sa Pagganap
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin

C. MELCs

1. Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay.

D. Tiyak na Layunin

1. Nauunawaan ang kahulugan ng lakbay-sanaysay


2. Natutukoy ang mga bahagi sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
3. Nakasusulat ng isang lakbay-sanaysay.

II. NILALAMAN

Aralin 11 – Lakbay – Sanaysay.


III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
Paunang Pagtataya:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Isang uri ng panitikan na ang layunin ay makapaglahad ng kaalaman gamit ang 3 bahagi
na panimula, nilalaman, at kongklusyon o wakas.
a. Maikling kwento c. Sanasay
b. Nobela d. Tula.
2. Isang uri ng gawain na makapaglibang at makapunta sa ibang lugar upang makapamasyal.
a. gumala c. magsimba
b. maglakbay d. pumunta sa paaralan
3. Layunin ng lakbay-sanaysay ang __________.
a. mangatwiran c. manghikayat
b. mangaral d. magtalakay
4. Inilalahad ng manunulat sa kanyang lakbay-sanaysay.
a. karanasan c. kasaysayan
b. karahasan d. kalokohan
5. Kasanayang nalilinang sa manunulat kung siya ay bago sa kanyang pupuntahang lugar.
a. maaliw c. makapamasyal
b. malibang d. makatuklas
6. Layunin ng lakbay-sanaysay maliban sa isa.
a. magaan ang mga salita c. magaang basahin
b. mangaral d. nang-aaliw
7. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay kinakailangang mabasa maliban sa isa
a. ilarawan ang naamoy, Nakita at nalasahan
b. pansinin ang kapintasan ng iba
c. mag-obserba sa mga nakikita
d. pahalagahan ang magandang nakikita
8. Nagpapakita at nagdodokumento ng iba’t ibang lugar at karanasan.
a. photo essay c. travelogue
b. reflection d. vlog
9. Tawag sa mga tao sa isang sikat na pasyalan
a. turista c. artista
b. foreigner d. wala sa nabanggit
10. Uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay
a. bionete c. talumpati
b. abstrak d. lakbay-sanaysay

Balik-aral:

Panuto: Gamit ang Venn diagram. Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pictorial
essay at replektibong sanaysay

PAGSULAT

B. Paglulunsad ng Bagong Aralin

TAIWAN AND ONLY

“Parang bata” yan ang aking naramdaman na malaman ko na kasama ako sa mga
mamasyal ng libre patungong ibang bansa, saan ito? Sa Heart of Asia, TAIWAN!. Palapit ng
palapit ang araw galak at tuwa ang aking nararamdaman. Sa pagsakay sa sasakyan
patungong Clark International Airport sa Pampanga parang bata na naman na lilingap-lingap
dahil ngayon ka lang nakapasok sa isang magarang establisyemento na kung saan nandoon
ang mga naglalaking eroplano na magsasakay sa iyo pupunta sa inyong destinasyon.

Pagsakay ng eroplano parang bata na ang gusto ay sa tabi ka ng bintana masakay.


Ang galing tila sinlaki ng langgam ang mga nasa baba at pakiramdam mo wari’y isa kang ibon
na mataas ang lipad. Unang pagkakataon ko ito na makasakay ng eroplano, masakit sa tenga
at makakaramdam ka ng konting lula na maihahalintulad mo ang iyong pagsakay sa mga bus
sa Metro Manila. Pagdating sa Taiwan Airport parang bata na gusto mong halikan ang lupa
dahil unang pagkakataon na nakapamasyal ka sa ibang bansa sa puso ng asya.

Bilang isang turista napakarami mong makikta at matutuhan sa kanilang kultura.


Sobrang disiplinado yan ang una kong natuklasan “bawal ang clingy sa escalator” isang hanay
lamang. Ang kanang bahagi ay sa otomatikong pag-akyat at ang kaliwang bahagi naman ay
para sa mga nagmamadali na ang gusto ay maunang maglakad. kahit saang escalator iyan
ang gawi nila. Isa pa sa natuklasan ko ay “hindi sila magkakamag-anak” hindi ka pwedeng
sumalubong intayin mo ang mga pababa ng sasakyan mapatren man iyan o pampublikong
sasakyan. “Age doesn’t matter” hindi porket may edad na ay wala ng silbi sa lipunan at ang
kailangan nila ay magpahinga. Ang mga may edad sa Taiwan kahit sa simpleng gawain na
pagbabantay ng mga museo, pagpupunas at pagwawalis ng paligid, pag-aasiste ng mga
kagaya kong turista ay nakatataba ng puso. Siguro naniniwala sila sa pilosopiyang
kinakailangan ng mga may edad na maaliw at maglibang ngunit kumikita. “0 crime rate” iyan
ang isa kong nalaman lalo na nasa Taipei kami, mga 12:00 ng madaling ay naglalakad kami
sa kalsada may halong takot o kaba dahil wala ka sa sarili mong bansa ngunit may isang
pinoy na aming nakausap na tila wala pa siyang nababalitaang nagkaroon ng karahasan sa
lugar na iyon. Safe na safe daw ang turista sa Taiwan.

Pagpunta naman naming sa mga sikat na pasyalan sa Taiwan. Gamit ang magarang
sasakyan paakyat ng bundok (cable car) tila nabighani ang aking mga mata sa
pagpapahalaga nila sa kanilang kalikasan nakita ko ang mga luntian at naggagandahang mga
halaman at bulaklak. Nakahahanga ang pagpapahalaga nila sa kanilang mga templo at
inaabangan kanilang kulturang pagpapalit ng bantay sa kanilang mga templo.

Napakaraming magagandang alaala ang siyang baon ko sa pag-alis naming ng


Taiwan. Ang mga bagong-aral na natutunan ko mula sa aming paglalakbay. Ang pagrespeto
sa kultura, disiplinadong lipunan, mababait na mga local at marami pang iba ang siyang aking
tangan. kung papipiliin ako kung saang bansa ako muli maglalakbay pipiliin kong muli ang
bansang aming napuntahan. Tunay na mabibighani ka sa ganda ng puso ng asya hanggang
sa muling pagkikita aking Taiwan and only.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang tinalakay sa teksto?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga natuklasan ng manunulat sa teksto?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Ibigay ang layunin ng tekstong binasa?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Ibigay ang mga salitang nakahihikayat na ginamit ng manunulat sa teksto?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pagtalakay ng Paksa:

Ang Lakbay-sanaysay ay isang uri ng lathalain na ang layunin ay maitala ang


karanasan ng kanyang paglalakbay o pamamasyal. Ito rin ay tinatawag na travelogue na
nagpapakita ng dokumento ng ng karanasan na nagpapakita ng karanasan mula sa
pinuntahang lugar. Maaaring ang mga palabas sa telebisyon ay mahalintulad sa travelogue
dahil kanilang ipinakikilala ang kultura, tradisyon, at paniniwala sa isang lugar. Dahil dito mas
nahihikayat at nagkakaroon ng bagong kaalaman sa lugar ang mga manonood. Ayon kay
Seneca “Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip”.
Ayon nga kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto:sanaysay, sanay at lakbay.

Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay kinakailangang magsaliksik o magkaroon ng


kaalaman sa lugar na iyong pupuntahan. Mabuting may alam na ang manlalakbay kung ano
ang kaniyang inaasahan sa lugar tulad ng ekonomiya, kasaysayan, relihiyon upang lubos na
makilala ang tradisyon at kultura sa lugar na pupuntahan.

Ayon kina Dr. Lilia Antonio; et.al sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013) may
apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng Lakbay-Sanaysay:

1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Halimbawa nito ay ang
travel blog
2. Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
3. Maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,
pagpapahilom, o kaya ay pagtuklas sa sarili. Kadalasang naisasagawa ito sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga bagong bagay na nakita, narinig, naranasan at
iba pa sa kanyang ginawang paglalakbay.
4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan.

Mga paraan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay:


● Gumamit ng mga mapanghikayat na salita.
● Gumamit ng unang panauhan tulad ng ako, ko, atin, amin, natin at akin.
● Maglagay ng mga dayalogo o mga panipi na siyang magbibigay buhay sa lakbay-
sanaysay.
● Ipadama sa mambabasa ang iyong naranasan sa pamamagitan ng mga salita.
● Ilarawan ang mga lugar na napuntahan kung ano ang iyong naging karasanasan sa
lugar.
● Ipakita at ipaunawa sa mambabasa ang mga natuklasan sa lugar na napuntahan.
● Maging natural sa pagsulat.
● Iwasang magpatawa sa hindi magandang tono ng sanaysay.
● Iwasang magkumpara ng lugar na napuntahan.
● Magtala ng mahahalagang detalye sa pagsulat
C. Pang-isahang Gawain

Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang sumusunod. Ihanay kung ito ba ay nabibilang sa FACT kung wasto at
totoo sa pagsulat o BLUFF naman kung hindi katotohanan sa pagsulat ng Lakbay-
sanaysay.

Mag-obserba sa paligid Haluan ng biro ang nilalaman Magaan ang gamit na salita

Malinang ang kaalaman Mamasyal at matuto Punahin ang kultura

Kumuha ng larawan Gumamit ng katawa-tawang salita Magsulat ng impormasyon

Dalin sa pantaseryeng kaisipan

FACT BLUFF
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Gawain 2:

Panuto: Punan ang nawawalang linya sa awiting “Biyahe Tayo” ng kagawaran ng turismo.
https://www.youtube.com/watch?v=-bNw-Z2ibYw. Tukuyin ang mga sikat na gawain, lugar
at ipinagmamalaki ng mga lugar sa Pilipinas. Piliin ang sagot sa ibaba.

Pahiyas Kidayawan Peñafrancia Siargao Bicol Express

Philippines Vigan Jolo Mindanao Vinta

“Biyahe Tayo”

Ikaw ba'y nalulungkot Buhay mo ba'y walang saysay

Naiinip, nababagot? Walang sigla, walang kulay?

Ikaw ba'y napapagod Bawa't araw ba'y pareho

Araw gabi'y puro kayod? Parang walang pagbabago?


Tara na, biyahe tayo Halika, biyahe tayo,

Kasama ang pamilya Nang ating makita


Ang ganda ng Pilipinas
Barkada at buong grupo
Ang galing ng Pilipino.
Para mag-enjoy nang todo.
Nakisaya ka na ba
Halika, biyahe tayo,
Sa (7)________at Masskara
Nang ating makita Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at (8)______?
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino. Namiesta ka na ba
Sa (9)_________ sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Napasyal ka na ba
Nakisayaw sa Obando?

Sa Intramuros at Luneta
Palawan, (1)______ at Batanes Tara na, biyahe tayo
Subic, Baguio at Rice Terraces?
Upang ating matamo
Namasdan mo na ba Ligaya at pagkakaibigan
Ang mga (2)______ ng Zamboanga Kaunlaran, kapayapaan.
Bulkang Taal
Halika, biyahe tayo,
Bulkang Mayon
Nang ating makita
Beach ng Boracay at La Union? Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Tara na, biyahe tayo
Tara na, biyahe tayo
Mula Basco hanggang (3)______ Upang ating matamo
Nang makilala ng husto Ligaya at pagkakaibigan
Ang ating kapwa-Pilipino. Kaunlaran, kapayapaan.

Halika, biyahe tayo


Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Nang ating makita Ang ganda ng Pilipinas
Ang ganda ng Pilipinas Ang galing ng Pilipino.
Ang galing ng Pilipino.
Halika, biyahe tayo
From city to city,
Halika, biyahe tayo
Seven thousand and a hundred plus islas (WOW (10)_________)
Sa mahal kong Pilipinas
Halika, biyahe tayo
Luzon, Visayas, (4)_____ ating puntahan.
Halika, biyahe tayo
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan! (WOW Philippines)

Nasubukan mo na bang Halika, biyahe tayo


Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao Halika, biyahe tayo
Mag-surfing sa (5)_________? Halika, biyahe tayo
(WOW Philippines)
Natikman mo na ba
Halika, biyahe tayo
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Halika, biyahe tayo
Bangus Dagupan Halika, biyahe tayo
(6)____________ (WOW Philippines)
at Lechong Balayan?
Ooh...
Tara na, biyahe tayo,
Halika, biyahe tayo!
Nang makatulong kahit pano
Sa pag-unlad ng kabuhayan

Ng ating mga kababayan.


Gawain 3:
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ba ay mga palabas na maihahalintulad sa
lakbay-sanaysay. Lagyan ng T kung wasto ang palabas na tinutukoy at M naman
kung mali.

______1. Weekend Getaway ______6. Biyahe ni Drew


______2. Pinoy meets world ______7. Trip ni Kris
______3. Matanglawin ______8. Biyahero
______4. Motorcycle Diary ______9. Exploring Manila
______5. Balita Pilipinas _____10. Road Trip

Gawain 4:

Panuto: Tukuyin ang bahagi ng isang sulatin. Isulat kung ito ba ay Pamagat, Awtor,
Panimula, Nilalaman, o Kongklusyon.
__________1.Nagtungo kami sa The Arts House, isang dating lumang gusali ng Parliament
House. Naisip ko, malaki ang pagpapahalaga ng Singapore sa kanilang kolonyal na
arkitektura. Sa Pilipinas, ang gusaling Art Deco tulad ng Jai-Alai ay tinibag ng pamahalaang
lungsod ng Maynila. Ang Mehan Garden ay naging car park, nakatiwangwang lamang ang
historikal na Metropolitan Theater.
__________2. Eugene Y. Evasco
__________3. AYOKONG paniwalaan ang payo na huwag mag-uulit ng bansang
pupuntahan. Narinig ko ito sa isang kuwentuhan habang sinasariwa ang mga
paglalakbay.
__________4. Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad
__________5. Kailangan nito ang masinsin at marubdob na masahe sa mahaba-habang
nilakad, kailangan nito ang muling pagkokondisyon sa susunod pang tutuklasing siyudad.

D. Paglalapat

Bakit mahalagang unawain


at matutunan ang pagsulat ng lakbay sanaysay?

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
IV. PAGTATASA

Panuto: Basahin at suriin ang teksto “Taiwan and Only” sa itaas at isulat ang hinihingi ng
sumusunod na bilang:

PAMAGAT

PAKSA

NALAMAN KO

NARAMDAMAN KO

NATUKLASAN KO

NAHIKAYAT AKO

Pangwakas na Pagsusulit:

A. Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang wasto kung wasto ang siyang
nilalaman ng pahayag at di-wasto kung hindi wasto ang tinutukoy sa pahayag.

____________1. Ang makrong kasanayan na pasalita ay binubuo ng mga titik at simbolo


upang makabuo ng mahusay na pahayag upang ilimbag.
____________2. Layunin ng pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dalin ang manunulat sa
kanyang naranasan na paglalakbay.
____________3. Ang hangarin ng lakbay-sanaysay ay upang mahikayat ang manonood sa
paglalakbay.
____________4. Mababaw at magaan lamang ang mga salita na gagamitin ngunit nasa
anyong pormal at nakahihikayat ang sulatin.
____________5. Tiyaking wasto ang sinulat na mga datos makaaapekto ang maling
impormasyon sa pagkabasa nang mambabasa.

B. Panuto: Buoin mo, ayusin ang mga ginulong titik upang maibigay ang hinihinging
kasagutan sa mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. KARUUTL - ______________________
Pagkilala sa nakagisnang kasanayan at makulay na kinalakhan.
2. ANARSANAK- ______________________
Hindi malilimutang nangyari sa buhay. Maaaring may magandang natutuhan.
3. AAPYLGKBKALA - ______________________
Layuning malibang o makapamasyal sa ibang lugar.
4. NOYSATNEMUKOD - ______________________
Pagkuha ng datos na makatutulong sa gagawing pagsulat.
5. AYASNYSA - ______________________
Uri ng lathlain na ang layunin ay makapaglahad ng kaalaman at makapagturo ng
bagong kaalaman .

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Sumulat ng isang lakbay-sanaysay ukol sa naranasan na paglalakbay. Hikayatin ang


mga mambabasa sa magandang katangian ng napuntahan mong lugar
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Pamantayan:

Kaangkupan sa akda 5 puntos


Pagkakabuo ng sanaysay 5 puntos
Nilalaman 5 puntos
Kabuoan 15 puntos

Mga Sanggunian

Filipino sa Piling Larang – Akademik – Kagamitan ng Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon


pahina 1 – 30.

Susi sa Pagwawasto

You might also like