You are on page 1of 12

PAGBUO NG TENTATIBONG Kristino Bacani Saltarin

Secondary School Teacher III


Antonio M. Lacson Sr. Memorial
BIBLIOGRAPI High School
Senior High School Department
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na nagagawa mo ang
tamang pagbuo ng tentatibong bibliograpi.
Paano gumawa ng tentatibong bibliograpi?
Ang kabatiran tungkol sa mga bahagi ng pananaliksik ay
mahalagang malaman ng isang magsasagawa ng pananaliksik,
sapagkat ang bawat bahagi ay mahalaga tungo sa
ikatatagumpay ng mga layunin ng isinasagawang pag-aaral.
Halimbawa:
Ang unang bahagi ng pananaliksik ay binubuo ng sumusunod:
Kaligirang pangkasaysayan
Paglalahad ng suliranin
Saklaw at limitasyon
Kahalagahan ng pag-aaral
Balangkas teoretikal
Balangkas konseptwal
Kahulugan ng mga terminong ginamit
Bibliograpi
Ang bibliograpi o talasanggunian ay listahan ng mga
ginamit na sanggunian; mababasa rito ang pangalan
ng/ng mga may akda; pamagat ng aklat o anumang
ginamit na reperensya; publikasyon; at lugar at petsa ng
pagkakalimbag. Ito ay makikita sa bandang hulihan ng
aklat o ng anumang proyektong isinulat gaya ng
pananaliksik. Nakaayos ito nang paalpabeto upang
madaling hanapin ang sangguniang ginamit.
Halimbawa:
Vassal, Titus. Mahiwagang Tao: Noon, Ngayon, at Bukas.
Pilipinas: Pagasa, 2004.
Kahalagahan ng Bibliograpi
Sa pagsulat ng isang pananaliksik ay hindi maaaring mawala ang bahagi ng
bibliograpi, sapagkat ito ay isa sa mga nagbibigay ng magandang
impresyon sa binuong pag-aaral. Mayroong mahahalagang dahilan kung
bakit kailangang ilakip ang bibliograpi sa aklat at pananaliksik. Narito ang
ilan:
Ipinapakita ng bibliograpi ang lawak ng isinagawang pananaliksik.
Nagbibigay ng magandang impresyon sa isinagawang pananaliksik, lalo pa
kung maraming nakatalang sangguniang ginamit.
Maiiwasang magduda sa nilalaman ng isinagawang pananaliksik ang
mambabasa.
Magagawang hanapin ng sinumang mambabasa ang ginamit na sanggunian.
Madaling balikan ng mananaliksik ang sangguniang ginamit kung muli niyang
kakailanganin.
Maiiwasan ang isyu ng plagiarism.
Paggamit ng Online Database
Mayroong tamang hakbang sa pananaliksik upang ito ay mas
maging madali, lalo pa kung ito ay isasagawa sa silid-aklatan.
Mahalagang unahin munang tingnan ang talaan ng bibliograpi ng
lahat ng aklat, tesis, disertasyon, at iba pang nasa aklatan.
Ang talaang ito ay tinatawag noong card catalog, ngunit sa
kasalukuyan ay mas ginagamit na ang online database.
Gaya ng card catalog, ang online database ay inaayos ayon sa
tatlong paraan-- talaan ng mga may akda, talaan ng mga pamagat
ng paksa, at talaan ng mga pamagat ng aklat.
Ang paraang ito ay malaking tulong sa mananaliksik upang maging
mas madali sa kaniya ang paghahanap.
Tentatibong Bibliograpi
Sa paghahanap ng kakailanganing sanggunian sa online
database ng silid-aklatan ay mahalagang bumuo ang
mananaliksik ng tentatibong bibliograpi.
Ang tentatibong bibliograpi ay talaan ng mga sanggunian ng
mananaliksik sa kaniyang isinasagawang pag-aaral.
Ito ay isinusulat sa 3x5 na laki ng index card.
Pagbuo ng Bibliograpi
Mayroong iba’t ibang estilong sinusundan sa pagbuo ng
bibliograpi, ito ay ang MLA (Modern Language
Association), APA (American Psychological Association),
at Chicago/Turabian. Ang sumusunod na halimbawa ay nakabatay
sa estilong Chicago/Turabian.
Halimbawa:
Aklat
Rolando, Bernales. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan
at Sanayang Aklat sa Filipino 2, Antas-Tersyarya. Potrero,
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2009.
Nakalimbag na artikulo at dyornal
Halos, Ronnie M. “Bigas ang Hiningi Pero Bala ang Ibinigay.”
Opinyon Ngayon, XXXI, Blg.022 (Abril 10, 2016): p.4.
Artikulo buhat sa Internet
Gunjin, Riniko. “Mga Pagsusuri sa Bawat kabanata ng El
Filibusterismo.” Pagsusuri sa mga Akdang Pampanitikang
Pilipino 105 (2007): 150-01. Accessed November 20, 2014.
Website
Youtube Ph. “Difference Between Journal and Article.” Last
modified February 4, 2016.
https://www.youtube.com.
Mga Paalala
Sa panahon ngayon ay maraming impormasyong
makukuha gamit ang Internet para sa pananaliksik na
isinasagawa, ngunit mas mainam pa rin ang magsaliksik sa
silid-aklatan.
Malaki ang naitutulong ng paggamit ng tentatibong
bibliograpi sa pagsasaliksik, sapagkat higit na nagiging
madali ang paghahanap sa may akda, aklat, o paksang
kakailanganin.
Mahahalagang Kaalaman
Ang bibliograpi o talasanggunian ay listahan ng mga
ginamit na sanggunian, ito ay makikita sa bandang hulihan
ng aklat o ng anumang proyektong isinulat gaya ng
pananaliksik.
Nakaayos nang paalpabeto ang bibliograpi upang
madaling hanapin ang sangguniang ginamit.
Sa pagsasagawa ng pananaliksik ay mahalagang unahin
munang tingnan ang talaan ng bibliograpi ng lahat ng
aklat, tesis, disertasyon, at iba pang nasa aklatan.
Ang talaang ito ay tinatawag noong card catalog, ngunit
sa kasalukuyan ay mas ginagamit na ang online database.
Ang tentatibong bibliograpi ay talaan ng mga
sanggunian ng mananaliksik sa kaniyang isinasagawang
pag-aaral. Ito ay isinusulat sa 3x5 na laki ng index card.
Mayroong iba’t ibang estilong sinusundan sa pagbuo ng
bibliograpi, ito ay ang MLA (Modern Language
Association), APA(American Psychological Association),
at Chicago/Turabian.

You might also like